Chereads / Gusto Kitang Maging Jowa Sir! / Chapter 23 - Chapter 22: Post

Chapter 23 - Chapter 22: Post

Napalingon ang lahat except kay Lorine na tomboy.

"Nandito kana Jennifer!" saad ni Edrian.

Na miss ata ako ng lalaking 'to.

Bigla niya'kong niyakap ng mahigpit. Napatingin ako sa likod, si mama at papa parang..... supportive?!?!

"Ang sweet ng mga bata, mas mabuting magkatuluyan silang dalawa." wika ni mama.

"Oo mabuti narin, kaya hayaan natin."

Bumalil ang tingin nila sa palabas. Salamat tumigil narin si Edrian sa pagkakayakap sakin.

"Sabi na nga eh. May pinuntahan ka pero hindi mo'ko sinama." nag tampo pa talaga si Edrian.

"Sorry na pero hindi pwedeng makisama eh." sabay kamot ng ulo ko.

"Pero ang importante umuwi ka."

"Kumain ka na?" tanong ni Edrian.

"Kumain na. Busog nga ako eh."

"Ano ba kinain mo? Mas masarap pa ba magluto kaysa sakin."

"Sira. Syempre mas masarap 'yung sayo."

Oh HAHAHA kinilig siya.

Namula pa talaga tenga niya. Natatawa lang ako sa inaasal niya para siyang bata pero cute.

"Ipagluluto kita. Manood ka muna."

Pumunta ito sa kusina para magluto. Nagbihis muna ako para manood ng tv.

Pagkatapos kung magbihis ay naisipan kung mag selpon muna sandali. Titignan ko lang naman kung may notif ba.

Ayy mayroon. I tap it. Reymark? Si Sir ba 'to? He mentioned me. Agad ko itong pinindot dinala niya'ko sa post niya.

[DEAR, JENNIFER <<33]

[LIKE YOU]

[IGNORING YOU]

[LOVING YOU]

[AVOIDING YOU]

[FOLLOW YOU]

[KISSING YOU]

[CAME BACK TOGETHER]

[I WANT THAT KIND OF RELATIONSHIP I JUST WANT TO SHARE.]

Tologo bo? Minent niya lang ako para e share sakin ang nasa utak niya aba gagu 'to ah.

Agad akong nag log out at bumaba narin sakto tapos na magluto si Edrian. Ang bilis niya ngumiti ako sa kanya habang ang mga pamilya ko, nakatingin sakin na parang sasabi na nang sanaol.

"Let's eat. Kakain na rin ako dahil umuwi ka. Nag plano ako kanina na dito matulog."

N....nabilaokan ako! Help me!!

"J-jennifer ayos ka lang ba? Hindi ka makahinga ito tubig. Anong sinasabi mo? Gusto mo ng kanin? Ano ito pa?"

Sira! Ang sinasabi ko tulong!

Biglang may sumira sa pintuan kaya napatingin kaming lahat.

Si Sir? Pumunta ito sa pwesto ko. At tinulungan akong mailabas ang naka bilaok sakin.

"Still not okay? Drink water first."

Ang pangyayari nakakagulat. Pati si mama at papa pati rin si tomboy nagulat sa pagsulpot ni Sir.

"Salamat Sir Reymark! Hindi ko alam na nabilaokan pala si Jennifer."

Aba obvious na namumula ako hindi na halos makahinga sabihin niyong hindi kayo tumitingin sa paligid.

"Stupid girl," sambit ni Sir at agad na umalis.

Buti at hindi na tuluyang nasira ang pintuan. Naisipan niyang isirado ang pintuan para sa amin.

"Tindi non, 'wag mong sabihin may gusto si Sir sayo?" pang aasar ni Lorine.

"Tumahimik ka diyan Lorine! A-anak ayos ka lang ba? Masakit pa ba 'yung lalamunan mo?"

Biglang sumapaw si Edrian.

"Gusto mo dalhin na kita sa ospital? I'm worried baka kung ano na ang nangyayari sayo. Baka pangit 'yung luto ko kaya ka nagka ganoon."

Hindi naman tungkol ron, iba 'yung dahilan pero hindi na kailangan banggitin.

"Ayos lang ako. Sige balik na tayo sa dati."

Ay may pa hugot.

Kumain nako na kasama si Edrian habang sila bumalik sa pinapanood nilang action series. Pamilyang gusto ng giyera ako lang naiba gusto ko 'yung romantic.

"Sorry hindi ko napansin akala ko-

"Shhhh. It's okay babe."

"B-babe? Tama ba 'yung narinig ko."

"Pft. Oo, 'yan tawagan natin total para kang bata pero cute. Bagay sayo Edrian." sabay ngiti sa kanya.

Ngumiti ito sa akin.

"S-salamat."

Kumain na ako ng sobra. Masarap ang luto niya, hindi ako makatanggi sa pagkain. Kaya nga nasisira 'yung diet plan ko.

After an hour, ako na nag hugas sa pinggan. Hindi naman yata pwede kung siya. Siya na nga 'yung nagluto siya pa 'yung maglilinis.

"Goodnight. Mauna na'ko." sabay wave ng kamay niya sakin.

Kumaway rin ako sa kanya bilang paalam. Magkikita naman kami bukas. Tumalikod na'ko pero tinawag niya'ko kaya lumingon ako.

"PWEDE MAKITULOG SA INYO!" sigaw ni Edrian.

"GABI NA! AT TSAKA MAY BAHAY KA NAMAN AH! ANG LAKI PA!" malakas kung sigaw at tumawa.

"BORING SA BAHAY KAPAG HINDI KA KASAMA!"

"SIGE NA! RITO KA NA LANG TOTAL BABE KITA!"

Ngumisi ito sa akin masaya ang mukha niya mabilis siyang tumakbo palapit sa akin.

Pumasok na kami sa loob.

"Anak bakit naparito ulit si Edrian?"

"Rito muna siya matutulog ngayong gabi."

"ANOO?!??!" [all]

"Oo bakit gulat na gulat kayo? Sige na matutulog na kami goodnight ma at pa."

Gold ako ayaw ko bumati sa Ate kung tomboy.

Edrian's Point Of View.

Uuwi ako nito sa bahay na walang ka tao-tao. Hindi katulad sa bahay ni Jennifer nandun ang parents niya. While me I'm lonely. May kasama ako sa bahay pero mga house maids.

So kumuha ako ng lakas ng loob para matulog sa bahay ni Jennifer.

"Matutulog kana?" tanong ko kay Edrian.

"Ikaw? Matutulog kana?"

Natawa ako sa sinagot niya.

"Oo matutulog na rin."

"Oh bakit ka natawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?"

"Oo mayroon, alam kung antok kana. Sige goodnight."

Nasa tabi ko si Edrian medyo malaki naman ang kama ko. Pero pinroblema ko ang paglikotin ko habang natutulog ako.

Morning.

"Mukhang ako yata na una."

"Good morning Jennifer." sabay ngiti.

Nakita ko si Edrian na nakaupo sa lamesa ko.

"Pinagmamasdan kita kanina pa."

"A-ah e-eh. Sana ginising mo man lang ako."

"Ayaw. Gusto ko makatitig sayo ng matagal."

Pinapakilig talaga ako nang Edrian na 'to pero okay lang naman. Mamumula talaga ako ng todo kapag pinagpatuloy mo pa 'yan.

Part 31

Sabay kaming pumasok sa School pati sa room narin. Agad kung nakita si bakla na nagmake up with kiss sa kanyang salamin. Nahagip niya ang tingin ko.

"Narito na pala ang couples!" sigaw ni Patrick.

Baliw. Hindi kami couple magkaibigan lang kami.

"Ano couple?"

"Wow classmates may bago tayong love team."

"Jenian na ba? Ganda ng tambalan bagay na bagay!"

Iyan ang mga sabi ng kaklase namin. Kahit papaano pahamak talaga ang baklang 'to.

"Tumigil kayong lahat." napatingin kami sa harapan.

Si sir, galit itong tumingin sa amin.

"Anong sinasabi niyong Jenian?" kumunot ang noo ko non.

Nakakakilabot 'yung tono ng boses.

"Yan kasi ... tawag namin ni Jennifer at tsaka ni Edrian."

Akala ko itatapon niya ang dala niyang libro pero ang ginawa niya. PUTANGINA! HINALIKAN NIYA'KO SA HARAP NG MARAMIMG TAO!?!?!?!