Chereads / Inlove with Bestfriend / Chapter 6 - IBF 6

Chapter 6 - IBF 6

Shanaia Asher

Nagkasakit ang driver ko kaya wala akong choice kung hindi hayaan ang kagustuhan ng kapatid kong ihatid sundo ako ng Jasper papasok ng university at pauwi ng bahay.

Hindi pa namin napag-uusapan ng mabuti ang kailangan naming gawin pagkatapos ng kasal dahil ako sigurado ako sa gusto ko, ayaw kong patagalin ang pagkakatali ko sa isang pagsasama na walang patutunguhan.

Sakay ang latest black Lamborghini ni Jasper ay tahimik namin tinatahak ang university,, gusto ko sanang pag-usapan ang nalalapit na kasal ngunit tila wala itong planong iopen up ang kung anumang tumatakbo sa isip ng isang to at hinahayaan na lamang ang mga pamilya namin ang siyang nag aasikaso ng lahat.

I heave a heavy sigh.

I slowly turned my gaze to Jasper who is now silently driving beside me, i want to tell him what's running on my mind and settle everything before we tie the knot at siguraduhin na walang mamamagitan sa amin during our marriage life after the wedding.

Huminga ako ng malalim at saka siya hinarap ng tuloyan,, naramdaman ata nitong kanina pa ako hindi mapakali at panay ang tingin at titig sa kanya kaya marahan niya akong nilingon at saka nginitian ng matamis.

"May problema ba babe?" malambing niyang tanong na kinataas ng kilay ko,, for fuck sake kami lang ang nandito kaya walang dahilan para sa pababe babe na yan p******na.

"Come on Jasper tayo lang ang nandito kaya please lang stop calling me babe and please we have to settle an agreement once and for all..we both know that there is no love involve in this fucking marriage kaya please pag usapan na natin kung paano ang magiging set up natin pwede ba!? "

Naiirita ako sa pangitingiti ng lalaking ito kaya hindi ko na naman nakontrol ang sarili kong magsungit,, bakit ba sa nabubwisit ako ehh.. damn it!

Marahas ang naging pagbuga niya ng hangin at hindi agad nakareact sa out burst ko kaya naman dumaan muna ang ilang segundo bago ito muling nagsalita ng kalmado.

"Okey what do  you want? but please maybe yeah there is no love in your side but believe me Shan i like you, do you really think i would approach you and befriend you just like that? gusto kita Shan matagal na at ngayon lang ako nagkalakas ng loob para lapitan ka" his words caught me off guard what the hell ano raw?

Hindi kaagad ako nakareact sa biglaan niyang confession kaya naman awang ang bibig at nanlalaki ang aking mga matang nakatingin lamang ako sa kanya ng ilang minuto.

Nang sa wakas naabsorb na ng utak ko ang mga narinig ay nagsalubong ang kilay ko siyang sinagot.

"what? sabihin mo nga sa akin Jasper ikaw ba ang may pakana ng lahat ng ito? ang pagpapakasal natin, ikaw ba ang may kagagawan?" tuluyan nang napigtas ang kasungitan kong kanina ko pa pinipigilan.

Natigilan ito sa walang habas kong pagbibintang, kinabig niya ang manibela at saka maingat na ipinark ito sa parking lot ng university na hindi ko man lang namalayang narating na pala namin.. shit!

" Shan please calm down okey, wala akong kinalaman dito and please believe me i was shocked too but i'll be honest i am happy that it was you all along"

Fuck..so ako lang pala ang mababaliw sa kasalang ito? damn it..napahilamos ako sa mukha ko at naging marahas na ang pagtaas baba ng dibdib ko because of frustration.

Marahas kong tinanggal ang lock ng seatbelt ko at walang sabi sabing binuksan ang pinto ng kotse ngunit natigilan ako nang kasabay ng pagbaba ko sa kotse ni Jasper ay siya namang baba ni Kailey sa sasakyan nito.

Nagtama ang paningin namin at sa inis na nararamdaman ko sa naging pag uusap namin ni Jasper ay hindi ko na nagawang gantihan ang ngiti nito sa akin.

"Babe hatid na kita sa room niyo" si Jasper at dahil sa hindi pa ako nakakabawi sa gulat ko ay napatango na lamang ako,, he walked towards me and intertwined our hands as we started to walk out the parking lot.

"Good morning labs"  malungkot kong bati kay Kailey nang nadaanan namin siya ni Jasper na tinanguan nalang din nito at pilit ngumiti.

Blanko ang utak ko habang magkahawak kamay naming tinatahak ang building namin,,maging ang mga mapanuring mga matang nakamasid sa amin ay hindi ko na nabigyang pansin dahil sa kinakain na ng problema ko ang buong sistema ko.,namalayan ko na lamang na nasa harap na pala kami ng gazebo kung saan ang meeting place naming magkakaibigan.

"Are you okey alone here? i can stay for awhile until your friends arrives."  si Jasper

Tumango na lamang ako bilang sagot but i didn't see when he lift up my chin that was caught me off guard and then the last thing i knew his lips touches mine, that was just a smack kiss but my eyes widened  and was about to slap him  when l saw in my peripheral vission those students around us looking and whispering on the scenes they have just witnesses.. fuck you Jasper.

Naikuyom ko ang mga kamao ko at nagpigil ng galit sa biglaan niyang paghalik ngunit nang naramdaman kong nag-uumpisa ng mamasa ang mata ko ay mabilis ko siyang tinalikuran at patakbong lumayo mula roon ngunit hindi pa ako nakakalayo ng tuloyan ay nakasalubong ko sina Kailey at Kim na halatang nagulat sa eksenang naabutan...sa lapit lang nila sa gazebo ay sigurado akong nakita nila ang biglaang paghalik sa akin ng mapapangasawa ko kung kaya pareho silang tila gulat na gulat sa nangyari.

They both know how much i hate such scenes here in the campus kaya siguradong kaya hindi nila ako nagawang asarin ay dahil alam nilang hindi ko iyon nagustuhan at hindi kailanman magugustuhan.

Nilampasan ko sila at dumiretso lamang ako sa paglakad takbo palabas ng campus, sa nangyari nawalan na ako ng ganang pumasok.. gusto ko munang huminga at pakiramdam ko masikip itong school para sa akin lalo pa at nandito lamang si Jasper at Kailey na nagbibigay ng bigat sa dibdib ko..

Nang tuluyan na akong makalabas ng campus ay dumiretso ako sa waiting shed kung saan may madalas na dumadaang taxi,,patuloy parin sa pagbuhos ang luha ko at kahit paulit ulit ko itong punasan ay hindi ko siya magawang patuyuin dahil sa bawat punas ko ay siya namang bagsak ng panibagong luha mula sa mga letcheng mata ko na hindi na yata napapagud sa kakaiyak nitong mga nagdaang araw....lintik!

"Hop in Shan"

Nag angat ako ng tingin at saka umiling nang makitang si Kim ito, sakay ang bago nitong bugatti, puno ng pag aalala ang mga matang nakatitig sa akin at nang makitang umiling ako ay mabilis itong bumaba ng sasakyan.. nilapitan niya ako at saka marahang kinabig upang yakapin.. Shit i can't deny the fact that i need hug right now that i need their comforts.. shit my fucking life.!

Mabilis lamang niya akong niyakap, inalalayan niya akong sumakay sa sasakyan nito at hindi na ako nagulat nang pagpasok ko sa loob ay naabutan ko na roon sila freianne sa shutgun seat, Zuchet at Kailey sa backseat..

Pagkasakay na pagkasakay ko roon ay sinalubong na ako ng mahigpit na yakap ni Kailey, gustohin ko man siyang iwasan ngunit aminado akong gumaan ang pakiramdam ko ng sa wakas ay naramdaman ko na ang init ng yakap nito sa akin na lalong nagpahagulgol sa akin.

Hindi ko na alam kung saan nila ako dadalhin dahil mula ng sumakay ako at sinlubong ng mga bisig ng matalik kong kaibigan ay nanatili na akong nakasubsob sa dibdib nito na wala na akong ideya kung gaano na ako katagal sa ganoong ayos,, umiiyak lamang sa mga bisig niya habang wala ni isa ang nagsasalita na tila ba takot silang magbigkas ng kahit na anong salita na lalong magpapabigat ng dala dala ko ng mga oras na ito.

Hindi ko namalayan na sa hinaba haba ng pag iyak ko ay makakatulogan ko na ang mga kaibigan kong sinamahan akong magcutting classes upang damayan sa pinakamabigat na ganap ng buhay ko.

Pagmulat ko ng mga mata ko ay nasa loob parin ako ng sasakyan ni Kim, nakahiga sa backseat habang nakaunan sa mga hita ni Kailey na nakaidlip narin marahil fahil sa tagal kong nakatulog..

Nasa garahe kami nila Kim, marahil ay nasa loob sila ng bahay at iniwan kaming dalawa dito sa loob ng kotse dahil sa himbing ng aming tulog., napangiti ako ng makita ang maamong mukha ni Kailey para siyang anghel na himbing na natutulog,, kung sana pwede lang patigilin sa pag ikot ang mundo ay gagawin ko sa mga oras na ito upang kahit sa ganitong sitwasyon man lang ay makasama kita at matitigan ng ganito..,hindi na mahalaga kung mahal mo ako bilang higit pa sa gusto ko basta makasama kita ng ganito masaya na ako Labs.. mahal kita..

May namumuo na namang tubig sa aking mga mata dahil sa paulit ulit kong naririnig ang kundisyon ng ama ni Jasper,,.makakapagfile lamang ako ng divorce kapag may bago ng tagapagmana ang pamilya Yu..,kailangan kong magbuntis at bigyan ng anak si Jasper kapalit ng kalayaan ko.. what the hell right?? I am gay and fuck i can't imagine my self having intimate with a man damn it..

Bago pa man tuloyang tumulo ang mga luha ko ay mabilis ko na itong pinahid...i compose my self and decided to wake up kailey to go inside Kim's house.

Gustohin ko man sanang manatili muna kami rito ay hindi naman maaari dahil sa lagay niya ngayon ay alam ko nang nangangawit na ito sa tagal na nakaupo lamang siya dito kaya naman dahan dahan kong inangat ang aking kanang kamay at saka siya marahang tinapik tapik sa pisngi.

Nagtama ang mga mata namin pagkamulat niya ng kanyang mga mata,, pilit akong ngumiti at saka pa dahan dahang bumangon sa aking pagkakahiga sa kanyang mga hita.

"Pumasok na tayo sa loob?" tanong ko na tinanguan naman niya ngunit bago pa kami bumaba ay binigyan niya muna ako ng isang mahigpit na yakap.

"Nandito lang kami labs hmm" sabi niya bago ako binitawan.., ang lambing ng boses niya ngunit hindi parin iyon naaalis ang bigat ng dibdib ng mga oras na ito.

Patawad Kailey pero pagkatapos ng graduation natin ay tuloyan ko ng ididistansya ang sarili ko sayo dahil habang nakakasama kita lalo lamang akong nahihirapan sa bawat araw na nakikita kita sa iba at sa pamamagitan ni Jasper ay pipilitin kong burahin kana dito sa puso ko at kahit mahirap at masakit bubuo na ako ng pamilya kasama siya...