Chapter 3 - C2

Nathalie Hale Swam

So this explained everything...

Inikot ko ang mata ko sa paligid ng office ni lolo akala ko nag aadik sya kaya kung ano ano na lamang ang nasa sabi nya.

Umupo siya sa harapan namin ni nathan itong batang to ang kulit. Parang kiti-kiti...

"Nathan umayos ka ng upo, wag mong pakialaman yan baka makabasag ka dyan" saway ko sakanya kinakalikot nya kasi ung laman ng lamesa ni lolo.

"Ehem"

"So Nat Nat pag usapan natin ang pag eenroll mo rito sa paaralan, may mga ilang bagay lang akong kailangang itanong sayo" si lolo habang nakatingin sa akin ng diretso.

"Sige po, ano po ung itatanong nyo"

"Alam mo ba kung ano ang kapangyarihan mo?"tanong nya umiling naman ako dahil Hindi ko naman talaga alam ang kakayahan ko.

" okay lang yan at isa pa ---"

*boghhs*

"Nathan tigilan mo yan " binuhat ko si Nathan at inupo sa lap ko.

"---hindi  mo pa ba sya pag aaralin?" Tanong saakin ni lolo pero kay  Nathan sya nakatingin.

"Puwede po ba?"

"Puwede ang ano?"

"Puwede na po ba syang mag aral?" Tumango si lolo sa tanong ko.

"Oo pero dun sya sa kabila ang paaralan iyon ay katabi lang ng paaralang ito  doon nag aaral ang mga batang alchemy pero puwede mo syang bisitahin roon kahit anong  araw at oras lalo nat mukang marami syang masisirang bagay bagay at  sigurado ako dyan." Nakatingin si lolo sa crystal na bolang na basag ni nathan .

"Hehehe"

Inihatid kami ni lolo sa dorm ko sabi nya sya nadaw bahala sa mga kailangan ko at ni Nathan.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto at bumungad sa akin ang isang babaeng nakaupo sa gilid ng kama.

"Hi!" Bati ko sa kanya at kumaway kaway pa hinawakan ko ang buhok ni Nathan para sabihing bumati rin sya

"Hi po?" Nagtatanong nabati ni Nathan.

"Hello rin  nasa  may kanan ko ang higaan mo nasa  gilid naman noon ang kabinet mo" nakayuko nyang sabi at di manlamang kami tinapunan ng tingin.

Dumiretso kami sa higaan ko ibinaba ko ang bag ko sa kama ganun rin si Nathan

"Saan mo nakuha yang bag na iyang nathan " nagtatakang tanong ko kanina namang papunta kami rito eh wala syang dala nalang bag.

"Ahh binigay po ito ni lolo mommy laman daw po niyan ay damit na panlalaki in short damit ko po" pinigilan ko ang sarili kong  pisilin ang pisngi nya dahil kapag nag sasalita sya ay parang lumolobo ito.Di naman sya mataba sadyang cute lang talaga sya.

Binuhat ko sya at pinang gigilan

"Ang cuteee naman ng Nathan kooo"

Pagkatapos ko ayusin ang aking damitan ay nilinisan ko na si Nathan at pinalita ng damit dumating narin ang mga tanong mag hahatid sa kanya sa sarili nyang dorm.

Naligo na rin ako at nag palit ng damit naka T-shirt ako na puti at naka short. Binigyan ako ni lolo ng mga komportableng damit para daw di ako nagiging agaw atensyon dahil sa habang ng damit ko.

Lumabas ako ng cr at lumapit sa babaeng kanina pa nakaupo sa gilid ng kama nya.

"Hi Ako nga pala si Nathalie Hale bago pa lang ako rito at alam kong alam mo rin un hehe ikaw anong name mo" inangat nya ang kanyang ulo at napa kunoot noo naman ako ng makitang nasa ibang direksyon ng tingin nya.

"I'm Saiha, Saiha Gale, sound manipulator, and I can hear everything even  you're heartbeat"  napanganga ako habang nakatingin sa kanya Hindi dahil cool ung kapangyarihan nya kundi sa ibang deriksyon sya nakatingin habang kinakausap ako.

Hinawakan ko ang balikat nya at iniharap sya sa akin.

"Hehehe ako ba ung kausap mo?"  Tango lang isinagot nya sa tanong ko.

"May stock ba tayo ng pag kain rito?" Gutom na talaga ako si Nathan Maya kumain na?.

"Meron naman pero may nag padala ng pagkain rito kanina un nalang ung kainin mo para 'di ka na mag luto."

"Ahh sige salamat"

Pumunta ako ng kusina at nakita ko ang pagkain na sinasabi nya.Kumain na ako at pag katapos  ay hinugasan ko narin  ang mga ibang hugasin na naroon. Mabuti nalang at tinuruan ako nilala mama ng gawaing bahay.

Nang lumabas ako galing  kusina ay nakatalukbong na ng kumot si Saiha mukang nakatulog na ata.

Nagising ako sa kalampag ng pintuan tiningnan ko ang higaan ni Saiha pero mukang nauna na syang pumasok.

Tumayo ako at binuksan ang pintuan.

"Good Morning Lolo bakit po kayo na rito?" bungad ko sa kanya tamango naman sya at ngumiti

"Ito ang uniform na susuotin mo ito na rin ang bag mo may laman narin iyan, bilisan mo at late kana sa klase mo." ibinigay ni lolo ang lahat ng mga binanggit nya.

"Para saan naman po ito?" itinaas ko ang bracelet na ipinating nya sa uniform ko.

"Ayan iyan ang mag tuturo ng room mo para hindi ka maligaw pero isang beses lang yan gagana meaning bukas dapat alam mo na kung paano ka makakapunta roon  ng ikaw lang." Dirediretso nyang sabi at isinara na nya ang pinto.

Mabilis akong naligo at nag bihis ng uniform isinuot ko na rin ung

bracelet na bigay ni lolo.

"Woahh kalma lang" sabi ko sa bracelet dahil bigla nitong hinila ang kanang  kamay ko kung saan ito na ka suot.

Isinuot ko ang bag ko at nagpahila nalang sa bracelet na suot ko.

Tumigil kami sa gilid ng mga kumpol na tao at biglang nag laho ang bracelet sa wrist ko.

"Bulag kaba ha at 'di mo ba nakikita ang dina raanan mo, ha?" Tuming kayad ako para tingnan kung nasan ung pinto ng klas room nang nakita ko kung nasaan iyon ay agad akong sumiksik sa nga tao.

"Excuse me"

"Excuse me po" nakayuko kung sabi at sumingit.

"Ay I almost forgot bulag ka nga pala talaga" sarkastikong sabi ng isang magandang babae.

Masyado silang nag bigay ng space para sa mga taong ito.Di tuloy maka  daan ung mga gustong pumasok sa room. Tulad ko.

Dahil sa kuryusidad ko at dahil nasa  likuran nya ako ay umangat ako mula sa pag kakayuko at tiningnan ang babaeng nasa harap ko.

Nang makilala ko kung sino iyon ay agad ko syang binati.

Third POV

"Hi Saiha" bati  sa kanya ni Nathalie naguguluhang napatingin ang lahat sa babaeng kakarating lamang ang babaeng ito ay may taglay na kakaibang kagandahan.

Mula sa kanyang bughaw na mata. Ang hanggang balikat nyang purong itim na buhok at ang maamo nitong mukha.

"Sai ano pang ginagawa mo rito baka ma late ka niyan sa klase mo lika hatid mo muna ako" nag tatakang tanong pero may giliw ang tono ng dalaga.

Hinila nya ito ngunit may kamay na pumigil sa kanya. Si Margot ang babaeng nang away Kay saiha. Margot ay may kakayahang gawing bato ang kahit anong bagay o tao at tumingin sa kanyang mata at kung gugustuhin nya ay pati ang mga kung ano anong bagay gamit ang isip nya.

"Sya ihahatid ka?" tanong nito sakanyan nya tumango naman si Nathalie. At akamanh hihilahin ulit si Saiha

" Sandali bago ka rito no. " tanong ni Margot sa kanya.

"Hmm" Nathalie habang naka tingin sa mga mata niya.

"Kaya naman pala  eh di mo ba alam na b---"  hinigpitan ni saiha ang paghawak sa kamay ni nathalie. At parang naintindihan ni Nathalie ang ibig nitong sabihin.

Hindi na nya tinapos ang sasabihin ni Margot at umalis nalang roon.

Dumiretso sila classroom at sakto namang dumating ang kanilang guro at pinapasok ang iba pang estudyante sa kani kanilang klase.