Chereads / Taming The Sky / Chapter 18 - Chapter 17

Chapter 18 - Chapter 17

Tumayo ako sa higaan dahil sa kalabog ng pinto kaya nag lakad na ako papunta dun at pinikit ang door knob para bumukas.

"Samantha kelan ka mag babayad ng apartment?" Mataray na saad niya sabay pakita pa ng maliit na notebook na nasa kamay niya.

"Next Next week po manang elisa" maamong saad ko ng ikinatawa niya.

"Manang ka dyan" saad niya sabay tusok pa sa tagiliran ko ng ikinatawa ko din.

"O siya sige" saad niya sabay kaway pa bago nag lakad pababa.

"Thanks manang!" I teased.

Isinarado ko ang pinto bago nag lakad papuntang couch at humiga dahil masakit ang paa ko kakalakad para mag hanap ng trabaho.

Naligo na ako at nag bihis kinuha ko na rin ang mga papel para makapag apply ng kahit anong trabaho.

"Hi maam, How can i help you?" Nagulat ako dahil sa pag sulpot ng isang babae sa gili ko kaya kaagad ako napatayo ng maayos.

"Can i apply here?" Saad ko bago inilibot ang tingin sa kompanya at tumingin sa babae.

"May open pa po ba?"

"I don't think so" saad niya bago kunin ang cellphone niya sa bulsa at may tinawagan.

"Upo ka muna miss" saad niya kaya tumango ako bago mag lakad at umupo sabay gilid. Inalis ko ang hook ng sandals ko at kinuha ang bandaid na nasa bulsa bago ilagay iyon.

Ilang minuto din ay dumating ulit siya, tumayo ako ng maayos bago humarap sakaniya.

"Tara miss" anya kaya nag lakad na ako at sumunod sakaniya.

'Grace Iris Dorrouis' basa ko sa pangalan na naka display sa lamesa.

"How can i help you?" Saad niya ng makalapit saakin. Ngumiti naman ako bago umayos ng tayo.

"Can i apply here? Uh kahit anong trabaho po miss kayang kaya ko"

Sumingkit ang mata niya ng tumingin saakin kaya napaiwas ako ng tingin. Narinig ko naman ang pag sarado ng pinto kaya kinabahan ako.

"I'm so sorry miss pero wala na" saad niya ng inikabagsak ng balikat ko.

"Kahit ano po miss" i begged.

"Kahit janitress po" saad ko ng ikinataas ng kilay niya, tumang siya bago tawagan ang kung sino. Tumaas ang kilay niya dahil dito.

"Sure sir anything" saad niya bago patayin ang tawag at tumingin saakin.

"Mag pahinga ka, bukas ka na mag simula" saad niya bago ngumiti kaya ngumiti din ako bago yumuko at tumalikod.

Ilang oras din ay naka uwi na ako hinubad ko ang sweater na suot ko at inilagay iyon sa isang tabi bago lumundag sa kama.

"Samantha!" Elisa shouted.

Tumayo ako at binuksan ang pinto kaagad naman siyang pumasok at umupo sa couch habang nakabusangot.

"Anong problema mo?" I asked.

Ngumuso siya at nag pa padyak padyak pa na parang bata bago imukmok ang mukha sa unan.

"Kasi yung babae dyan sa kabilang apartment dalawang buwan na siyang hindi nag babayad! Si mama papagalitan ako!"

Tumaas kaagad ang kilay ko dahil sa narinig ko. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang tawa bago umiwas ng tingin.

"Ano nakakatawa?" She asked.

Umupo ako sa tabi niya bago tapikin ang hita niya para umusog kaya ginawa naman niya iyon. Ngumiti ako bago buksan ang t.v

"Ano ka ba 2 buwan lang yon!" Saad ko ng ikinairap niya.

"Ikaw nga hindi pa nag babayad"

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. Tumango ako bago tumayo para mag saing at mag luto ng ulam.

"Nako sam! Wag ka na mag luto! Libre na kita!" Saad niya sabay hila sa kamay ko.

Sinundan ko nalang siya hanggang sa makapunta kami sa karinderya. Umupo na ako at iniayos ang damit ko.

"Ate! Isa ngang menudo!" She Shouted bago tumingin saakin.

"Ano sayo?"

Tumingin ako sa taas bago basahin ang mga ulam at tumingin sa babaeng nag hihintay sa sasabihin ko.

"Ah yung katulad nalang nung kaniya" saad ko sabay turo pa kay elisa.

"Tapos dalawang sprite" dagdag niya.

Tumingin ako sa relo ko dahil maaga akong matutulog dahil mag tatrabaho na ako simula bukas.

"Wag kang mag alala bukas may trabaho na ako, ako naman ang manlilibre" saad ko sabay ngisi pa sakaniya.

"Dapat lang" saad niya sabay tawa pa ng ikinatawa ko din.

"Wala kang boyfriend?" I asked.

Umiling siya bago tumingin kung saan nakita ko naman ang titig niya sa isang lalaking nakatalikod kaya napangisi ako.

"Anong nginingisi mo dyan?" Saad niya sabay subo at tumingin ulit sa lalaki.

"Crush mo yon no" i teased.

Kaagad siyang umiling ng ikinatawa ko. Nang humarap ang lalaki ay kaagad bumagsak ang balikat niya at tumingin sa akin na para bang naiiyak siya.

"Look mukha siyang tomboy" She said.

Tumawa naman ako bago takpan ang bibig ko dahil sa sobrang tuwa.

Sinimulan na namin kumain at nang matapos na ay tumayo na kami para umuwi.

"Goodluck! Mare" saad niya sabay taas pa ng kamay.

Kumaway ako bago mag lakad papuntang apartment ng may marinig akong yapak kaya napabilis ang paglakad ko.

"Miss! Bill niyo po" saad niya kaya napalingon kaagad ako.

Tumango ako sabay kuha ng papel sa kamay niya at dali daling tumakbo papasok sa loob ng bahay. Nag shower na ako bago matulog.

_______________________________________________________________________