It's been a long time since I've been to school, and I'm hoping that this school is different from what I encountered last year.
I've had so many unpleasant experiences in the last two years and I want this school year will be the best one.
***
"Mama?...Ma!?...papasok na po ako, asaan po yung..."
"Ay sorry nak di ko narinig, andiyan yung baon mo sa lamesa pakikuha na lang at madumi ang kamay ko"
Si Mama ang pinaka importanteng tao sa buhay ko, ginagawa niya lahat para lang mapasaya ang nagiisa niyang poging anak.
"Ingat ka anak ko, huwag kang gagala at umuwi agad."
Paglabas ko sa bahay namin ay kumakain ako ng almusal kong tinapay dahil naubusan ako ng oras dahil tinulungan ko pa ang mama ko sa pagaayos nang paninda.
Payapa akong naglalakad sa daanan papuntang School nang biglang...
♪ I think I've seen this film before
And I didn't like the endin... ♫︎ *in earphone
"Hmm, ahhh yung tinapay koooooo" ang sigaw ko nung may bumunggo saking mga nagtatakbuhang lalaki.
"Sorry pre" ang nagmamadali niyang sabi sakin, "dalian niyo mga tol andiyan sila."
Nahulog ang kinakain ko at natanggal sa pagkakakabit sa tenga ko ang earphone. "Anong sorry, Hoyyyyyy!" ang sigaw ko sa mga natakas na mga lalaking estudyante na mukang kabatch ko pa.
Di ko sila hinabol dahil mabilis silang nawala, kaya akin na lang dinampot ang pagkain sa lupa.
Habang aking kinukuha ang nahulog na tinapay ay may narinig ako na pamilyar na boses, "Hoy bata!"
Agad akong lumingon sa likuran at nakita ang isa pang grupo ng mga lalaki na mukang yung kaaway nung nauna.
"Kasama ka ba nung mga kupal na yon?"
"h-ha? sino ba sila? d-di ko sila kasama" ang sabi ko habang ako ay kabadong naiwas ng tingin.
Gusto ko sanang tumakbo pero tiyak na maabutan nila ako dahil wala silang mga dalang mga gamit at may baseball bat pa silang hawak.
Agad akong tumalikod sa kanila at pasimpleng naglalakad ng pabilis.
Di ko namalayang hahabulin nila ako at babalaking hahampasin habang nakatalikod, ngunit hindi natuloy nung...
"Bumalik yung mga kupal, sugurin natin."
Nagkasuguran ang dalawang grupo habang ako ay nasa gitna at walang alam sa nangyayari.
Tumabi ako bigla sa gilid at nanood nang kanilang away. Napaisip ako bigla na "Hindi pa nga naguumpisa unang klase mukang may kahaharapin na agad akong problema."
"HOY! IKAW, Hoyyy!!! Pumasok ka na!" Sigaw sakin nung lalaking bumangga sa akin nung una.
Hindi na ako nagpatagal at umalis na ako dahil malalate na rin ako sa unang klase.