Nathalie Hale Swam
.
.
Lakad dito
.
.
.
Lakad doon
.
.
.
.
.
Naliligaw na ata ako
"Miss Nathalie malayo pa ba tayo, tsaka po saan po tayo pupunta?" tanong saakin ng isang maliit na boses lumingon lingon ako sa paligid para hanapin kung kaninong at kung saan nanggaling ang boses na iyon pero wala naman akong nakitang ibang tao o hayop rito. haa baka guniguni ko lang un.
"Narito po ako" bumaba ang tigin ko sa isang batang humila sa laylayan ng damit ko sa gulat ko ay na palayo ako sa kanya at na pasandal ako sa puno. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng gumalaw ang punong sinasandalan ako.Kahit na kinakabahan ay ni lingon ko ang punong sinasandalan ko.
" Hi!"
Bati nya saakin at itinaas ang kanan nyang sanga. Na parang kuma kaway.
"KYAAAAAAAAAAAAH"
"Pasensya na po Miss Nathalie kung nagulat po namin kayo" sabi ni ginoong puno.
"Ayos lang po iyon tsaka po wag nyo na po akong tawaging miss Nathalie, Nathalie na lang po o kaya nat nat nalang." sabi ko sa kanila bumaba ang kanyang isang sangang may mga hinog na bunga ng mansanas.
"Masusunod po kung iyon ang inyong nais"
"Hehehe di nyo na po kailangang maging pormal tsaka po bata pa po ako kaya di nyo na po kailang ngang ipo hehe."
Umupo ako at sumandal sa kanya. Mag papahinga muna ako saglit bago ulit lumakad. Kumagat ako sa mansanas na ibinigay nya sa akin at nilingon ang gwapong batang katabi ko.
"Gusto mo??" Tanong ko sa kanya ilbis na sagutin ay humiga lang sya sa lap ko ay pumikit 'abat ginawa pa akong unan'.
Mga kalahating oras rin siguro akong nag pahinga at nag disesyong umalis na at nag paalam na ako kay ginoong puno.
Tinanong ko panga kay kung kilala nya ang batang buhat buhat ko ngayon pero hindi nya raw ito kilala kaya nag pasya akong isama nalang sya papunta sa pupuntahan ko hahaha.
"Hmmm" ungot nya tumigil muna ako sa pag lalakad at itinapat ang mukha nya sa akin mukhang gising na sya ibinaba ko muna sya at umupo ako para nakita ko ang mukha nya.
"Gutom kana ba?" Tanong ko sa kanya nakanguso syang tumango kaya diko napigilang kurutin ang dalawa nyang pisngi.
"ang cute mo" naka ngiti kong sabi ko habang pinipisil ang pisngi nya nagulat naman ako sa ginawa ko at nabitawan ang pisngi nya mukang nagulat rin sya sa nagging reaksyon ko ito ba ung sinasabi nilang saya.
Ganito ba ang pakiramdam na may emosyon ka ito ba talaga ang tinatawag na saya. Napailing naman akong tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"Diba gutom kana?" Sabi ko sabay kuha ng isang mansanas na ibinigay ni ginoong puno sa aking.
"ito oh kain kana" kinuha naman nya iyon at kinagatan na.
Naglakad kami habang hawak ko ang kamay nya. Nagtataka lang ako paano nya nalaman ang pangalan ko tinawag nya pa akong miss Nathalie eh Hindi naman ako nag pakilala sa kanya.
"Ahh bata paano mo nalaman ang panggalan ko? Diba di naman ako nag pakilala ah" Tanong ko sa kanya.
"Ehh bakit po si ginoong puno hindi ninyo tinanong di ba po di naman kayo nag pakilala sa kanya di po ba.?" Tanong nya rin sa akin oo nga no PSH. paano kaya nila nalaman ang panggalan ko tch bahala na nga.
Nakarating kami sa dulo ng kagubatan at hmmm.
Kapag tumingin ka sa ibaba ay makikita ang pamilihan ng lugar na ito at sa diretsong tingin mula rito ay ang Academy na pupuntahan ko.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ng batang kasama ko.
"Anong pangalan mo?"
"Ako po ba ang tinatanong nyo"
"Wala na tayong ibang kasama rito" diretso parin ang tingin ko sa academy na tanaw mula rito.
"Sabi ko nga po ako po si Nathan"
"Asan ang magulang mo?"
Tanong ko pa sa kanya kailanggan ko muna malaman ang bagay bagay tungkol sa kanya bago ako mag disesyon mo kung isasama ko ba sya.
"Wala po di ko po sila nakilala pagagala gala na nga po ako sa kagubatan eh tapos po nung makita ko po kayo natuwa po kaya sinundan ko nalang po kayo.
"Sabi ko nga isasama na kita tanggalin mo na nga ung miss sa Nathalie ate nalang o kaya mommy hihi lika na nga " nangigili kong sabi sa kanya binuhat ko sya para mapabilis ang pag punta namin sa academy. Kailangan naming makapunta roon bago mag gabi.
Nang makababa na kami sa gubat ay pinag titinginan kami ng mga tao roon. Inosente ko naman silang tiningnan ibinababa ko si Nathan dahil nag pupumiglas sya pero hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya. Baka mawala ehh.
Habang nag lalakad kami ay nagsilalayuan ang mga tao at tinitingnan ang mga suot naming damit tiningnan ko ang damit ni Nathan at ang damit ko. Naka suot akong green na damit na lampas sa paa at sa kamay at si Nathan naman ay nakasuot ng blue namay gold sa damit nya.
"Nathan alam mo ba kung paano tayo makakapunta roon " tinuro ko ung academy.
"Hindi po mommy" nice naman mommy hihihi.
Lumapit ako sa isang binata pero lumayo sya agad saamin kaya doon nalang sa matandan lalaking katabi nya ako nag tanong.
"Magandang araw po" bati ko sa kanya
"Magandang araw rin binibini" sabi nya at nag bow sa akin hinawakan ko naman ang balikat nya at itinayo sya nag mukha pa ata akong prinsesa.
"Alam nyo po ba kung paano kami makaka punta roon"
itinuro ko ang academy at tumango naman sya nag presintang pangang ihatid kami kaya pumayag ako.
Hinawakan ko si Nathan at humawak kay lolo maglalakad na sana ako ng pigilan nya ako.
"Bakit po diba po ba tayo pupunta roon?"
"Maghintay ka binibini" sabi nya at tumingin sa paligid at itinaas nya ang kamay nya at inikot sa ere.
At wala pang isang minuto eh nasa ibang lugar na kami "Whaaa ang galing pero--- " tumingin ako sa paligid at nakita ko ang academy sa likod namin."--NASA academy na tayo" naka nguso kong sabi
"Mommy wala pa po tayo sa academy nasa may labas pa po tayo" nakatingalang sabi ni Nathan sa akin naka ngisi ko ko syang tiningnan.
"Pilosopo kang bata ka ha" pinisil ko ang pisngi nya.
"Binibini---"
"---Nathalie po"
"Binibining Nathalie----"
"--Nat Nat nalang po"
"Ahh sige, Nat Nat Hindi mo ba gustong narito na agad tayo?" Tanong ni lolo sa akin
"Hindi naman po sa ganun gusto ko lang pa kasing mag lakad lakad lolo."
"Ahh ganun ba wag nang mag alala makakapag lakad lakad ka dyan sa loob tsaka magaganda ang nasa loob nyan" pangungumbinsi nya sa akin nag liwanag naman ang mukha ko at nag lakad papuntang gate ng paaralan hihihi.Lumapit saakin si lolo.
"Nat nat gusto mo bang mag aral dyan"
"Opo may ibinigay po si mama na sulat na dito daw po ako na babagay ito po oh" ibinigay ko ang sulat na ibinigay ni mama saakin noong nalaman ko na di nila ako tunay na anak.
Binuklat iyon ni lolo at binasa pagkatapos nyang basahin ang sulat ay ibinulsa nya ito at tumingin sandali sa akin.
"Bakit po lolo?" Ako at nagtatanong na naka tingin sa kanya.
"Lolo?"tumango naman ako at nakangiting umiling naman si lolo
" Ahh sige Nat nat pasok na tayo sa loob" Tumapat sya sa malaking gate ng paaralan at may ibinigkas na salita.Nang bumukas ang gate ay tumingin sya sa akin at tumango.
" 'Lika na"
"Sasama po kayo?" Namamanghang tanong habang hawak si Nathan at nag lakad papalapit sa kanya.
"Syempre naman sinong mamamahala sa paaralang ito kung wala ako hahaha" natatawa nyang sabi. At nag lakad na papasok sa paaralan.
Binuhat ko si Nathan at humabol Kay lolo habang nag tatanong.
""LOLO ANO PONG IBIG NYONG SABIHIN DUN NAG AADIK PO BA KAYO LOLO SABIHIN NYO"sigaw ko papalapit sa kanya.