Chereads / Gusto Kitang Maging Jowa Sir! / Chapter 28 - Chapter 27: Fake Relationship

Chapter 28 - Chapter 27: Fake Relationship

Pumasok nako kaya napatingin silang lahat sakin.

Umupo ako sa tabi ni Sir.

"Jennifer." tawag ni Mama sakin.

"Ano po 'yun Ma?" nag umpisang manginig ang buong katawan ko.

"Bakit hindi mo sinabi?" tanong ni Papa.

"Na with honors ka pala! Sana nag luto ako ng masasarap na pagkain. Ikaw talaga nahihiya ka pa."

"Maiwan mo na namin kayo magluluto lang kami ng Papa mo."

Katahimikan na naman ang bumungad sa aming dalawa. Ramdam kung tumititig si Sir sa akin.

"How are you? Being left on someone is a different kind of pain."

"Tapos?"

"I just want you to know."

"Okay. Broken ka ba? Kailangan mo ng advice??" tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

"No need. Wala naman akong gf para pagluksaan."

"Ganoon ba."

"Kayo ni Edrian, ayos lang ba kayo?"

"Ahh si babe, yes. We're fine as always." ngumiti ito sakin at nagsalita.

"Mabuti naman at hindi ka niya sinasaktan."

"Hindi naman siya kagaya mo. Kaya 'wag kang mag alala Sir."

"Before that can you attend in my wedding?" tanong ni Sir.

Ano!? Anong sinasabi niyang wedding! Ikakasal ba siya? Kanino naman? Hindi ko na kontrol ang sarili ko at tumayo ako tumingin sa kanya ng galit.

"Sinong ikakasal?" sinubukan kung kumalma baka mag assume pa 'tong may gusto pa'ko sa kanya.

"Ako."

"Why??"

"Nagtatanong lang." sabay inom ng tubig.

Litse! Kapeng mainit pala nainom ko.

"Aray! Ang init naman!"

"Mag dahan dahan ka, hindi mo tuloy tukoy na kape pala ang hinahawakan mo."

Natamaan ako kunti sa sinabi niya.

"Hindi ako pupunta." nagulat ito.

"B-bakit? Lahat ng classmates mo dadalo, except sayo."

"Bakit naman ako pupunta sa kasal mo, magpakasaya ka dun."

Tumayo ito at umalis.

Sakto na natapos na si Mama at Papa sa nilluluto nila.

"Ito na. Teka. Saan si Sir Reymark? Umalis na ba? Sayang masarap pa naman 'to." sabi ni Mama.

"May gagawin siya." umakyat nako sa kwarto ko.

Binuksan ko ang facebook ko, baka nag message sakin si Scott. Ayon nga sa sinabi ko, nag message siya kanina pa.

"Hello, how are you apple?" basa ko sa message niya.

"I'm fine ostrich." reply ko.

"Naalala mo pa talaga ang binigay mong nickname sakin. While you is apple remember?"

"Oo na. I accept your insultos na hindi funny." with emoji na badtrip.

"Sorry na, natutuwa lang ako da memories na 'yun." with emoji na kiss heart.

"Sira ka talaga. Ano ba ginagawa mo ngayon?" type ko sa keyboard.

"Ito chatting on you, because I like you." with emoji na smirk.

Natawa ako sa banat niya. HAHAHA!

"Baka chatting someone else while you're chatting on me." with emoji na cool.

"I am Scott, wala 'yan sa motto ko bilang isang matipunong lalaki." with emoji na inosente.

Habang nag uusap kami ay bigla may nag notip mula sa messenger ko.

"Reymark sent a photo." kita ko sa messenger masyadong log kaya hindi ko agad na kita ang nasa pic.

Pero putang*na! His wedding invitation. Sinend niya pa talaga sakin. Ginagalit ako ng lalaking 'to.

Syempre nag reply ako.

"Anong kabulokan ang ginagawa mo?" chat ko kay Sir.

"It's a blessing, make it sure na pupunta ka. Advance thank youuu! <<3." reply ni Sir.

Dahil sa inis ko agad ko siyang binlock at in-unfollow sa facebook.

"Ang tagal naman iseen." basa ko sa chat ni Scott, dahil talaga 'yun kay Sir.

"Sorry may ginawa lang." sagot ko.

"Baka may iba ka talagang  kachat bukod sakin Jennifer?" nagiging imbestigador ka talaga.

"No way. At sino naman?"

"Sir Reymark."

"Gosh. Old fashioned na 'yan. Hindi kami nag mimessage sa isa't isa I swear."

"Okay, 'yan sinabi mo eh, basta avoid it."

"Sure Scott." reply ko.

"Hold on, don't call me Scott just try to call me honey, gaya ng parents mo.." with emoji na smile.

"Masyadong cringe naman yata."

"Hindi naman cringe honey. Tinry ko lang, sweet pakinggan. It makes you blushed?"

"Sira hindi noh."

"Sige, goodnight. Sleep well honey. Baka gusto mong tabihan pa kita matulog diyan sa kama mo." with shock emoji.

Feeler. Iba talagang bumanat si Scott tagos hanggang large intestine.

Scott's Point Of View.

"Gusto mong mamasyal bukas? Think it as our first date." I messaged on her.

"Or baka gusto mong we go buy some clothes, shopping gusto mo Jennifer?" dugtong ko.

But still no reply.

"May ginagawa ka ba?"

Dahil sa inis nag message ako sa kanya ng.

"Ang tagal naman iseen." na parang nagtatampo.

Malakad ang hinala ko na si Sir Reymark ka chat niya pero dinideny niya lang para hindi ako magalit.

Kanina nakita ko ang kotse ni Sir malapit sa bahay nila Jennifer kaya sigurado akong bibisita ito. Pero hinayaan ko lang, gusto ko malaman kung pano niya mahandle ang ganoong situation.

"Martha," bigkas ko.

"Scott... Sorry but I'm getting married." sabay yuko ng kaniyang ulo.

"When?" kalma nitong tanong.

"This coming April 19, maghahanda na kami sa papalapit naming wedding ceremony."

"How quick." sabay smirk.

"While us, it takes a years bago maikasal." dugtong ni Scott.

"I'm really sorry-

"Hindi mo na kailangan sabihin 'yan. I get it. And who's the boy??"

"It's... Reymark."

Napahinto ako sa paghinga, dahil sa narinig ko. Seriously? She's getting married to Reymark?

"Nasisiraan kana talaga! Bakit siya! Eh pwede namang ibang lalaki!"

"Sorry, hindi ako nagdesisyon non. Pero kailangan kung tanggapin bilang isang daughter ng businessman, I should accept it."

"Pero paano 'yung kasal natin?"

"Dad, cancelled it. Walang kasal na magaganap sating dalawa. Isa rin ang dahilan ay nong nalaman nilang sinampal mo'ko."

"Sige, magpakasal kayo. Siguradohin niyong hindi na kayo magpapakita samin kung hindi baka kung ano pa ang magawa ko sa inyo." pinaalis ko siya sa bahay ko.

I change the password, para hindi na siya ulit makapasok sa condo ko. Umupo ako sa sofa, I feel dizzy.

Malaki ang epekto nito kay Jennifer, kahit hindi niya pa sabihin alam ko na. While, I'm sitting in the sofa biglang may nag doorbell.

Sinilip ko ito sa butas ng pintuan ko, si Edrian paano niya nalaman na rito ang bahay ko. Hindi ko siya pinagbuksan, I just tap the speaker para marinig niya ang sasabihin ko sa labas.

"Get lost." sabay turn off pero nag doorbell pa ito ng maraming beses.

Pinaglalaruan niya ba 'yun?

"H*ck, be lost okay?" sabi ko.

Pero bigla itong nagsalita.

"We need to talk."

But I suddenly feel something about this. Parang tungkol kay Jennifer. Agad ko siyang pinagbuksan ng pinto. Bakit balot na balot 'to sa black fashion.