This story has many typos,grammatical errors,misused words etc. So bear with me, I know that, I'am not as great as other authors but I'm trying my best to make all of you happy and inspired by my story. That's all. Thank you!
Also I will update this story thrice a week and I will publish the other story of the series when I finish this. Thank you again!
--------------------------------------------------------------------------------------------
Krystal's POV
Halos mag a-alas 11 na rin ng gabi ng makauwi ako sa bahay namin,at parang ngayon ko lang din naramdaman ang pagod ng buong araw na pag ra-rounds ko sa hospital pero hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ang mga pinagsasabi ni Owen nakakainis
Pagkarating ko sa aming bahay ay agad ko ng pinark ang aking sasakyan at bumaba na sobrang sakit talaga ng paa ko gusto ko na agad magpahinga
Pagpasok ko pa lang ng pinto nakita ko na doon si Mark na nagtitipa sa kanyang laptop mukhang may importanteng ginagawa ang hudas tss
Lalagpasan ko na sana siya upang umakyat na sa aking kwarto at magpahinga ng tinawag niya ako
"Hey come here" bossy niyang tawag sa akin na para bang isa lang ako sa mga empleyadong pinapasahod niya
"What?" Taas kilay ko na tanong sa kanya,habang siya ay patuloy pa rin ang pagtipa sa kanyang laptop,tumigil lang siya sa pagtipa ng inabot niya sa akin ang isang brown envelope,isang tingin ko pa lang doon alam ko na agad kung ano ang laman niyon
"Sign this as fast as you can" sabi niya sa akin habang nakatingin lang sa kaniyang laptop,sa sobrang tagal kong nakatingin doon ay inilapag na lang niya iyon doon sa may gilid niya malapit sa akin. Dahil ganoon naman talaga ang gawain ko dati titignan ko lang iyon tapos itatapon o di kaya ay hindi ko papansinin
Ngunit makalipas lang ang ilang minuto ay kinuha ko iyon,kitang kita ko ang pagtigil ni Mark sa pagtipa sa kanyang laptop dahil sa pagkuha ko sa envelope na alam ko namang divorce paper namin
I don't know why I took this,pero may isang parte sa aking sarili na gusto na lang makalaya kay Mark ngunit may parte rin na gusto ko pa rin siyang mahalin kahit sobrang sakit niyang mahalin..
Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon sa harap ni Mark dali-dali na akong umakyat sa aking kwarto at nag half bath lang ako tapos nagsuot ng night dress para matulog na
Ngunit ilang posisyon na ang aking ginawa ngunit hindi pa rin ako makatulog dahil patuloy pa rin akong ginugulo ng mga sinabi ni Owen,kaya imbes na matulog ay kinuha ko na lang ang aking laptop at pumunta sa facebook upang hanapin ang account ni Owen
Dahil nga pangalan lang niya ang alam ko ay nahirapan ako sa paghahanap sa account niya ilang account na ang i-nistalk ko pero puro iba ang lumalabas kaya't napag pasyahan kong tumigil muna saglit
Ngunit sa pagtigil ko sa paghahanap ay nahagip ng mata ko ang isang pangalang 'Owen Kyle Oliveros' dahil sa kuryosidad ay agad ko itong pinindot at laking tuwa ko ng makita ko na ang account na hinahanap ko
Agad kong tinignan ang profile niya nasa beach siya at naka side view ang profile niya and he's topless. And I can say that he's hot on that photo
Sa hindi sinasadya ay na na like ko ang kaniyang profile pic kaya sa pagmamadali na masara ko ang aking laptop ay napindot ko naman ang friend request, napa sabunot na lang ako sa aking buhok dahil sa katangahan na pinag gagawa ko. Hindi ko na binawi pa ang like sa profile niya, pati na rin ang friend request ko at isinara ko na lang ang aking laptop at nahiga na lang ulit sa aking kama
Makalipas ang ilang minutong paghiga at pagdarasal na sana ay magkaroon ng milagro na hindi iyon makita ni Owen ay bigla na lang tumunog ang aking cellphone at pagkabukas ko pa lang nito ay nag pop-up na agad ang notification sa facebook
Kabang kaba ako habang binubuksan ko ang notification na iyon at pag bukas ko ng notif na iyon sa facebook napamura na lang ako ng mabasa ang notification ko 'Owen Kyle Oliveros Accepted your friend request' tangina talaga ilang beses na akong napamura dito sa aking kwarto ng tumunog ulit ang aking cellphone at pagbukas ko ng phone ko ay may isang mensahe sa akin si Owen sa Messenger
Tangina naman talaga bakit ngayon pa,kahit naiinis and at the same time ay nahihiya ay nagawa ko pa ring basahin ang kanyang message sa akin
"Stalking me huh?" Sabi niya sa message niya sa akin hindi ko alam ngunit natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakangiti na sa mensaheng iyon ni Owen
"Tangina bakit ako nakangiti,e parang inaasar lang naman ako ni Owen gago" sabi at mura ko sa aking sarili habang pilit pinapakalma ang aking sistema na patuloy pa rin na ginugulo ni Owen
Sa gitna ng pagpapakalma ko sa aking sarili ay muli na namang tumunog ang aking cellphone,kinuha ko ito at binuksan at sa pangalawang pagkakataon nakita ko nanaman ang pangalan ni Owen na nag pop-up sa screen ng aking cellphone, at sa pangalawang pagkakataon din napangiti muli ako at ramdam ko ang kakaibang saya ng makita ko doon ang pangalan niya
Pangalan pa lang niya ang nakikita ko pero kakaibang saya na ang nararamdaman ko, tangina ano ba talaga ang nangyayari sa akin?
Bago pa ako mabaliw sa kaiisip tungkol doon ay agad ko ng binuksan ang notification niya galing sa messenger,"Hey why your not replying?" Basa ko sa kanyang message, hindi ko alam ang irereplay ko sa kanya kaya't sineen ko na lamang ito at pinatay na ang aking cellphone
Ayoko na munang magulo ang aking isip ngayong gabi. Nakahiga na ako sa aking kama ngunit gising na gising pa rin ang aking isip sa mga nangyari sa hospital hanggang ngayon sa amin ni Owen, bakit ba kase kung kelan gusto ko maging maayos ang buhay ko ay doon pumapasok ang panibagong gulo? Nakaka gago na pero kung si Owen naman ang gulong iyon bakit ako lalayo? Hell?! Bakit yon pumasok sa isip ko tangina talaga kailangan ko munang mag-isip ng mabuti bago mag desisyon sa alok ni Owen. I don't want my life become messier as hell
Sa gitna ng pag-iisip ko ay napadako ang aking tingin sa brown envelope na binigay sa akin ni Mark kanina na ang laman ay ang aming divorce paper. Hindi ko alam pero parang wala na akong pake doon,tumagal ng isang minuto ang pagtitig ko doon hanggang sa tumayo na ako sa aking pagkakahiga at kinuha iyon sa lamesa
Agad kong inilabas ang aming divorce paper sa envelope at matagal ko itong tinitigan hindi ko mawari kung bakit wala na akong maramdaman na sakit sa tuwing tinitignan ko ito, agad akong naupo sa katabi kong upuan at tinignan lamang ang divorce paper,halos isang oras din akong nakaganon hanggang sa naisipan ko na lang na itabi iyon muli
Hindi ko alam pero hindi na ako nasasaktan doon pero bakit hindi ko pa rin ito kayang pirmahan? "Mahal ko pa rin ba si Mark?" Tanong ko sa aking sarili. Anong silbi ng pagtatanong ko sa sarili ko kung sa umpisa pa lang hindi ko na talaga alam ang sagot
Sa gitna ng pag-iisip ko para sa kagustuhang nais ko bigla na namang pumasok sa aking isip ang mga sinabi ni Owen kanina sa hospital
"I'm serious Krystal kailangan kita para maging fake fiance ko"
"Wala akong pakialam sa sasabihin mo ang importante lang sa akin ay pumayag ka. And besides wala ka ng magagawa sa ayaw at gusto mo magiging fiance na kita"
"Fine pwede mong pag-isipan pero tatandaan mo na hindi mo ako matatakasan Doctora"
Aissshhh! Mas naguguluhan lang ako ngayon ano ba talaga ang dapat kong gawin? "Dapat ko bang tanggapin ang alok sa akin ni Owen? O mas maganda kung ituloy ko na lang ang buhay ko ngayon,buhay na normal" tanong ko muli sa aking sarili pero bakit ko ba tinatanong ang sarili ko e hindi ko nga alam ang sagot?!
Kaya bago pa ako mabaliw kakaisip dito ay kinuha ko muli ang aking cellphone at binuksan,agad kong binuksan ang contacts ko at hinanap doon ang pangalan ni Eunice upang hingin ang kanyang opinyon sa problema ko
Nakatatlong ring muna bago sagutin ni Eunice ang aking tawag
"Bakit ka naman tumatawag sa dis oras ng gabi ha?!" Pagalit na sigaw sa akin ni Eunice sa kabilang linya
"Hey pwede bang tumahimik ka muna? And gusto ko lang naman hingin ang opinyon mo sa problema ko e" malumanay na sabi ko kay Eunice sa kabilang linya
"Anong problema yan,sa inyo ni Mark?" Tanong niya muli sa akin
"Not really pero kasama din yun, ah basta makinig ka na lang sa akin" sabi ko na lang sa kanya at nagsimula na ako na magkwento sa nangyari kanina sa hospital at kanina dito sa kwarto ko
"Krys ang swerte mo! Isang Owen Kyle Oliveros na ang nag a-aya sa'yo na maging fiance" sabi niya sa kabilang linya,hindi ko alam kung paano ako naging swerte sa kalagayan na iyon kakaiba talaga mag-isip ang isang to tsk..
"How can I be so lucky with that Eunice?! He's a stranger tapos bigla na lang niya akong a-ayain maging fake fiance niya?!" Sigaw ko kay Eunice
"Krys hindi lang siya isang 'stranger' ok isa siyang successful businessman" sabi pa niya habang ineemphasize pa ang salitang stranger
"So what kung isa siyang businessman still he's a stranger" sabi ko muli kay Eunice while rolling my eyes
"Kryst hindi lang siya isang businessman dahil siya ang CEO ng Untouched Sustainable Water Co." Halos manlaki ang aking mga mata sa sinabing iyon ni Eunice siya ang CEO ng kompanyang iyon?! Hell bakit hindi ko iyon alam,masyado ba talaga akong naka focus sa pagmamahal kay Mark? Kaya hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko?
"Hey Krys still there?" Natatawang sabi sa akin ni Eunice sa kabilang linya
"Yeah, sure ka bang siya ang CEO nun. I-I-Imean siya ba talaga?" Naniniguradong tanong ko pa sa kanya
"Hay na ko kung ayaw mo maniwala sa akin bakit hindi mo na lang i-search" natatawang sabi muli ni Eunice sa akin
"Ok fine, hang there" yun na lamang ang sinabi ko sa kanya bago ko ulit kinuha ang aking laptop at sinearch ang pangalan ng kompanyang Untouched Sustainable Water Co. And to my surprised nabasa ko ngang si Owen ang CEO ng kompanyang iyon. Pero kung siya ang CEO nun bakit pa niya ako kailangan maging fake fiance,dahil kung tutuusin kilala siya at marami ang naghahangad ng katulad niya pero bakit ako pa ang pinili niya. I'm just a nobody...
"Kung ako sa'yo Krys i-push mo na ang offer ni fafa Owen sa'yo kase can't you see your just hitting two birds in one stone,kase diba makakalaya ka na kay Mark may instant fiance kapa agad o edi may magpaparamdam na sa'yo ng pagmamahal na deserve mo" mahabang paliwanag sa akin ni Eunice, pero alam kong genuine ang sinabi niya sa akin
She got the point pero kakayanin ko kaya ang pagpapanggap na yun? I mean sana walang chaos na mangyari and sana wala na ulit gulo dahil sawang-sawa na ako doon
"But Eunice,I can't decide pa rin baka kase pag tinanggap ko ang offer ni Owen baka mas malala pang gulo ang pasukin ko?, na baka mas magulo pa ang buhay ko?" Kinakabahang tanong ko kay Eunice
"The decision is in your hands Krys,pero what if this is the chance to make you happy? Paano kung ito pala ang magpapasaya sayo, what if si Owen pala ang paraan para sumaya ka ulit?,i-le-let go mo pa ba itong chance na ito?" Seryosong sabi sa akin ni Eunice
Tangina naman talaga oh! Ang gulo na talaga ng nangyayari amp! May point naman kase siya,pero natatakot pa rin ako,tangina talaga!
"Pag-iisipan ko ang sinabi mo, sa ngayon gusto ko na lang munang makapag-isip ng maayos" yun na lang ang sinabi ko kay Eunice bago magpaalam sa kanya at ibaba ang cellphone
Halos isang minuto din akong nakatulala sa kawalan dahil iniisip ko pa talaga ang magiging desisyon ko ng mapadako ang tingin ko sa aking wall clock and fuck it's already past 2 AM in the morning,tangina talaga maaga pa ako bukas e
Matapos din ang ilan pang minuto ay nakatulog na din ako. It's so tiring day,sana bukas ay maging maayos na ang lahat
Pasado 5:30 na ako nagising,dahil na rin siguro madaling araw na ako nakatulog kagabi kaya late din akong nagising. Paano ba naman ako makakatulog ng maaga kung gulong gulo ako sa mga magiging desisyon ko diba? Sino ba naman ang makakatulog ng mahimbing na ganon ang mga iniisip
Kaya't bago pa ako mawala sa sarili agad na akong bumangon at dumiretso agad sa aking banyo. Pagpasok ko pa lang sa loob ay agad ko ng binuksan ang shower at pagpatak pa lang ng tubig sa aking mukha ay naaalala ko na namang muli ang mga nangyari mula sa hospital hanggang dito sa bahay
Tangina naman talaga kailan ba ito matatapos, I just want to be happy pero bat binigyan na naman ako ng panibagong problema. Paano ba kase maging masaya ng walang bagong problemang dumadating?! Prayer reveals nga!
Halos dalawang oras din ako sa banyo na nagtagal, pagtingin ko sa wall clock ko ay pasado 7 na ng umaga pero hindi ko na iyon pinansin pa mas mabuti ng ma late ako para hindi ko na doon maabutan pa si Owen sigurado naman ako na na-discharge na yun ngayon e
Halos dalawampung minuto rin ang tinagal ko sa pag-iisip ng susuotin ko ngayong araw. Hanggang sa naisipan ko na lang na magsuot ng light blue long-sleeved dress shirt and navy-blue suit pants, with white coat, paired with black leather shoes with one-inch heels
Pagkatapos kong mag bihis ay naglagay lang ulit ako ng light makeup para hindi halatang puyat at stress ako
Pagkatapos non ay kinuha ko na ang aking prada bag at nilagay doon ang mga gamit ko tulad ng wallet at cellphone at kinuha ko na rin ang susi ng kotse ko at lumabas na ng bahay. Hindi na ako kumain siguro dadaan na lang ako sa Beanery City Stucks Cafe para umorder ng almusal
Ni lock ko muna ang pinto ng bahay bago sumakay sa aking sasakyan at pina andar ito patungong BCS Cafe para umorder ng almusal
Pagkarating ko doon ay pasado 8 na ng umaga and as usual konti pa lang ulit ang tao doon agad na akong pumunta sa counter upang umorder ng Caramelized Apple Crumble para sa akin at Chocolate fondue naman para kay Eunice. Bumili na rin ako ng Apple juice para sa akin at Orange juice naman ang kay Eunice. Masyado na kaseng maaga para mag kape pa
Pagkatapos kong i take-out ang aking order ay agad na akong bumalik sa aking sasakyan at pinaandar ito patungong Vasquez Hospital
Pagdating ko uli sa hospital ay ganun pa rin naman binabati ako ng mga nakakasalubong at tumatango ako sa kanila. Pagpasok ko sa elevator ay walang katao tao kaya naman kinuha ko ang phone ko sa aking bag upang i-text si Eunice
But to my surprise puro message ito ni Owen sa messenger hindi ko na ito pinagka abalahan pang tingnan isa-isa. Pagbukas ng pinto ng elevator sa ika limang palapag ay agad na akong lumabas at tinungo ang silid ng aking opisina
Hindi pa ako nakakaupo ng may kumatok sa pinto ng aking opisina, agad naman akong kinabahan ng may kumatok dahil bukod sa akin at kay Chris si Eunice lang ang nakakaalam ng palapag na ito at iba pang janitor,dahil karamihan sa staffs ng hospital ay off limits dito
Pero isinawalang bahala ko na lamang ito at binuksan ang pinto. It's a relieved that it was Chris and he is smiling widely it creeps me out like something big will happen today
"You're smile creeps me out Chris" sabi ko sa kanya habang hindi maipinta ang aking mukha
"Sorry naman doc masaya lang talaga ako kasi malapit ng matapos itong mini kitchen mo" nakangiti pa rin na sabi niya
It's a relief again that iyon pala ang dahilan ng malapad niyang pag ngiti. Pero bakit ba ako ni ninenerbyos ng ganito? Damn nasosobrahan na siguro ako sa pag kakape e. Matapos ang ilang minuto pang pagtayo namin ni Chris sa harap ng pinto ng aking opisina ay pinapasok ko na siya at na upo
"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya dahil mukhang kakagising lang niya at di pa nag almusal
"Di pa nga doc e may pagkain ka ba diyan?" Walang hiyang tanong niya sa akin, but wala lang iyon sa akin mas gusto ko nga ang ganyang personality e hindi plastikada
Walang sabi-sabi ko namang inabot sa kanya ang pagkain na para dapat kay Eunice, pinagmamasdan ko lang siyang kumain ng sumagi nanaman sa isip ko ang pinayo sa akin ni Eunice kagabi sa offer ni Owen. Siguro tama nga siya dapat ko na itong tanggapin but can I take the risk? Ano naman kayang kapalit ng sandaling kaligayahan na ito?,Hindi ko maiwasan ang mga tanong na ito lalo na at naranasan ko na ito dati ayoko lang na maulit ngayon....
"Hey doc ang creepy mo ah kanina ka pa nakatingin sa akin" doon lang ako nagising sa aking pag-iisip ng magsalita si Chris
"Sorry, hindi ko sinasadya..." yun na lamang ang sabi ko sa kanya
"Siguro doc may gusto ka na sa akin noh?" Sabi niya sa akin habang naka ngisi, damn this guy kakaiba rin ang takbo ng utak e. Magsasalita na sana ako ng dugtungan pa niya ang sinabi niya," wag kang mag-alala doc ako lang to!" Nagmamalaking sabi pa niya sa akin habang naka ngisi pa rin
I just rolled my eyes on him and stopped watching him baka kung ano nanaman ang isipin niya e, loko-loko pa naman ang isang yan
"You know doc pwede mo naman akong kausapin sa kung ano mang gumugulo sa iyo e. I know naman na loko-loko ako pero pagdating sa mga ganyang bagay naman doc maasahan mo ako" sabi ni Chris sa akin, I know that he is sincere sa tagal na naming magkakilala ni Chris ay kilala na rin namin ang isa't isa
Bago pa magbago ang mood ng isang to ay susulitin ko na ang pagkakataon. Nakita ko siyang umayos ng upo at niligpit ang pinagkainan niya senyales na handa na nga siyang makinig
"Okay Chris ano kase... Uhm..ano... kasi ganito yon e..." hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagkukwento may pagka chismoso pa naman itong mokong na ito mamaya i kwento pa sa iba e, mabuti ng sigurado
"Ano,doc simulan mo na" seryosong sabi niya, handa nga talaga siyang makinig sa akin. He's so loyal to me marami ang gustong kumuha sa kanyang iba pero mas pinanatili lang niya ang loyalty niya sa akin and for that I adore him
Huminga muna ako ng malalim bago talaga simulan ang pagkukwento sa kanya, "So ganito kase yun may kaibigan ako may asawa na siya for almost 5 years hindi masaya ang asawa niya sa kanya and then unti-unti na rin siyang sumusuko sa asawa niya. Then she come to the decision na magtrabaho sa isang sikat na hospital and one day she has this deplorable patient and asked her to be his fake fiance, sa tingin mo anong magandang payo sa kanya maipapayo ko ba sa kanya na itake ang risk para sumaya naman siya at madama ang tunay na pagmamahal sa iba or ipayo ko na wag na dahil baka magulo pa ang buhay niya? What do you think is the better decision?" Mahabang pagkukwento ko sa kanya at tanong na rin sa kanya. Masyado na kaseng mahirap ito para sa akin kailangan ko ring malaman ang opinyon ng iba sa problema kong ito
Nakatingin pa rin sa akin si Chris habang nakapalumbaba sa lamesa ng aking opisina na akala mo talaga ay iniisip ang tamang sasabihin sa problema ko
"Alam mo doc nasa kaibigan niyo na yan e kung anong pipiliin niya kase hindi naman natin hawak ang desisyon niya e she can choose whatever she wants and whatever she thinks the best choice for her" sa sinabing yon ni Chris para bang natauhan ako, tama siya hindi ko kailangan ng desisyon ng iba dahil sa huli ako at ako pa rin naman ang masusunod..... "But doc kung gusto talaga ng kaibigan niyo ng payo o opinyon ng tao sa paligid niya ang masasabi ko lang is ang maganda niyang gawin is take the risk,no matter what kase hindi natin malalaman ang isang bagay kung hindi tayo susugal, sabi nga diba ang buhay ay isang sugal, kailangan mong isugal lahat sa buhay kahit pa kalayaan mo..... Sa buhay kase natin maraming buts and what ifs, Oo nakakatakot ang mga salitang yan pero mas nakakatakot ang mag regret sa isang bagay diba? Lahat naman tayo ayaw magsisi kaya habang may opportunity pa golang grab it! Kase baka kapag hindi natin grinab yan mag regret tayo sa huli. Kaya kung ako dyan sa kaibigan mo doc i take na niya ang risk kase baka diyan niya na mahanap ang kasiyahang hangad niya" dugtong pa ni Chris sa kanyang sinasabi habang nakangiting nakatingin sa akin hindi ko alam pero parang natauhan ako sa mga tinuran niya. Hindi ko alam na may ganito pala siyang side pagdating sa mga problema, I wish i can help him too on his burdens..
"Thank you Chris, ipapayo ko yan sa kaibigan ko pag nagkita kami mamaya" nakangiti ring sabi ko sa kanya and because of Chris I already made up my decision, buo na ang pasya ko this is it. I need to do this for myself to be happy again no matter what consequences are waiting for me
Ilang minutong katahimikan din ang namayani sa aming dalawa ni Chris sa loob ng aking opisina. Nabasag lamang ang katahimikan sa pagitan namin ng tumunog ang intercom na nasa loob ng aking opisina
"Dra. Krystal Vasquez, please proceed to the Deluxe room immediately" sabi sa aking intercom, alam kong si Owen ang nagpapatawag sa akin doon. Alam ko rin namang hinihintay niya ang desisyon ko,if that's the case nakapag desisyon naman na ako so I can face him na and tell him my decision
Napatingin ako kay Chris at ngayon ay tumayo na siya sa kinauupuan niya at inaayos na ang kanyang gamit saglit ko lamang siyang tinignan at kinuha ko na rin ang mga gamit ko para lumabas na
"Hey Chris thank you for listening and suggesting your opinion to my friend" nakangiting papasalamat ko kay Chris, at sabay na kaming naglakad palabas ng pinto at sumakay na rin kami ng elevator
Tulad kanina ay wala pa ring ka tao-tao sa elevator kaming dalawa lang ni Chris kaya't minabuti ko ng ipaasikaso sa kanya ang renovation ng aking opisina
"Hey Chris ikaw na ang bahala sa ibang renovation sa office ko ah" sabi ko sa kanya bago bumaba sa ikatlong palapag ang elevator
"Yes doc kayang kaya ko na yan baka Chris to!" Presko niyang sabi,ang gago nagmamayabang nanaman. Tinawanan ko na lamang siya at saktong bumukas naman ang elevator at lumabas na agad ako patungong ikatlong palapag. Bago paman sumara ang elevator ay kumaway pa muna sa akin si Chris ganun din naman ako sa kanya
Pagkasara ng elevator ay agad na akong naglakad sa hallway ng Deluxe floor sa ikatlong palapag ng hospital and not the usual wala halos ang mga tao sa floor na ito maging sa ibang room dito weird....
Naglalakad lang ako ng sa huminto sa isang pintuan alam kong ito yung room niya kaya't dali dali akong pumasok doon
"Ohh you came akala ko kailangan pa kitang daanin sa santong paspasan e" nakangising sabi niya sa akin pagpasok na pagpasok ko pa lang. Bakit ba kahit iniinis na niya ako ay hindi ako napipikon sa lalaking ito
Agad siyang tumayo at lumapit sa kinatatayuan ko kaya't agad ding nanghina ang mga tuhod ko at pati ang pagtibok ng puso ko ay naging abnormal sobrang bilis nito lalo na kapag si Owen ang kaharap ko. "Ano bang meron sayo Owen at nagkakaganito ang puso ko?" Tanong ko sa aking isip
"So have you made your decision already?" Seryosong tanong niya sa akin habang mas lalo pa niyang nilalapit ang sarili niya sa akin
Inirapan ko lang siya at tinulak ko siya ng bahagya pero parang wala naman iyong epekto sa kanya. Hindi ako makatingin sa kanyang mata dahil sa intensidad neto sa tuwing nagsasalubong ang aming tingin sa isa't isa
"Yeah I decide already and my decision is accept your offer" seryosong sabi ko kahit na ang totoo ay kabang kaba na ako, hindi naman ganito ang naiisip ko kanina e pero ngayong nasa harapan ko na siya parang hindi ko na alam ang gagawin at sasabihin ko damn it!
"Good job doctora" sabi niya sa akin sabay layo ng kaunti sa akin, para bang may kumurot sa aking puso ng lumayo si Owen sa akin hindi ko alam kung bakit ngunit isina walang bahala ko na lamang ito. Muli kong tiningnan ang kanyang mga mata ngunit wala akong mabasa na kahit na anong ekspresyon dito kaya iniwas ko na lang din ang tingin ko sa kanya
Dahil hindi naman na kami nag-uusap ay aalis na dapat ako ng tawagin niya muli ako
"Doctora here's our contract" sabi niya sabay abot sa akin ng mga papeles hindi ko alam pero parang nasaktan ako ng malaman kong may kontrata kami. Bakit naman ako masasaktan e nagpapanggap lang naman kami e. There's no love between us pure work lang
"Ok thank you ibibigay ko na lang ito bukas" sabi ko na lamang sa kanya bago lumabas ng pinto ng kanyang room
"By the way, why didn't you reply to my messages on messenger?" Iritableng tanong niya sa akin,kaya't automatikong napahinto ako sa paglalakad
Kahit nakatalikod ako ay alam kong nakasunod siya sa akin at bilang pag respeto sa kanya ay sinagot ko na lang siya kahit pa nakatalikod ako sa kanya,"busy lang ako" yun lang at nag tuloy na ako sa paglalakad ko papuntang elevator
"Let's meet tomorrow pag-uusapan natin ang tungkol dito and don't be late doctora" sabi niya sa akin pero itinaas ko lang ang kanang kamay ko na ang ibig sabihin ay 'ok'. Bakit ang sexy niya pag tinatawag niya akong doctora? Arghhhhh! "Kabag lang to Krystal, wala lang yun iniinis ka lang non" pagapapakalma ko sa aking sarili
Pagpasok ko ng elevator ay doon lang kumalma ang buong sistema ko kakayanin ko ba to? Lalo na kung nagkakaganito ako tuwing kaharap ko si Owen. Sana matagalan ko ito tsk.. Sana lang mahanap ko na talaga ang kasiyahan ko dito.... I wish so....
Pero ano kayang pag-uusapan namin bukas ng gunggong na yun? Hindi man lang sinabi kung saan at kung anong oras tsk naman oh,bahala na nga siya sa buhay niya nakakainis siya!
Pagbukas ng elevator ay agad na akong bumaba at nag puntang cafeteria upang kumain muna para na rin pakalmahin ang aking sarili
I hope bukas maging maayos na ang takbo ng buhay ko ito na kaya ang simula ng kasiyahan ko? Sana eto na nga.... Sana tama ang pasyang ginawa ko.... And sana hindi ko talaga ito pagsisihan sa huli..... But one thing's for sure kahit kailan ay hindi ako mahuhulog sa isang Owen Kyle Oliveros at kakalimutan ko na rin sa wakas si Mark, sana makalimutan ko na agad siya.....
Lord guide me again...
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
💚💙💜