Chereads / HIATUS: Hiding My Obsession [BL] / Chapter 2 - Nice To Meet You

Chapter 2 - Nice To Meet You

Ako si Kean, 14 years old, simple lang ang buhay ko pero masaya dahil kasama ko ang Mama ko. Nakatira kami sa maangas na bahay na pinarenta sa amin nung dati naming kapitbahay.

Hindi ko kinakahiya kung ano ang katayuan namin sa buhay dahil wala namang magbabago kung ikakahiya ko ito, bakit yayaman ba kami?

Madaming nagsasabi na ang pogi ko daw "alam ko naman yon hehe" pero seryoso madami akong kinakahiya sa sarili kaya nga lagi akong pinagttripan, pero nangako ako sa sarili ko na simula sa taon na ito ay hindi na ako magpapaapi sa kahit na sino.

————————

Ngayon ang unang araw nang pasukan sa eskwelahan, pinaghandaan ko ang araw na ito at halos di ako makatulog sa kaiisip sa kung sino ang magiging kaibigan at katabi ko sa upuan.

May maliit na problema akong nakasalubong habang papasok sa school pero chill lang, kaya ko pa nga magmodel sa daan with matching slowmo turn.

=Ilang saglit lang=

♪ I heard your sirens call, it was beautif... ♫︎ *in earphone

*magsasarang gate ng school

Agad kong tinanggal ang earphone sa aking tenga at napamadali na lang, "Ahhhh waitttt poo!!!"

Nakalusot pa naman ako kay manong guard at nakapasok. Pagtapak ko sa building ay dali dali kong hinanap ang room ko dahil mag be-bell na, pero dahil onting oras na lang ang natitira ay napagdesisyunan ko na magtanong na lang.

"Ah-eh ate pwede pong magtanong?" Tanong ko sa nakita kong babaeng nakapanggala ang suot sa may hallway ng 2nd floor.

"Anong ate ka jan? Hindi ako tindera sa palengke kuya, Teacher ako dito" magkadikit na kilay niyang sagot sa akin.

Agad akong nagsorry at di ko na tinuloy ang pagtanong, at ako'y magalang na umalis at hinanap ko na lang mag-isa ang room hanggang sa nakita ko naman.

Pagpasok ko ay halos okupado na lahat ng upuan at may limang bakante na lang sa dulo, kaya pumili na ako ng isa doon. Kanya kanyang kwentuhan ang mga kaklase ko at mga nagpapakitang gilas sa isa't isa, samantalang ako eto naninibago at walang kakilala.

=hudyat na magsisimula na ang klase=

"Hello students, how's your summer vacation? Masaya ba? Bitin?" ang sabi sa amin ng guro habang papunta harap.

"Ok naman po sir" ang sagot ng ilan kong kaklase.

"It's nice to know, so can we start? so I'm Mr. Apollo Bloom */sinulat sa blackboard, and I'm your adviser as well as the subject teacher for English. I just want to say that since my subject is English, I only allow my students to speak in English in my class, pero pwede naman sa Homeroom time, okay?"

"Halaaa!!","Sir naman","Hays grabe naman sir" angal ng mga kaklase ko.

"Kung maka react naman kayo, alam ninyo mga binata't dalaga na kayo at naturuan na naman kayo mag English kaya anong mga sagutan yan?" tugon ni sir.

Napatahimik ang lahat habang ako naman ay pasimpleng kumakaway sa mga natingin sa akin, "Ganon ba talaga ako ka-pretty? ehe ehe" ang sabi ko sa sarili ko.

Nang matapos ang pagpapakilala ng adviser namin ay...

"Tutal napakilala ko na ang sarili ko, kayo naman" nakangiting sabi ni sir. "Simulan natin sa likuran, kuyang pogi?"

Nagulat ako dahil ako agad ang natawag "ako lang naman kasi talaga gwapo sa room namin dahil napagmasdan ko na silang lahat" ang bulong ko saking sarili sabay tayo.

"Ano yang nasa mukha mo?" ang tanong ni sir sakin.

"s-sir?"

"May dumi ka sa mukha mo, tanggalin mo muna bago ka pumunta dito sa harap"

Aking kinuha sa bulsa ang cellphone at tiningnan ko sa screen ang aking mukha at nakita kong may peanut butter pa na palaman nung tinapay na aking inalmusal.

Pagtanggal ko ay tumingin agad ako sa mga kaklase ko at kita ko sa mga mukha nila ang pigil na ngiting may tawa habang nakatingin sakin, kaya ako ay napangiti na lang din.

"Matagal pa ba yan?" ang tanong ni sir sa akin habang siya ay umupo sa upuan niya sa harap.

"Ah sir eto na po"

Confident akong pumunta sa harap sa may gilid ni sir, at nagpakilala,

"Ako po si Mark Kean Tulfelix na nakatira..."

"Introduce yourself using English Language iho" ang sabi sakin ng Adviser namin.

"Ah eh s-sir I'm not good po in English" ang pakamot sa ulo kong sagot sa kanya

"Alam mo Mr. Tulfeliz, tama ba Tulfeliz?"

"Tulfelix po sir, 'x' po"

"Ah okay Tulfelix, so nakaabot ka ng Grade 8 na di marunong magpakilala gamit English?"

Nawala ang pagkaexcite ko at nakaramdam ako ng hiya.

"I will try po, Hi everyone, hmm... my name is Mark Kean Tulfelix n-na that lived in o-our house in the c-city of M-Muntin.." pautal utal kong sabi sa lahat.

"Stop na muna, next student na muna tayo mauubos lang oras ko, last ka na lang ok? Ayusin mo yan"

Agad akong umalis sa harapan at umupo na.

=Makalipas ang ilang minuto=

Natapos na ang lahat at mukang ako na ulit ang magpapakilala.

"and now it's your turn again, Mr. at the back"

Nakangiti akong tumayo at naglakad paharap na may dalang isang pilas ng papel. Ako'y nagsimulang magpakilala habang may kodigong binabasa.

"Hello, everyone, my name is Mark Kean Tulfelix, you may call me Kean; I'm 14 years old and a new student here. It's been a long time since I've been to school, and I'm hoping that this school is different from what I encountered last year. I've had so many unpleasant experiences in the last two years and I want this school year will be the best one. I don't have any friends, therefore I'm hoping to meet new people here."

"ay may nangyari ba sa'yo before?" ang tanong sa akin ni sir

"ahm, sir wala naman po mema lang hehe"

"ah ok it's up to you kung ayaw mo ishare, pero gusto mo ata ng kaibigan, meron ba dito sa class na may gustong makipagclose or maging kaibigan ni Mr. Tulfelix?" ang tanong ni sir sa lahat.

Nakangiti akong naghihintay kung may tataas kaya ng kamay dahil gusto ko na talaga magkaroon ng kaibigan o kaclose man lang.

"Mukang wal-" ang naputol na sasabihin ni sir sakin.

"Sir kami!" ang sagot ng mga lalaking pumasok at dali daling umupo sa upuan sa dulo.

"Ay wow ang mga mokong magkakasama na naman, bat kayo mga late?" ang masungit na tanong ni sir sa mga lalaki sa likod sabay agad na tumayo.

"Nasa library lang po kami sir nagaaral para sa subject niyo"

"Nako huwag na kayo magpalusot, alam mo ikaw kung di lang kita inaanak baka hinahayaan kitang nasa guidance lagi." ang sabi ni sir sa kanila at sa inaanak daw niya.

"Sir naman wala naman pong ganyanan, pero gusto po namin siya maging kaibigan *tapos turo sa akin nung isa."

Lumapit si sir sa kanila at may napansing mga pula sa kanilang mga mukha, habang ako ay nangangalay na sa harap.

"Ang gagaling nasa library pero may mga sugat sa mukha eh no *sabay mahihinang pingot isa isa sa kanilang tatlo."

Agad na naglakad pabalik si sir at tinanong ako...

"Ano gusto mo ba yan maging kaibigan? kung ako sayo Mr. nako aayusin ko desisyon ko"

"Ah eh sir, okay na po pala ako di ko na kailangan"

"Very good, huwag mo sila gagayahin at wag kang makikisama sa mga yan" ang pasulsol na sabi ni sir.

Ako'y agad rin umupo pero sa hindi inaasahan ay kahelera at katabi ko sa tabi ng bintana sila at yung isa sa mga napagalitan ni sir.

"Dito na muna magtatapos ang klase, bukas na lang tayo magsimula mag lesson, tutal vacant kayo ngayon hanggang Break Time dahil may event sa baba, magenjoy muna kayo kasama mga kaklase niyo okay? Walang lalabas!"

Hindi pa nakalalakad palabas si sir ay may pumasok na isang babaeng guro na may kasamang isang lalaking hiwa ang kilay dahil sa sugat.

"Ow Ma'am Mateo, class say Good Morning to Ms. Mateo"

Amin siyang binati pero sa kabilang banda ay nagtataka kung ano ang ginagawa niya sa room.

"Thank You sir, gusto ko lang sabihin na pinatatawag sa Guidance yung kaaway nitong estudyante ng kabilang school, umakyat ba naman sa pader para lang makapasok." ang malakas na sabi nung guro sa aming lahat.

"Oh kasisimula lang nang klase may ganto agad, sino yon?" galit na sambit ni sir sa amin.

"Hoy, sino jan sa mga yan? Anjan ba?" ang masungit na tanong ng guro doon sa lalaking taga ibang eskwelahan.

"Ah eh ma'am ayun po oh" ang turo naman niya sa mga estudyante sa likuran.

"Yang apat?"

"Opo sila po"

Ako ay nagulat kung bakit ako sinama kaya agad akong dumepensa "Sandali hindi po ako kasama"

"Kasama po yan ma'am" ang sabi nung taga ibang school.

"Ms. Mateo, kasama po namin siya" ang sabi din ng katabi ko.

Agad akong tumayo at patuloy na nagdedepensa "Wait hindi po talaga!"

Mr. Bloom: "Kasasabi ko lang kanina, I knew it. tsk tsk tsk"

Ms. Mateo: "Sir, dalhin ko lang tong apat na siraulong to ah" ang mataray niyang sabi kay sir at sa aming apat.

Mr. Bloom: "Go ahead ma'am, ikaw bahala diyan sa mga yan."

Hindi na nagsalita pa si Ms. Mateo at pinagtututuro lang kami na senyas na sumunod kami sa kanya.

Hindi ako nagpatinag at ako'y hindi umalis sa pwesto ko.

"Pst! tawag tayo hoy" ang tawag sa akin nung isa sa mga lalaki habang naglalakad palabas.

Ako'y takot na tumayo at hindi inaasahang salubungin ni sir palabas at sinabi sa akin na "Susunod ako doon sa Guidance, alam ko namang matino ka"

Dali dali akong tumakbo at hinabol yung tatlong nandamay.

"Naks sumunod pala sa atin tong si Mr. Peanut Butter" patawang sabi nung kanina pang trip ako doon sa dalawa niyang kasama.

"G*go tol, bat dinamay mo yan HAHAHA" tugon naman nung inaanak ni sir.

"Alam niyo mga pre, nakakasawa na na lagi na lang tayo magkakasama, mabuti nga at may magiging bago ata" ang sabi naman nung isa pa.

Hindi na kumibo yung maangas na isang lalaki na mukha namang aso at sigang inakbayan na lang ako. "Hoy ano ba! *sabay tanggal sa kamay"

"ay sorry akala ko ikaw si Khyle" ang palusot niyang dahilan sa akin.

Kami'y pumasok na sa Guidance at agad agad nasermonan. Habang isa isa kaming pinagsasabihan ay doon ko nalaman ang mga pangalan nila.

Napag-alaman ko ring irerecord ang mga pangalan namin na simbolo na kami'y may warning na sa school, kaya ako'y nagmakaawa.

"Mr. Guidance Officer hindi po talaga ako kasama, hindi ko po alam kung ano trip nitong mga to at dinamay ako, bago lang po ako dito at hindi po pakikipagaway hanap ko, Ma'am maniwala po kayo." ang maluha luha kong sinabi sa namamahala sa Guidance pati kay Ms. Mateo.

"So you assume na paniniwalaan kita? Hindi ko gusto ang asal mo kanina nung nakausap mo ako sa hallway at ngayon para kang anghel? Pasensyahan tayo, hindi ko gusto patudtyada mo."

Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa sinasabihan na akong isulat ang buong pangalan ko sa listahan. Pilit kong pinipigilan na huwag maiyak kahit na takot akong baka malaman ito ng Mama ko.

"Ma'am, hindi po talaga siya kasama napagtripan lang po namin, wala nga po siyang bakas na nakipagaway oh, pero may peanut butter siya sa mukha kanina" ang lokong pagdepensa sa akin ni Kevin.

"Ma'am, totoo po yan pasensya na po" ang sambit din ni Khyle at Klyde.

Bigla namang sumabat tong Timothy na to, "Hindi po ma'am, kasama po siya"

Muling nagkasabay ang mga kilay ni Ms. Mateo at pasigaw na sinabi sa amin na "Kayo ba pinaglololoko ako!?"

"hmm...Ms. Ma'am kalmahan mo lang, I'll handle this na lang. Sir Bloom pasok ka na po"

Pumasok si Sir at pinagtanggol ako, hanggang sa hindi na ako pinasulat sa listahan ng mga may warning sa school at pinalabas na lang ako ni Ms. Mateo. Hindi ko na alam ang mga sumunod na naganap sa loob pero naisipan kong maghintay sa labas.