Chereads / Love In Between (Love Series #1) / Chapter 4 - CHAPTER 3

Chapter 4 - CHAPTER 3

Krystal's POV

Alas 4 na ng umaga ng magising ako and for fuck sake almost 4 hrs lang ang naging tulog ko and damn ansakit talaga ng ulo ko,dahil pasado 12 na rin ako nakatulog kagabi fuck talaga

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa may study table ko, binuksan ko ito at nakita ko doong may tatlong mensahe si Eunice kaya't agad ko iyong binuksan at binasa 

'Hey remember ito ang first day mo bawal malate'

'Have a nice day Krys'

'Hey Krys magdala ka ng pagkain ah miss ko na ulit luto mo,Thanks!'

Pagkabasa ko ng mga text ni Eunice ay agad na akong pumasok sa banyo ng aking silid at naligo na halos isang oras din akong naligo bago lumabas ng banyo upang magbihis 

Napagdesisyunan kong magsuot ng white short-sleeve collared shirt and jeans paired with tennis shoes and lastly I wear my old white coat. Inayos ko na rin ang pagkakatali ng aking buhok at nag ayos na rin ako ng mukha I apply light makeup on my face dahil hindi naman ako masyadong mahilig mag lagay ng mga kolorete na yan okay na sa akin ang natural beauty ko 

After kong mag ayos ay agad na akong bumaba para magluto ng almusal ko at ng babaunin ko sa Hospital. I decided to cook for my breakfast,fried rice,tortang tuna with spinach omelet and Scrambled egg with tomato,onion and spinach pagkatapos ko iyong lutuin ay sinimulan ko na ding kumain at pagkatapos kong kumain ay agad ko na ring niligpit at hinugasan ang aking pinagkainan at sinimulan ko na ring lutuin ang pinakbet na dadalhin ko sa Hospital para sa mga kasama ko doon

Halos isang oras ko ding niluto ito bago nilagay sa tupperware at pagkatapos kong ihanda ang pagkaing dadalhin ko ay kinuha ko na ang aking prada shoulder bag at nandun na rin ang mga kailangan kong dalhin and as expected nakaalis na si Mark ano pa nga ba aasahan ko dun,basta makalayo lang siya sa akin ay ok na siya ganon ba talaga ang pagkamuhi niya sa akin? Whatever hindi ko dapat siya pag aksayahan pa ng oras 

Lumabas na ako ng bahay at ni lock ang pinto pagkatapos non ay sumakay na ako sa aking sasakyan at ito ay aking pinaandar na patungo sa Vasquez Hospital kung saan ang hospital ng pamilya namin at kung saan ako muling magtatrabaho 

Almost 6:30 AM na ako nakarating sa hospital dahil sa sobrang traffic,pinark ko lang ang aking sasakyan saka ako bumaba pagpasok ko pa lang ng entrance binati na agad ako ng guard at ng iba pang nakakakita sa akin. Hindi na bago sa akin ang tagpong ito dahil noon pa lamang ay ganito na sila sa akin. Alam din naman nila na ako ang anak ng may-ari ng hospital na ito 

Naglakad lang ako papuntang reception para tanungin kung nandito na ba si Eunice. "Ummm excuse me nakapag in na ba dito si Dra. Ruby Eunice Garcia" magalang na tanong ko sa nurse na naka assign ngayon doon sa reception area 

"Yes Doc nag ra-rounds na po siya ngayon sa may PICU (Pediatric Intensive Care Unit)" nakangiting tugon sa akin ng nurse sa may reception. "Okay Thanks" pagpapasalamat ko sa kanya at pagkatapos niyon ay nagtungo na ako sa elevator upang pumunta sa office ko yes bukod sa pagiging doctor ko ako din ang Director ng hospital namin mula kase ng umalis ako dito wala ng pumalit ng posisyon ko na iyon. Kaya ngayong nandito na ako ulit babalik na din ako sa pagiging director ko 

Pag bukas pa lang ng elevator sa ikalimang palapag kung saan nandoon ang aking opisina ay agad na akong lumabas at tinungo ang puting pinto kung saan nakalagay ang pangalan ko,agad-agad akong pumasok doon at tulad ng itsura nito ng iwan ko ito ay ganon pa rin hanggang ngayon. I miss the ambiance of my office it relaxes me,kaya't agad kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan ang aking secretary na si Chris 

"Hey Chris come to my office immediately aayusin ulit natin tong office. We were back Chris so be here before lunch" sabi ko sa kabilang linya

"Really doc? Ok papunta na po ako diyan just give me one hour doc" aligagang sabi ni Chris sa kabilang linya

"Okay Chris,safe driving" yun na lang ang sinabi ko sa kanya bago ko siya babaan ng phone, pagkatapos kong ibaba ang phone ko muli kong pinasadahan ng tingin  ang aking opisina. Hindi naman talaga ito madumi pero gusto ko itong ayusin,gusto kong baguhin ito,gusto kong burahin ang ibang mga ala-ala na patuloy akong ginugulo, gusto ko na sila kalimutan ng pang habang-buhay…

Bago pa tumulo ang aking luha dahil sa mga ala-ala na pilit na bumabalik sa akin agad na akong bumaba upang mag rounds din sa ibang mga pasyente pasado alas 8 na rin naman ng umaga kaya magtatrabaho na lang talaga ako kesa tumunganga sa kahihintay sa pagdating ni Chris 

Agad na akong pumunta sa elevator upang bumaba na sa General ward ng hospital para doon na mag rounds

Pagbaba ko sa may general ward ay agad ko ng hiningi ang listahan ng mga pasyente ko laking pasasalamat ko dahil apat na pasyente lang ang naka assign sa akin ngayong umaga. Agad ko ng pinuntahan ang aking apat na pasyente upang icheck at tignan ang kanilang mga vital signs. Hindi naman sila ganon kalala at ok lang ang mga vital signs nilang apat kaya't mabilis din akong natapos sa pag ra-rounds ko sa General wards

Pagkatapos kong mag rounds sa General ward ay napagdesisyunan ko ng bumaba sa lobby ng hospital upang pumunta ng cafeteria dahil pasado alas 12 na rin at baka break na din ni Eunice. Halos isang minuto din ang tinagal ko sa loob ng elevator

Paglabas ko ng elevator ay naabutan ko doon ang ibang nurse at doctor na naghihintay din sa pagbubukas ng elevator at ng nakita nila akong palabas na ay agad nila akong binati,tango na lamang ang aking tinugon sa kanila at diretso ng naglakad papuntang cafeteria

Malapit na ako sa cafeteria ng biglang tumunog ang aking cellphone hudyat na mayroong nag text,kaya't agad ko itong kinuha at tinignan kung sino ang nag text. Pagbukas ko pa lang ng text box ko ay nakita kong may 2 text message doon at nakita kong galing iyon kila Chris at Eunice kaya't agad ko iyong binuksan at binasa 

'Hey Krys,where are you? Papunta na akong cafeteria'

'Sorry doc malalate po ata ako sobrang traffic po kase e' 

Una kong nireplayan si Chris,"Ok noted' sunod ko namang nireplayan si Eunice,"Papunta na rin akong cafeteria,kita na lang tayo doon" yun na lang ang itinext ko sa kanila at nagpatuloy na sa paglalakad ko 

Pagkarating ko sa cafeteria agad kong nakita doon si Eunice kasama pa ang tatlong lalaking doctor na kasama din namin dati sa med school sila Dr. Ivan,Dr. Evans at si Dr.Jeff

Pagkakita pa lang nila sa akin ay kumaway na agad sila kaya't dali-dali ko na silang pinuntahan at umupo na rin agad sa kanilang pwesto 

"Hey Krys nice to know na bumalik ka na ulit dito after 4 or 5 years" natatawang komento sa akin ni Ivan 

"Yeah bumalik na din ang ating Director" nakangising sabi naman ni Jeff sa akin 

"Oo nga Krys bakit nga pala ngayon ka na lang ulit bumalik dito ano ba nangyari sayo on those years that you haven't here?" Inosenteng tanong naman ng kakarating lang na si Evans dala ang mga inorder nila

Agad kaming nagkatinginan ni Eunice sa tanong na iyon ni Evans sa akin,kita ko sa mga mata niya na nagtatanong kung sasabihin ba namin sa kanila,sa halip na sagutin ko sila si Eunice na ang gumawa 

"It's a long story guys,and besides ang mahalaga nandito na si Krystal makakasama na natin siya ulit" sabi ni Eunice sa kanila habang nakatingin sa akin. Nginitian ko na lang siya sa sinabi niya kila Ivan dahil maging ako ay hindi ko pa kayang i kwento iyon sa iba

Para maiba ang usapan nilabas ko na lang ang niluto kong pinakbet at nilagay yun sa lamesa namin 

"Wow na miss talaga namin luto mo" sabi ni Jeff pagkalapag ko ng pakbet sa lamesa

"Ang bango talaga ng luto mo da best ka pa rin talaga Doc/Director Krys" gatong naman ni Ivan kay Jeff,tinawanan ko na lang silang dalawa sa sinabi nila. Nakisalo na rin ako sa kanila sa pagkain 

Halos 40 minutes kaming kumain at nagkwentuhan sa cafeteria bago naisipang bumalik na sa trabaho namin. Sabay-sabay kaming naglalakad papuntang elevator ng magkwento si Eunice tungkol sa pasyente niya kanina sa Deluxe Room (A/N:Private room ata to sa ibang hospital)

"Alam n'yo ba na may gwapo akong naging pasyente kanina sa Deluxe Room" kinikilig na turan ni Eunice sa amin, nabaling naman sa kanya ang atensyon naming apat sa kanya at napahinto rin kami sa paglalakad namin

"Tss may gwapo pa sa akin?" Sabi ng lalaking nasa likuran namin kaya't agad kaming napalingon sa lalaking nagsalita at laking gulat namin ni Eunice ng mapagtanto kung sino ito. Si Jerome lang naman ito na ngayon ay matiim na nakatingin kay Eunice,na akala mo ay kakainin ng buhay si Eunice dahil sa sinabi nito 

"What are you doing here?" Tanong ni Eunice kay Jerome na nakatingin na ngayon sa nakahawak na kamay ni Eunice sa braso ni Ivan. Habang sila Jeff at Evans naman ay litong lito pa rin sa nagaganap 

"I'm here to fetch you and to punish you para sa hindi pagsipot sa akin kaninang umaga  do you think you can escape me that easy Eunice?" Jerome said to Eunice habang kinuha niya ang palapulsuhan nito at hinila papunta sa kaniya,sabay hila dito papuntang exit ng hospital 

Wala na kaming nagawang tatlo kundi hayaang hilain ni Jerome si Eunice palabas ng hospital. Nakarecover lang kami ng magsalita si Evans, "Sino yung lalaking yun na humila kay Eunice" tanong sa amin ni Jeff,"safe ba doon sa lalaking yun si Eunice" seryosong tanong naman ni Ivan sa amin "I don't know that man too,ikaw ba Krys kilala mo siya?" Tanong naman sa akin ni Evans,maging sila Jeff at Ivan ay nakatingin na rin sa akin ngayon hinihintay ang sagot ko 

"Yes kilala ko siya he's Jerome but I don't know kung ano siya sa buhay ni Eunice" yun na lamang ang aking sinagot sa kanila bago sila inayang muli na maglakad papuntang elevator 

Haabng nasa loob ng elevator hindi ko maiwasang isipin ang lalaking kinukwento ni Eunice kanina. Hindi naman sa dahil sinabi ni Eunice na gwapo yun kundi dahil malakas ang pakiramdam ko na kilala ko siya or something, "Am I being paranoid?" Tanong ko sa sarili ko

"Hey spacing out again Krys" sabi sa akin ng katabi kong si Evans,sa sobra kong pag-iisip hindi ko namalayan na kanina pa pala nila ako kinakausap at ngayon ay nasa ikatlong floor na ang elevator at lumabas na nga sila Jeff at Ivan, kumaway muna silang dalawa sa amin bago tuluyang sumara ang elevator 

Nang maiwan kaming dalawa ni Evans sa loob ng elevator naging tahimik kami dahil tulad ko di rin pala kibo si Evans hindi tulad nila Jeff and Ivan. He's like a mysterious type guy na mahirap hanapan ng emosyon at mahirap alamin ang laman ng isip 

Ngunit ang katahimikan na iyon ay nawala ng basagin ni Evans yon, "What's the matter Krys,bat ka ba talaga nawala ng almost 5 years dito sa hospital" seryosong tanong ni Evans sa akin habang nakatingin pa rin sa harapan 

"It's a long story Evans" yun na lamang ang sinabi ko sa kanya habang nakatingin sa sahig ng elevator,tulad din ng inaasahan ko alam kong tatanungin ako ng ganito ni Evans dahil like Eunice isa rin siya sa malapit kong kaibigan. He's like my older brother kung tutuusin

"Okay fine hindi kita pipilitin ngayong magkwento but I hope you tell me 'cause after we were friends" sabi niyang muli sa akin habang nakatingin pa rin sa harapan 

"Yeah I will tell you soon,pag handa na ako" yun na lamang ang sinabi ko sa kanya at tulad kanina ay binalot na naman kaming dalawa ng katahimikan, hanggang sa tumunog ang elevator hudyat na nasa ika-apat na palapag na ito at pagkabukas ng pintuan ng elevator ay siya namang paglabas dito ni Evans. Bago pa man sumara ulit ang pinto ng elevator ay nginitian at kinawayan niya muna ako 

Pag sara muli ng elevator ay saka pa lang ako nakahinga ng malalim, sa lahat ng aking kaibigan kay Eunice at Evans talaga ako natatakot dahil silang dalawa ang taong hindi mo pwedeng pag taguan ng sikreto dahil lahat gagawin nila malaman lang ito 

Sa sobra kong pag-iisip ay hindi ko namalayan na nasa ikalimang palapag na pala ako,kaya't agad na akong lumabas ng elevator at naglakad na ako patungo sa aking opisina,pagpasok ko pa lang sa pinto ay agad ko ng naramdaman ang pagod kaya't umupo na lang muna ako sa swivel chair ko 

Pag ka upo ko ay napatingin ako sa wall clock na nakalagay dito sa office ko at ng tingnan ko ito pasado alas 2 na pala ng hapon at hanggang ngayon ay wala pa din si Chris, nasaan na kaya yon ngayon?

Dahil wala pa naman si Chris ay dito muna ako naglagi sa aking opisina. Halos limang minuto na rin akong nakatulala dito ngunit wala pa din siya abt ba ang tagal niya?. Gusto kong may gawin pero ayoko namang lumabas dito maski mag rounds sa mga pasyente ay tinatamad ako, kaya't napagdesisyunan ko na lang na matulog

Ipipikit ko na sana ang aking mata upang matulog nang may kumatok sa pinto ng office ko kaya't agad ko iyong binuksan dahil sa pag aakalang ang janitress lang iyon na naka assign ngayon dito. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako ng si Chris ito na hingal na hingal at pawis na pawis na nakatayo sa harap ng pinto ko 

Dahil medyo naaawa na rin ako sa kalagayan niya ay pinapasok ko na siya at pinaupo sa couch katabi ng visitor's chair

"Hey Chris bat ganyan ang itsura mo? Para kang hinabol ng kabayo" tanong ko sa kanya dahil curious talaga ako kung bakit ganyan ang itsura niya 

"Ganito kasi yan doc diba nga traffic so nag Angkas na lang ako edi yun biyaheng langit siya then pagdating ko dito nagkakagulo sa lobby" kwento niya sa akin ngunit tumigil siya dahil uminom siya ng tubig. Ang pinagtataka ko bakit nagkakagulo sila sa baba? May nangyari kaya doon? Itatanong ko na sana iyon sa kanya ng ituloy niya ang pagkukwento 

"Tapos eto na nga doc dahil nagkakagulo sa baba edi siksikan tapos nung papasok na ako sa elevator doc sira! Kaya no choice ako naghagdan na lang ako doc at dahil ayaw niyo ng nalalte doc kaya binilisan ko talaga kaya ganito ang hitsura ko ngayon" dagdag pa niya sa kanyang paliwanag. Hinayaan ko muna siya na magpahinga sa couch bago ko sabihin sa kanya ang gagawin namin

Matapos ang limang minuto na pagpapahinga ni Chris ay pinag-usapan na namin ang gagawin namin sa aking opisina 

"Chris I want you to take away all the pictures here in my office,then pakilagyan ng TV sa center  ng mini sala. And last I want an mini kitchen here sa office ko" seryosong sabi ko kay Chris habang nakaupo pa rin sa swivel chair ko 

"Ho doc gusto nyo pong gawan ng mini kitchen dito?" Naniniguradong tanong sa akin ni Chris

"Yes Chris I want to have a mini kitchen here at gusto ko itong makita after 3 weeks, understood?" Sabi ko sa kanya, alam ko namang kayang kaya yang gawin ni Chris he's the best secretary after all

"Yes naman doc kayang kaya ako pa ba!" Taas noong pagmamalaki pa niya, may sasabihin pa sana siya ng tumunog ang intercom na nasa loob ng office ko 

"Calling the attention of Dra.Vasquez,please proceed to the Deluxe Room immediately" sabi ng nurse sa kabilang linya. Bakit kaya ako ang pinapatawag doon? Sa may Deluxe Room 

Dahil sa narinig namin ni Chris agad kaming lumabas ng office ko at tinungo ang elevator papuntang Deluxe room na nasa ikatlong palapag ng hospital 

"Grabe doc di pa rin talaga ako makapaniwala na nandito ulit ako" seryosong sabi ni Chris sa aking tabi. Kahit ako naman hindi pa rin makapaniwala na nagtatrabaho ako ngayon after kong ikasal kay Mark 

"Yeah neither I do Chris" sabi ko na lang kay Chris, at after non ay namayani sa aming dalawa ang katahimikan 

"Doc wala ka pa bang balak mag asawa?" Basag ni Chris sa katahimikan sa pagitan namin. Kapag nagsalita talaga to di mo talaga aakalaing itatanong niya tsk.

"Why do you ask? Gusto mo ba ako?" Natatawang tanong ko sa kanya, hindi ko alam kung matatawa ako sa tanong niya kung alam niya lang I'am almost 5 years marriage on my asshole husband

"Wala naman doc kase ang imposible naman na wala ka pa ring aswa hanggang ngayon sa ganda nyong yan" komento niya sa akin magsasalita na sana ako ng dugtungan pa niya ang sinabi niya "And excuse me doc hindi kita type may inaalagaan akong puro laro ang inaatupag tss" dugtong pa niya natawa na lang ako sa kanya 

Lumipas ang ilang minuto bago bumaba ang elevator sa ikatlong palapag at pagkabukas ng pinto ay lumabas na ako at kinawayan ko na lang si Chris bago sumara ang pinto ng elevator pababa sa lobby ng hospital 

Naglakad na ako sa may Deluxe Room ng mahagip ng mata ko ang ibang mga nurses na nag uumpukan sa isang kwarto dito sa may Deluxe Room area 

"Ahammm" tikhim ko upang makuha ko ang kanilang mga atensyon,ngunit tila bingi sila dahil di man lang nila ako pinansin at patuloy lang ang mga hagikhik nila sa labas pinto ng isa sa kwarto sa Deluxe area 

Kaya't sa aking pagkainis kinalabit ko ang isang nurse na nasa harapan ko ngunit tulad ng nangyari kanina parang wala lang ito sa kanya kaya't kinalabit ko ulit siya tila nainis na siya sa akin kaya't pagharap niya ay sisigawan na dapat niya ako ng taasan ko siya ng kilay at nag pa meywang sa harapan niya 

"Kayo ho pala Dra. Vasquez" tila kabadong sagot ng isang nurse sa akin bago ko pa kalabitin ang ibang kasama niya ay agad na niya itong binulungan at sa isang iglap lang ay binigyan nila ako ng daanan and for the very first time may nasigawan akong mga nurse hindi ko alam pero parang kumukulo ang dugo ko sa kanila dahil sa ginagawa nilang paninilip sa labas ng pintuan ng kwartong ito

"GET BACK TO ALL YOUR WORK NOW!" Sigaw ko sa kanila at sa takot nila sa akin ay agad na silang nawala sa aking paningin at ng makasiguro na ako na lang ang tao sa floor na ito ay agad ko ng hinarap ang pinto kung nasaan ang mga nurse kanina. Hindi ko alam pero parang bumilis ang tibok ng puso ko ng hawakan ko ang seruda ng pinto na ito,ngunit isina walang bahala ko na lamang ito dahil baka illusyon ko lang ang bagay na to

Pag bukas ko pa lang ng pintuan ay nanuot na sa aking ilong ang pamilyar na pabango ng kung sino mang naka admit dito 

Pag harap ko sa taong nakahiga sa kama ay agad na bumilis ang pintig ng puso ko sa ikalawang pagkakataon at mas lalo pa itong bumilis ng magtagpo ang aming mga mata. Halos manghina na ang aking tuhod dahil sa sobrang panghihina ngunit pinilit ko pa ring pinanatili ang aking balanse at maayos na nagsalita sa harap ng pasyente ko 

Ngunit bago pa ako makapagsalita naunahan na niya ako,"Nice meeting you again Dra. Krystal Jean Vasquez" nakangiting tugon niya muli sa akin 

"Ikaw na naman?! Ano bang ginagawa mo dito ha?!" Inis na sabi ko sa pesteng Owen na ito 

"Tsk.. ganyan ka ba trumato ng pasyente dito sa hospital nyo Dra nakaka disappoint naman pala" malungkot na sabi niya pero haalta naman talaga sa kanyang iniinis niya lang ako gago talaga tong lalaking to kung wala lang talaga kami sa hospital ngayon hay nako! 

"Okay sir ano pong kailangan niyo?" Nakangiting aso na tanong ko sa kanya

"You…. I need you Krystal…" seryosong turan sa akin ni Owen,kung kanina ay mabilis lang ang tibok ng puso ko ngayon naman ay halos triple na ito dahil sa sinabi niya muntik na rin akong mawalan ng balanse buti na lang nakahawak ako sa  table na nandito sa kwarto niya

"Ano b-a, ano bang pinagsasabi mo Owen, hin-di,hindi ka na naka-katuwa ah" nauutal na sabi ko sa kanya ngunit hindi ako nakatingin sa kanya dahil hindi ko kaya ang intensidad ng bawat titig niya sa akin

"I'm serious Krystal kailangan kita para maging fake fiance ko" seryosong sabi niya habang matiim na nakatingin sa aking mga mata

Is he real bakit ako pa?! May asawa na akong tao, hindi pwede ang gusto niya! Pero paano ko sasabihin sa kanyang may asawa ako ganong wala pwedeng makaalam na mag asawa kami letse naman ano ba itong gulong pinasok  ko heck!

"Bakit ako pa Owen marami pang iba diyan sila na lang ayaìn mo,wag na ako and besides hindi natin kilala ang isa't isa " sabi ko sa kanya tatalikod na sana ako sa kanya ng bigla niyang hinila ang aking braso at itulak ako sa pader at ikulong ako sa mga matitipuno niyang braso

"Ano bang ginagawa mo,bitiwan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya ngunit parang wala lang ito sa kanya masyado siyang malakas para sa akin kaya't alam kong hindi ako makakawala sa kanya kung manlalaban man ako 

"Wala akong pakialam sa sasabihin mo ang importante lang sa akin ay pumayag ka. And besides wala ka ng magagawa sa ayaw at gusto mo magiging fiance na kita" he said huskily halos magkalapit na ang mukha namin ng sabihin niya iyon sa akin 

"Give me one day,hayaan mo akong pag-isipan ito" malumanay na sabi ko sa kanya,akala ko hindi niya ako papakawalan ngunit makalipas lang ang ilang segundo pinakawalan  a niya ako sa mga bisig niya 

"Fine pwede mong pag-isipan pero tatandaan mo na hindi mo ako matatakasan Doctora" nakangisi niyang sabi sa akin,bago pa man siya magsalita ulit agad ko na siyang tinalikuran at naglakad na ako papuntang elevator 

Pagpasok ko ng elevator agad akong napaupo sa sahig nito at agad hinawakan ang aking puso. "Bakit ba bumibilis ang tibok neto pag kausap ko ang Owen na iyo?" Pag Kausap ko muli sa aking sarili 

Akala ko ba magiging masaya ako ngayon bakit ganito naman ang nangyari? Ano nanaman bang gulo ang papasukin ko, tangina talaga Krystal ang gaga gaga ko na talaga. Siguro naman bukas magiging maayos din ang lahat, yeah magiging okay din bukas. Sana nga maging okay na ang lahat bukas pag gising ko

Pagkatapos kong pakalmahin ang aking sarili ay tumayo na ulit ako at hinintay na magbukas ang elevator,at ng bumukas ito ay deretso na akong naglakad upang mag rounnds na lang ulit upang mawala na sa aking isipan ang mga ginawa at sinabi sa akin ng pesteng Owen na iyon

And I'll promise hindi na talaga ako babalik sa Deluxe Room na iyon never ever happen again...

--------------------------------------------------------------------------------------------

💚💙💜