"Hoy" Joko intentionally hit him because he noticed that Vergel was left behind in their walk. Vergel remained silent and continued to walk calmly.
"Bilisan mo maglakad, ANO—ano? Nagli-labor? Takot mahulog yung baby?" Iritang sabi nito."
" Vergel!" Tumatakbong lumapit si James sa kanilang dalawa.
"San ka galing?" Tanong nila. Bigla kasi itong nawala nang papalabas na sila ng gate.
"Nakipagbreak sakin si Mara eh." Kumakamot sa ulo na sagot ni James.
"Gunggong ka kase eh."—Joko.
"Dapat lang sayo yan."—Vergel.
" This is the reason why I don't want to tell you anything.. you guys are so brutal, I don't think you're my friend." Napabuntong hiningang turan ni James na bahagya pang pinagpag ang kwelyo at ang manggas niya. Vergel had noticed James's mannerism many times. He couldn't help but ignore it because he was familiar with that kind of mannerism. But he always chooses not to talk about the matter.
"Ang arte mo. Kaya ka iniiwan eh." Natatawang sabi ni Joko.
" Wag mo nang ganyanin. Muntimang ka din eh. Broken-hearted na nga eh." saway ni Vergel.
" Broken? Tanga."
"Fishball!" Biglang sigaw pa nito at tumakbo patungo sa nagbebenta ng fishball.
"Kala mo nagtitinda ng taho yung hinahabol eh." Ani Vergel. Tumingin siya sa tahimik na kaibigan.
"Okay ka lang?" Tanong niya kay James na mukhang nagtampo.
"I don't know— I feel like Joko doesn't like me. Ever since I hung out with you two, he hasn't been nice to me ... it's like I don't belong." James said sadly.
" Masasanay ka din sa siraulong 'yon. Pero mabait naman si Joko. Matututunan mo din sakyan yung mga biro niya." Tanging pag-ngiti lang ang sinagot ni James.
"Tito Sol!" Masayang sigaw ni Joko nang matanaw sa labas ng gate ng bahay nila Vergel ang ama nito. May kausap ito sa cellphone ngunit ibinaba din nito agad nang makita nga silang papalapit. Umiiling-iling na lamang si Vergel. Sa kinikilos kasi ng kaniyang ama ay nararamdaman niya na magkakaroon na naman siya ng bagong madrasta.
"Vergel, padating ang papay kaloy mo ngayon. Susunduin ka nya." Sabi nito nang ganap na silang makalapit sa lalaki.
"Huh?"
"Uhm.." hinawakan ni Sol ang magkabilang balikat ng anak at huminga ng malalim.
"Anak, nagkaroon kasi kami ng pagtatalo ng tita Amy mo. At ang nakikita ko nalang na solusyon ay.."
"...itapon ako sa probinsya." siya na ang nagpatuloy. Agad namang gumuhit sa mukha ni Sol ang matinding guilty. Ayaw niya din naman na nakikitang nahihirapan ang ama sa pagpili lalo na't wala siyang ibang hiniling kundi ang lumigaya ito.
"Hindi naman sa ganun, anak. Pang temporary lang naman habang mainit ang ulo ng tita Amy mo." Anito.
" Kelan ba lumamig ulo nya sa akin?" Simula't sapul naman ay hindi naging mabait sa kanya ang babae.
" Anak, please sana maintindihan mo ak—"
" Pa, hindi. Ayoko nang intindihin. Pero sige—wag ka mag alala, sasama ako kay papay." Hindi na niya hinintay pa ang susunod na sasabihin ng ama at pumasok na sa loob ng bahay. Tahimik naman na sumunod sila Joko at James sa kaibigan.
"So.." tumingin pa si James kay Joko dahil nag-aalangan silang magsalita.
"Oo. Pinapalayas sya ng papa nya." Ani Joko habang tinitingnan ang sariling cellphone.
"I mean uh—uhm.." Hindi parin magawa ni James pumili ng tamang salita. Nilapag ni Joko ang kaniyang cellphone at saka hinarap si James.
"Tuturuan kita, kung gusto mong i-comfort ang tropa mo kailangan mo gumamit ng diretsong salita." Bulong ni Joko kay James.
"No. I mean I get it okay?..pero—ugh! What can I say?" Nalulungkot kasi si James para sa kanyang kaibigan. Pero walang kibo na nag-iimpake si Vergel ng mga damit. Hindi din mabakas sa mukha nito ang lungkot o kahit anong galit. Parang sanay na siya.
"Kelan ka babalik?" Tanong ni Joko.
"Depende. Pero siguradong pababalikin niya lang ako kapag may bago na naman siyang ipapakilala sakin na babae." Sagot ni Vergel habang sinisiksik ang mga damit sa kaniyang maleta.
" Sana all." Halos sabay pa na turan nina Joko at James.
"Paano kayo ni Joyce?" Biglang tanong ni James.
"Si Joyce?"
"Oo. Mag-jowa na kayo di ba?"
"Hindi ko siya niligawan." Nakangising sagot ni Vergel.
"Hindi papansinin ni Vergel yon. May ibang babae na nagmamay-ari ng puso ng kaibigan natin." Ani Joko.
"Talaga? Then who's the lucky girl?" Tanong ni James.
"Si Monalisa Manuela y Realoza a.k.a 'Moma'. Childhood sweetheart niya." Sagot ni Joko.
" Woah."
" Woah? Amazing?" Natatawa kasi si Joko sa reaksyon ni James.
"Kabisado mo kasi yung pangalan niya eh." Ani James.
" Laging bukambibig ng kumag na 'to noong una kaming magkakilala eh."
"Hanggang ngayon?"
" Hindi na masyado. Naturukan na yan ng pampakalma." Tumawa si Vergel sa sinabi ni Joko at pabirong binato ang kaibigan ng bag na walang laman.
"Anyway, tamang pagkakataon din ito para makipag-reconcile ka sa mga kaibigan mo sa province." Sabi ni Joko at binato din pabalik kay Vergel bag.
"Yun na nga lang nilu-look forward ko." Sagot ni Vergel.
"Plus makikita mo na si Moma..yieee.." nagtawanan silang tatlo.
" Ano bang klaseng babae si Moma?" Biglang tanong ni James. Tumingin din si Joko kay Vergel para marinig ang sagot nito.
" She's once in a lifetime woman." Sagot ni Vergel.
" Ay putcha! English." Natatawang sabi ni Joko.
" Pero bakit kailangan ng reconcile? May issue ba?" Usisa ni James.
"Umalis kasi si Vergel sa probinsya nila na hindi siya nagpapaalam kahit kay Moma. Nagkasakit pa sya noon at hindi niya pa din sinasabi sakin kung anong sakit ba yon. Namatay pa yung mother ni Vergel, halos mabaliw daw si Tito Sol, kaya para makapag-move on nagpunta sila dito sa Manila. Hindi na niya nagawang magpaalam sa mga kaibigan niya kasi biglaan daw eh. Pagpunta naman dito sa lungsod, dinaig pa ni Tito Sol ang nakawala sa hawla. Daming shinota." Kwento ni Joko.
" Grabe. Pero maiintindihan ka naman siguro ng mga iyon."
"Yun din ang akala ko eh. Nung nauso ang social media, sila agad ang hinanap ko." Naupo din si Vergel sa lapag habang ipinagpapatuloy ang pag-aayos ng gamit.
"Nahanap ko naman yung mga accounts nila. Pero lahat sila naka private. Hindi ako makapag-message ng basta. Si Joseph lang ang medyo open ang account kaya na message ko siya." Huminto si Vergel sa ginagawa.
"Anong sinabi nya sayo?" Tanong ni James.
" Sineen nya lang yung chat ko at pagkatapos 'non binlock na niya ko." Halata sa mukha ni Vergel ang lungkot.
"Si Moma?"
" Tama na nga yang kakatanong mo. Lalo lang nalulungkot si Vergel." Saway ni Joko.
" Basta pre, matapos ko lang yung mga naiwan kong deadlines, susunod ako sayo. Para makapagbakasyon din ako." Sabi ni Joko. Tumingin sila kay James.
"Sama ka?"
"Of course.. why? Am I not included?" Ani James.
" Kaya ka nga tinatanong. May gravity naman bakit lutang ka?" Sabi ni Joko. Tinawanan nalang ni Vergel ang dalawa.
" Basta chat-chat na lang muna. Psg natapos ko lahat, byahe kami agad ni James." Ani Joko.
Vergel was silent and just continued what he was doing. He just let Joko and James talk because he will definitely miss the arguments of his two friends.
"..Or maybe we can check their fb accounts again?" Sabi ni James.
" Bakit pa?" tanong ni Joko.
" Y'know.. For when they meet again, he has topics right away. So that they can see that even if they don't see each other anymore, Vergel is still updated." James replied. He adjusted the collar of his polo shirt again and rolled up his sleeves.
"May point ka. Vergel, ano nga ulit ang mga pangalan nila?" lumabas sandali si Vergel ng kwarto at bumalik din naman agad.
" Joseph Duyaguit, si Moma naman, Lisa Realoza ang pangalan sa fb. Tas si Anielle Castore at si.." biglang natahimik si Joko at James habang nakatingin sa screen ng phone.
" Bakit?" tanong niya.
" Wait."
" Akina nga." Inagaw niya ang cellphone ni James at tiningnan ang nasa screen.
" Isn't it when the profile pic is all blank black it means they lost a loved one .. is that right?" tanong ni James.
Tiningnan ni Vergel kung sino ito. Account ni Joseph ang nakita nila at may caption na, "*Rest in Peace mahal kong Moma. Siguradong magkasama na kayo ngayon ni Razel dyan.*"
Ngunit ang post na iyon ni Joseph ay nasa 1 week na halos ang lumipas. Naupo si Vergel at tinitigan lang ang screen ng cellphone. Ilang minuto din siyang nakatulala ngunit mainit na ang gilid ng kaniyang mga mata dahil sa nagbabadyang pag-patak ng kaniyang luha.
Ang daming tanong sa isip niya. Ang dami niyang pino-proseso sa utak niya pero hindi niya parin matanggap ang balitang iyon. Dalawa sa mga kaibigan niya ang matagal nang patay at wala man lang siyang kamalay-mlalay. At hindi lamang basta kaibigan.
Si Moma lang ang tinatanaw niya sa hinaharap kaya labis ang pagsisikap niya. Pero ngayon parang nawalan na siya ng dahilan para harapin pa ang bukas.
"Pre.."
"Iwan niyo muna ako." sabi niya kay Joko. Nagdadalawang-isip man ay sumenyas si Joko kay James na iwan na muna si Vergel. Nasa sala naman ang ama ni Vergel nang lumabas sila Joko ng kwarto at agad nilang sinabi sa lalaki ang masamang balita na nalaman ni Vergel at nagpaalam na uuwi na sila.