Chereads / Gusto Kitang Maging Jowa Sir! / Chapter 26 - Chapter 25: NewSelf

Chapter 26 - Chapter 25: NewSelf

"Coming arf! Arf!"

Pumunta kami sa library may kailangan akong tignan may naiwan kasi akong papel rito, pero hindi ko naaalala 'yung book. Try ko lang hanapin. Sana narito pa.

"Don't ingay ingay doggie baka palabasin ka nila. Ayos ba?"

"Aye aye captain!"

Naging pirates tuloy.

"Saan na ba kasi 'yun?" tanong ko sa sarili ko. Iniwan ko si Edrian sa table at binigyan ng libro para hindi naman siya ma bored.

Nag ikot sa collection ng science books, pero hindi ko familiar na rito ako kumuha kaya lumipat ako ng pwesto.

Dun ako sa encyclopedia, kunti may naaalala ako pero iba 'yun kasama ko non si bakla kaya ekis.

Sa last sa spot ako na punta sa collection ng love books. Oo! Rito nga! I remember that time na gusto ko ng advice about love dahil na inlab ako sa someone. Sana nandito pa rin.

Medyo malayo ang spot na 'to kaya nga last. Walang ka tao-tao ang pwesto na 'to. Napaisip ako baka may. Ano basta. Secret 'yun.

"Love quotes!"

Agad ko itong kinuha pero may biglang sumapaw na kamay ng kukunin ko na. Feeling ko matangkad kasi nga ang taas ng kamay niya tas' sa itaas ko pa lumitaw 'yung kamay niya.

Humarap ako sa kanya. Sh*t si..... Sir?!

Bakit siya napadpad rito? Nakatingin ito sakin na parang bagay lang, tapos iniba ng tingin.

"Ehem. Sakin 'yan." sabay hablot pero I missed it. Ang bilis ng kamay niya.

"Sorry to say but walang pangalan na nakalagay rito na para sayo."

"Huwag mo'kong ipilosopo, akin na nga 'yan."

Putang*na, ang bilis ng kamay niya. Nag martial arts ka ba?

"Hindi ko 'to ibibigay sayo."

"Akin nga sabi eh! May importanteng ano diyan!"

"Ano? Anong ano? May tinatago ka rito?"

"A-ahh. Wala. Basta ibigay mo sakin 'yan!"

Sinimulan niya itong binuksan kaya agad ko itong pinigilan hindi niya pwedeng makita 'yun. Nakakahiya!

Alam niya talagang pandak ako kaya tinaas niya ang libro gamit ang kamay kaya ako na pandak talon ng talon para makuha 'yun.

"Akin 'yan! Makukuha ko 'yan tignan mo."

Syempre may plano ako sa ganito, kiniliti ko siya ng todo alam kung bibigay 'to.

"Kitik. Kitik."

"Anong ginagawa mo?"

Bakit hindi man lang siya nakiliti? Mas matigas ka pa sa semento ibang klase kang nilalang. Hindi ka tao para hindi ka matawa at maibigay mo 'yan sakin.

"Kinikiliti ka. Sabing~

"Too close, we might kiss."

Pagkatapos niyang sabihin 'yun agad niya akong hinalikan, na mabilis at ngumiti pa ito. Hindi 'to nakakatuwa, tinulak ko siya at agad na hinablot ang libro 'yun lang naman pakay ko.

Agad akong tumakbo na tanaw ko si Edrian na nagbabasa parin ng libro.

"Tara na." mahina kung saad sa kanya.

"Nahanap mo na 'yung hinahanap mo?"

"Oo, kaya dali na." hinila ko na ito agad, ewan natataranta ako ngayon.

"Bakit ba tayo tumatakbo?"

Tumatakbo ba kami? Tumingin ako sa ibaba, ang bilis ng paa ko. Hininto ko ito wala naman akong ginawang kasalanan pero si Sir mayroon.

"Taranta ako."

"Saan? May iniisip ka?"

"Mayroon, ang kumain ulit."

"Talaga? Sige kain tayo ulit sasamahan kita."

"Sige ba. Basta libre mo. Charot."

"Ayos lang libre ko na."

Ganito ba ang tricks sa libre? Dinadaan mo na sa biro ang usapan tapos nagkakatotoo.

"Saan kayo pupunta?"

Napatingin kami sa likod namin si Sir. Nakatingin ito sa amin na may bitbit na folder.

"Sa Canteen." sagot ni Edrian.

Magsasalita sana ako pero may biglang binigay si Sir kay Edrian.

"Good luck." he smirked.

"Ano 'yan Edrian?" tanong ko.

"Wala, I think it's my paper I left earlier."

"Ganoon ba sige tara na."

"Okay." sabay ngisi sakin.

*Edrian's Point Of View.

I will read this once I done on Jennifer. Tinuloy niya talaga, ang kapal ng mukha. Hindi siya nagpapatalo hindi ba sakto 'yung ginagawa ko sa kanya last time.

Iba talaga basta pag-ibig na ang pinag uusapan. Hold on, may papakainin pa'kong tuta rito.

"Ngayon anong gusto mo?"

"Kahit ano."

"Ikaw kakain kaya ikaw mamili, ayaw mo? Ako ang lilibre."

"Isang burger 'yung big size tas' coke, tas' french fries medium size isama mo na rin 'yung chicken wings. Pati 'yung halo-halo. Teka 'wag mong lagyan ng rice ayaw ko tumaba."

Unbelievable. I think ganito ang gagawin ko everytime na nagugutom siya. Siguro hindi pa 'to sakto sa tiyan niya don't worry. I, Edrian, will guide through your starvation.

Ako na nag order ayokong siya ang gagawa. Gawain 'to ng mga gentlemen na lalaki kagaya ko.

Mahaba ang pila mula rito, plus it's so hot mas lalo ako magiging hot. While I'm waiting here. My eyes catch something that I didn't expect it would happen.

Is this true? Scott make a slap on Martha's face? How...come.

I quickly runned, papunta sa kanila. At inilayo si Martha mula kay Scott.

"Hey, are you fine?" I glared at Scott paano niya 'to nagagawa sa pinsan ko na magiging asawa niya rin.

"Ikaw?! We trusted you, pero ganito lang ang ginawa mo kay Martha! Let's end it here! Puputolin na namin ang koneksyon ng pamilya namin."

"Edrian.... Hindi natin 'yan pwede gawin baka mapahamak pa tayo."

"Damn Martha! Naiisip mo pa talaga 'yan matapos sa ginawa ni Scott sayo." tumingin ako kay Scott na siya rin ay hindi mapatingin sakin.

Galit ko siyang itinulak, uupakan ko sana pero may biglang humawak sa kamay ko para hindi ko matuloy.

Tumingin ako sa pagkakahawak nito. D-dad.

"Little brat, don't you ever make a fight here. You might get a suspension just like what happened on Jennifer."

Napatawa si Scott ng kunti.

"Nice show." sabay palakpak.

"But it seems more interesting if someone know this kind of stuff." saad ni Scott.

"Scott." tawag ni Martha.

"Why? Natatakot ka para sa kanila?"

"Iba talaga ang pamilyang pinasok ko, nakakatakot." dugtong ni Scott.

Lumapit ako kay Scott, at kinuha ang kwelyo niya.

"Ano ang ibig mong sabihin?" I asked.

"Wala naman Rian, just continue what you are doing. Kailangan ko ng pumunta sa lakad ko."

That fuck*ng ostrich! Hindi ko hahayaang malaman niya ang tungkol r'on. Pero hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang pagsampal kay Martha.

"Here Jennifer. Ito na 'yung mga sinabi mong pagkain."

Medyo natagalan ako dahil sa haba ng pila dahil rin sa oras na pakikipag away ko kay Scott.

"Natagalan ka yata, mahaba ba ang linya."

"Yeah, eat up."

Pinakain ko muna siya, para makapunta na kami sa room.

Jennifer's Point Of View.

Bilang isang babae alisto ako sa ginagawa kung kilos lalo na't, may nagmamasid.

"Still waiting for?" tanong ng lalaking kung sino man 'to.

Kaya hindi nako nag reply, hindi ko naman kilala. I don't talk to someone tht I didn't know unless if you're a good person.

"Hello? Do you hear me?"

Papansin talaga, may crush kaba sakin? Sorry pero may iba nako. Kaya pwedeng lubayan mo muna ako?

He laughed as if may sinabi akong matatawa siya, siraulo.

"I guess, you really don't know me."

Dahil sa inis ko sumagot nako.

"Ano bang pinaglalaban mo diyan? Hindi kita kilala. Be lost."

"Ouch. Ganyan ka na ba beng?"

Beng? P-patrick?!?!

"Patrick? Ikaw ba 'yan? Bakit umiba 'yung tuno ng boses mo?"

"Oh this. I want to change some things that I didn't like. Is it cool?"

Tumutudo na sa pag e-english ah. Sa pagkakilala ko kay Patrick, bobo 'to eh. Scripted ba 'to?

"Teka. Sa pananamit mo, iba na 'yung porma mo. Wala ka ng make up. Yung boses mong mala kargador na with babae effect na voice wala na rin? Lalaki?"

"Yeah. Hindi mo gusto?"

"Wala akong sinasabing ganoon. Pero mas bagay pala sayo maging lalaki. Ipagpatuloy mo lang baka nasa babae ang true love."

"I have to go. May gagawin pa'ko. See you later Jennifer." sabay ngiti sakin.

Hindi ako makapaniwala. Sobra. Ibang Patrick na 'yung nasa harapan ako. Pero may na feel ako awkwardness sa aming dalawa. Imagine magiging lalaki siya pero ang kilala kung Patrick is beke.

Sakto at lumitaw na si babe este si Edrian nga pala.

Kinain ko na agad ang mga dala dala niyang mga pagkain. Masarap. Nakakabusog ng atay.

"Eat more. Kailangan mong tumaba."

"Ang taba ko na nga tapos patatabain mo'ko ng todo." wika ko habang may pagkain ang lalamunan ko.

Hindi ako nakikinig sa don't speak when your mouth is full kahit ikamatay ko pa rito.

Napatingin ako sa kanya habang kumakain ako gayon rin siya.

"What is it? Anything to say?"

"Wala naman, masarap lang 'yung kinakain ko."

"Akala ko ako 'yung masarap hindi pala." parinig ni Edrian.

"Huh? May sinabi ka?"

"Nothin' eat up."

"Okay!"

Pagkatapos naming kumain ay teka ako lang pala ang kumain pagkatapos kung kumain ay pumunta na kami sa room. It's a shocking news na naging lalaki bigla si Patrick.

Umiglip ako ng tingin sa upuan namin walang Patrick ang nakita ko r'on saan kaya 'yon pumunta?

Timing talaga si Sir sa oras na may hahanapin lumilitaw talaga.

"Jennifer?"

"Y-yes sir."

"Why still standing? May sasabihin ka?"

Napatingin ako sa sarili ko. Anak ng tukwa nakakahiya ka talaga.

"S-sorry po." agad akong umupo.

Dahil 'to sa kakahanap ko ni bakla eh. Nakinig ako kay Sir pero natahimik kami ng pumasok ang bagong Patrick sa aming harapan.

Yung porma niya iba na. Gwapo pala siya kapag lalaki. Tahimik itong umupo sa tabi ko, hindi man lang siya tumingin sakin parang others na eh.

After Class.

"Patrick uuwi ka na?"

"Oo, ikaw?"

"Tara sabay na tayo beng, libre kita ng  ulam samin." with tawa effect kung sinabi sa kanya.

"Iba na ang daan ng bahay namin."

"Hala, bakit?"

"Lumipat kami, kahapon ng bahay. Mauna na'ko bye." ang cold naman.

Hindi na siya masigla magsalita.

"Jennifer, ihahatid na kita."

"Sige."

Palabas na kami ng campus ng biglang humarang samin si Scott kasama si S-sir?