Chereads / HIATUS: Hiding My Obsession [BL] / Chapter 3 - Your Flawless Face

Chapter 3 - Your Flawless Face

Habang ako'y nakatayo at nakatambay malapit sa guidance ay sabay na lumabas ang tatlo habang si sir ay nasa loob pa kasama si Ms. Mateo at yung dayo.

Huminto yung tatlo kung nasaan ako at naisipan na naman ata akong pagtripan.

"Ayos ah naghanap ng back up tong si Kean" ang tumatawang sabi sa akin ni Khyle.

"Nako tol hindi mo aakalain na tong dalawang to mga madrama pala" ang sabi naman ni Klyde.

"Astig ko ba Mark? Pwede na ba akong artista tapos ikaw kadramahan ko?" ang corny na linyahan ni Kevin. "Sino ba inaantay mo dito?" dagdag pa niya.

Hindi ako kumikibo at naisipan na lang na tumakas at mabilis na tumakbo paalis papuntang room.

"Teka!" "Wait lang" "Hoy!" ang natakbong sigaw nilang tatlo.

=Ilang minuto pagtapos nila sa Guidance=

Nang ako'y nasa classroom ay tumunog ang bell na hudyat na break time na, pero ako ay nakaramdam nang pagkahiya nang lahat sila ay nagsilabasan habang ako na lang ang natira sa upuan at si sir na nakain sa pwesto niya sa likod.

Ang mga katabi ko naman ay sadyang wala kanina pa dahil baka naghahanap na naman sila ng makakaaway sa labas, kasi hindi naman nila ako sinundan paakyat dito sa room pagtapos namin sa Guidance.

Aking inilabas ang baunan sa aking bag at nahihiyang nagsimulang kumain.

"Tulfelix?"

"Po? Sir?"

"Anong ulam mo iho?"

"Ah sir prito po"

"Pritong what?"

"Galunggong po sir"

"Wow masarap yan ah, nakain ka ba nitong kare-kare na ulam ko? Madami kasi baka gusto mo."

"Okay lang po ako sir salamat po"

"Ano ka ba huwag ka na mahiya, wala kang kasama dito tapos nahihiya ka pa" ang sabi sa akin ni sir habang naglalakad para bigyan ako ng ulam.

"Kayo sir gusto niyo po? Luto po yan ng mama ko"

"Huwag na ano ka ba, kumain ka na lang diyan at magpakabusog ka"

Masaya kaming nagkukwentuhan ni sir habang parehas nakain, hanggang sa may pumasok na mga abnormal, "Grabe ninong pinagpapalit mo na ang pinakamabait mong inaanak?"

"Hoy Klyde wala kang galang na bata ka isusumbong kita sa daddy mo ah, Teacher mo ko dito tapos ninong ninong ka diyan"

"Susumbong ko din po kayo dahil pinagpalit niyo ko, tapos nagawa niyo pa siya bigyan niyang kare-kare na paborito ko" ang madramang sagot ni Klyde.

"Hay nako kang bata ka, maupo na kayo diyan at tabihan niyo tong si Kean, itong si Khyle mukhang nakalimang turon ah"

"Sir grabe, gusto niyo po ba?" pabirong lokohan nila.

Nagpatuloy sila sa mga biruan nilang tatlo kasama si Sir at onti onti akong nasasali sa mga harutan at kwentuhan nila. Nagawa pang manghingi ni Kevin sa kinakain ko at sinabing nagustuhan niya ang luto kaya ako'y napangiti at mas nakisama sa mga biruan nila.

Pagkatapos namin lahat kumain at magkwentuhan ay nagsimula na ang susunod na subject at ako'y seryosong nakikinig at nagaaral.

"And that's all for now, class; let's continue our discussion and checking of Quiz #1 tomorrow, Bye." ang sabi sa aming lahat ng teacher namin sa Math na dare daretsong umalis.

Habang naghihintay kami sa anunsyo para sa Specialization naming mga estudyante ay kinausap ako nitong katabi kong si Kevin.

"Grabe din tong si Ma'am Math no? First day of class tapos bukod tanging nagturo sa lahat" pabiro niyang sabi sa akin.

"Nako pakunwari ka pa, napahiya ka lang eh kasi di mo nasagot yung tinanong at sa ingay niyo"

"Hoy hindi...HAHAHAHAHA"

Ako'y natawa sa pagdepensa niya sa sinabi ko, "Wow marunong ka pala tumawa?" ang biro niya sa akin.

"Eh? Natural hindi naman ako robot no, bahala ka nga diyan"

Tumingin na ako sa harap dahil may magsasabi na kung ano ano ang mga specialization namin, habang si Kevin ay bumalik sa pakikipagharutan sa mga kaibigan niya.

"Meron po ba ditong new student o transferee? Unahin ko na po kayo dahil wala pong test para sa inyo at kayo na lang ang pipili." ang sabi sa aming lahat nung nagaanunsyo.

Ako'y tumayo at hindi ko alam na ako lang pala ang bago sa klase, at mga estudyante na silang lahat dito.

"Ano pong Spec. gusto niyo? Saan po ba kayo magaling at ano ang hilig mo? Para po sa mga TVE student eto po ang mga pagpipilian"

Pinapili ako at napili ko ang Cookery, hindi dahil sa gusto ko to kundi dahil sa tingin ko hindi pwedeng hayaan ko ang sarili ko na lumaki na di marunong magluto at masanay lang sa luto ni Mama.

Pagkatapos maisulat sa tabi ng name ko sa listahan ang Specialization na aking napili ay agad rin akong umupo.

Inisa isa nung nagaanunsyo sa harap ang mga Specialization ng bawat estudyante sa klase namin.

"Aidan, Klyde - Cookery"

"Aoyama, Khyle - Cookery"

...

"Trinidad, Kevin Luke - Cookery"

"Gagi tol akala ko biruan lang to HAHAHA" ang natatawang sabi ni Klyde sa mga tropa niya.

"Teka hoy ayoko sa Cookery mga pare g*go pambabae yan eh" ang sabi naman ni Khyle.

"Siraulo ba kayo? Nakalimutan niyo na ba yung goal natin nung Grade 7? atsaka tayo pumili niyan last school year mga sira!" ang sigang sagot ni Kevin.

"Ah oo nga 'Maghanap ng babaeng magaling magluto'" ang sabay na sabi nilang dalawa kay Kevin habang nakangiti. "Gusto ko na din makatikim ng mga lulutuin natin" dagdag pa ni Khyle.

Magkakahelera kaming apat sa upuan kaya rinig na rinig ko ang mga daldalan nila. Nanatili akong tahimik kahit na kinasimangot ko na makakasama ko pa rin sila kahit na whole day tuwing Monday.

Nang natapos na ang unang araw nang pasukan ay agad na nagsilabasan silang lahat sa room at ang ilan ay kanya kanyang ayos ng mga sarili kahit na madilim na dahil alas sais ang uwian namin. Kaunti lang ang nagboluntaryong maglilinis sa room kaya ako'y nakisali na rin. Saglit lang din namin nalinis ang classroom at pagkatapos ay sabay sabay na kaming nagsilabasan sa eskwelahan.

Habang ako ay nasa sidewalk at payapang naglalakad pauwi ay nagkaroon ng siksikan saming mga magkakasabay sa daan, dahil may nagaaway atang mga estudyante sa bandang unahan.

"Siguro yung mga yon na naman yon" ang sabi ko sa isip ko. "Hindi na ako magugulat pag may mga sugat na naman sila bukas." dagdag ko pa.

Ako'y huminto saglit at nakita ko ang mga nakahiga sa lupa na nagsusuntukang mga ordinaryong kabataan.

...

"Akala mo kami yon no?" boses ng isang lalaki sa aking likuran.

Tumingin ako sa likod at may nakita akong tatlong matatangkad na mga lalaki. "Si Klyde na Morenong mukhang maganda ang katawan, Si Khyle na medjo chubby na onting tangkad lang ang lamang sa akin, at si... (ako'y napatulala nang akin siyang tingnan).

Kevin: "Huy Mark!"..."Okay ka lang? (siya'y nakatingin sa aking mga mata habang nakahawak sa mga braso ko)"

"Hoy!" "Huyy!!" ang pasigaw na nilang mga sinabi sa akin.

"Haa? Ha!" ang taranta kong sagot sa kanilang tatlo.

"Nyare sayo tol?" ang tanong ni Kevin.

Ako'y hindi na nagsalita at dali daling tumalikod at naglakad.

Habang ako ay pauwi ay nakapagisip isip ako na magpatuloy na kilalanin silang tatlo at subukang makipagkaibigan.

...

=Pagkauwi ni Kean=

"Ma! Andito na po ako" ang masayang tawag ko sa Mama ko. "Asan ka Ma?"

"Oh anak, andiyan ka na pala, umupo ka na dito at ihahanda ko na tong pagkain natin."

"Hindi ma, hindi ito ang anak mo."

"Ha? Asaan siya? Ilabas mo siya!" ang natawang biruan namin ni Mama. "Magbihis ka na nga at pinagluto kita nitong paborito mong ulam, kumain na tayo."

Pagkatapos ko makapagbihis ay kumain akong masaya kasabay ang pinakamamahal kong Mama.

Maalagain ang Mama ko at ramdam ko tuwing kasama ko siya ang walang sawa niyang pagmamahal sa akin. Ayaw niya na may nangaaway sa akin kahit na ba malaki na ako, ayaw niya ring hindi ako papasok sa school at gusto niya na makapagtapos ako kahit na sa sarili niya lang na mga kamay, dahil ayaw niyang magaya ako sa kanya na hindi nakapagtapos at walang pinagaaralan.

Ako ang naghugas at nagligpit sa mga kinainan namin, habang si Mama ay maagang matutulog dahil maaga pa siya gigising para ayusin ang mga ititinda niya.

Pagkatapos ko iyon gawin ay nakinig muna ako sa mga paborito kong kanta habang inuulit sulatin ang mga inilecture sa amin sa Math atsaka nahiga at natulog katabi ang Mama ko.