Kabanata 5
@}~;~-
She's still looking at me at humalumbaba pagkatapos ay tumawa, "nadidistract talaga ako sa front teeth mo." pang-aasar niya. "Pabunot mo nga 'yan! Hahaha. May pangkulam ka nga kay direk Car wala kang pangbayad sa dentista hahaha"
Umiling ako. No, baka himatayin kapag hinubad ko 'tong pustiso!
'This is your fault Aunticle!' I shouted in my inner cries.
"Takot ako sa dentista." sabi ko nalang.
"Hahahaha—" pumasok na si Carlyn.
"Mag-ready ka na and where is your stylist?" puna niya kay Wendy.
"Pabalik na siya, kasama si Mark."
"Ok. And Jackie, pinapunta kita dito dahil may scene si Wendy na nahihirapan siya dahil sa posture, kaya I need your help."
"Hindi dahil sa nahihirapan ako, di ka lang satisfied."
"Marami akong issue na hindi satisfied—"
"Let's find out!"
There's a scene that she really needs this training. Her character is a aristocrat that demands elegance.
Nagtugma lang sa kanya ay parehas silang bully.
"Here's a scene na pinapalo sa knees ng dad ni Elise. Nakatayo lang d'yan si Elise, struggling but hindi ipapakita sa dad niya na nasasaktan siya. Give me that feeling na dapat ipakita ni Elise her noble air and elegance despite her suffering! Let me see the fake blood nandito na ba si Pia."
Nabasa ko sa script na ang character ni Mark ang sasagip kay Elise.
Elise parents are strict. Disiplinado sa harap ng parents but hindi alam ng parents that Big sister si Elise ng sorority. She's a brutal and find pleasure sa screams ng little sisters sa sorority.
And supposedly character ni Mark (Gael) her adopted brother became a couple with Elise.
Err. a cliché story.
At the back of her knee is bleeding a lot. But Elise is exuding with elegance. Like a noble aristocrat.
Iyon ang gustong makita ni Carlyn kay Wendy.
Okay!! I'll do my best! Let's see Wendy... nilapitan ko siya and please remove that disgusting expression face you're giving me! "Gagawin ko ang makakaya kong i-coach o i-train ka and please do your best also!" at looked at her eye to eye.
She did the same and after a while she nodded.
"How to cultivate an Elegant posture, stand straight. Think about your body" hinawakan ko siya sa shoulders, "your shoulders are hunched forward, " and I gently pull them back.
I gained confidence when Wendy obeys me. So I continued, "hayaan mo ang head and chin rest comfortable. Masyadong stiff."
I noticed Carlyn also watching us. "Sit down and stand up... slowly and mindfully. Sit with your bottom toward the back of the seat," I demonstrated to her "keep your back straight and your head and neck comfortable."
I forgot my circumstances, my appearance and my standing once I'm focused on something. Namalayan ko nalang nandito na ang lahat at ready na mag-shoot.
Wendy absorbed our training and she's on the zone. She got the scene in one take! And Carlyn is satisfied.
"This will be uploaded as a Web drama. So di siya malaking production. Si Wendy at yung boyfriend niya ang nag-establish kasi gusto nila mag-artista. Kung mag-viral ang video dun papasok ang offers. Ako? Napili lang nila mag direk ng videos nila." explanation ni Carlyn after ng shoot.
Nighttime.
I need to go out para bumili ng toothpaste at ulam! Bakita parang na-trauma ako kung sino ang susunod na sasalubong sa akin na nasaksak!?
Inilabas ko lang ang ulo ko sa pinto para sumilip. Madilim na sa labas at tahimik.
"Okay. Mabilisan lang!"
Lumabas ako at tinakbo ang katapat na tindahan.
Mabilis akong nakabili at binubuksan ang gate nang may kamay na dumagan sa balikat ko. "Eeeeek!" and nakita ko si Gab without saksak!
But he's pale.
Sa umaga si Carlyn, sa gabi si Gab! Ano ba talaga ang kailangan sa'kin ng kambal ng tadhana? May quest ba sila na gambalahin ako?
"Anong pinagsasabi mo na personal maid kanina?!"
"I told you, pinagkakatiwalaan kita. Kung ayaw mo ng personal maid, personal nurse nalang..."
"Are you kidding me right now?!"
"Caregiver? Come on, tell me your conditions. Because I don't trust them..."
Tinitigan ko siya sa mata, he looks serious. Feeling ko talaga umaakting lang sila. Hindi sa naniniwala ako sa kanila kundi curious ako kung anong plano nila because I am interested sa kanilang dalawa.
So I decided to test their endurance. "Fine, but ako ang mag bibigay ng kontrata."
On my way to my next back subject! Mula sa malayo ay natanaw ko ang kumpulan ng mga girls sa dadaanan ko.
Oh noes! My classmates are with them! What what what!? What a intense gaze! Parang alam ko na kung saan papunta ito!
Bunch of bullies.
I hate pain, umiba ako ng ruta.
Too late. A groups of guys naman sa likod ko. Papalapit na rin dito ang mga babae. Pinalibutan nila ako.
"Tatakas ka pa panget ah?" Inungusan ako netong ni girl. Na binudbudan ng harina sa mukha. Okay, I'll call you flour-girl.
I need to play my weak role. "Maawa po kayo..."
Naghagalpakan sila ng tawa. Gan'tong gan'to ang mga settings sa mga palabas. Kadalasan, ang solution if may dadating na savior. Si Carlyn! But I'm guessing she will not come. At tuluyan na kong mabubugbog. Okay, another scenario. I can't let them bugbog me! I can fight back! Don't judge the book by it's cover. And I'm seeing na hindi sila madadaan sa pakiusap. Just waiting for them to initiate. Pero kinakabahan ako.
"Tao pa ba 'to? SOBRANG PANGET!! "
"Sa sobrang panget! Hindi namin matanggap na hinalikan ka ng aming prince charming!" Sabi nung lalake. Pogay pala itey.
I almost forgot about that!
Nagpaawa effect naman ako, I cannot be cute with this face.
Bully student-1 grabbed my arm, "Gurl, paalala mo nga mag alcohol mamaya. Nakakadiri! Nahawakan ko 'yung braso niya!" Hah! It's new to my ears! Sila pa talaga ang nandiri na mahawakan ako?
Nananahimik ako dito! Toughen up Jackie! "Kung nandidiri kayo sa akin, layuan niyo nalang po ako." Adios!
"Hep hep!" pagpigil niyang muli sa akin. Suddenly slapping me, surprisingly It doesn't hurt. Ibang klaseng quality ng prosthetic. Siguro dahil trained na 'ko sa sampalan?
Unsatisfied, she hit me more and tweaked my wig. Oh-no! I hold into it very tightly! May nakikisali pa!
This is bullying! Magf-file ako ng complaint—Kahit anong pilit kong ako si Jackie Cuevas na optimistic. Ah! Bahala na!
Hinila ko ang buhok ni Flour-girl at buong lakas kong tinulak dun sa tatlo pa niyang kasama. Nagtilian sila at tumalisod.
"Aba't! Lumalaban!" Si beki. Na obvious din namang beki din yung dalawa.
'Dahan dahan naman sa wig baka matanggal! Ahhhh'
These guys, they didn't see me as a woman!
Action~!
I dodged the punch that comes my way. Twist my waist for a high kick to his nose and jaw for another bully!
Lowering my waist to do a back kick and seeing them lose their balance.
Sprinting to the other side of bullies. For executing Turning kick and side kick, and for the last bully fellow the front and powerful kick.
"Uggghhhh..."
"That'll teach you! Mga bully fellows! Hah!" I breathe out.
Unexpectedly, may sumakal sa akin mula sa likod. "Gusto mong ma-headline huh?!"
May tumulong pawis pababa sa leeg ko. Nakahinga ako agad dahil kumawala ang braso niya sa akin. Namalayan ko nalang nakatihaya na siya at nakita ko si curly-boy; hinihimas ang kamao. He showed me his devilish grin.
Puzzled. "I saw everything. Didn't expect—"
"I know!" hinihingal kong sagot.
With curiosity in his eyes, lumapit siya sa akin. Now this close, he seems so familiar.
'Yung tingin niya parang tagos-tagusan. Parang may ina-analyze siya na di niya matukoy. I need to excuse myself na!
"Thank you! S-sige, may klase pa ko. "
"May klase din ako. Classmates tayo 'di ba?" What is he up to? But I ran anyway.
"Sa back subjects ako papasok! " Bago pa 'ko makalayo ay narinig ko ang sinabi niya.
"May back subject ka? Akala ko matalino ka..." aniya at humalakhak, "ano pa kaya ang aasahan ko sa'yong unexpected hmm?"
Dahilan ko lang 'yon, TTH lang naman kasi!
Magkasunod lang kaming pumasok ni Curly-boy sa room. It seems na wala pa dito yung dalawa pa niyang kaibigan kaya ako 'yung kinukulit niya!
Natagpuan kong nakaupo na si Carlyn sa kanyang upuan. Mukhang busy sa pinapanuod sa cellphone at nag te-takedown notes.
Mabilis lumipas ang oras at natapos ang klase. Then Carlyn offered me a ride, "No walking distance lang!" reason ko.
She stared at me in a while and says, "di pa kita nababayaran. Tara sa bahay."
Nasa backseat kami pareho ni Carlyn. Dinadama ko ang lamig ng aircon. Dahil naaalibadbaran na 'ko dahil sa suot ko sa mukha! Kanina pa namamawis ang face ko sa loob ng mask na 'to. Para akong hihimatayin kanina. 'Ahh I'm having a headache!'
Tapos traffic pa naku! Carlyn's frowning. So I followed her gaze, Nakatanaw siya sa batang lalake, pinapagalitan ata ng ale. To my surprise, binuksan niya ang door at binalingan yung driver. "Manong, saglit lang po ako."
Naiwan kami sa loob.
"Di mo sasamahan si ma'am?"
I silently groaned then followed her.
Napansin ko na parang may nag-aaway. Nakita ko yung aleng hahampasin na ng bamboo 'yung bata. Dahil sa adrenaline rush ni Carlyn ay napigilan niya ito. "Ale, tama na po. Nasasaktan ang bata." Mahinahon niyang sinabi. Halatang nagulat pa ang ale because of her meddling. Itinago ni Carlyn sa kanyang likod 'yung batang iyak ng iyak. Pa'ng MMK 'to.
"Wag kang maki-alam dito! Anak ko 'to!" Dinuduro niya si Carlyn habang hawak yung bamboo. Now that I remembered. Sa isa sa mga naging teleserye ko noon. Ganito din ang eksena. Pero bestfriend ko 'yung supporting actress sa story. Kinakawawa din kasi siya ng nanay niya doon. I groaned, speaking of teleserye, kaya pala pinapa-balik ako ni Aunticle. Kasi magkakaro'n ng presscon about sa nalalapit na ending sa teleserye. Na dapat nanduon ako. They know naman na I'm on my vacation ah?
"'Wag niyo po siyang saktan, bata lang siya. Kayo po dapat ang nakakaintindi non 'di ba po?" Pakiusap ni Carlyn sa ale. I almost forgot na may nagaganap pala!
Of course nagulat ang ale. "Gagawin ko kung ano gusto kong gawin sa kanya! Dinidisiplina ko ang anak ko! "
"Pero sobra na po iyan! Saka ihahampas niyo po 'yan sa anak n'yo? Kawawa naman po."
"Wala kang alam dito, dahil hindi ka pa magulang!" singhal niya sa kanya. Ilang sandali pa'ng tahimik si Carlyn.
"JC! Halika dito!" Pilit niyang inaabot ang umiiyak na bata sa likuran ni Carlyn. I curiously looked at Carlyn, she's crying too. Pressing lips together into a thin line, halatang nagpipigil ng frustrations. "Hindi naman ikaw ang nanay niya, bakit nag d'drama ka dyan!"
It's like she never noticed she's crying. Natawa siya, at her sudden realization. "'Yun na nga po eh... Hindi ko siya anak, at lalong di ko siya kaano ano. Bakit ako umiiyak?" sabay punas ng tears, "Ikaw ang nanay niya... kaya mo po ba talagang saktan siya sa marahas na paraan? Kung anuman po ang nagawa niya dahil bata lang po siya, at inosente pa. Hindi naman habang buhay na bata lang siya, kaya wag nating ipagkait sa kanya ito." Wow, nice acting! Na-iimpress na talaga ako sa'yo. Be flattered, because I'm acknowledging you.
At mukhang tumalab dahil nahabag ang kanyang ina at umiyak. Tumakbo sa nanay ang bata at parehas na silang tatlo nag iiyakan. "Hindi sa gusto ko siyang saktan! Nag alala lang ako! JC! Bakit mo 'yon nagawa at pinag alala mo ako!"
"Nanay! Patawarin mo po ako... Maling-mali po ang ginawa ko!"
Dahil sa kaguluhan may pulis at baranggay na rumisponde, now we know the reason why. Her child is a member of a syndicate na ginagamit nila for pick-pockets.
Pati na rin tuloy ako, nahawa na sa kanila.
Then, nagkatinginan kami ni Carlyn. She gave me her warm smile, tumingin ulit siya sa bata then pats his head. "Mapatawad mo rin po sana ako. Wala po akong masamang intensyon." She bid her goodbyes sa ale and to her son.
And to me? Just a mere bystander.
Hanggang sa makalayo kami, sinundan ko siya. She's still crying and she said to me, "you know... dapat kinausap ko yung nanay privately not to condemn publicly. I didn't know the first thing what happened! I really hate this habit of mine!"
'Paano kung hindi talaga siya umaakting lang?'
I shook my head. Leaving those thoughts behind. Naturingang artista! She's just acting like myself okay? What's happening to me?
Delete 'Doubts.file' transferred to Recycle Bin. Click 'Empty Recycle Bin' Okay delete na!
I smiled back at her, "pero dahil sa'yo nagkapatawaran sila sa isat-isa. Kung hindi ka nangialam baka hindi sila nauwi sa ganoong conclusion dahil sa galit at pag alala ng nanay ay hindi sila magkaayos. Tutulungan sila ng mga pulis, alam na ng bata na mali ang nagawa niya at babawi siya sa nanay niya. "
"She sniff, "but still!" and she cried hard.
Okay, here it goes... "Hindi ka masamang tao."
No reply? Ganern? Na hearzoned lang ako. Saan na ba yung sasakyan kala ko ba...
Carlyn hugged me.
Ahh... I nodded as my realization. Baka naman dahil mission accomplished na naman siya. Lumabas na she's really kind, at madaling mapaniwala ang tao. Dahil kung titignan sa achievement awards . She acquired: 'Pretty', 'Down to earth', 'Kind', 'Rich', and 'Responsible' title awards.
And I bet she's laughing in her mind. Wagas. Plannning her next moves.
At first, natutuwa pa ako sa kanya. I'm interested in you pa naman. Why I feel this nakakairita? Because of her acting spills!? Bakit parang true to life?
Breathe in, breathe out Jackie.
Sinundo kami ng driver pinagbuksan siya ng pinto, hindi siya agad pumasok; hiranap ako ni Carlyn. "Jackie! Thank you! I feel better now!" pinunasan niya ang sipon at tumawa.
Pagkauwi sa mansion nila, dinala niya ako paakyat sa stairway na na-appreciate ko talaga. Why?Kasi madalas akong mag-elevator.
Papasok kami sa kwarto niya! Pagkabukas ay binuksan niya ang mga ilaw.
Her room is bright, spacious, simple but elegant. I stopped by and stayed at her fur carpet sa kanyang mini sala, sitting comfortably. I settled myself there.
As I wait, my breath hitched sa familiar posters. Don't tell me na kabilang siya ng LenVey Fans? Poster 'yun ng recent movie namin!
At hindi lang iyon... so I got up and walked...
Natulala ako sa halo-halong merchandise ni Lenne Madrigal na nakatambak sa kanyang kwarto. Kakasabi ko lang kanina na spacious ang kwarto niya! May sarili siyang shelves for magazines, freebies at CDs ni Lenne Madrigal. Naka-framed naman ang photos at fan arts sa wall.
I turned my body. For a second, my heart skipped a beat.
She screamed and I'm done with her, "FAN KA DIN NI LENNE MADRIGAL?! OH MY GOSH!!"
> > >