"Magpapagamit ako kung gusto mo,"
"Tumigil ka Scott! Mali 'to! Alam kung alam mo 'yan, mas mabuti kung lumayo na tayo at hindi na sila guluhin,"
Dahil lang sa nakita ko marami ng pumapasok sa isipan kung mga kilos, akala ko ako lang pero hindi pala, siguro bored lang siya kaya pumatol sa isang kagaya ko.
"Nasa sayo baka magbago ang isip mo, u can ask me anytime," lumakad na ito papalayo sa akin, wala na akong ibang hihilingin pa kundi ang katahimikan ang lahat.
Lumakad ako pababa para pumasok sa room, nakita ko si Edrian na nakatalikod na parang may naghihintay rin, naka ear phone ito. Bago ako makapagsalita humarap na ito, agad niyang in-off ang music na pinatugtog niya.
"Kanina pa kita hinihintay, ano bang nangyari? May narinig akong mga basag sa taas? I hope ur okay,"
"Ayos lang naman ako, 'yung tasa. Nabasag ng hindi sinasadya."
"Ganoon ba, pedo why do u look so down? May nangyari ba sayo? Galing ka ba sa iyak? Ur eyes is red,"
Hindi niya dapat malaman.
"Ah ito, napuling ako tas' kinati ko kaya baka 'yun."
"Sana hinihipan ko ng maaga,"
"Okay lang,"
Sabay kaming pumasok sa room, nang pumasok na kami ay gayon si Sir ay nag-umpisa nasa klase wala akong expression dahil sa naaalala ko 'yung kanina.
"You two are late,"
"So what?" matapang kung sagot at agad na umupo.
"Go stand in the outside for one hour that's ur punishment," hindi na ako sumagot at agad akong lumabas at tumayo nagulat ako nang sumunod si Edrian sakin.
"Bakit ka nandito? Hindi ka naman tinawag."
"Pero dalawa tayong late hindi lang ikaw, at tsaka gusto kitang alalayan."
"Sa bagay tama ka," agad akong tumahimik. Hindi ko parin makalimutan ang nangyari, "Ang tahimik mo yata, pwede ka mag-open sakin ng kahit anong problema," hindi ko kaya mag-open sa mabuti kung i-deny ko na lang ang alok niya.
"Wala akong problema, at ikaw. Akala ko ba titigil kana sa paglalaro ng video games bakit ginagawa mo parin?" iniba ko 'yung topic para naman maiwasan niyang tanungin ako. Napakamot ito sa kanyang batok. "Oh sorry, minsan lang naman. Sino ba nag sabi sayo niyan? Kakausapin ko lang," kakausapin o bobogbugin? "Secret, akala ko ba friends tayo dapat sumusunod ka rin," hindi sa nagmamarunong ako.
"Sigh. Okay it's now clear I will only listen Jennifer is that good?"
"Good,"sabay ngiti.
Nahagip ang tingin ko sa loob, tumititig si Sir sa amin. Nakataas ang kilay nito halatang galit sa kung ano, hindi dapat pwedeng magpapatalo ako sa ginawa nila, i have to be flirty. So ang ginawa ko ay niyakap ko si Edrian at hinalikan siya sa dalawang pisngi.
"Honey, why so u cute? Okay 'wag mo na ulit gagawin 'yun ha, alam mong mahal na mahal kita,"
He quickly smashed the table and stared at me angrily, bakit niya 'yun ginawa? Selos? Oh exciting, tama ang sinabi ni Scott dapat sa umpisa ay naniwala na ako sa kanya.
"J-jennifer?" sambit ni Edrian na nagulat rin.
"Take it as my gift," sabay ngiti.
Hindi ko napansin na, nasa harapan namin si Sir.
"Anong ginagawa niyo? Labag sa rules ang paglalandi ng mga estudyante rito? Gusto niyo pa ba ng punishment?"
"Correction, wala 'yan sa rules. Bakit nong may naka-away akong mag-jowa dahil nakaka-istorbo sila alam mo ba kung ano ang ginawa niyo sa kanila? Wala lang, edi wala rin kayong magagawa sa ginagawa namin ngayon, sabihin mong inggit ka lang."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinabi ko ang mga kataga na 'yun. Blanko ang mukha nito mukhang ang utak rin wala ng maisip na ipambato sa akin, may point naman.
Napatingin ako kay Edrian hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin pero nahagip ng mata ko si Scott na naglalakad, saan kaya 'to pupunta? Nagulat ako nang sumunod si Martha sa kanya. Alam ko na yata ang dahilan.
Bumalik ang tingin ko kay Sir, hindi ko namalayan na umalis na pala ito.
"Gutom ka na ba Edrian? Tara kain tayo," niyaya ko siya alam kung gulat rin siya, pero sasabihin ko naman sa kanya kung bakit ko 'yun nagawa.
"Teka! Ano 'yan hindi niyo'ko isasama?"
Si bakla talaga panira ng moment, sumama na ito sa amin kaya kaming tatlo na. Pero sana maging okay lang si Scott sa pag-uusap nila ni Martha.
— SCOTT'S POINT OF VIEW.
Matapos kung umalis nakita ko si Martha na pababa ng hagdan. Nakaramdam ako ng taksil, dahil sa galit ko ay nasampal ko siya kahit babae pa ito. She deserve it, nakaka-apak siya ng relasyon ng iba. Nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan si Jennifer.
"How could you-
"Shut it! Damn Martha! Isa kang taksil!"
"So u saw it? How was it? Is it good?"
"I warned u, kapag mauulit ito hindi lang 'yan ang aabotin mo sakin,"
"You're trying to protect Jennifer from me? Pano 'yan hindi na magbabago ang feelings sakin ni Reymark, he loves me kaya magbabalikan kami. Tandaan mong ikaw nag-umpisa nito,"
"Nangbintang ka pa talaga, pathetic! Nagsisisi ako kung bakit ikaw pa magiging asawa ko!"
"Alam ko. You like Jennifer too? Yung mga titig mo sa kanya parang halo-halo 'yung emotion. Take this as my revenge,"
"Kung itutuloy mo 'yan baka mas matindi pa ang magawa ko. Huwag mong sasaktan si Jennifer kundi, baka sirain ko pa ang company niyo."
Natawa ito.
"Hindi ako natatakot, do what u want. Anong tingin mo sakin mahina? At the first place tinrato ko siya ng mabuti pero malalaman ko palang may gusto ka sa kanya? Then I will change my role Scott. I loved you, but you loved someone else. It all started because of that stupid love!"
"Alam mo namang wala akong nararamdaman sayo. Lahat ay isang pinaka malaking kasinungalingan. Kaya 'yan ang resulta sa umaasa ng sobra.
Pinilit lang nila ako na mapasayo, pero ang totoo may minamahal rin ako pero tinatago ko lang 'yun dahil sinusunod ko ang gusto nila! I decided to forget that all, pero mas pinalala mo lang 'yung sitwasyon u made me feel that she needs someone by her side."