Chereads / Taming The Sky / Chapter 23 - Chapter 22

Chapter 23 - Chapter 22

Nakita ko ang titig ni daddy ng pumasok ako sa bahay bago tumingin kay cooper na nasa likod ko. Pati ang mga kasambahay ay napalingon din.

"Anak" He whispered.

Napatigil ako sa pag lalakad ng tumayo siya bago lumapit saakin. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang iyak.

"I'm so sorry anak" saad niya sabay hawak sa dalawang kamay ko.

"Hindi ko alam, hindi ko alam" paulit ulit niyang sinasabi habang aligagang nag lalakad.

"Hindi ko alam anak na ganun ang dinanas mo, im so sorry anak patawarin mo sana si daddy" he begged.

Tumango ako bago siya yakapin ng mahigpit ng mas lalong nag pa hagulgol sakaniya.

"I'm so sorry rin po" Saad ko bago tumingin sakaniya.

Nakita ko naman ang kapatid kong umiiyak na para bang iniwan ng kung sino kaya nag katinginan kaming lahat bago tumawa.

"Bakla ka ba anak?" Mommy asked.

Kaagad naman pinunasan ni cooper ang luha niya at tumayo ng matikas bago humarap Kay mommy na ngayon ay natatawa na.

"Ako bakla mommy? Baka bigyan na kita niyan ng apo" He joked.

Nanlaki ang mata ni mommy bago siya hampasin sa braso.

"Wala ka ngang girlfriend" Singit Naman ni daddy kaya sumimangot siya.

"Wala kang girlfriend?" I asked.

Sinamaan niya ako ng tingin bago umiling kaya bahagya akong natawa. Niyakap naman niya ako bago ako hilahin paakyat.

"Manang pancake nga po!"

Nakita ko naman si manang na ngumiti saakin kaya kumaway ako bago ngumiti.

"Ang Ganda mo Samantha" puri niya.

Nahihiya naman akong ngumiti sakaniya bago ako tignan ng kapatid ko.

"Engineer!" Saad ng isang lalaki na kakalabas lang ng comfort room. Ngumiti iyon ng tumingin saakin kaya nginitin ko nalang din siya.

"Nagawa mo dito?" Seryoso Saad ni cooper.

"Easy bro! Hi miss" tinapik ng lalaki ang balikat ng kapatid ko bago nilahad ang kamay niya sa harapan ko.

"Dylan Azrael Zandeja" pakilala niya.

Naningkit ang mata ko ng tumingin sakaniya. Inilayo Naman ako ni cooper sakaniya sabay tulak.

"Tumigil ka Dy baka bukas Bali na buto mo" pananakot Naman niya.

"Mabait naman ang cousin ko" pag mamayabang niya sabay tingin ulit saakin.

"Ako Hindi kaya umalis kana" tumawa siya sabay sipa sa bandang pwetan ng lalaki.

"Okay okay! I'll go now, by the way miss nice to meet you" Saad niya sabay kindat pa.

Marahan namang tinakpan ng kapatid ko ang mata ko dahil sa ginawa ng lalaki.

"So Wala kang girlfriend?"

"Ano ba ate! Wala akong oras para dyan" Saad niya sabay hilata sa higaan. Nag lakad naman ako at umupo sa tabi niya.

"Bakit Naman?" I curiously asked.

"Kasi Wala pa akong nakikitang katulad mo" ngumiti siya sabay tusok sa tagiliran ko ng ikinatawa ko.

"Katulad ko? Akala ko ba panget ako?"

Umiling siyang tumingin saakin bago siya dumapa at tinignan ulit ako.

"Sa totoo lang ate kung hindi Kita kapatid baka niligawan na kita"

Napaubo naman ako ng dahil dun. Bumukas ang pinto at nilabas ito ni manang na may dalang tray na may pancakes at drink.

"Ako den ma'am kung naging lalaki ako baka pakasalan na kita" pag bibiro niya.

Napailing nalang ako at kinuha ang tray na hawak ni manang at inilagay iyon sa mesang nasa harapan.

"Diba manang?" Sang ayon naman ni cooper bago tumayo at kumuha ng platito.

"Kain po" Aya ko bago tumayo at nag lakad pababa ng hagdan.

"Ma'am ikaw po pala" Saad ng isang lalaki kaya tumango ako at nag lakad papuntang kitchen.

Kinuha ko ang dalawang syrup na nasa baba ng ref at tumakbo papuntang taas.

"Syrup?" tinaas ko ang dalawa at ibinigay ang Isa Kay cooper na ngayon ay tinataas na ang kamay.

"Chocolate akin" Saad niya kaya ibinigay ko iyon.

"Manang Kain" Saad ko kaya tumango siya at kinuha ang isa pang platito.

Tumayo si Cooper at may tinawagan na kung sino kaya kinuha ko ang platito at kumuha ng pancake.

"[Hey man how's your sister?]" Rinig kong saad ng kung sino kaya lumingon ako.

"[She's fine bro]" lumingon si cops saakin kaya napaiwas ako ng tingin at tinuon nalang Kay manang na nag kukwento.

"Samantha alam mo ba kung gaano ako nag alala nung umalis ka?" Saad ni manang kaya napailing ako.

"I'm so sorry po" Saad ko.

Nag lakad na ang kapatid ko papalapit saakin kaya tinaasan ko siya ng tingin.

"May nililigawan ka ba cooper?" Manang asked.

Kaagad naman nabulunan si cooper sabay tingin kay manang, ako Naman ay kinuha ang tubig at ibinigay iyon sakaniya.

"May babae kang dinala dito noon Diba?"

Umiling naman si cooper ng tumingin saakin kaya natawa nalang ako.

"Nako Cooper baka maging tita na ako niyan ah" I joked.

Rinig ko naman ang pag bukas ng pinto kaya napalingon ako at nilabas iyon ng isang lalaking naka puting long sleeve at itim na jeans.

"Maiwan ko muna kayo" Saad ni manang sabay talikod at bumati pa sa lalaki.

"Sam sam" He called.

"Manang! Sama!" Sigaw ni cooper bago tapikin Aang balikat ni Shawn.

"Love" He whispered.

Marahan niyang iniikot ang kamay niya sa bewang ko at isinuksok ang mukha sa bandang leeg ko.

"Hindi pa ako naliligo!" I shouted before pushed him.

Rinig ko naman ang pag tawa niya sabay iling at mas nilapit niya ang mukha niya saakin.

"I love you" Saad niya sabay lagay ulit ng mukha sa leeg ko.

"Kumain kana?" Pag iiba ko kaya napailing siya.

Tumayo ako sa higaan bago kumuha ng pancake at inilagay iyon sa platitong hawak ko kanina.

"Oh" Saad ko at ibinigay sakaniya iyon pero umiling siya sabay buka pa ng bibig.

"Ah" Saad niya.

Kumuha ako ng kaunti at itinapat niyon sa bibig niya at isinubo.

"Masarap" Saad niya sabay tingin saakin kaya napaubo kaagad ako.

Kumuha ako ng juice at itinungga iyon. Napalingon naman ako Kay Shawn na nakatitig saakin kaya tinaasan ko siya ng tingin.

"Bakit? Gusto mo ba?" I asked.

__________________________________________________________________

;)