Chereads / The Department of Timelines, Origins: Jamiz,The Doppelganger / Chapter 2 - Chapter 2: Ang mga "Pangarap" na Matutupad

Chapter 2 - Chapter 2: Ang mga "Pangarap" na Matutupad

December 26, 1995

East Rembo, Makati City

04:56

Madaling-araw ng Martes, kahit anong puyat at pagod nitong si Jamiz, sadyang maaga itong nagigising; napansin nitong tulog pa si Aurora sa kinahihigaan nito. Dahan-dahang bumangon at saka nagtungo sa kinaroroonan ng binili nitong "VHS Tapes"; nagsalang siya ng isa sa nabili nitong "VHS Player". Habang kanyang inaabangan ang panonoorin,....

"Ano iyan... bibili ako ng 'Newspaper' sa labas." sabi ni Aurora, at saka lumabas ng kanilang kuwarto upang magtungo sa bilihan ng mga babasahin sa may labasan. "Sige, lalabas na ako!"

Nang makalabas si Aurora, nag-aabang pa rin si Jamiz sa panonoorin nito; hanggang sa makabalik si Aurora, nag-aabang pa rin siya.

"Pang-ilan mo na iyan?" sabi ni Aurora, at saka iniabot kay Jamiz ang biniling "Newspaper". "Magluto muna ako ng agahan natin... maiwan muna kita."

Paglipas ng ilang minuto, naanigan na rin Jamiz ang kanyang panonoorin; nagluluto pa rin si Aurora.

"Halika muna rito, tingnan mo, napakaluma nitong panonoorin natin," sabi ni Jamiz, habang nakaupo sa sahig.

Paglipas ng ilang saglit, biglang na-distort ang pinanonood niya; nagpasya siyang i-off muna ang kanyang "VHS Player".

"Nakaluto ka na ba... kain muna tayo!" sabi ni Jamiz habang patungo sa hapagkainan.

06:51

Habang kumakain sina Jamiz at Aurora, pinag-uusapan nila ang nangyari kanina.

"Ano na naman yung isinisigaw-sigaw mo kanina...?" sabi ni Aurora.

"Yung isinalang ko, biglang na-distort, wala akong maayos na mapanood... hayun, in-off ko na lang," sabi ni Jamiz. "Pagkatapos natin dito... isalang ko ulit."

"Ganoon! Di ba, iyan yung mga 'VHS Tapes' na kasama nung mga 'Appliances' na binili mo kay Aling Toyang. Hindi kaya talagang sira ang mga iyan kaya pinilit niyang i-dispatch?" sabi ni Aurora.

Pagkatapos nilang kumain, agad silang nagtungo sa kanilang kuwarto kung saan naroroon ang "VHS Player" at ang isinalang na "VHS Tape"; ilang sandali pa, in-on nila ang gamit.

"Panoorin natin uli nang makita ko kung ano talaga ang poblema," sabi ni Aurora.

Nang makita nila ang sinasabi ni Jamiz, hinayaan lang nila na ganito habang nanonood.

"Iyan ang ibig kong sabihin, distorted talaga," sabi ni Jamiz.

"Hindi iyan 'distorted', yung pinagkopyahan ang nagkaproblema," sabi ni Aurora, habang pinagmamasdang mabuti ang bawat detalyeng nakikita. "Parang pamilyar yung lugar, saan kaya iyan?"

"Mabuti pang i-off na lamang natin iyan. Di ba, kaarawan ngayon ni Belen. Anong oras uli yung 'party' niya?" sabi ni Jamiz, at saka lumapit upang i-off ang kanilang gamit. "Maligo ka na at susunod naman ako pagkatapos mo."

Pagkatapos... agad nagpunta sa banyo si Aurora at saka naligo; habang naghihintay sa pagkakataong makaligo, napapaisip nang husto itong si Jamiz patungkol sa napanood nito.

"Parang nakita ko na at napuntahan yung lugar na ipinakita sa palabas... sa tingin ko, nakapunta na talaga ako roon," sabi ni Jamiz habang napapaisip.

Pagkatapos maligo ni Aurora...

"Maligo ka na... at ihahanda ko na yung mga ireregalo natin," sabi ni Aurora, at saka nagsimulang nagbihis. "Uy... maligo ka na... at saka... bilisan mo na rin."

Pagkalipas ng ilang minuto...

"Ang bilis mo yata... nagsabon ka ba?" sabi ni Aurora, nang makitang lumabas sa banyo itong si Jamiz.

"Sobrang lamig nung tubig! Doon ka muna... magbibihis muna ako," sabi ni Jamiz, at saka tumalikod si Aurora. "Sigurado ka? Basta... huwag kang sisilip!"

Pagkatapos magbihis ni Jamiz...

"Sigurado namang naihanda mo na yung mga ireregalo natin. Halika ka!" sabi ni Jamiz, at saka niya isinara nang maigi ang mga kandado ng bahay na iyon; magkasama silang naglalakad patungo sa bahay ni Belen.

Habang naglalakad sila...

"Siguro, mayaman din sina Belen gaya mo?"

"Ayon sa kanya, may kaya lang daw sila. Sa totoo lang, magkasama sa trabaho ang Mama ko at Ate niya kaya sadyang mag-best friend kami."

"Ganoon pala! Napakarami kong hindi nalalaman tungkol sa inyo."

"Siyempre, kailan ka lang namin naging kaibigan kaya ganoon!"

Comembo, Makati City

09:23

Sa bahay nina Belen...

"Sa dami nitong mga ipinaluto mo, sigurado ka bang mayroong pupunta," sabi ng Mama ni Belen, habang inilalapag sa mesa ang mga bagong-lutong ulam at kanin.

"Meron naman... yung mga daga at pusa na nasa kabilang bahay... yung mga uubos nito kapag wala talagang pumunta hanggang mamaya." sabi ng Ate ni Belen.

"Ang kapal naman ng mukha mo... ano gaya ng mga kaibigan mo, kaya lang pumunta dito kasi wala silang ibang matambayan." sabi ni Belen, habang nag-aayos ng kanyang sarili.

Pagkalipas ng ilang sandali, nakaririnig sila ng mga pagkatok; agad nagtungo roon ang Mama ni Belen upang buksan ang pinto.

"Anak! May bisita ka na...?" sabi ng Mama ni Belen, nang makapasok sina Jamiz at Aurora.

"Sabi na nga ba , eh. Masyado yata kayong maaga?" sabi ni Belen habang sinasamahan sina Jamiz at Aurora patungo sa kanilang bulwagan.

"Ganoon ba? Ano pa bang magagawa namin... eh, narito na kami." sabi ni Jamiz, habang iniaabot kay Belen ang mga regalo nito. "Sana magustuhan mo!"

"Maraming salamat! Kumusta ang Pasko ninyo?" sabi ni Belen kina Jamiz at Aurora. "Sana dumaan kayo rito kahapon."

"Sinadya naming hindi pumunta rito sapagkat kahapon namin binili ang mga iyan kaya ganoon, anong mayroon...?" sabi ni Aurora.

"Wala lang... mabuti at naisama mo yung aking... paano mo nagawang isama siya?" tanong ni Belen kay Aurora, habang nasa malayo nila si Jamiz. "Napakasaya ko ngayon... isinama mo siya!"

Dahil sa mga sinabing iyon ni Belen, palihim na naaasar itong si Aurora; nagpa-plastikan silang nakikitungo sa isa't-isa.

"Secret! Bakit mo naman naitanong?"

"Sabi ko sa iyo, matagal ko na siyang 'crush', di ba!"

"Ganoon! Hindi ko... maalala na may sinabi kang ganoon, kailan pa?"

"Noong pa, noong una mo siyang nakaaway dahil sa pagiging magaling niya sa ating klase... hindi mo na ba maalala?"

"Okey... naaalala ko na. Ang pagkakaalam ko... may nobya na siya, wala pa bang nakapagsabi sa iyo?"

"Malabo siyang magkanobya sa ating klase, di ba. Dahil sa galit mo sa kanya noon, inaway mo at siniraan siya sa lahat ng mga nagkakagusto sa kanya. Ako na lang kaya ang hindi mo inaaway."

"Oo nga! Uy! Pakiusap, huwag mo na lang ikukuwento sa kanya para hindi naman siya magalit lalo na at kaibigan na natin siya."

"Oo naman! Bilang aking kaibigan, okey lang ba sa iyo na maging 'kami'? Okey ba siya sa iyo para sa akin?"

Dahil sa huling sinabing iyon ni Belen, uni-unti nang nawawala kay Aurora ang pagiging magkaibigan nila; nag-uusap pa rin sila kahit na paano.

"Oo naman... okey siya para sa iyo. Kailan mo binabalak na sabihin...iyan?" sabi ni Aurora, habang nakaharap siya sa kaibigan niyang si Belen, na lubos na nagkakagusto sa 'nobyo' niya. "Masaya ako... para sa... iyo!"

Sa hardin nina Belen...

"Sinu-sino kaya ang mga nasa litratong ito... parang nakita ko na sila kung saan?" sabi ni Jamiz, habang nakatingin siya sa isang nakasabit na litrato.

"Sila ba... ang ate ni Belen at ang Mama ni Aurora noong naroon sila sa bayan ng Asingan sa probinsiya ng Pangasinan. Bakit?" sabi ng Mama ni Belen.

"Talaga! Anong...?"

"Noong tinatamad mag-aral sa kolehiyo ang aking anak, nagpasya itong mamasukan muna upang paglabanan ang pagiging mainipin nito. Hanggang sa nangailangan ng mga karagdagang manggagawa ang grupong kinabibilangan ng Mama ni Aurora, na noon ay isang dalaga pa lamang. Isa sa kinuha ay ang anak kong iyan."

"Anu-ano naman ang mga nauna nilang mga pinagsamahan?"

"Iyang nasa litrato, kuha nila sa isang bayan sa Pangasinan, ewan ko kung saan banda. Ayon sa naikuwento ng aking anak, napakaraming baboy na mula sa hindi matukoy na lugar doon ang dinadala patungo sa isang katayan malapit din doon."

"Ano po ba ang dating trabaho ng Mama ni Aurora?"

"Isang Veterinarian ang Mama ni Aurora na na-assign doon sa lugar na iyon, nagbakasyon lang ito dito kaya nakilala at na-recruit ang anak ko, at saka nabitbit niya patungo roon. Hanggang ngayon, Veterinarian pa rin naman ito."

"Nasaan na po ngayon ang anak ninyo?"

"Isa nang matagumpay na guro ang anak kong iyan. Sa totoo lang, magkasama pa rin naman sila hanggang ngayon. Ang sabi ng anak ko, nasa Pangasinan pa rin siya, at kasalukuyang naatasan ng kaniyang 'nakatataas' upang pangasiwaan ang isang 'lihim na proyekto' na kasabwat ang ilang mayayaman at mga makapangyarihang pulitika sa buong bansa."

"Sino naman yung sinasabi niyang 'nakatataas' at ano naman yung 'lihim na proyektong' iyon?"

"Mapagkakatiwalaan ba kita?"

"Opo!"

"Ang tawag sa proyekto na iyon ay 'File No. 1' at ito ay pinangungunahan mismo ng Mama ni Aurora."

"Talaga! Kailan pa?"

"Ang natatandaan ko, nagsimula itong programa nang ampunin nila iyang si Aurora, na noon ay sanggol pa lamang."

"Sino naman po yung 'sila'?"

"Yung napangasawa niya, siyempre!"

"Okey!"

"Pakiusap, huwag na huwag mong sasabihin kay Aurora ang mga napag-usapan natin lalong-lalo na yung pagiging ampon niya. Makaaasa ba ako sa iyo?"

"Opo, makaaasa po kayo!"

Habang nag-uusap sina Jamiz at ang Mama ni Belen, napapansin nilang papalapit sa kanila itong si Aurora; napilitang silang mag-iba ng pananalita.

"Iha, samahan mo kami rito," sabi ng Mama ni Belen, habang papalapit si Aurora kay Jamiz. "Halata kong na-miss mo siya... di ba?"

"Anong ibig niyang sabihin... sinabi mo na ba?" sabi ni Aurora kay Jamiz. "Mukhang nakahahalata talaga siya."

"Malay ko... wala naman akong sinabi sa kanya patungkol sa atin." sabi ni Jamiz.

"Halikayo, doon na lamang natin sa loob ipagpatuloy ang ating pag-uusap... at nang makakain na rin tayo." sabi ng Mama ni Belen, at magkakasama silang pumasok sa loob.

Pagdating nilang tatlo sa loob...

"Halikayo, kumain muna tayo!" sabi ni Belen, at saka kumapit sa braso ni Jamiz habang patungo sila sa hapagkainan; naiirita si Aurora sa kanyang nakikita.

Nang umupo sila sa hapagkainan at nagsimulang kumain...

"Uy! Kumain ka niyang Pansit Gisado, makatutulong iyan para humaba pa ang buhay mo. Di ba, isa ka pa namang 'Time Traveller'?" sabi ni Belen, habang nilalagyan niya ng pagkaing iyon ang platong gagamitin ni Jamiz.

"At saka dagdagan mo pa nung isang iyon, lalo na at hindi pa naman iyan nag-agahan. Tingnan mo, gutom na gutom talaga siya." sabi ni Aurora, habang hinahayaan niya si Belen na pagsilbihan si Jamiz.

"Friend! Kumuha ka pa riyan, ang sasasarap pa naman niyang mga niluto nila Mama," sabi ni Belen kay Aurora.

"Noon ko pa alam... kaya nga kami nagtungo rito dahil diyan." tugon ni Aurora sa sinabing iyon ni Belen.

Sa sagutan ng magkaibigang Aurora at Belen, unti-unting nakahahalata ang mga tao roon; pinanonood sila at saka nginingitian lamang.

"Uy! Tama na... ang dami nitong mga inilagay ninyo. Mauubos ko kaya ito?" sabi ni Jamiz, habang hinayaan lang sina Aurora at Belen sa kanilang ginagawa. "Baka gusto ninyong bawasan na lang itong ipakakain ninyo sa akin?"

Dahil sa ipinakiusap na iyon ni Jamiz, magkasabay na sumang-ayon sina Aurora at Belen. Habang kuamakain silang tatlo...

"Jamiz! Birthday ko ngayon! Hayaan mo mo akong pagsilbihan ang mga kaibigan ko gaya mo. Tutal naman, matagal na tayong magkaibigan, di ba!" sabi ni Belen, habang nakasandal ang kanyang ulunan sa balikat ni Jamiz habang sila ay kumakain; napapangiting-aso si Aurora habang pinagmamasdan sila.

"Bakit si Aurora, ayaw mong subuan?" sabi ni Jamiz, habang hindi siya makatingin nang maayos sa mga mata ni Aurora. "Sige na, kaibigan mo rin siya, di ba?"

"Hindi na kailangan pa. Tutal, napakaganda at napakalusog na niya, hindi gaya mo, payat na payat dahil walang nag-aalaga at nag-aasikaso... di ba?" sabi ni Belen, habang masayang-masayang sinusubuan ang kaibigan niyang si Jamiz; sukang-suka at nagdidilim ang mga paningin nitong si Aurora dahil sa huling sinabi niya.

"Pakainin mong maigi iyang KAIBIGAN MO! Lalo na at NAPAKAPAYAT PA NAMAN NIYA!" sabi ni Aurora, habang patuloy na lamang sa kanyang kinakain; hindi na siya nagka-interes na makipagsabayan sa kaibigan niyang si Belen sa kalokohan nito.

Pagkatapos nilang kumain...

"Iho... maaari ka bang sumama sa akin habang nagpapababa ka ng kinain mo?" sabi ng Mama ni Belen, habang hinihila nito papalayo kina Aurora at sa anak niyang si Belen. "Hayaan mo muna silang magkuwentuhan diyan."

"Opo! Saan po tayo?" tugon ni Jamiz, habang sinusundan ang Mama ni Belen.

Nang makalayo sila...

"Mayroon akong nais pang idagdag doon sa pinag-uusapan natin kanina... sumunod ka lamang sa atin. Pakiusap, huwag na huwag kang pahahalata at magsasalita sa kanya."

"Opo!"

Pagdating nila roon...

"Nasaan po tayo?" sabi ni Jamiz, habang papasok sila sa napakadilim na bahagi ng lugar na iyon. "Kinikilabutan ako."

"Iho, narito lamang tayo sa bodega namin kung saan ko naitatago ang ilang impormasyon tungkol sa sinabi ko sa iyo kanina." sabi ng Mama ni Belen, habang patuloy sa pagbaba. "Paki-lock iyang kandado ng pinto bago ka sumunod."

"Opo!" sabi ni Jamiz. "Napakadilim talaga!"

Pagdating nila sa nag-iisang pinto na naroron, agad silang pumasok. Habang naroroon sila...

"Naalala mo pa ba yung sinabi ko... kanina?"

"Yung 'File No. 1', bakit... po?"

"Kung anuman ang malalaman mula sa akin, atin-atin na lang."

"Opo!"

"Sa pagitan ng mga Taong 1983 hanggang Taong 1985, may kumakalat na balita patungkol sa isang tribu ng mga kakaibang nilalang na matatagpuan  daw... sa iba't-ibang bayan sa probinsiya ng Pangasinan."

"Ano po yung 'daw?'... paanong naging ganoon?"

"Dahil sa mahigpit na pamamalakad noon, lalo itong binalutan ng mga pagdududa at mga kasinungalingan. Hanggang sa...."

"Hanggang sa...?"

"Hanggang sa simulan itong tuklasin ng isang kagawaran ng ating pamahalaan na kinabibilangan ng mga mayayaman at sadyang mga makapangyarihan noong panahong iyon, nakilala ito sa tawag na FILE NO. 1."

"Ano po ba talaga iyang FILE NO. 1, at ano naman kaya ang mayroon?"

"Ayon pa sa iba, ito yung isang kagawarang kinabibilangan lamang ng mga matatalino at sadyang marurunong sa maraming larangan, sinadyang binuo para lamang sa iisang layunin."

"Ano naman kaya iyon?"

"Upang tumuklas at magdala ng mga makakalap nilang katotohanan patungkol sa tribung iyon patungo sa pang-unawa ng kanilang mga nakatataas."

"Mayroon naman kaya?"

"Hindi lang... sadyang marami... talagang napakarami!"

"Anu-ano naman kaya ang mga iyon?"

"Isa sa mga katotohanang iyon... nalaman nilang mayroon silang malaking kapakinabangan sa tribung iyon."

"Gaya ng...?"

"Nalaman nilang mainam ang mga nilalang sa tribung iyon sa mga layuning pang-agham... kalaunan, pinarami pa sila at saka ginamit bilang mga bihag at aliping-lubos para sa mga personal nilang interes."

"Wala naman akong naririnig sa mga nakatatanda patungkol diyan... paanong nangyaring wala?"

"Sapagkat... may kinalaman ang mga pulitiko sa gawaing ito. Pinalabas nilang kuwentong-bayan lamang ang tungkol dito.

Ilang sandali pa, ipinakita ng Mama ni Belen ang isang litrato ng dalawang magandang babae kay Jamiz. Hanggang sa...

"Namumukhaan mo sila?" sabi ng Mama ni Belen, habang hawak ni Jamiz ang litratong iyon. "Yung nasa kanan ay yung kinalakihang Mama ni Aurora habang ang nasa kaliwa naman ay yung totoo."

"What! Paanong...?"

"Basta, manatili ka sa sinumpaan nating dalawa."

"Okey."

"Sila lang naman ang inatasan noon ng FILE NO. 1 para pangunahan ang ikalawang pagpunta roon, bitbit ang mga puhunan at mga makinarya mula sa kagawarang iyon, hinalughog nang mabuti ang lokasyong iyon at saka isa-isang ipinapapatay ang mga nanlalaban sa kanila at saka binibihag ang mga natitirang buhay. Dahil sa kapangyarihang sinadyang ipinagkaloob sa kanila noong panahong iyon, lubusan nilang nasaid hindi lamang ang mga mamamayan ng tribung iyon kundi pati ang mga likas na yaman na kanilang namamataan pa."

"Pagkatapos...?"

"Tuluyan pa nila itong ipinasunog upang itago ang bakas ng tribung iyon at saka tuluyang maibaon sa limot ang kalunus-lunos na sinapit ng mga ito sa kani-kanilang mga kamay. Walang anumang impormasyong mula sa akin ang maaari mo pang matagpuan saan mang library sa buong bansa, sinadya nila ito para hindi na magka-interes ang iba."

"Who sourced you this?"

"Natural, yung totoong Mama ni Aurora. Siya mismo ang naglahad ng lahat-lahat sa aking anak, na noon ay bagong recruit pa lamang. Yung mga makikita mo sa bodegang ito na mayroong kinalaman sa pinag-uusapan natin, sa pamamagitan ng palihim niyang pag-uutos sa aking anak, isa-isa itong nabibitbit at naitatago rito. Bago siya ipinapatay, naipuslit ng anak ko ang lahat-lahat ng mga dokumento patungkol sa FILE NO. 1 papunta rito sa bodegang ito. Bilang kapalit ng nangyaring iyon, habang nakaratay siya sa kanyang higaan sa isang ospital malapit roon dahil lamang sa isang simpleng karamdaman, habang inihehele niya si Aurora, na noon ay 3-buwang sanggol pa lamang, nilapitan at saka pinakiusapan siyang ihehele rin ang kanyang anak ng kinalakhang Mama nito, na noon ay utusan lamang niya. Habang inihehele nito ang kanyang anak, pumasok sa silid na iyon ang limang nurse at isang doktor, pinagtulungan siyang lasunin. Habang nalalagutan siya ng hininga, kitang-kita niya kung paanong pinaiiyak ng limang nurse ang kanyang anak habang nasa bisig ng kanyang utusan, kita-kita rin niya ang saya nila habang unti-unting nauulila ang kanyang anak. Nang mapatunayang patay na talaga siya, agad siyang ipinasunog sa hindi kilalang morgue malayo sa ospital na iyon; ipinanunuod sa kanyang anak ang nagaganap na pagsunog sa kanyang bangkay. Ito ang kabuuang kuwento patungkol sa anak niyang si Aurora at sa FILE NO. 1."

"May tanong lang ako, bakit hindi ninyo mabanggit-banggit ang totoong pangalan ng Mama ni Aurora?"

"Sapagkat...."

"Sapagkat... ano?"

"Sapagkat hindi siya pinahintulutang gamitin ito sa lahat ng dokumentasyon sa FILE NO. 1."

"Paano nalaman ng anak ninyo na siya ang totoong Mama ni Aurora?"

"Mula sa paninilip ng anak ko sa isang maliit na biyak sa dingding ng silid na iyon, nakita niya nang buo ang mga naganap at narinig pa ang lahat-lahat ng kanilang mga pananalita kabilang ang mga nasabing mga katotohanan. Ang alaalang iyon ng aking anak lamang ang nag-iisang patunay kung ano ang FILE NO.1 at kung sino talaga si Aurora at ang kinalakihan niyang Mama. Subalit, ang doctor na naroon mismo sa kuwarto kung saan matagumpay na napatay ang totoong Mama ni Aurora, ay nagkusang gumawa ng mga paglalahad at ang mga ito ay naisulat at saka nailagak ng maayos isang sa madilim na sulok ng library ng modernong pangalan ng kagawarang ito."

"Ano naman po ang makabagong pangalan nito at saan naman kaya ito mahahanap?"

"Huwag kang magsasalita kaninuman tungkol sa mga nasabi kong ito. Mangako ka!"

"Opo!"

"Ang FILE NO. 1 na aking tinutukoy ay mas kilala sa pangalang... THE DEPARTMENT OF TIMELINES. Ang problema nga lang, hindi ko na nalaman pa kung saan ngayon nailagak ang mga sinaunang dokumentasyon nila lalo na sa bagay na iyan."

Dahil sa pagkakabanggit na iyon ng Mama ni Belen, agad kinilabutan si Jamiz; hindi siya nagpahalata habang patuloy silang nag-uusap.

"Iho... hanggang dito na lamang ang mga narinig mo. Basta...!"

"Nauunawaan ko po...!"

Paglipas ng ilang sandali, agad silang lumabas ng kanilang kinaroroonan; pagdating sa labas, agad din silang nagtungo kung saan naroroon sina Aurora at Belen; naabutan silang masayang nag-uusap.

"Uy! Saan kayo nanggaling ni Jami?" tanong ni Belen sa kanyang Mamaya, at saka lumapit kay Jamiz at saka hinila ito patungo kay Aurora. "Na-miss ka namin, saan talaga nagpunta ni Mama."

"Diyan lang sa hardin ninyo," sabi ni Jamiz kay Belen, at nahihiyang natingin kay Aurora. "Nandito lang kayo, mabuti at hindi kayo nainip?"

"Okey lang. Anong oras tayo uuwi?" sabi ni Aurora kay Jamiz.

"Mamaya... kumain muna kayo nung masarap na kakanin na ipinaluto ko riyan sa kapitbahay namin, mamaya ay narito na ang mga iyon." sabi ng Mama ni Belen, habang papalayo sa kanila. "Puntahan nga ninyo baka kanina pa iyon nailuto... bilis!"

Nang makaalis ang Mama ni Belen, muling nag-usap-usap sina Jamiz, Aurora, at Belen. Habang sila ay nag-uusap...

"Kayo, narito ba kayo sa darating na Bagong Taon?" tanong ni Belen kina Aurora at Jamiz.

"Oo narito lang kami... pero mayroon kaming ibang lakad ni Jamiz. Bakit mo naitanong?" sabi ni Aurora, habang nakatingin siya kay Jamiz.

"Sa probinsiya kasi kami magba-Bagong Taon, ipinaalam ko lang baka kasi ma-miss ako ni Jamiz habang wala pa ako." sabi ni Belen, at saka niya hinawakan ang mga braso ni Jamiz.

Pagkalipas ng ilang sandali, dumating na ang hinihintay nilang kakainin. Nagtungo silang lahat sa hapagkainan kung saan kasalukuyan itong inihahain. Habang kumakain silang lahat...

"Pagkatapos ninyong kumain, maaari na kayong makauwi ngunit... bago kayo umalis, mag-uwi muna kayo ng ilan sa mga ito sapagkat sadyang napakarami pala nitong nagawang kakainin!" sabi ng Mama ni Belen kina Jamiz at Aurora. "Belen, pagkatapos mong kumakain... ipagbalot mo ang mga kaibigan mo ng kanilang maiuuwi."

Nang matapos na silang kumain, agad ipinagbalot ni Belen ng mga kakanin sina Jamiz at Aurora. Pagkatapos...

"Jamiz! Kainin mo ito mamaya para hindi ka agad pumayat... baka kasi hindi kita makilala pagbalik ko mula sa pagbabakasyon." sabi ni Belen, at saka niya ibinigay kay Jamiz ang mga nabalot na kakanin.

"Tapos ka na? Bilisan mo, hindi kasi kami puwedeng magtagal dito sapagkat maggagabi na. Mahirap na, baka aswanging siya nang kung sino lang... diyan." sabi ni Aurora kay Belen, at saka siya humawak sa kanang kamay ni Jamiz; ilang sandali pa, inihatid sila ni Belen hanggang sa labas ng pinto.

Paglabas nina Aurora at Jamiz, masayang nagtungo sa sala si Belen; napansin ito ng kanyang Mama at saka personal na kinausap.

"Halatang napakasaya mo," sabi ng Mama ni Belen.

"Natupad na yung isa sa mga kahilingan ko," sabi ni Belen.

"Mabuti naman kung gayon!" sabi ng Mama niya.

22:34

Habang nasa kanilang silid-tulugan si Belen at ang kapatid niya...

"Bago tayo matulog, baka mayroon ka pang kahilingan na gustong matupad agad?" sabi ng Ate ni Belen.

"Mayroon pa... iyon ay ang... maging nobyo ko si Jamiz sa lalong madaling panahon... kung maaari sana ay sa pagbabalik natin mula sa pagbabakasyon." sabi ni Belen. "Okey lang ba sa iyo iyon?"

"Oo naman, okey siya sa akin para sa iyo. Siyempre, matutupad iyan agad. Malay mo, pagbalik natin lahat... magkasintahan na kayo." sabi ng Ate niya.

Paglipas ng ilang minuto, nagpatay na sila ng ilaw sa silid na iyon at saka natulog.

East Rembo, Makati City

23:45

Nang makapaligo sina Jamiz at Aurora. Habang nasa kanilang silid-tulugan...

"May lakad ka ba bukas?" sabi ni Aurora.

"Wala naman. Bakit, gusto mo bang ipasyal kita?" sabi ni Jamiz.

"Di ba, maraming naibigay na 'VHS tape' si Aling Toyang sa atin?"

"Oo, bakit mo naitanong?"

"Huwag na muna tayong mamasyal bukas... manood na lang tayo nang maghapon."

"Okey! Tamang-tama para makatipid naman."

Pagkatapos...

"Di ba, wala pa naman tayong napapanood kahit na isa. Di ba, may pinanonood ka kanina, ano nga yung pamagat niyon?" sabi ni Aurora habang naghahanap ng maisasalang na "VHS tape".

"Malay ko roon, hindi ko naman nabasa yung pamagat. Pakiusap, ikaw na ang mamilin ng panonoorin natin ngayon." sabi ni Jamiz kay Aurora.

"Sinabi mo, eh! Heto na...!" sabi ni Aurora, nang makapamili na siya ng kanyang maisasalang; agad niya itong isinalang sa nabili nilang "VHS player".

Pagkatapos, lumabas si Jamiz upang kumuha ng kanilang makakain sa kusina; pagbalik niya, nakita niyang may ipinalalabas na.

"Uy! Makapanonood tayo ng hindi 'distorted', ano naman ang pamagat niyan?" sabi ni Jamiz, habang inilalagay niya sa tabi nila ni Aurora ang kanilang mga kakainin.

"Ito rin mismo yung naisalang mo kanina. Kaya siguro na-distort kasi, hindi mo inayos ang pagsalang nito?" sabi ni Aurora.

"Kung gayon, ano ang pamagat niyan," tanong ni Jamiz, habang kumakain siya at nakatuon ang atensiyon sa napapanood.

"Mayroon namang nakasulat na pamagat, hindi nga lang mabasa sapagkat sulat lang sa lapis. Ang pamagat niyan ay... FILE NO. 1,"

Dahil sa sinabing iyon ni Aurora, agad kinilabutan si Jamiz; relax lang siyang pinanonood ang kanilang naisalang. Habang nanonood sila...

"Anu-ano namang ang mga napag-usapan ninyo ni Belen?" tanong ni Jamiz kay Aurora.

"Siyempre, tungkol sa iyo, Natural!" tugon ni Aurora.

"Talaga! Anu-ano naman ang mga iyon?"

"Inamin niya na lubos ka niyang ginugusto."

"Ibig sabihin...?"

"Ang hiling niya... maging nobyo ka!"

"Di ba, sinabi mong nobyo mo ako nang kunin at isuot mo iyang singsing. Bakit hindi mo ito sinabi sa kanya?"

"Pasensiya ka na, hindi ko lang naalala. Bilang siya ang may kaarawan ngayon, ayaw ko namang makasakit ng kalooban niya habang nagsasaya siya... kaya hindi ko muna sinabi ang tungkol sa atin. Okey lang ba?"

"Okey lang...malalaman din naman niya ito anumang oras mula ngayon. Hayaan mo na lang."

Habang nanonood sila, napapansin ni Aurora ang mga gumaganap sa kanilang pinanonood. Habang nanonood sila...

"Napapansin mo ba yung dalawang babae na nag-uutos sa mga manggagawang iyon?" sabi ni Aurora kay Jamiz.

"Oo naman, bakit mo naitanong?" sabi ni Jamiz, habang kinukutuban siya sa mga susunod na sasabihin ni Aurora sa kanya.

"Yung babaeng nasa bandang kanan... parang nakita ko na siya... hindi ko lang maalala kung saan. Matanong lang kita... kilala mo ba iyang mga gumaganap, parang hindi naman sila madalas lumalabas sa telebisyon sa ngayon?" sabi ni Aurora, at saka tumingin nang tuwid sa mga mata ni Jamiz.

"Malay ko sa mga iyan! Matagal na akong hindi nakapapanood ng mga palabas at mga pelikula simula nang masira yung luma kong 'black and white television'... ngayon pa lang uli. Parang nga...?" sabi ni Jamiz, habang kanyang pinipilit ikubli kay Aurora ang mga nalalaman niya ukol sa kanilang pinanonood.

"Ganoon ba. In-off mo na lang iyan at matutulog na ako. Wala naman akong nauunawaan sa mga pinagsasabi nila, manood ka lang hangga't gusto mo... Goodnight!" sabi ni Aurora, at saka humiga sa kama. "Akala naman ni Belen ay magiging nobyo niya si Jamiz. Mamamatay muna ako bago niya maging nobyo ito!" bulong niya sa kanyang sarili, at saka niya ipikinik ang kanyang mga mata.

Nang makatulog si Aurora, muling ipinagpatuloy ni Jamiz ang panonood; pinanood niya nang mabuti at saka inunawa hanggang sa matapos. Habang isinisinop niya ang kanyang "VHS player", napapatingin siya sa natutulog na si Aurora.

"Goodnight... sweet dreams...?" sabi ni Jamiz, at humiga sa kanyang kama at saka tuluyang natulog.