Kabanata 2
@}~;~—
I hate it. Is this my house? "Aunticle! Wala ka talagang taste! What's this!? Even Macchi, hindi papasa 'to maging bahay niya!" He ignored me at nangilo ako sa tunog ng kinakalawang na gate nang buksan niya 'yun. Ta's binigay pa sa akin 'yung kinakalawang na kadena at kandado. Eww! Baka matetano pa ko! I don't care na basta ko nalang ibinagsak ang padlock. Matalim akong tinitigan ni Aunticle.
"Whether you like it or love it. This. Will. Be. Your. Place. Your home." Emphasizing each word. He laugh. I want to protest!
"Aunticle! Wala kang taste! Wala man lang ka-fashion fashion 'tong house!" Err. It's a townhouse at may mababang gate. Ugh. No! Just no! Hindi siya decent sa paningin ko! This house is like in a dramas with kidnapping scenes!
Aunticle faced me. "What? Are you expecting na naka-gift wrapped at ribbon?" I don't know if he's trying to be funny. Eww lang, hindi ko kayang madikit ang skin ko sa kahit saang sides ng bahay. I can apply my knowledge to do housework dahil sa mga naging role ko. Kaya lang...
To my surprise tinulak ako ni Aunticle sa pintuan and I screamed! Kinuha ko yung sanitizer sa bulsa ng bag at todo ang pahid sa braso ko.
"Ang arte mo! Remember! Hindi ka si Lenne Madrigal! Kaya 'wag kang mag inarte!" Tinitigan niya ko mula ulo hanggang paa. "Baka nakakalimutan mo, mas masahol pa ang itsura mo kesa sa bahay na 'to." Humagalpak siya ng tawa. Ni hindi ko nga kayang maupo sa sofa! Pero etong si Aunticle, prenteng prente pang nakaupo. I look around. Ilang steps lang ang layo ng kitchen. Tapos sa entrance pa lang sala na agad. 'Di ba dapat terrace tapos hallway muna?
"I imagine a girl corpse at the ceiling cursing me it looks creepy! Can I hire—"
"No" He said in a stern voice. Urrggghhh!
"Secret maids! 'Yung mga maids sa mansion! O si Pau-pau? Kahit siya nalang!"
"No." Hindi manlang ba siya nag-aalala sa situation ko? Tumayo siya at hinawi ang curtain. Oh must be the bedroom. Katapat non; magkalapit ang CR at kitchen. Err. Turn off.
A few minutes of exploring... we're now outside the house na. When he decided to leave. To go back... Nagpaawa effect ako sa kanya. "Aunticle, can you stay here? I'm suddenly scared."
Hinawakan niya ko sa shoulders. "Sorry I can't, " aniya.
"Pa'no kung may stalker sa labas? Who will I call for help?"
"Sino sa'yo?" he eyed me curiously.
I pouted. "Aunticle naman e! Kala ko magiging undercover agent ako!" Choice ko naman 'to 'di ba? I asked him this! Malay ko ba na eto ang magiging consequence ng hiningi ko! Okay, think of this as a challenge to you, Lenne Madrigal!
Challenge? What would be my reward?
"Alam mo naman na you're not the only one na mina-manage ko?" I nodded. Hindi lang ako ang mina-manage niya. May dalawa pa siyang artistang hawak. He hugged me and whisper to my ear. "Don't worry, after this, they will be surprised and feel the excitement of your comeback."
Impossible.
After two years? Mabilis lang lumipas ang showbiz. Nasa taas ako ngayon, at ang nasa baba ko noon ay papalit na sa akin mula sa taas.
But what can I say? After all, he's my manager. He might do something para sa comeback ko.
Will they still accept me?
Of course! Ako kaya si Lenne Madrigal! Hinahangaan, tinitingala, sinasamba, hinahabol, pinagkakaguluhan—opps! Baka bumagyo, I can't be so sure na baka maraming tagas pala ang roof ng house na 'to.
*
"Sino 'yan?"
"Sinong nagpapasok?" they eyed and gossiping me like some endangered specie.
All right, Inaasahan ko na ganito ang trato sa akin. Ako pa ba? Inaamin kong I am the same as them! Ako na mismo ang lumapit sa sarili kong karma!
"Nag-apply ng JANITRESS?"
"Kahit Janitress parang 'di tatanggapin e? Pero nakakaawa siya sis."
"May mga ganyan palang itsura. Ayaw ko tumayo sa kinatatayuan niya. 'Di ko kaya!"
"May ketong! Parang hihimatayin ako girl!"
Binilisan ko nalang ang paglalakad. Now I know the feeling ng mga nerds being bullied. Psh, buti pa nga ang mga nerds still have their looks. Anong say naman kaya ang looks ko! Hilarious!
This is it na talaga!
Dumeretso ako sa admin, at pinasa ang requirements. At wow lang ang taray ni gurl. Oh I mean ghoul. "Tsk. Dito ka talaga mag- aaral? Wala ka bang ibang choice?"
Parang diring-diri pa siyang kunin 'yung folder! Shocks! Maarte niyang pinapagpag ang folder. Sabay kuha sa drawer ng sanitizer! Napa-O nalang ang kissable lips ko. Mukha ba kong may sakit? Wala akong ketong noh! Umbagan ko 'to eh!
Nakataas ang hinliliit niya habang diring-diri na inilapag sa window ang student form ko. Inirapan ko siya at marahas na kinuha ang kawawang papel. Hah! Akala naman niya ang pretty niya sa braces niya! Wait, I need to find my class!
Speaking, naalala ko 'yung polished nails ko nung nakaraan. Psh! Clean na siya ulit. Pwera sa face ko hmp.
I stopped midway and compose myself. Reminding that I'm Jackie Cuevas. And this is my new role I will create.
Room 201.
8am para sa mga subjects na di na-credit. I sighed, I still need na pasukan pa pala 'to. Next semester, full subjects na. That's good. Kung tuloy tuloy sana ako before, full third year sana ako.
Nakapag aaral naman ako noon, sa bahay sometimes. Kaya lang dahil sa conflict ng sched, may mga araw na putol-putol ang classes. And here me now, na accept para maging 3rd year na. With the power of Aunticle, ewan ko kung anong milagro ang ginawa niya.
Anyway, I'm really clueless here. I can't ask someone for directions! 'Di ko pa nga sila nalalapitan pinandidirihan na agad ako!
If si Lenne Madrigal nga baka tinakbuhan si Jackie Cuevas!
Wait—she can't pala! Because she's dying inside!
Napasimangot ako sa isiping yon. Ang mean ko naman! At sa sarili ko pa!
Change topic. Who kaya sa kanila ang—"Hi! Transferee?"
A pretty lady approached me. Pero mas maganda ako sa kanya. Haha! Pero dahil sa scenario ng buhay ko ngayon... I can picture that she's a princess and I'm a ugly witch. I hate her already?
I shook my head. Literally. Siya ang tanging kumausap sa akin.
I showed her my pitiful reaction, "Opo."
She smiled sweetly at me like one of the Disney Princesses. "May I see. " Binigay ko sa kanya ang student form. Seriously, she looks like a bjd doll. We're the same level of height.
She got her nose pointed, fair skin. Her hair's bob. Hmn, slender hips, and she's exuding of noble air. I shook my head... thinking nahihibang na yata ako. Daig ko pa ang lalake sa paninitig. She's maybe an angel outside, but devil inside. I smirked at that thought. Looks can be deceiving, noted; I'm an actress. At forte ko ang pag aarte.
Who knows she may be a Bitch Inside.
Seems like she caught everyone's attention or me? They hate me, obviously. Bakit nag aaksaya pa sila ng time para tignan ako?
"Jackie Cuevas. Third year Architect, room 201! Ka-block tayo pwera sa mga back subjects." I got startled when she grabbed my hand, at hinatak ako kung saan. She doesn't showing me a look na pinadidirihan ako unlike sa mga taong gusto akong mag-vanish.
Hell I know, pagkauwi mo maliligo ka ng sanitizer. Her reputation at school must be rich. Don't worry dear, wala akong plans para i-sabotage ka.
Suddenly she stopped, and laughed. "Oh! Ako nga pala si Carlyn Gabriela de la Cerda Flores. Haba 'no? Carlyn nalang, hihi." Then, hinatak na niya ulit ako. Sanay na rin naman ako sa attention. In this case iba ang attention na binibigay nila sa akin.
She stopped again. "Can I call you Jackie?"
"Ok."
We're outside the room, then she faced me again. Hindi mo mahahalata sa kanya na 'di talaga siya nandidiri. Or Is she being friendly ba?
"Dito ang room natin, tara." Kaninang maingay at biglang tumahimik. I can hear their gasps and whispers.
"Ba't kasama niya si Carlyn?"
"Wait, tao ba 'yan? Hahaha!"
"Eww, mamaya may nakakahawang sakit pa 'yan. Hawaan pa si Carlyn."
"At mahawaan tayo!"
"NO WAY!"
"Carlyn!" Hinatak siya ni Owl-girl palayo sa akin. "Bakit magkasama kayo? Why she's here? Did she scare you? Or someone's told you?"
Inosente namang tumingin sa kanya si Carlyn. "No. She's our new classmate!"
Napasinghap sila. O.A huh?
"Tara palipat nalang kaya tayo?"
"Bakit ganun ang itsura niya?"
Masama akong tinitigan ni Owl-girl, err tapos sa mga classmates. "Guys, chill. Tinanggap nga siya ni Carlyn... we should... too." ilang sandali ang lumipas bago sila napapayag.
Carlyn chuckles, "classmates mabait si Jackie. " She looked at me at ngumiti siya. Genuine smile. Hah! I can say she's a good actress!
"O' sige, dahil sinabi ni Carlyn tatanggapin namin siya. 'Di ba classmates!?" Nag si-ayunan naman ang lahat. Hinawakan na naman niya ako sa kamay. Matalim ang mga tingin nila sa akin oh-oh! Trouble agad sa first day!
"Seatmates nalang tayo." she said.
Few minutes ay dumating na 'yung prof namin and started the lesson. As expected, ilag ang mga tao dito. Ewan ko lang dito kay Carlyn. I still don't know her yet.
I feel sleepy. 2pm my siesta time. If may lock-in taping madalas tulog ako sa tent. Pero hindi ngayon! Dahil nasa school na 'ko! And this is what feels like!
Breaktime.
"Carlyn. Sasabay ka ba sa amin?" Owl-girl approached. Nakangiting umiling naman sa kanila si Carlyn, dahilan para paningkitan ako ng tingin ng mga balahura. Hey, what did I do really?
"Canteen tayo?" alok niya sa akin. "Anong gusto mo?"
Sa totoo lang, wala akong idea. At a times like this si Pau-pau o Aunticle ang nagde-decide para sa'kin.
But wala sila at ako lang mag-isa dito.
I clenched my fist, at looks at Carlyn. "Kahit ano."
Nanatili lang ako sa table, hindi rin naman nagtagal ay nakabalik din agad siya. I see, pinauna siya sa cashier.
After a few minutes, Carlyn gave me a tour around the school. And wow, sikat pala siya dito! In every corner, some students even teachers gave their greetings!
Speaking of greetings kanina ko pa napapansin ang paninitig ni Carlyn habang naglalakad kami. Hmp, parang what's on your mind? Is it like—Ugh! Tao pa ba to? Baka alien!? And look at her face! Lahat ng kapintasan sa mukha sinalo niya! Sobrang pangit! Nakakasuka! Is that a rare disease? Paano kung mahawaan ako?
Or—Sobrang bait ko talaga! Tiyak tuwang-tuwa na naman sakin ang mga teachers at co-students ko. Pakisamahan ko ba naman ang ito? Malamang iniisip nila na napaka-down to earth ko. Tapos tawang mangkukulam.
Or—Pakikisamahan ko muna si panget, saka ko papadispatyahin! Nakakasuka siya dito sa school! Ugh! Lalo pa't pagala-gala! My poor classmates, para sa inyo kaya ako na ang magsasakripisyo!
Siguro puro ganyan ang laman ng utak niya. I know people like you. Likes of you.
"Apat ang canteen dito sa school," She got my fully attention. She continues,
"uhm... pansin ko lang, kung paano ka kasi maglakad. May experience ka ba sa modeling? O pagdating sa poise? O nagco-coach ka? May experience ka sa ganoon?"
I stopped walking. Crap, how do I walk? My poise? Funny, with this looks. Hindi talaga compatible. I can be the coach!
I need to focus on my role. Naturingan pa naman akong artista.
What I showed her my refreshing emotion. A feeling that someone acknowledge me despite being a loner all my life. A relief having somewhat called, friend. "Ah! You're right! Tama! Nag-co'coach ako minsan at meron rin naman nagpapa-coach sakin hehe! Uhm... mga Little Miss o Miss gay ganun—" i just shrug. Umiwas ako ng tingin after giving a slight smile. To keep my role. Kasama 'yon.
"Nakakatuwa naman! No wonder! Your posture looks natural! Ang galing mo. "
How do I walk or how my posture parang nasa runaway ba?
I can't help but feel depressed. I'm a failure as a actress!
5pm natapos lahat ng subjects ko. Kapag hindi ko kasama si Carlyn, doon na 'ko na-bubully, like what did I do their Carlyn, ano daw yung bad motive ko blah blah blah. She's one pala of the student body. Figures.
This is my first time na malaya akong nakakapaglakad pauwi, parang kailan lang kahit 10 meters lang ang layo nakasakay na ako sa car so that I can't be mobbed by fans.
I'm so hungry, nagawi ang tingin ko sa fishball vendor. But Aunticle won't allow me to eat those... sabi nila masarap daw eh, lalo na daw yung orange egg. He always warned me baka daw kasi sumakit yung tyan ko kaya hindi ko na sinubukan. Yeah, nakakadiri ang kumain sa ganoon, but I'm here anyway. Experience of all things.
Hindi ako nakatiis at naglabas ng limang piso. I decided to buy fish ball first for starters, hehe. Bahala na kung sumakit ang t'yan ko. I going home na naman anyway!
> > >