Hinatid sila ni Sol sa terminal ng bus.
"Vergel." Tinawag ni Papay Kaloy ang binata ngunit di ito namansin. Dumiretso ito sa loob ng bus at naupo na sa loob.
"Batang ito, hindi man lang nagpaalam sayo." Imiiling na sabi ng matanda. Tinanaw na lamang ni Sol ang anak na tulala parin magbuhat nang nasa bahay pa. Bagsak ang balikat niya na tumingin kay Papay Kaloy.
"Ikaw na ang bahala." Hawak ni Sol ang kamay ng matanda. Alam niyang madami nang hinanaing ang anak.
Sol can't figure out how long Vergel has been tormented by what happened in their lives and how long the son has borne the burdens alone. And now he faces great grief again and he can't even be with him.
"Oo. Wag kang mag-alala. Pero Solicio, ipapaalala ko lamang sayo na tumatanda na tayo, wag mo naman iparamdam sa bata na nawalan na siya ng ama't-ina. Ayusin mo ang desisyon mo sa buhay. Kung nakikita ka lang ni Lourdes ngayon tiyak na magagalit iyon." Ani Kaloy.
" Oho. Pero 'Pay ano po bang nangyari kay Monalisa?" Naging malapit din kasi kay Sol si Moma. Lumingon si Pay Kaloy sa bus. Sumisenyas na kasi ang konduktor na aalis na.
" Hindi ko alam. Nasa kabilang baryo ako naglalako ng paninda nang bawian si Moma ng buhay.. pero..isa lang ang nasisiguro ko, hindi sa sakit namatay ang kawawang batang iyon." Bulong ni Pay Kaloy.
" Pay, aalis na po!" Bumaba na si Vergel para tawagin ang matanda.
"Anak. Sandali!" Tumakbo si Sol at kinuha ang kaniyang pitaka, kinuha niya ang lahat ng laman nito na pera. Hinawakan niya ang kamay ng anak at inilagay sa palad nito ang pera. Tumingin si Vergel sa Ama na para bang nagtatanong.
"Just in case na maisipan mo umuwi ng mas maaga. Pamasahe mo iyan." Nakangiting sabi nito.
"Salamat po." Ani Vergel.
"Ingat kayo."
"Sige na. Aalis na kami. " Tinulungan pa ni Sol ang dalawa mag akyat ng gamit nila.
"Ingat kayo." Kumaway na lamang si Vergel sa ama. Hindi agad umalis ang lalaki. Hindi niya inalis ang kanyang paningin sa bus na sinasakyan nila Vergel hanggang sa makalayo ito.
He silently stared at the bus as he formed a decision in his mind. He was determined that when Vergel returned, everything would be fine and he would not let his son feel alone.
"Hayy.." inayos ni Pay Kaloy ang kaniyang pagkakaupo at sumandal. Ngunit hinintay lamang pala ni Vergel na umalis ang bus. Hinubad niya ang suot niyang headset at tumingin sa kaniyang Pay Kaloy.
"Papay." Ngunit mukhang alam na ng matanda ang nais niyang sabihin. Huminga ito ng malalim bago nagsalita.
"Hindi ko maipapangako na masasagot ko ang lahat ng tanong mo, anak. Pero wala kang kasalanan. Wag mong sisihin ang sarili mo." Sabi nito habang pinupunasan ang salamin sa mata.
" Bakit po nagkaganun?" Hindi na siya nahiyang umiyak, muli siyang nakaramdam ng panginginig.
Sinuot ng matanda ang eye glasses. "Nang umalis kayo ng papa mo naging abala ako sa aking sariling buhay. Hindi ko naantabayanan ang buong kaganapan sa mga buhay ng iyong mga kaibigan." Umubo ito bago muling nagsalita.
" Pero nakikita ko naman na lumalaki silang mabubuting tao. Lalo na si Moma. Napakagandang bata. Kinagigiliwan. Kinahuhumalingan ng lahat."
" Ngunit alam mo ba kung sino ang nagtagumpay sa puso ni Moma?"
" H..ho?"
" May boyfriend po si Moma?"
" Hmm.." medyo hinihingal pa kasi ang matanda kaya matagal bago makasagot.
" Ang alam naming lahat, si Anielle ang nobyo ni Moma. Pero kumalat ang balita na ang ama ng dinadala niya ay si Joseph daw. Nagkagulo nung araw na iyon at nagkaroon ng matinding pagtatalo ang mga kaibigan mo. Umabot pa nga sa punto na naging agresibo na si Joseph. Nagkapisikalan na sila."
Tumingin si Vergel sa bintana.
" Hindi ko parin po maintindihan."
He also couldn't understand himself. Whether he will feel jealous or annoyed at the fact that Moma has a boyfriend as he prepares himself for the dream and believes that he will be Moma's husband one day.
"Gaya nga ng sinabi ko sayo, hindi ko alam ang lahat. Pero mukhang hindi naman naging madali para kay Moma iyon. Sinalo niya lahat pati narin ang kahihiyan na dapat isa kina Annielle o Joseph ang dapat maging responsable. Kasi hinusgahan na siya ng tao. Walang nakinig sa kaniya. Walang naniwala. Hindi siguro kinaya ni Moma ang lungkot, kaya madaming beses niyang tinangkang kitilin ang buhay niya pati narin ang bata sa loob ng sinapupunan niya."
Vergel doesn't move and just listens to the old man. But earlier he was clenching his fists in inexplicable anger for Joseph and Anielle. They have a promise. Where were they during the times when Moma needed sympathy? Especially since one of them was the father of the child in the girl's womb.
"Ang sabi pa nga ni Moma nang minsan na kamustahin ko sya,kung hindi ka lang daw umalis marahil hindi niya mararanasan ang lahat ng iyon." Papay Kaloy added that his heart hurt even more. It was as if he was bathed in guilt by what he heard. He could no longer calm down in his seat. It was as if he just wanted to jump out of the bus window.
"..Pay...si.. si Razel po.." It took almost a moment before Papay Kaloy spoke when he heard Razel's name.
"Pay.." He noticed the old man's sideways tears. He looked the other way to hide the tears from Vergel. He doesn't know how to tell what happened to Razel.
"Basta…"
"Basta po ano?" tanong niya.
"Ang sabi niya kasi... may surpresa sila ni Moma.. sa bundok. Masaya ako. Masaya kami. Tinulungan ko pa sila sa paghahanda ng kanilang dadalhing pagkain.. Masaya akong nakikitang hindi sila nagbabago kahit na wala ka sa tabi nila.." kinuha ni Pay Kaloy ang bimpo na nakasampay sa kaniyang balikat at mabilis na pinunasan ang kaniyang luha. Ngunit kahit na anong punas ng matanda',y tumutulo parin ang kaniyang luha.
"Nagulat nalang lahat… kasi kinaumagahan matapos ang gabing iyon ay nagsisigaw na itong si Nimfa...ako naman ay kumaripas din ng takbo sa pagaalala...at.. ayun nga.. tumambad sa amin ang nakabigting katawan ni Razel." Tinakpan ni Pay Kaloy ang kaniyang mukha sa hiya na baka may makapansin ng kaniyang pag-iyak.
"Pay ito po." Inabutan ni Vergel ng bottled water ang lalaki.
"Mag-relax po kayo, mahaba pa po ang byahe baka mapano po kayo, siguradong masasagot din lahat ng tanong ko pag dating natin doon." Sabi niya. Tumango-tango na lang si Papay kaloy at nanginginig na uminom ng tubig na bigay ng binata.
He put on the headset again. Though his heart was crushed, he chose not to show emotion or any reaction so that the old man would not worry for him. He is also used to doing that thing. All his life he had to look strong and he was also at the point where he had long forgotten how he felt just for the sake of the people around him.
He used the rest of the trip to calm his heart and mind, to be ready, because he knew it would not be good to meet his friends again.
He believes that Papay Kaloy has not yet said other important details.
Hindi niya pa alam ang totoong dahilan ng pagkamatay ni Moma.
At kilala niya si Razel. Hindi ito gagawa ng ganung bagay kung walang malalim na dahilan. Siguradong mayroong nangyari sa mga kaibigan niya sa bundok at iyon ang aalamin niya oras na makarating siya doon. Sa ganung bagay makakabawi siya sa kaniyang mga minamahal na kaibigan.