"Miss halika" saad ni miss grace sabay lakad papasok sa isang silid kaya sumunod ako.
"This is the janitors and j-janitress room" saad niya sabay iwas ng tingin ngumiti naman ako at tumango.
Nag lakad na siya palabas kaya inilibot ko ang tingin sa buong silid. May sumanggi saaking lalaki kaya napalingon kaagad ako sakaniya.
"Aray ko naman Michelle!" Saad niya.
Napatigil lang ito ng lumingon ito saakin. Pati ang mga kasama niya ay napalingon din. Napaiwas ako ng tingin at tumabi para makapasok din sila.
"Hi miss! Michelle nga pala" saad niya sabay punas pa ng kamay sa damit at nilahad iyon sa harapan ko.
Ngumiti ako bago abutin iyon. Madali lang pala makahanap ng kaibigan dito.
"Uh Samantha" saad ko ng ikinasingkit ng mata niya bago tumango. Isiniko naman siya ng lalaki.
"Bakit ka po nandito miss? Para sa janitress at janitor lang dito"
"Ah bago ako dito, janitress din" nahihiya kong saad ng ikinalaki ng mata nila.
"Janitress ka!?" Sabay nilang sambit kaya tumango ako nakita ko naman ang isang matandang lalaki na may buhat buhat na timba at mop kaya kaagad akong nag lakad papunta sakaniya.
"Tulungan na po kita" saad ko sabay kuha ng timba namay tubig. Tumingala siya saakin bago ngumiti.
"Okay lang ako hija pero salamat" saad niya sabay pasok sa silid at inilagay ang mop sa isang tabi, pumasok naman ako sa cr para itapon ang maduming tubig na nasa timba.
"Uh nasaan pala yung damit?" Nag aalangang tanong ko kaya tumayo sila bago buksan ang look at may kinuha doon.
"Eto Samantha" saad nila ngumiti naman.
"Salamat" saad ko bago tumalikod para mag palit. Kinuha ko ang paper bag para ilagay duon ang nga damit ko.
"Ang ganda mo! Para kang hindi janitress" Sigaw ng lalaki kaya napayuko ako at nag lakad papalapit sakanila.
"Lugi kompanya ni sir neto" biro ng matandang lalaki kaya natawa narin ako bago umiling.
"Model yarn?" Biro din ni Michelle.
"Hindi naman po, kayo talaga"
Lumabas na ako ng silid bago kunin ang timba at hatakin iyon. Inilagay ko rin ang mop bago mag lakad at mag linis.
"Bakit ka nga pala nag tatrabaho?" Michelle asked.
"Para sa sarili ko" I smiled.
Tumango naman siya at tumabi saakin para hatakin din ang timba at mop. Natigilan kami sa isang opisina kaya binuksan niya iyon. Pumasok naman ako bago mag linis.
"Mukha ka ngang mayaman e" biglang saad niya kaya napakagat ako ng labi.
"Noong bata gusto ko lahat ng gusto ko nabibili ko, lahat ng kailangan ko o hindi ay binibigyan saakin ng nga magulang ko" panimula ko.
"Hanggang sa matuto akong tumayo sa sarili kong paa na hindi umaasa sa iba" I smiled.
"Kasi sa araw na ubos na ubos kana, sa sarili't sarili mo nalang din ikaw aasa.
Kinuha ko ang basahan at inilublob iyon sa tubig at pag tapos ay piniga ko na iyon at lumuhod para mag linis. Kinuha naman niya ang mop para siya ang nasa kabilang side.
"Ah kapagod!" Hinimas niya ang kamay niya bago tumingin saakin. Tumayo na ako at iniayos ang uniporme bago nag lakad.
"Chelle linisan mo na office ni sir!" Saad ng lalaki ng binuksan niya ang pinto kaagad naman umiling si Michelle.
"Ayoko nga ikaw nalang" kinakabahan na saad niya ng ikinakunot ng noo ko.
"Ayoko den" saad ng lalaki bago tumingin saakin kaya tinaasan ko sila ng kilay.
"Bakit?" I asked.
Ngumiti si Michelle bago lumapit saakin ay yumakap nag puppy eyes pa siya bago lakihan ng mata ang lalaki ng ikinatawa nito.
"Pwede ikaw nalang mag linis?" She asked.
Napaisip ako pero kaagad ding tumango nakita ko ang malaking ngiti sa labi nila bago ako yakapin. Kinuha ko ang timba at sumunod sakanila. Binuksan ko ang pinto ng office bago pumasok.
"May multo ba dito?" Tanong ko sa sarili ko.
Kaagad akong pumasok sa cr para mag linis ngunit hindi naman madumi niyon. Kaya nag mop nalang ako ng sahig at nilinisan ng kauniti ang cr. Nakarinig ako ng pag bukas ng pinto kaya napalingon kaagad ako.
Nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon. Kita ko ang gulat sa mata niya ng makita ako sa harapan niya. Napaiwas ako ng tingin ng mapag tantong nakatitig na ako sakaniya.
"Sir shawn" Grace said.
Hindi lumingon si shawn doon at nakatitig parin saakin kaya nayuko parin ako. Pinatay ko ang gripo bago tumgin ulit sakaniya. Ang asul niyang mata ay ganun parin.
"Hindi ba sabi ko sainyo ayokong may pumapasok na kung sino kung wala ako!?" He shouted.
Lumakas ang tibok ng puso ko ng sumigaw siya. Kaagad akong nanlumo dahil kasalanan ko kung bakit siya galit ngayon. Nakita ko ang panginginig ng mga kamay nila kaya napapikit ako ng mariin.
"Sir bago lang po kasi siya" Grace said.
Tumaas ang tingin ko kaya lumingon siya saakin nakita ko ang seryoso sa mga mata niya kaya lumapit ako.
"I'm so sorry" saad ko sabay yuko.
Tumalikod na kami bago mag lakad sa janitors room at naligo. Kinuha ko ang bag na may damit ko kanina bago mag bihis.
"I'm so sorry Samantha" saad nila.
Ngumiti lang ako at tumango "okay lang"
Nakita ko parin ang panginginig nila kaya hinawakan ko iyon. Hindi naman kaganun ka harsh si shawn sa totoo lang.
"Unang araw mo pa naman"
Umiling lang ako at niyakap sila. Nag lakad na ako palabas para umuwi. Nakita ko naman si miss grace at shawn na nag lalakad palabas ng office kaya napatigil ako.
"Samantha! Sabay kana sakin" saad ng lalaki kanina.
Ngumiti lang ako sabay tango. Tumingin naman siya sa likod ko bago umayos ng tayo.
"Miss Grace, Sir shawn" bati niya kaya lumingon ako.
Nakita ko naman ang talim sa tingin niya. Ngumiti naman si miss grace bago yumuko at ngumiti.
"Mag iingat kayo" saad nito.
_______________________________________________________________________________