Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Department of Timelines, Origins: Jamiz,The Doppelganger

Rolando_Carbajal_5901
--
chs / week
--
NOT RATINGS
7.3k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1: Ang mga "Regalo"

December 25, 1995

East Rembo, Makati City

00:34

Habang abalang-abala ang mga tao sa pagdiriwang ng Pasko, si Jamiz, edad 10, ay kasalukuyang nasa "Living Room" at gumagawa ng mga sumusunod: habang nakatayo sa kalagitnaan ng lugar na iyon, nanonood ng isang walang-kuwenta at punong-puno ng "Commercial Advertisements" na palabas mula sa luma niyang "Black and White Television", at saka nagbibilang ng kanyang mga napamaskuhan mula sa mga ninong at mga ninang niya; gaya nina Derek Yu Hanh, Enjack Maawatan, Hannah Mataruzan.

"Sa laki nitong aking napamaskuhan [₱25, 000], mapapalitan ko na rin iyang aking lumang telebisyon nang isang bagong 'Colored Television' at masasamahan pa ng isang bagong 'VHS Player' kung papalarin pa." sabi ni Jamiz, habang namumugto at naluluha ang kanyang mga mata dahil sa kanyang napapanood. Tumayo siya at nagtungo sa kinalalagyan ng kanyang telebisyon upang i-off na lamang ito, "Sayang ang kuryente at utak ko sa palabas na gaya nito!"

Nang mai-off niya ang telebisyon, agad siyang naglakad patungo sa kanyang silid-tulugan, ilang talampakan ang layo mula sa kanyang kinaroroonan. Habang naglalakad siya, nakarinig siya ng mga pagkatok na nagmumula sa kanyang "Main Door"; nagpasya siyang magtungo muna roon at saka ipagbukas ng pinto ang kumakatok. Nang mabuksan ang pinto, nagulat siya na ang maganda at matalino niyang kaibigan na si Aurora na kasalukuyang mayroong bitbit na dalawang bilaong natatakpan ng "Aluminum Foil" ang mismong kumakatok.

"Merry Christmas! Pakiusap, tulungan mo naman ako sa mga bitbit kong ito." sabi ni Aurora, habang iniaabot niya kay Jamiz ang dalawang bilao. "Maraming salamat! Ano pang hinihintay mo, Bagong Taon? Pumasok ka na... sabi ko, pumasok ka na!" sabi ni niya at saka kinaladkad ito papasok.

"Hmmm! Ang sarap naman ng amoy ng mga ito. Halika, doon tayo sa "Dining Area" ko. Tamang-tama dahil kasisinop ko lang." sabi ni Jamiz kay Aurora at saka naglakad sila patungo roon. "Salamat sa pag-aabala mong ito."

Pagdating nila roon, namangha si Aurora sa kanyang nakita. "Oh my... kaya pala... eh, halatang hindi ka man lamang naghanda ng kahit na ano para sa 'Noche Buena'. Ano, umiral na naman ang pagiging 'Time Traveller' mo?" sabi niya nang makaupo sa isang upuan na naroroon. "Pakilapag mo na ang mga iyan para makakain na tayo at nang maging masaya at busog naman tayo bago matulog."

Ilang saglit pa, inilapag ni Jamiz sa mesang iyon ang mga hawak niyang bilao at saka naupo sa isa pang upuan na naroroon. "Nalalaman mo naman na nag-iisa lamang ako rito kaya wala akong dahilan para maglustay ng malaking halaga ng salapi at maghanda nang marami para sa okasyong gaya nito." sabi niya habang kanyang inaalis ang mga nakabalot sa mga bilao. "Sa totoo lang, ayaw ko talagang mabawasan ang aking napamaskuhan sapagkat bibili ako mamaya ng bagong telebisyon at saka 'VHS Player' doon sa isang 'Mall' na nasa 'Crossing'.

Ang sabi ni Aurora habang naglalagay ng mga pagkain sa mga platong gagamitin nila ni Jamiz, "Nauunawaan na kita. Dahil sa doon ka rin lang pupunta, samahan mo muna akong bumili ng mga maireregalo natin sa darating na kaarawan ng ating 'Classmate' na si Belen."

Ang sabi ni Jamiz habang naglalagay naman malamig na "Softdrinks" sa kani-kanilang gagamiting baso, "Oo nga. Di ba, bukas na iyon [December 26, 1995]? Sige, mamili muna tayo bago tayo bumili ng mga gamit ko."

Dahil sa sinabing iyon ni Jamiz, naluha si Aurora dahil sa naidulot nitong kasiyahan; nag-uusap sila habang kumakain.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Jamiz sa lumuluhang si Aurora.

"Masaya lang ako... malungkot naman dahil wala akong natanggap na pamasko mula sa mga ninong at ninang ko dahil sa mayaman daw ako." bulalas ni Aurora habang kanyang ikinukubli ang mga luha kay Jamiz.

"Kaibigan kita, hindi puwede na wala kang matatanggap na anuman mula sa akin. Pagdating natin sa bilihan, pumili ka ng kahit na ano at babayaran ko." sabi ni Jamiz, at saka pinunasan ang pinagdaluyan ng luha nito. Ilang sandali pa, napapansin pa rin niya na lumuluha ito. "Lumuluha ka pa rin, may iba ka pa bang suliranin?"

"Mayroon pa. Hindi ko kasi maalala kung saan ko nailagay yung listahan ng mga ipabibili ko sa iyo." sabi ni Aurora at saka nakalolokong tumingin kay Jamiz. "Di ba, Pasko naman. Malay mo, baka makalusot. Peace tayo."

Dahil sa sinabing iyon ni Aurora, mas pinili na lamang ni Jamiz na manahimik. Ilang sandali pa, nakahalata siya sa ikinikilos ng kanyang kaibigan; muli silang nag-usap.

"Anong pang dahilan kung bakit ka naririto?" tanong ni Jamiz kay Aurora.

"Kaya talaga ako naririto, maaari bang makitulog dito?" sabi ni Aurora.

"Bakit, wala na kayong bahay?"

"Mayroon pa rin naman. Kanina, sinundo ng isang magarang sasakyan ang Mama ko at sapilitang pinasakay upang magtrabaho kahit Pasko."

"Ganoon pala. Kung gayon, dumito ka na lang muna hanggang sa makabalik ang Mama mo."

"Salamat!"

Pagkatapos nilang kumain; nakaramdam sila ng antok.

"Inaantok ka na? Ako na ang magdadal ng mga ito roon sa lababo, bukas ko na lang hugasan." sabi ni Jamiz kay Aurora habang naglalakad at bitbit ang mga pinagkainan nila. "Maghintay ka lang doon sa 'Living Room'."

Pagkatapos, agad din siyang nagtungo sa lugar na iyon; magkasama silang naglakad patungo sa kanilang kuwartong tutulugan.

"Ilan ang silid-tulugan dito?" tanong ni Aurora.

"Dalawa. Yung akin lang maaaring tulugan habang ginawa munang bodega yung isa."

"Ganoon ba. Mag-isa ka lang talaga, nasaan nga pala sina...?"

"Sina Enjack at Hannah, malay ko sa kanila kung nasaan sila ngayon?"

"Ibig sabihin...."

"Doon ka sa malaking kama at doon naman ako sa maliit na kudson. Okey?"

"Okey!"

Pagdating nila sa kanilang kuwartong tutulugan, namangha si Aurora sa kanyang nakikita.

"Wow! Ganito ba ang silid ng isang lalaki."

"Nagustuhan mo ba?"

"Oo, masinop at malinis. Ganito rin kaya ang silid ko."

"Mabuti naman kung gayon. Magsiligo muna tayo para maging maginhawa ang pakiramdam natin at nang hindi naman ipisin itong aking mga kama."

"Wow! Maselan, Exciting!"

"Nasaan yung tuwalya ko?"

"Nariyan lang, ikaw na ang gagamit."

"Salamat!"

Habang naliligo si Aurora, agad kumuha si Jamiz ng magagamit niyang tuwalya sa cabinet na naroroon, at saka dumungaw sa bintana upang magpahangin.

"Tingnan mo nga naman itong buwan, napakalapit at napakalaki!" sabi niya, at saka tumindig ang kaniyang mga balahibo sa braso. "Hindi maaring...?"

Pagkatapos maligo ni Aurora, agad itong lumabas; pagkatapos, agad din pumasok si Jamiz bitbit ang mga damit na maisusuot.

"Ang lamig ng tubig dito, take your time!" sabi ni Aurora habang patungo sa bintana; nagpapatuyo ng buhok habang nakatingala sa kalangitan. "Wow! Napakalapit nitong buwan... paanong...?"

Nang matapos maligo ni Jamiz, agad itong lumabas nang nakabihis na; lumapit kay Aurora at saka sinamahan sa ginagawa nito.

"Masyadong malapit. Kanina pa ako kinikilabutan!" sabi ni Aurora habang nagpapatuyo pa rin ng buhok.

"Oo nga. Magbihis ka muna habang nakatalikod pa ako. Sige na." sabi ni Jamiz.

Agad umalis sa kinatatayuan itong si Aurora at nagbihis; agad ding bumalik upang samahan si Jamiz.

"Malas ba iyan?" sabi ni Aurora.

"Siguro... malay natin. Paano mo nasabi." sabi ni Jamiz.

"Ayon sa mga nagmamarunong, kapag malapit sa Earth iyang buwan, marami raw maaaring maganap na kalamidad, mamalasin naman yung mga tao kapag nagkataon." sabi ni Aurora habang papalayo sa bintana. "Matulog na tayo, baka tayo naman ang malasin kapag nagtagal tayo sa pagtingin diyan." sabi niya at saka nahiga sa malaking kama.

"Oo nga. Halika, matulog na nga tayo." sabi ni Jamiz, habang isinasara niya ang bintana; agad din siyang humiga sa maliit na kama.

Nang makahiga sila, agad nakatulog si Aurora; nagmumuni-muni muna si Jamiz bago nakatulog.

07:11

Nang gumising si Jamiz, nakita niyang wala si Aurora sa kinahihigaan nito; agad siyang lumabas ng kuwarto at saka nagtungo sa kanyang kusina; pagdating niya roon, nakita niya si itong nagluluto.

"Good morning! Maupo ka at malapit nang maluto ito." sabi ni Aurora habang papalapit sa hapagkainan si Jamiz. "Magbasa ka muna ng 'Newspaper' habang kumakain ka."

"Salamat! Pagkatapos mo riyan, kumain ka na rin." sabi ni Jamiz, habang nilalagyan ni Aurora ng pagkain ang plato niya. "Mabuti at ganito ang nabili mo, ang galing mo talaga!"

"Maraming salamat! Anu-ano kaya ang mga balita ngayon?" sabi ni Aurora, habang kumakain sila. "Ipaalala ko lang sa iyo, sa 'Toy Shop' ni Aling Toyang tayo bibili ng mga maireregalo natin kay Belen."

"Natural, patungkol sa naganap kagabi. Hindi ako interesado sa anuman maliban sa akda nitong editor na si Julie Anne Goodbye." sabi ni Jamiz. "Oo, kilala ko si Aling Toyang. Doon tayo."

Pagkatapos nilang kumain....

"Maligo ka na, ako na lang ang maghuhugas ng mga ito. Susunod na rin ako, pagkatapos." sabi ni Jamiz.

Nang matapos siyang maghugas, agad siyang naglabas ng kanyang maisusuot; inilabas na rin pati ang naitagong pamasko.

"Kakayanin naman siguro nito pati ang mga ireregalo ko kina Aurora at Belen, bahala na." sabi ni Jamiz. "Mamasyal na rin kaya kami, tutal, pasyalan naman ang lugar na iyon."

Pagkatapos maligo ni Aurora, agad itong lumabas at saka nagtungo sa kanilang silid upang magbihis.

"Maligo ka na, magbibihis pa ako." sabi ni Aurora.

Pagkatapos... agad pumasok si Jamiz sa banyo upang maligo; paglabas, agad siyang nagtungo sa kanilang silid upang magbihis.

"Hintayin mo ako sa labas... magbibihis muna ako." sabi ni Jamiz.

Pagkatapos magbihis ni Jamiz, agad itong lumabas ng silid; nag-uusap sila habang papalabas ng bahay.

"Anong oras ba nagbubukas si Aling Toyang?" sabi ni Jamiz.

"Malay ko, umalis na tayo para tayoang makauna sa mga paninda niya." sabi ni Aurora nang makalabas sila ng bahay, ini-lock nang mabuti ang mga kandado bago nag-abang ng masasakyang taxi.

Ilang sandali pa ang lumipas... nakapagpatigil din sila ng kanilang masasakyan; agad silang sumakay at nagpahatid sa kanilangndestinasyon.

TOY ang SHOP, Mandaluyong

09:11

Nang makarating ang sinasakyang taxi nina Jamiz at Aurora, agad silang nagbayad ng pamasahe at saka bumaba; napansin nila ang nakasulat sa bandang itaas habang papalapit sila.

"Naniniwala na ako na sa kanya iyang tindahan, talagang isinunod niya sa kanyang palayaw." sabi ni Jamiz. "Hindi pa naman naka-bukas, maghintay na lamang muna tayo."

"Nakapagtataka, laging maaga kung magbukas siya sapagkat lagi itong dinarayo." sabi ni Aurora.

Pagkalipas ng ilang minutong paghihintay, mula sa malayo, unti-unting natatanaw nina Jamiz at Aurora ang pakay nila na si Aling Toyang; agad nila itong sinalubong.

"Kanina pa kayo? Pasensiya sa labis na paghihintay." sabi ni Aling Toyang habang kanyang binubuksan ang tindahan niya. "Pasok mga kaibigan, ipaghahanda ko kayo ng makakain habang nagtitingin-tingin kayo rito."

Pagdating nila sa loob, agad tumingin sina Jamiz at Aurora ng kani-kanilang gusto.

"Mabuti at tayo ang nauna rito, napakaraming maaaring mairegalo kay Belen," sabi ni Aurora habang nahuhumaling sa mga magagandang "stuffed toys"na naka-display sa estante. "Bayaran mo ang mga mapipili ko."

"Oo nga, bukas na ang kaarawan niyang si Belen, mas maigi kung magdaragdag pa kayo para masiyahan siya sa kanyang kaarawan, " sabi ni Aling Toyang. "Dahil kayo ang mga una kong 'customers', makatatanggap kayo ng mga diskwento at mga pabuya mula sa akin."

"Narinig mo iyon, dalian natin para makarami tayo. Tita, siya po ang magbabayad ng mga ito! " sabi ni Aurora, habang nawiwili sa mga nadadampot niya. "Kukuha na rin ako para sa sarili ko."

"Oo naman. Kunin mo kung anu-ano ang makapagbibigay sa iyo ng kasiyahan, bibilhin ko bilang aking regalo para sa iyo," sabi ni Jamiz habang tumitingin ng mga maireregalo para sa sarili at para na rin kay Belen. "Kayo po Aling Toyang, ano naman po ang gusto ninyo."

"Wow! Napakabait mo naman sa iyong mga kaibigan pati ako mayroon din. Dahil sa mabait kayong dalawa ni Aurora, mayroon akong ibibigay sa inyong regalo. Sigurado akong magugustuhan ninyo ang mga ito." sabi ni Aling Toyang habang pasimpleng pinagmamasdan si Jamiz mula sa kinaroroonan niya.

Pagkatapos nilang makapamili, agad nila itong binayaran.

"Iho, para sa iyo, isang libo na lang (₱1789.50), " sabi ni Aling Toyang habang isinisilid sa isang napakagandang "paper bag" ang mga pinamili nina Jamiz at Aurora. "Nakalagay sa mga 'paper bag' na may 'dedications' ang mga ireregalo ninyo kay Belen. Pakiabot ang aking pagbati para sa kanya."

"Opo. Siguradong makakarating!" sabi ni Aurora habang isinasaayos ang mga bitbitin. "Jamiz, buhatin mo naman yung iba."

Bago sila umalis, pinaunlakan muna nila ang paanyaya ni Aling Toyang. Habang kumakain sila, isa-isang ibinigay sa kanila ang mga ipinangako nito.

"Iho, may kasintahan ka na ba? Kunin mo ang mga ito," sabi ni Aling Toyang nang ilapag niya sa mesa ang mga regalo para kay Jamiz. "Yung antigong relo ay para sa iyo habang sa magiging nobya mo naman ang isa sa dalawang singsing na iyan."

"Wow! Kaya lang sadyang mamahalin ang mga ito. Baka may magalit?" sabi ni Jamiz at saka ibinulsa ang kanyang mga natanggap. "Kanino ko naman kaya ibibigay yung isang singsing?"

Maya-maya, sumabat si Aurora; kinikilig si Aling Toyang habang pinanonood ang dalawa.

"Narinig mo ba yung sinabi niya? Ang sabi, ibigay sa nobya. Eh, wala kang nobya, kaya sa aking mo na lang iyan ibigay." sabi ni Aurora habang kinukuha sa bulsa ni Jamiz ang isa sa dalawang singsing. Nang makuha, agad niya itong isinuot. "Para magkanobya ka, sasagutin na kita. Akin na ito."

"Ang kapal ng mukha mo! Sinagot mo agad ako nang hindi mo man lamang pinahihirapan sa panliligaw. Ano na lang ang sasabihin ng mga kamag-anak ko kapag nalaman nilang nobya na kita?" sabi ni Jamiz habang nagkakamot sa ulo. "Paano ako magpapaliwanag sa mga kanila?"

"Sabi ko, TAYO NA! Di ba , sinagot na kita. Saka ka na lang manligaw sa akin, isabay mo na lang ito sa pamamanhikan. Akin na ito, bawal bawiin!" sabi ni Aurora, habang isinasaayos niya ang damit ni Jamiz. "Kapag nagtanong sila kung sino ang nobya mo, sabihin mo... si Aurora. Huwag kang mag-alala, may patunay naman tayo, di ba?"

Dahil sa mga sinabing iyon ni Aurora kay Jamiz, hindi mapigilan ni Aling Toyang ang tumawa nang tumawa.

"Baka may iba pa kayong gustong bilhin?" sabi ni Aling Toyang.

"Wala na po. Baka may gusto pa po kayong ibigay?" sabi ni Jamiz.

"Mayroon akong ibinebentang bagong 'Television' at 'VHS Player' kung gusto lang ninyo?" sabi ni Aling Toyang. "Ibenta ko sa inyo nang presyong-kaibigan."

"Sige, magkano po?" sabi ni Jamiz.

Pagkatapos, agad pumasok sa loob upang kunin ni Aling Toyang ang mga sinasabi nito; isa-isa itong inilalabas.

"Para sa iyo, sampung libo (₱10, 000) na lang iyang 'Colored Television' at 'VHS Player' at saka ilang pirasong 'VHS Tapes', kukunin mo ba? " sabi ni Aling Toyang nang mailabas niya ang mga gamit. "Discounted na ang mga iyan!"

"Sige, kukunin ko na. Heto po yung pera." sabi ni Jamiz at saka iniabot ang eksaktong pera kay Aling Toyang. "Maraming salamat po uli!"

"Hayan, hindi na natin kailangang magpunta sa iba. Makakauwi na tayo!" sabi ni Aurora.

"Oo nga. Sa ibang araw na lamang tayo mamasyal, mabigat kasi itong mga napamili natin." sabi ni Jamiz.

"Dont worry, may mga nakatambay na taxi riyan sa labas, magtatawag na lang ako mamaya." sabi ni Aling Toyang.

Pagkalipas ng ilang minuto pa, lumabas sina Jamiz at Aurora bitbit ang mga pinamili nila pati; pagkalabas, tinulungan sila ng isang taxi driver na maisakay nang maayos ang mga pinamili nila.

"Paalam na po!" sabi nina Jamiz at Aurora habang sumasakay sa taxi.

"Sa pagbalik ninyo, mas marami na kayong mga pagpipilian." sabi ni Aling Toyang.

Ilang sandali pa, humarurot papalayo ang taxi na sinasaksayan nina Jamiz at Aurora; agad bumalik sa loob ng tindahan si Aling Toyang.

East Rembo, Makati City

14:12

Nang dumating ang sinasakyang taxi nina Jamiz at Aurora, agad bumaba ang mga sakay nito; ibinaba ng driver nang maayos ang mga pinamili nito.

"Napaka-traffic! Ginutom tuloy ako, kain muna tayo pagkatapos nating maipasok ang mga ito," sabi ni Jamiz, habang nagtutulong sila ni Aurora sa pagsisinop ng kanilang mga pinamili. "Kumain muna tayo, mamaya na iyan."

Pagkatapos, isinara nila nang maayos ang "Main Door" at saka nagtungo sa hapagkainan upang kumain.