Chereads / WHERE IS MOMA? / Chapter 5 - CHAPTER4: Welcome Back

Chapter 5 - CHAPTER4: Welcome Back

"Ayy! Vergel!Nakuuuuu!"

"Tita!" Masayang tumakbo si Vergel para salubungin ang babae na nasa 50's na din ang edad. May katabaan ito at pudpod ang buhok. Halos lahat naman ay napalingon din dahil sa sigaw ni Iskang. Mahigpit siyang niyakap nito at pinaulanan ng halik ang kaniyang pisngi. Pumiglas naman si Vergel at umatras ng kaunti sa babae.

"Tita. Hindi na po ako bata." Kumakamot sa ulo na sabi niya.

"Oh e' ano naman?! Nakita ko na din naman iya—"

"Tita."

"Iskang! Iyan na ba yung anak ni Solicio?" Usisa ng ilang tao na nakatambay sa tapat ng tindahan.

"Aba! Oo! Ito na nga! Haha! Tingnan niyo't akala mo'y artista sa pagka-gwapo." Proud na sagot ni Iskang. Yumuko na lang si Vergel.

" Iskang, may niluto ka na ba?" Tanong ni Pay Kaloy.

" Oo. Niluto ko ang paborito ni Vergel na ulam."

" Tara na at nang makapagpahinga na." Yaya ni Pa'y Kaloy. Sumunod naman sila habang nananatiling nakakapit si Iskang sa braso ni Vergel na para bang inirarampa siya ng tiyahin sa kanilang mga kapit-bahay.

"Malou! Malou! Lumabas ka nga dyan at narito na ang papay mo!" Sigaw ni Iskang nang ganap na silang makapasok sa bahay nito.

"Wala akong pake!" Narinig niyang sigaw ni Malou mula sa kwarto nito.

"Aba't bastos ka ah! Kaloy, pagsabihan mo yan." Uminom muna si Kaloy ng tubig na inabot ni Iskang.

"Malou! Ano ka ba?" Maya-maya pa'y narinig na nila ang mabigat na paghakbang nito na para bang nagdadabog. Palibhasay gawang kawayan ang sahig kaya naman kaunting kilos lamang ay umaalingtngit na. Maya-maya lang ay iniluwa si Malou ng kurtina na nagsisilbing divider ng sala at mga kwarto. Nakasimangot itong lumapit kay Pay Kaloy at nagmano.

"Pinsan mo oh." Ngunit imbis na batiin ni Malou ang pinsan ay inirapan niya pa si Vergel.

"Yung mata mo nga. Dudukutin ko iyan." Saway ng matanda sa anak. Hindi pinansin ni Vergel ang inasal ni Malou. Sanay na siya dito. Bata palang sila'y ganun na talaga ang ugali nito, bagay na hindi naman niya kinagulat pa.

"Oh san ka pupunta?" Tanong ni Pay Kaloy nang mapansin na babalik na si Malou sa kwarto.

"Tsk."

"Tulungan mo ang inang mo maghain. Pagsilbihan mo kami, may bisita tayo." Utos ng matanda.

"Papay, si Vergel lang naman yan." Reklamo ni Malou.

"Okay lang po, ako na po. " Tumayo si Vergel sa pagkakaupo at lumakad patungo sa kusina para tulungan ang kaniyang tiyahin.

" Malou, ano ka ba? Ngayon lang kayo magkakasama ulit tapos pakikitaan mo pa ng hindi maganda ang pinsan mo. Umayos ka nga. " Sermon nito.

" Sus. Kung walang namatay hindi pa maiisipang pumunta dito? " Narinig niyang sagot ni Malou. Medyo masakit sa tenga at sa puso pero nginitian niya na lang dahil alam niya ang mga pagkukulang at kapabayaan niya.

" Ba't sinasagot mo na ko?"

" Bahala nga kayo diyan. " Narinig nalang nila ang padabog na hakbang ni Malou pabalik sa kwarto.

" Wag mo nalang pansinin. " Sabi ni Iskang kay Vergel. Ngumiti ulit si Vergel.

" Oh eto. Dalhin mo na doon nang makakain na kayo" inabot sa kaniya ng ginang pagkain at agad niya naman dinala sa dining area.

" Ibili mo nga ako ng yelo sa tapat. Parang tumaas ang presyon ng dugo ko dahil sa batang iyan." Utos ni Pay Kaloy kay Iskang. Agad naman tumalima ang babae at ilang sandali pa'y bumalik naman na may dalang yelo. 

Iskang transferred the ice to the jug and gave it to Kaloy. She sat down and accompanied the two men to their meal.

"Intindihin mo nalang, nakita mo naman kung gaano nasaktan si Malou sa mga nangyari." Maya-maya'y sabi ng ginang. Tumingin si Vergel kay Iskang na para bang nagtatanong.

"Hmm." Yun lang ang naging tugon ni Iskang.

"Bakit po?" Tanong ng binata.

"Eh hindi ba't matagal nang patay na patay ang pinsan mo kay Anielle? Kaya noong halos mabaliw yung kaibigan mo, Ito namang si Malou walang ibang ginawa kundi ang damayan siya sa lahat ng oras. Untimong pagpunta sa banyo, ihihinto kapag narinig na andito si Anielle—aba'y gabi-gabi iyan naglalasing at umiiyak sa Papay ninyo, naglalabas palagi ng hinanakit.  Ilang  beses nang tinanggihan ni Anielle ang pag-ibig niya'y ayaw sumuko ng pinsan mo...ilang beses ko nang sinabi kay Malou na ang pagmamahal, hindi ipinipilit...lalo na ngayon.. nang pumanaw si Moma, bihira na lang pumunta dito si Anielle. Si Joseph naman ay doon na sa pantalan naglalagi." "Tsk—kawawang  mga bata." Hindi maikakailang sariwa pa rin sa kanila ang sugat at pait na sinapit ng magkakaibigan. Sino ba namang mag-aakala na ang mga batang masasayahin at ubod ng bait pa ang makakaranas ng ganitong kasaklap na trahedya. Nanatiling walang imik si Pay Kaloy at nakikinig lang sa kanilang usapan.

"Kumain kayo ng kumain." Sabi ng ginang na nilagyan pa ng kanin ang plato niya.

Even though he was having a hard time feeling that he was still at home in Papay Kaloy's house, he just considered his goal. He was ready to endure any other obstacle, only to have his questions answered. He would just avoid Malou and pretend that he could not see or hear her so that he would not be affected by any words that the woman would throw at him in the next few days. After all, he still memorised his cousin's behaviour. So it won't be hard for him to just ignore Malou.

"Oo nga pala Vergel, sabihan mo ang papa mo na nandito na tayo. Baka naghihintay na yon ng tawag mo." Paalala ni Pay Kaloy.

"Opo." Sagot niya.

"Mabuti pa, doon kana sa dati mong kwarto matulog kase hindi kayo magkakasundo ni Malou kung magsasama kayo sa isang kwarto." Dagdag pa nito. Sa isip ni Vergel ay ayaw niya din naman makasama ang pinsan ng matagal.

"Ay oo. Nilinisan ko na yung kwarto mo. Pagkatapos ninyong kumain pwede ka na magpahinga doon." Ani Iskang.

" Tita...si.. Joseph po? May araw po ba na umuuwi siya dito?" Tanong niya sa ginang.

" Depende eh. Isang beses sa isang linggo ko lang siya makita.. tuwing araw ng linggo. Pero kung minsan hindi yon dito natambay. Kadalasan nasa sementeryo yon o kaya sa plaza."

" Subukan mo ngayong linggo baka matiyempuhan mong dumaan. Pero mga alas-cinco ng umaga yon nadating kasi kaunti ang tao. Agahan mo nalang." Sabi ni Papay Kaloy.

" Oo nga. Agahan mo. Kasi umiiwas yon sa mga tao dito." Sabi naman ni Iskang.

" Pero magkalinawagan tayo ah. Vergel, ayokong mag-susuntukan kayo ni Joseph, paguuntugin ko kayo." Bilin ni Papay Kaloy.

" Ito naman. Hindi naman iskandaloso yung pamangkin mo." Sabi ni Iskang.

" Mas mabuti nang maliwanag. Biruin mo nga si Anielle patahi-tahimik lang kung hindi namin naawat ni Boyet, masasaksak na si Joseph." Uminom muli ito ng tubig.

" Ganun kalaki ang away nila? Umabot na si Anielle sa ganun? " Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig.

" Hay naku. Kung alam mo lang. Pero naiintindihan ko din naman ang pinaghuhugutan ni Anielle. Paano'y naghahanda na siya para ayain si Moma ng kasal pagkatapos biglang puputok ang balita na iba ang ama ng bata." Ani Papay Kaloy.

Even though Moma looks like a drag and a slut based on their stories, Vergel still can't judge his beloved woman. He just wants to know everything without thinking badly about Moma.

Matapos ang pakikipagkwentuhan sa mag-asawa'y naisipan na niyang dalhin ang nga gamit sa kaniyang dating kwarto. Pero hindi maiiwasan na madaanan niya ang pintuan ng kwarto ni Malou. Hindi niya naman dapat papansinin pa ito nang marinig niya itong nagsasalita.

"Kasalanan mo lahat, Moma. Kasalanan mo ito. Kasalanan mo lahat ng ito." kahit na pabulong ang mga katagang iyon ay ramdam niya ang gigil at galit ni Malou dahil sa panginginig ng boses nito. Makikinig pa sana siya nang marinig niyang may papunta sa pasilyo ng kwarto. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad at dumiretso agad sa kwarto. Ngayon tuloy nais niya din usisain pati narin ang parte ni Malou sa mga nangyari.