Chereads / Love In Between (Love Series #1) / Chapter 3 - CHAPTER 2

Chapter 3 - CHAPTER 2

Krystal's POV

Halos mag aalas-otso na akong nakauwi kagabi dahil pinag-iisipan ko pa rin ang mga sinabi sa akin nila Sister Mely at ni Owen di ko alam kung bakit pero malakas ang pakiramdam ko na dapat ko na ngang gawain ang mga bagay na gusto at mahal ko,kailangan kong gawin para sa sarili ko…

Pag uwi ko kagabi,gaya ng inaasahan ko nakita ko doon si Mark sa tapat ng aming bahay na nakasandal sa kanyang  sasakyan habang matiim na nakatingin sa akin at mahahalata mo na rin sa kanya na kanina pa siyang kating-kati na pumasok na.

Pagbaba ko pa lang ng sasakyan sinalubong na agad niya ako ng kanyang matatalim na mata at salita "Tangina naman Krystal saan ka nanaman ba galing ha?! " Nanggagalaiting bulyaw niya sa akin, para sa akin sanay na ako diya halos araw-araw na  naman niya akong ginaganyan kaya parang wala na iyan sa akin.

"Sa orphanage dinalaw ko sila Sister Mely at mga bata doon" walang ganang sabi ko sabay bukas ng pinto,pumasok na ako at hinayaan ko na lang siyang pumasok ni hindi ko na rin siya tinapunan ng tingin akala ko doon na nagtatapos ang pagtatalo namin ngunit hindi pala,dahil nag init ang ulo ko sa mga sunod niyang binitawang salita .

"Tangina naman talaga Krystal inuna mo pa yang mga inutil at walang kwentang tao na yan kaysa sa a-" naputol ang kanyang sabihin ng dumampi ang palad ko sa kanan niyang pisngi,rinig na riniig ko ang paghampas ng palad ko sa mukha niya,halos tumabingi na rin ang kanyang mukha pakanan sa lakas ng sampal ko sa kanya.

"Wala kang karapatan na pagsalitaan sila ng ganyan Mark! Wala,dahil wala kang alam sa natulong at nagawa nila para sa akin noong mga panahong kailangan ko ng karamay! And for fuck's sake! May kasunduan tayo na kapag lumabas tayo ng pintong yan wala na tayong pakialamanan 'di ba!? Sinusunod ko yun kaya please lang sundin rin mo yon tangina!" Nanggagalaiting sigaw ko sa kanya dahil punong puno na talaga ako ako sa kanya lahat na lang pinapagbigyan ko na siya pero iba na ngayon he reach my limit, halos maputol na nga ang aking litid kanina kakasigaw "And one more thing Mark kung di mo ako kayang irespeto bilang asawa at tao,please lang kahit sila man lang irespeto mo kase sayang lang yang pinag-aralan mo kung di ka marunong rumespeto ng kapwa mo" dagdag ko pa sa kanya bago ako umalis sa harap niya at pumasok na ulit sa aking silid.

Pagkasara ko pa lang ng pinto ng aking silid agad na nagunahang tumulo ang aking luha di ko na talaga kaya lahat ng ginagawa at sinasabi nya nakakapagod din pala talagang magpanggap na malakas sa harap ng iba,sawang sawa na ako. For almost 5 years tiniis ko siya pero sagad na sagad na ako,maybe this is the right time na gawin ko naman ang gusto. Ito na ang simula ko. Bagong simula sa panibagong bukas…

Maybe ito na rin ang tamang pagkakataon para kalimutan ko na si Mark,yeah ito na nga magsisimula na akong mag move on sa pagmamahal naming ako lang naman ang lumalaban at ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. "Sana maging maayos ang kalabasan nito" pag kausap ko sa aking sarili habang patuloy pa rin ang luha kong nag unahang tumulo sa aking mata,at pinipilit ko ring itago ang aking mga hikbi.

Kailangan kong maging matatag at maging mas malakas ngayon,dahil sa pagkakataong ito sarili ko na lamang talaga ang aking kakampi sa mundong puno ng kasinungalingan….

Nagising ako kinabukasan ng namumugto ang aking mata,kaya upang mabawasan ang pamumugto ng aking mata ay agad akong pumasok sa banyo ng aking silid at naghilamos at nagsipilyo na umabot ako ng limang minuto sa banyo at paglabas ko ng banyo ay agad kong kinuha ang aking cellphone at agad kong tinawagan si Eunice.

"Hello Eunice.." sabi ko sa kabilang linya na malumanay ang boses.

"Hell! Totoo ba to ikaw talaga ang tumawag sa akin ngayon Krystal?!" Hysterical na bungad sa akin ni Eunice sa kabilang linya.

I rolled my eyes and answer her "Whatever Eunice,tumawag lang ako para sabihing magkita tayo sa  Beanery City Stucks Cafe" sabi ko kay Eunice sa kabilang linya.

"What gusto mo akong makipagkita sayo ngayon?! As in ngayon talaga?! Weyt nakabalik kana ba galing Europe?! Weyt bakit di m-" Hysterical na naman niyang sabi sa akin ngunit pinutol ko na ang iba pa niyang sasabihin sa akin.

"Pumunta ka na lang Eunice at exactly 10 AM and you know me hindi ko gusto ang nalalate sa call time bye" yun na lang ang sinabi ko sa kanya bago ko siya baaban ng cellphone.

Pagkatapos kong babaan ng phone si Eunice nagdesisyon na akong maligo dahil pasado alas-nuwebe na rin,halos abutin din ako ng isang oras sa banyo para lang mabawasan ang pamumugto ng aking mga mata.

Pagkatapos kong maligo,nagdesisyon akong magsuot ng itim na  knee-length skirt at pinaresan ko ito ng puting tailored button-down shirts at nagsuot nalang ako ng di kataasang prada heels. Nagsuot na rin ako ng shades para di mahalata ni Eunice ang pamamaga ng aking mata,di na lang din ako nagsuot ng mask tutal lalabas naman na ako sa mundong ito…

After kong mag-ayos ay kinuha ko na ang susi ng aking sasayan,wallet at aking cellphone. Pagbaba ko ng hagdan as usual wala na doon si Mark malamang nandoon na iyon sa kompanya nila. Hindi na ako nag abalang mag almusal pa doon na lang siguro ako kakain. Pag labas ko agad ko ng ni lock ang pinto ng bahay at dali-dali na akong sumakay sa aking kotse at pinaandar ito papunta sa Beanery City Stucks Cafe.

Halos dalawampung minuto akong nag drive bago nakarating sa cafe pagdating ko sa cafe ay konti pa lang ang tao kaya't agad kong hinanap si Eunice pero wala pa rin siya kaya't naghanap muna ako ng mauupuan namin at nag order na ng pagkain namin ni Eunice.

I order Stir-fried Chicken and Basil with Rice and Fried Egg,and ang inorder ko para kay Eunice ay Spicy Mince Pork with Chili Paste with Rice and Boiled Egg dahil alam ko namang mahilig ang babaeng yun sa spicy dishes and for our drinks I ordered a cappucino and espresso for Eunice at sakto din pagkatapos kong mag order at malapag na sa table namin ang inorder ko ay dumating si Eunice. She's wears a black trouser paired with a maroon turtleneck and she also has sunglasses and her outstanding prada bag and heels. Wala pa rin siyang pinagbago she's so pretty as always

When she see me I smirk at her,tumayo ako para puntahan siya at yakapin nang siya ay aking yakapin parang di talaga siya makapaniwala na nandito ako ngayon sa harapan niya still she have this attitude always shock

"Let's seat and eat and after that sasagutin ko ang mga tanong mo Eunice" sabi ko sa kanya at sabay hila sa kanya and she's still starstruck to me hell! Hinayaan ko na lang siya at nagsimula na akong kumain minutes had pass pero di pa rin niya ginagalaw ang pagkain niya

"Hindi mo ba gagalawin yan? Sayang naman ang inorder ko alam ko naman na paborito mo yan e" kunwaring nagtatampong sabi sa kanya

"You know what pasalamat ka kaibigan kita kundi ay nako girl?!" Sabi niya sa akin sabay tanggal ng shades niya and to be honest she look much mature unlike before. Namiss ko na talaga itong babaeng to tss "After we eat sasabihin mo sa akin lahat ng nangyari sayo for that almost 5 years. Pag sinabi kong lahat lahat walang labis walang kulang" dagdag pa niya,I just rolled my eyes and continue eating 

Any yes sasabihin ko na sa kanya lahat ng nangyari sa akin for that almost 5 years of pain on hands of my cruel husband

So after we eat she's looking on me intently and I can't take it kaya iniwas ko na lamang ang aking tingin sa kanya ilang minuto rin kaming natahimik hanggang sa binasag ni Eunice ang katahimikan sa pagitan namin 

"So tell me kelan ka pa nakabalik galing sa Euro-"putol ko sa sasabihin niya ng magsalita ako

"I've never been in Europe Eunice for that almost 5 years,I've been here in the Philippine sneaking for everyone who know me" malumanay na paliwanag ko sa kanya,nakit ko kung paano lumaki ang kanyang mata at bumuka ang kanyang bibig

"What nandito ka lang sa pilipinas sa loob ng limang taon na iyon Krystal?! Wow! What a good liar Krystal?!,alam mo ba kung gaano ako nag-aalala nung pumunta ka sa letseng Europe na yan tapos malalaman ko na nandito ka lang sa Pilipinas?!" Halos pasigaw na sabi sa akin ni Eunice,hindi ko siya masisisi nagsinungaling ako sa kanya pero alam kong maiintindihan niya ako 

"I lied because,I've bee-" putol sa akin ni Eunice,"What Krystal another lied again?!" Galit na naman na sigaw niya,medyo naiinis na rin ako dito kay Eunice pero pinanatili kong ikalma ang sarili ko

"No" matapang na sabi ko kay Eunice habang sinasalubong ang kaniyang tingin 

"Then what?!" Tanong na naman niya

"Kung pinapatapos mo kaya muna ako sa sinasabi ko diba?!" Pigil na sigaw ko sa kanya 

"Sorry, continue now di ako magsasalita makikinig ako sayo ngayon" malumanay na saad sa akin ni Eunice and I can see sincerity in her eyes

"I lied to you because,I've been married for years" sabi ko sa kanya sabay pakita ng singsing na nakasabit sa aking kwintas ginawa ko itong pendant dahil nga di naman pinapasuot sa akin ni Mark ito depende na lang kung nandyan ang pamilya namin. Kitang kita ko ang gulat sa mga mata ni Eunice sa nalaman kaya't bago pa siya makapag react ay kinuwento ko na ang sunod na nangyari

"Pero ang akala kong masayang buhay kong may asawa ay naging kabaliktaran dahil for almost 5 years Eunice I've been through a lot of pains for my cruel husband. Hindi niya ako mahal at kahit kailan hinding-hindi niya ako mamahalin,dahil at first place hindi niya naman talaga ako mahal" sabi ko kay Eunice hindi ko na napigilan pa at naiyak na ako nag unahan na mang tumulo ang aking mga luha kung kanina ay gulat ang nakikita ko sa mga mata ni Eunice ngayon ay awa at galit hindi ko na talaga kaya pang ikwento sa kanya ngunit pinilit ko ang sarili ko na ipagpatuloy ang pagkukwento sa kanya

"Lahat ng mga masasakit na salita tinanggap ko sa kanya kahit pa ang itanggi ako bilang asawa niya sa harap ng mga tao tinanggap ko Eunice! Ang sakit lang na sa lumipas na panahon ng pagmamahal ko sa kanya kahit kailan di pa rin niya ako nagawang mahalin! Bakit ano pa bang kulang sa akin sabihin mo nga Eunice!" Paglabas  ko pa sa kanya ng mga hinaing ko habang umiiyak at pinipigilan ang pag hikbi ko. Akala ko kanina ubos na ang mga luha ko pero nagkamali pala ako. Agad akong dinaluhan ni Eunice niyakap niya ako at hinahagod ang aking likod,binigyan niya rin ako ng baso para kumalma ako

"It's ok Krystal nandito ako hindi kita iiwan best friend tayo diba? Tutulungan kitang kalimutan siya kaya shsss tahan na" pag aalo pa sa akin ni Eunice she's really my best friend.

"You know Eunice ilang beses na akong pilit na nag mo-move on sa kanya ilang beses na pero tangina mahal ko pa rin talaga siya" sabi ko pa kay eunice habang patuloy parin sa pag iyak,hindi ko talaga alam kung bakit mahal ko pa rin si Mark kahit na ilang beses na niya akong sinaktan at paulit-ulit na sinasaktan

"Tahan na Krystal,I'll promise I will help you forget that jerk " pag aalo pa niya sa akin sabay tanggal ng aking shades para tuyuin ang aking luha ng makita niya ang aking mga mata

"What happened to your eyes Krystal?! Pinaiyak ka nanaman ba ng gagong yon ha?! Tell me and I'll cut his dick" Galit na sabi sa akin ni Eunice tatayo na sana siya pero pinigilan ko dahil baka makaagaw pa kami ng atensyon ng ibang customer marami-rami pa naman na ang mga tao dito ngayon sa cafe kaya mas mainam na pakalmahin ko muna si Eunice bago ko sa kanya ikwento ang nangyari kagabi sa amin ni Mark

"Hey, keep calm. I don't want to have a scene here,and about my eyes, Uhm… we had a small fight with Mark pero ok naman na kami ngayon e" pagsisinungaling ko kay Eunice

"You think you can fool me? Stop lying Krystal. Bestfriend mo ako kaya alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi" saad ni Eunice sabay hawak sa aking mga kamay. Dahil sa sinabi niya ay nanubig nanaman ang aking mga mata. Kailan ba mauubos ang mga luhang to. Nakakapagod ng umiyak ng umiyak gusto ko lang naman na maging masaya 

"Stop crying Krystal we will find way para makalimutan mo yang Husband mo. What if bumalik ka na lang kaya sa pagiging Doctor mo? I'm sure papayagan ka naman ng 'asawa' mo diba?" Suhestiyon ni Eunice, maganda nga iyo maybe ito na nga ang oras para bumalik ako sa mga bagay na ginagawa ko noon

"Ok fine babalik na ako sa Hospital namin ako na lang ang magpapaliwanag kila Mommy and Daddy kung bakit kailangan kong magtrabaho" mahabang paliwanag ko kay Eunice, she knows how strict my parents are kaya alam niya kung bakit kailangan ko pang mag paalam sa kanila

"By the way gusto mo bang pumunta muna sa condo ko?" Alok sa akin ni Eunice,pasado 11 palang naman ng umaga kaya kaya pumayag na ako dahil kung uuwi na ako tiyak na mabuburyong lang ako doon

"Sige maaga pa lang naman e, and gusto ko rin munang mag bonding tayo ang tagal nating hindi nagkita e" pagsang ayon ko sa kanya sabay hila sa kanya palabas ng cafe na para bang isang excited na bata

Pareho kaming may dalang sasakyan kaya nag convoy na lang kami, syempre nauuna siya dahil hindi ko naman alam kung saan ang condo niya. Lumipas ang isa't kalahating oras bago kami nakarating sa S. M. Yonge Condominiums kung nasaan ang condominium niya pinark muna namin ang mga kotse namin sa parking lot bago pumasok sa loob

Nasa lobby na kami ng mag tumawag kay Eunice sinagot niya muna ito kaya't niwan akong nakatayo mag isa. Habang pinagmamasdan ko ang buong condominium ay di sinasadya na may nabunggo ako 

"Oh my ghad!" Hysterical ko na sabi sa babaeng nabunggo ko nakita ko kasing nalaglag ang mga paintbrush na dala niya pati ang iba pa niyang gamit na dala. She's beautiful and she looks like an angel so innocent and pure

Agad ko siyang tinulungan na damputin ang mga gamit na nabitawan niya at humingi ako ng paumanhin paumanhin sa kanya pag kakuha namin ng mga gamit niya "Miss,I'm sorry di ko talaga sinasadya, sorry talaga.." paghingi ko ng paumanhin sa babaeng kaharap ko

"It's okay miss" nakangiting tugon niya sa akin,grabe ang bait naman niya kaya kapalit ng kabaitan niya ay nakipagkilala na lang ako sa kanya 

"By the way miss,I'm Krystal Jean Vasquez"pagpapakilala ko sa babaeng kaharap ko sabay abot ng kamay ko sa kanya nginitian naman niya ako bago niya inabot ang aking kamay para magpakilala din

"I'm Celine Dianne Ferera" sabi niya bago alisin ang kanyang kamay sa akin "Bago ka lang dito siguro di kase kita madalas makita dito e" sabi niya sa akin grabe ang lumaany naman ng boses niya. "No di talaga ako dito sumaam lang ako sa best friend ko" paliwanag ko sa kanya hindi ko alam kung bakit pero parang may kakaiba akong nararamdaman dito kay Celine

"Oh ganon ba sige una na ako naghihintay kase ang fiance ko sa akin e" paalam niya sa akin bago nagtungo sa elevator,bago pa sumara ang elevator kumaway pa siya sa akin at ngumiti. Sakto namang bumalik na si Eunice pagka alis ni Celine

"Sino yung kausap mo" tanong sa akin ni Eunice pagkabalik niya 

"Ah wala ano si Celine taga dito din,nabunggo ko kase siya kanina kaya ayun nag kausap kami" nakangiting sabi ko sa kanya

"Ikaw sino yung tumawag sayo?" Tanong ko rin sa kanya dahil parang ang tagal niya itong kinausap

"Iyon ba? Wala yun sa Hospital lang yun" parang kinakabahan niyang paliwanag sa akin. "Let's go na akyat na tayo ng maipagluto mo na rin ako namiss ko yung luto mo e" pag iiba niya ng topic namin wala naman na akong nagawa kundu sumunod na lang sa kaniya

Pagkapasok pa lang namin sa elevator ay agad ng pinindot ni Eunice ang 15th floor at tahimik lang kaming naghihintay dito ng panay ang tunog ng phone ni Eunice at ng tapunan ko siya ng tingin ay parang hindi siya mapakali 

"Hey are you okay?" Tanong ko sa kanya ngunit tango lang ang aking natanggap na tugon sa kanya. Hinayaan ko na lamang siya at hinintay na huminto ang elevator sa ikalabing limang palapag ng gusaling ito 

Nang huminto na ang elevator ay agad na kaming lumabas ni Eunice at agad na naglakad sa hallway at pumunta ng left wing sabay hinto sa pinaka unang pinto ngunit laking gulat namin ng may alalking preskong nakasandal doon matipuno ang katawan nito at matangkad,masasabi mo ring may sinasabi ito sa buhay dahil sa mamahalin niyang damit at relos. Agad niyang tinapunan ng tingin si Eunice na ngayon ay nakataas na ang kilay sa kanya

Hindi ko alam pero parang may something sa dalawang ito e. I will find it soon

"Why are you here Jerome?!" Halos pasigaw na tanong ni Eunice sa lalaking nag ngangalang Jerome

"For you,don't tell me you didn't miss me huh?" Nakangising sagot naman ni Jerome kay Eunice. Si Eunice naman ay nagpipigil na ng inis sa lalaking eto 

"No and I will never miss you pervert asshole!" Sigaw ni Eunice kay Jerome bago ito dinuro at paalisin 

"Ouch my heart" madramang paghawak pa ni Jerome sa kanyang puso na akala mo ay nasasaktan talaga "But what happened last night,hindi mo ba yun namiss?" Nakangisi muling tanong ni Jerome kay Eunice. Gago nakakagulat naman tong dalawang ito, at pagtingin ko kay Eunice ay pulang pula na ang mukha dahil sa kahihiyan

"Just leave Jerome!" Sigaw muli ni Eunice dito 

"Aalis lang ako dito kung papayag kang makipagkita sa akin bukas" sabi pa ni Jerome haabng nakangisi pa rin 

"Ok fine pumapayag na ako just text me the address and time" pagpayag ni Eunice sa gusto ni Jerome,halos umabot naman ang ngiti ni Jerome sa narinig kay Eunice 

"No baby hindi kita i tetext dahil susunduin kita dito" sabi niya sabay wink kay Eunice,bago pa siya umalis ay hinalikan niya pa si Eunice sa pisngi bago ulit magpaalam ulit "Bye baby and bye to you miss" sabi niya ulit bago na naglakad papunta sa elevator 

"Who's that man Eunice?" Pang aasar ko pa kay Eunice and tama nga ang hinala ko they have something,malalaman ko rin yan HAHAHAHAHAHA

1F

"He's a nobody Krys,tara magluto na lang tayo ng sinigang" sabi niya pero alam ko naman na inaalis lang niya ang topic about sa kanila ni Jerome. Pero hinayaan ko na lang siya nandito kami ngayon para mag bonding no boys problem dapat

Habang hinahanda ni Eunice ang tanghalian namin sa dining area naisipan kong libutin ang condo niya and I amazed on the furnitures it was classic at all and the color combination it suits her. Wala akong masabi kundi perfect this whole condominium is perfect, I wish I can meet the owner of this S. M. Yonge Condominiums

"Let's eat Krystal" tawag sa akin ni Eunice galing dining area 

"Eunice sinong may-ari nitong condominium na ito?" Biglaan kong tanong sa kanya dahil sa sobrang kuryosidad sa kung sino ba talaga ang may ari nito 

"Ang alam ko si ano ang may ari nito si Mr.Lesyel Angelo Alvarado" sabi niya habang nakataas pa ang kamay na may hawak na kutsara na animo talaga ay pinag-isipan pa ang pangalan ng may-ari ng condominium na ito. "Bakit mo naman na tanong Krys? Kukuha kaba ng condo dito?" Tanong niya sa akin

"No,Na amazed lang talaga ako sa mga furnitures and color combinations ng condominium na ito maging mga painting and designs ng buong building it's classy and perfect to everyone" mahabang komento ko kay Eunice bago bumalik sa pagkain

Marami pa kaming ginawa ni Eunice na mga bagay na madalas naming ginagawa noon, noong wala pa akong limitasyon and after years nagawa ko ulit to naging masaya ako kahit sandali lang tama nga sila masyado kong kinukulong ang sarili ko sa isang bagay hindi ko na naiisip ang kaligayahan ko 

"Hey you're spacing out Krys" natatawa na komento sa akin ni Eunice, out of nowhere I hug her "Thank you Eunice for everything, you are always there when I need you. And for that I will do the same to you" mahabang lintana ko sa kanya bago bumitaw sa pagka kayakap ko sa kanya 

"Ano kaba okay lang yun and besides anong silbi ng pagiging mag kaibigan natin kung di kita tutulungan diba? So kahit ano pang mangyari magkaibigan pa rin tayo"  akangiting tugon sa akin ni Eunice 

"Oh pasado 6 na pala ng gabi uuwi ka naba" biglang tanong sa akin ni Eunice 

"Grabe antagal pala namin dito dahil maging ako ay di namalayan ang oras

"Oo uuwi na rin ako and by the way kailan ako pwedeng mag trabaho ulit sa Hospital?" Tanong ko sa kanya

"Krys ano kaba bukas na bukas din pwede ka ng magtrabaho" natatawang sabi ni Eunice sa akin, na parang di alintana ang sinabi niya sa akin pero sa isang bahagi ng utak ko ay na e-excite ako dahil sa wakas makakapag trabaho na ulit ako sa Hospital namin. And I miss doing it 

"Okay same time, parin ba?" Tanong ko sa kanya 

"Yeah ganon parin 7 in the morning ang pasok" sabi niya wala pa rin talaga siyang pinagbago pag usapang trabaho talaga tinatamad siya lagi 

Pinagpasyahan ko ng umuwi na dahil baka ma cancel nanaman ako ng asawa ko tss. Hinatid lang ako ni Eunice sa parking lot kung nasaan ang kotse ko at bumalik na siya sa loob ng makitang nakaalis na ako nag text pa nga siya sa akin ng 'safe driving'

"Pag-uwi ko sa bahay namin ay wala pa doon ang magaling kong asawa kaya agad akong pumasok at naghanda ng pagkain naming dalawa,matiyaga ko siyang hinintay para masabi ko na ang baalk kong gawin 

It's almost 11:30 in the evening ng makauwi siya at pagpasok pa lan niya ay inalok ko na siya ng pagkain 

"Kumain kana nagluto ako" malumanay na sabi ko pero iba ang natanggap ko na tugon sa kanya 

"Itapon mo na lang yang basura na ginawa mo hindi ko yan kailangan busog ako" mataman na sagot niya sa akin dahil ganyan naman talaga lagi ang senaryo pag inaalok ko siya ng mga bagay tulad neto  

"Okay fine" sagot ko na lang sa kanya. "By the way papasok na ulit ako sa Hospital namin, so be happy madalang mo na lang ulit ako makikita" sabi ko sa kanya and like before wala na naman akong natanggap na tugon sa kanya, Great! 

After kong sabihin yun lumakad na siya palayo sa akin at pumasok na sa kwarto niya di man lang nag komento sa sinabi ko. Pero hindi ko naman na kailangan ng opinyon niya dahil simula bukas babalik ako sa mga bagay na dati ko ng ginagawa. It's time to be happy 

Agad ko ng inaayos ang aking pinagkainan at pumunta na sa aking kwarto upang maglinis ng katawan at matulog dahil maaga pa ako bukas sa trabaho ko

I wish I have a great day tomorrow sana may magandang bagay na mangyari sa akin bukas. I hope tama itong desisyon ko,sana sa pagkakataong ito tama na ang lahat….

--------------------------------------------------------------------------------------------

💚💙💜