Magical Academy:The Powerful Princess

🇵🇭G_Aloo
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 5.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - C0

Nathalie Hale Swam

"NAT NAT kamusta."  Tanong ni mama sa akin ng pag karating nya sa bahay, lumapit naman ako sakanya at humalik sa pisngi.

"Ayos naman po katulad parin ng dati, libro lang ang kasama ko pag wala kayo." sagot ko sa kanya ngumiti naman sya ng mapait saakin, gusto ko sanang magtanong  pero iniwan na nya akong nakatayo sa pintuan at nag lakad na sya papunta sa kanilang silid.

Nakatigin lang ako sa hagdan na dinanan nya habang inaalala  kong kahit 'di nila ako tunay na anak ay minahal at inilagaan nila ako higit pa sa isang tunay na anak.

Bumagon ako sa aking higaan at lumabas sa saking silid nang makaramdam ako ng uhaw.

Pabalik na sana ako sa aking silid nang madaanan ko ang kwarto ng aking ina't ama. Nakabukas ng kaunti ang pintuan.

Lumapit ako roon at sumilip.

"Melba ano bang pinag sasabi mo kahit anong mangyari malalaman at malalaman rin nya ang totoo. At nangako tayo sa taong iyon na hindi natin sya papalabasin ng pamamahay na ito hanggat hindi pa siya tumutungtong sa tama niyang edad." Sabi ni ama kay mama.

Nang malaman ko ang mga iyon ay gusto kong maramdaman ung lungkot sa mga mata nilang dalawa ng pumasok sa utak nila na hindi talaga nila ako tunay na anak pero ka tulad parin ng dati walang kahit anong emosyon akong naramdaman. 

Nang mga oras na iyon ay nakita nila akong nakasilip roon. Iyak sila ng iyak habang nag papaliwanag sa aking pero ako walang kahit anong nararamdaman at naka tingin lang sa kanila.

Pag dating ng tamang oras ay babalik rin daw ang emosyon sa katawan ko at ang unang mararamdamam ko ay ang lungkot.

Lumakad ako at sumunod kay mama sa kanilang silid. Kumatok ako bang tatlong beses at pumasok sa loob bumungad sa akin ang kalagayan ng aking itinuring na ama.

Nakahiga na sya sa kama at hindi na makatayo marahil dahil sa labis na katandaan. Umupo ako sa gilid ng  kama kaharap si mama.

"Ma malapit na ang aking karawan anong gagawin natin" tanong ko kay mama hinawakan ang aking kamay.

"Harapin ang dapat harapin" nanghihina nyang sagot saakin "Pumunta kana sa lugar na dapat ay naroon ka alamin mo kung sino ka talaga"kahit nang hihina ay tinulak tulak nya ang aking kamay parang sina sabing simulan ko na ang pag lalakbay.

Niyakapa ko sya.

"Mahal na mahal kanamin ANAK" ang huli nyang salita at naglaho na kasabay ng pag tulo ng aking luha 'lungkot??'.

Pumumunta ako sa aking silid at inayos ang aking dadalhin para sa paglalakbay.

Mga normal lang silang tao pero pinalaki nila ako sa mundo kung saan ay dapat ako naninirahan  kahit nahihirapan silang mangapa rito ay di nila ako pinabayaan hindi pinalalabas para daw sa aking kaligtasan maliban nalang

kapag pupunta sila sa mundo nila ay sinasama nila ako kaya nakakalabas rin ako dito pero tatlong beses lang nangyari yun tsaka may kasama kaming kaibigan nila. Sya ang gumagawa ng lagusan para kala mama para maka labas at makabalik sila rito.

Pag katapos kong ayusi ang aking mga gamit ay nag punas ako ng luha at pawis nahirapan ako sa pag tiklop ng aking mga dahil bukod sa marami ito ay lahat ito ay mahabang damit na sinigurado ng aking ama at INA na kapag isinuot ko ay siguradong lampas sa aking mga paa at mga kamay.

Pumunta ako sa banyo at naligo pero di ko maiwasang umiyak ng maalala ko ang mga itinuring Kong magulang.

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako sinuot ko ung pinaka komportable kong damit as if namang meron.

Kulay green na damit ang isinuot ko at humarap na sa salamin tuningnan ko ang sarili ko at nag lakad na palabas ng kwarto dumaan muna ako sa kwarto nila mama at kinuha ang picture naming tatlo.

Pagkaapak ko sa labas ng bahay ay napahawak ko sa kwintas kung saan inilagay ko ang picture nila mama "salamat" bulong ko.

Inilock ko ang pintuan ng bahay at binudburan ko ang paligid nito ng jei isa itong pulbos kung saan kapag ibinudburan mo ito sa kahit ano ay nag lalaho ito.

Nang matapos kong budburan ang paligid ng bahay ay unti unti na itong nag laho kung may makarating man sa lugar na ito ay hindi nya makikita ang bahay namin dahil ako lang ang makakakita rito.

Binuhat ko ang aking bag at sinipa ng kaunti ang laylayan ng aking suot na damit upang makapag handa na sa paglalakad.

Lumakad ako palayo sa aking nakagisnang bahay.

🎧🎧🎧🎧🎧

Author's Note

I'll upload the english trans soon

Yeheyy stay tuned

See you!!

All Rights Reserved.