Chapter 3 - CHAPTER TWO

NAGLALAKAD papuntang parking lot si Ashley. Katatapos lang ng klase niya at may pupuntahan siyang importanting tao. Napapangiti si Ashley kapag naalala niya kung sino ang taong nais niyang makita ng mga sandaling iyon. Papasok na sana siya ng kanyang kotse ng tumunog ang phone niya. Kinuha niya ang nag-iingay na aparato sa kanyang sling bag. Nagsalubong ang kilay niya.

"What do you want?" mataray niyang tanong. Pumasok na siya sa kanyang kotse habang hawak ang phone.

Tinapon niya lang ang bag sa likuran ng kanyang kotse.

"Where are you?" Hindi pinansin ng pinsan ang pagtataray niya.

"Sa school. Bakit ba?"

"I pick you up." Matigas na wika ng pinsan.

"Why? I have my car, Alex." Binuhay na niya ang makina ng kanyang kotse.

"Leave it there. May pupuntahan tayong importanteng tao."

Nagsalubong ang kilay niya. "Who?"

"Just come with me and stop questioning." Inis na sabi ng pinsan.

"I won't come. May pupuntahan din akong importante. It's now or never. Bye." Agad niyang pinatayan ng tawag ang pinsan.

Nasisigurado niyang namumula na ngayon sa inis ang pinsan dahil sa ginawa niya. Napangiti siya sa ginawa. Hindi siya naniniwalang may pupuntahan silang importanteng tao. Kilala niyang maluko ang pinsan Gagawin lang siya nitong third wheel sa date nito. Wala siyang planong maging alalay ng pinsan.

Pina-usad na niya ang kanyang kotse. Tinahak niya ang isang daan na hindi pamilyar sa kanya. Using waze as her guide, she finally saw the man he wanted to see. Inihinto niya ang kotse sa harap nito at ibinaba ang salamin ng kanyang kotse. Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya dito.

"Hi, handsome." Nilakipan niya ng landi ang boses.

"Stop it." Inis na sabi ng lalaki.

She chuckles at his remark. Hindi pa ba talaga nasasanay ang lalaking ito sa kanya. "Talaga bang isasama mo ako sa bahay ng magulang mo? Baka iba ang isipin nila patungkol sa atin, Dennis."

Sinamaan siya ng tingin ng binata. "May magagawa ba ako. I lost on our bet. Kasalaman mo din naman kapag nabahiran iyang pangalan mo." Tinalikuran na siya ng lalaki at sumakay ng kotse nito.

Hindi niya napigilan ang isang ngiti sa kanyang labi. Masarap talagang asarin ang binata. Ilang buwan na niyang kaibigan ito at tinuturing na niyang best friend ang binata. Kilala na din ito ng mga pinsan niya na ikinasiya ng mga ito dahil isa daw himala ang pagkakaroon niya ng kaibigan. Sa pagiging mataray at suplada niya, wala daw tatagal na kaibigan niya.

"Kaya ang sarap mong asarin eh." natatawang wika niya.

Sinundan niya ang kotse ni Dennis ng umusad iyon. Ang sabi ng binata ay nasa Las Pinas ang mansyon ng ama nito pero hindi doon tumutuloy ang lalaki. May sariling bahay ang kaibigan sa Antipolo at nakapunta na siya doon minsan. Maganda ang bahay ni Dennis na namana pa sa Lolo nito. It may be an old-style house but it gives her the homie feeling.

Nang pumasok sila sa subdivision ay napahanga siya sa lugar. Napakalawak ang bawat pagitan ng mga bahay doon at walang matataas na pader. Tanging mga halaman lang ang nagsisilbing harang. Hindi lang iyon magaganda din ang style ng bahay. Isang American style house ang hinintuan nila ni Dennis. Ipinarada lang nito ang kotse sa daan. Ganoon na din ang ginawa niya.

Nang bumama si Dennis ng kotse ay agad siyang sumunod. Napatingin siya sa bahay ng magulang nito. Napasimple lang ng bahay na iyon. Halatang dalawang palapag. Puti ang kulay ng bahay habang ang bubong ay gray. Naglakad siya palapit sa kaibigan.

"Ito ang bahay ng magulang mo?" Tanong niya dito.

"Yes. This is their first house," sagot ni Dennis at naglakad na palapit sa bahay.

Mabilis siyang sumunod dito. "House? What do you mean?"

"For my parents, it's just a house. It will never be a home for them." May lungkot na sabi ng kaibigan.

Nagsalubong ang kilay niya. Anong ibig nitong sabihin? May dapat ba siyang malaman tungkol sa kaibigan. Nabubuhay ang curiosity sa katawan niya. Nang pumasok sila sa loob ng bahay ay iniikot niya ang mga mata sa paligid. Agad niyang napansin ang isang malaking family portrait. Dalawang lalaki at mag-asawa ang nakita niya. Bata pa ang dalawang lalaki. Kung hindi siya nagkakamali ay si Dennis ang isa sa batang lalaki. Napatingin siya sa isa panglalaki.

Nagsalubong ang kilay niya. The guy doesn't look like her friend. Mas lumapit pa siya sa portrait ng mga ito.

"That's my family." May bahid na lungkot ang boses ng kaibigan.

"He is your older brother?" Bigla siyang nahiwagahan sa lalaking katabi ni Dennis sa larawan.

"Yes! That's my older brother, Daniel Lorenzo." Sagot ni Dennis.

"He is handsome and mysterious one." She said with honesty.

Itinaas niya ang kamay na parang hinahawakan ang binata. Hindi niya alam pero hinahatak siya ng lalaki.

"What are you doing, Ashley?" May pagtatakang tanong ng kaibigan.

Tumingin siya sa kaibigan. "Bakit hindi kayo magkamukhang dalawa ng Kuya mo? And you are look much older than him."

Nanlaki ang mga mata ni Dennis dahil sa sinabi niya. Para itong hindi makapaniwala sa kanyang itinuran. Itinuro nito ang larawan nilang magpamilya.

"I look much older than him? Kaibigan ba talaga kita, Ash?" Inis na tanong nito.

Pinagkrus niya ang dalawang braso sa tapat ng kanyang dibdib. "Ya. I'm your friend and friend won't lie to you. I just tell you the truth."

Dennis face saying her 'what the heck!'. Hindi maitago ang inis sa mukha ng kaibigan. Wala siyang planong bawiin dito ang sinabi. She doesn't want to lie to him. Nais niyang maging totoo dito dahil totoo din naman ang pinapakita nito. Dennis looks so done with her especially if she being frank of her feeling and thoughts.

"Okay! Fine! Hindi lang naman ikaw ang unang nagsabi." Pabulong ang huling sinabi nito pero narinig pa rin niya.

Napangiti siya at ibinalik ang tingin sa larawan. Dennis's brother is so handsome and matured in his young age. Kahit pa nga na mas mukha itong bata kay Dennis. Kung tama ang pagkaka-alala niya, mas matanda ang lalaki ng dalawang taon kay Dennis. Hindi man nagkakalayo ang edad ng dalawa ay masasabi niya talaga na mas matanda si Dennis tingnan kaysa sa Kuya nito.

"Tigilan mo na nga iyang larawan ni Kuya. Halika sa likuran ng bahay. Mas maganda ang tanawin doon." Hinawakan na siya ni Dennis sa braso at hinila.

Wala siyang nagawa ng hinila na siya ng kaibigan. Dumaan sila sa isan sliding door na gawa sa salamin at tumanbad sa kanya ang isang malawak na swimming pool. Naglakad sila sa gilid ng swimming pool bago nila marating ang isang patio. It's open patio. Kagaya iyon ng design sa roof top ng mansyon ng mga Saavadra pero ang pinagka-iba lang noon ay nasa labas ang nasa Madrigal. The place is beautiful. May mga hanging plants na nakasabit sa bubong. Clear glass ang rooftop at may dalawang nakasabit na ilaw. May nakasabit din na duyan na kasya lang ang isang tao. May tanin din sa gilid at puting sofa na pwedeng higaan. May coffee table sa gitna.

"This place is my fave part of the house." Binitiwan na ni Dennis ang kamay niya.

Sumunod siya sa kaibigan ng umupo ito sa mahabang sofa. Masarap ang ihip ng hangin kaya isinandal niya ang likuran sa sofa.

"Maganda ang lugar. It's remind me of the Tita Ivy's mansion." Kuminto niya.

"Tita Ivy?" Tumingin sa kanya si Dennis.

"Ivylyn Rose Cortez-Saavadra? She is my auntie in father side."

"Ahh! The famous Saavadra." Walang buhay na sabi nito. "Hindi pa rin ako makapaniwala na pinsan mo si Lincoln Aries at Alexander. They like a top-notch in business world. Napakabata pa nila pero magaling na sila sa pamamahala ng kompanya. Ilang buwan pa lang nilang hawak ang kompanya ng kanilang magulang pero marami na silang nagawa para dito."

Napangiti siya sa sinabi ni Dennis. Suddenly, she feels proud of her cousin. Kinuha niya ang throw pillow na nasa tabi niya.

"Well, they are train to be the best. Si Cole, maagang na expose dahil sa impluwensya ng kanyang ama. Si Alex naman ay talagang competitive. May gustong patunayan sa buhay ang dalawang iyon kaya ganoon."

"Right! They basically still studying in college, right?"

"Well, yes! Cole is forth year college. Nag-aaral siya ng Business Administration sa La Salle habang si Alex ay forth year college na din. Si Alex ay Business Administration din pero may crash curse siya sa Engineering dahil narin sa negosyo ng pamilya."

'And they are not single. I wondering how they manage their time.' Gusto niya sanang idagdag dito.

"They literary smart. Wait! Hindi nagkakalayo ang edad mo kay Cole at Alex?" Gulat na tanong ni Dennis.

Tumungo siya. "Yes! Isang taon lang ang tinanda sa akin ng dalawa. Si Cole ang pinakamatanda sa amin at si Alex ang gitna."

"Talaga! Tapos ikaw, designer ang kurso mo. Bakit hindi ka tumulad sa pinsan mo?"

"I told you before. I love to make dress. Pangarap ko na talaga ang maging designer at hindi ako mapipigilan ng kahit sino. My parents can't stop me. At saka, para sa akin napag-aaralan ang paghawak sa kompanya. I can manage Casa Pilar well even I'm not like my cousin." She said with confidence.

Tumaas ang sulok ng labi ni Dennis. "Right? Hindi ikaw ang Ashley na nakalilala ko three months ago kung hindi ka magsasalita ng ganyan. Masarap naman buhatin ang sarili mong bangko, di ba?"

Napasimangot siya sa sinabi nito. Hinampas niya ito ng hawak na unan. "I'm not lifting my own chair. I'm just saying the truth and facts."

"Whatever!" Inagaw nito ang hawak niyang unan at tinapon. "I get you food, princess. Baka ano pang marinig ko sa iyo ulit. Gutom lang naman iyon."

Lalo siyang napasimangot sa sinabi ng kaibigan. Tumayo na ito at iniwan siya. Wala siyang nagawa kung hindi sundan ito ng tingin. Na-iwan siya doon sa patio. Kinuha niya ang phone sa bulsa ng suot niyang pantalon. Binuksan niya ang phone niya at agad niyang nakita ang ilang tawag ng dalawang pinsan. Nagtaka siya kung bakit pati si Cole ay tumawag din sa kanya.

Bihira kasing tumawag ang pinsan niyang iyon. Kapag importante itong kailangan ay saka lang ito tatawag sa kanya. Sinubukan niyang tawagan si Cole at nagpapasalamat siya ng sagutin din naman agad ng pinsan ang tawag niya.

"Hey! You called?" tanong niya.

"Where are you? Alex told me you are going somewhere important." Malamig na tanong ng pinsan.

Napasimangot siya ng marinig ang pangalan ng isa pang pinsan. "Napakasumbongero talaga ni Alex. I'm with Dennis. Nasa mansyon ako ngayon ng Madrigal. Ano ba kasing kailangan ni Alex sa akin, Cole?"

"You are with him again. Kailangan ko bang paniwalaan na magkaibigan lang talaga kayo ng lalaking iyan."

"Cole, you are a silent person pero hindi ko akalain na isa ka palang tsismoso. Please! Wag naman sanang mahawa ka sa pinsan natin na gago. I want you to sta---"

"Stop what are you saying, Ashley. I don't care anyway what's your relationship with that man. As long as you are happy. I'm fine with it. Now, let me tell you why Alex wants you to come with us today." Putol ni Cole sa iba pa niyang sasabihin.

"Alex told me that he will introduce me to someone."

"And yes, I'm planning to introduce you to someone very special to me. Minsan lang siya nagkaroon ng bakanting oras at magbigay ng oras sa akin. Kaya talagang niyaya ko kayo ni Alex para makilala siya. And you choose that friend of yours over us." May bahid ng galit sa boses ng pinsan.

Suddenly, she feels guilty. Minsan lang din kasi magyaya si Cole. Busy kasi talaga ang pinsan niya. In one year, Cole travel to U.S for his therapy and stays for two months there. Sa U.S nilalaan ni Cole ang school vacation nito kaya hindi nila ito nakakasama madalas.

"I'm sorry." Tanging nasabi niya.

Huminga ng malalim si Cole. "It's fine. I introduce him to you some other time. I ask him again when he is going to have a free time."

"Thank you, Cole. Sino ba kasi iyang ipapakilala mo sa akin?"

"My step-brother."

Napa-ayos siya ng upo ng marinig ang sinabi ng pinsan. Nanlalaki ang mga mata niya. "You have step-brother?"

"Yes! Hindi ko masabi ang pangalan ngayon. Mas mabuting ipakilala ko siya ng personal."

"Okay. Tell him, I want to meet him. At marami kang ikwekwento sa akin."

"Whatever!" Hindi na nagpaalam ang pinsan. Binabaan na siya nito ng tawag.

Napangiti siya habang nakatingin sa phone niya. Hindi na yata magbabago pa ang pinsan. He will never say bye to someone over the phone. Nasanay na lang sila ni Alex sa ganoong pag-uugali ni Cole. Ilang taon palang nila itong nakikilala pero alam na nila ang ilan sa ugali nito.

Natigilan si Ashley ng makarinig ng malakas na tunog mula sa swimming pool. Muli niyang ibinalik ang phone sa kanyang bulsa at tumayo. Sinilip niya kung sino ang tao sa swimming pool. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala ang lalaking lumalangoy. Nasaan ang larawan ng lalaki kanina at ipapa-ulit niya sa pintor na gumawa.

LORENZO FEELS SO hot after going to the field. Pumunta siya sa pagawaan at maintenance area ng mga eroplano ng kompanya. Tumulong siya sa pag-aayos at nagpalipad na rin ng isang eroplano. He misses flying. Nagtapos siya ng pagkapiloto pero mas pinili niyang pamahalaan ng kompanya ng ama. Hindi din naman nagkakalayo ang kurso niya dahil airlines company ang negosyo ng pamilya. Isa-isa niyang binuksan ang botones ng suot na polo shirt. Lumabas ang anim na pandesal sa katawan niya. Sunod niyang hinubad ang itim na slack. He only wearing boxer short. Wala naman siyang paki-alam kung makita siya ng mga katulong. Madalas na din naman niyang ginagawa iyon kaya sanay na ang mga ito.

Pagkatapos itapon ang mga damit sa upuan ay naglakad siya palapit sa swimming pool. Nag-stretching muna siya bago lumusong sa tubig. He loves water. Isa iyon sa pagpapakalma sa kanya. Kapag ganitong stress siya sa trabaho ay nais niyang lumangoy at magbabad sa tubig. Water makes him calm, not only his body but also his soul. Pagkatapos niyang lumangoy ng kaliwa't-kanan ay pumunta siya sa gilid at tumingala.

Pinakinggan niya ang paligid. Napakatahimik ng lugar na iyon. He doesn't like this house. Marami siyang pangit na alala sa bahay na iyon pero iyon naman ang lugar na nais niyang balik-balikan. Nandoon kasi ang alala nila ng ina. Mga alala ng pagkabata niya.

Napamulat siya ng may narinig na ingay. Mabilis siyang napatingin sa kaliwang bahagi. Napa-ayos siya ng tindig ng may nakitang babae na nakatingin sa kanya di kalayuan sa kinalalanguyan niya.

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa mansyon namin?" Sunod-sunod niyang tanong sa babae.

Hindi nagsalita ang babae. Naglakad lang ito palapit sa kanya. At habang lumalapit ito ay pinag-aralan naman ni Lorenzo ang mukha ng babae. Hindi niya matatanggi na maganda ito. Maayos din ang tindig. Matangkad ito at napakaganda ng korte ng katawan. Sa suot nitong fitted blue t-shirt ay talagang nakaka-agaw pansin ang korte at dibdib nito na hindi kalakihan. Napadako ang tingin niya sa mukha ng babae. This woman has an oval shape face that gives a complement to her fearless almond eyes. Napakagandang pagmasdan ang mga mata ng babae na gray ang kulay. This woman absolutely has a foreign blood.

Napalunok ng wala sa oras si Lorenzo ng tuluyang makalapit ang babae. Doon niya napatunayan na matangos ang ilong ng babae at maayos ang korte ng kilay nito. The woman not only have an amazing body but a beautiful face. Nang mapatingin siya sa labi nitong mapula ay biglang may bagay na gumalaw sa ilalim ng pantalon niya.

'What's up with me?' tanong niya sa sarili.

She squats down to face him. Napa-atras siya ng mapatingin sa labi ng babae. This woman has a very beautiful full lip. Gusto niyang mapalabi pero pinigilan niya ang sarili. Hindi niya kilala ang taong nasa kanyang harapan at kung paano ito nakapasok sa bahay ng kanyang magulang.

"Hi! You must be Daniel Lorenzo. Nice to meet you." Inilahad ng babae ang kamay. "I'm Ashley by the way. Kaibigan ako ni Dennis."

Nagsalubong ang kilay niya ng marinig ang pangalan ng kapatid. "Kaibigan ka ni Dennis?"

"Yes! Siya ang kasama kong pumasok dito. He is just preparing for our snacks." Inalis ng babae ang nakalahad nitong kamay.

Alam nitong hindi siya makikipagkamay dito. Lalo siyang nagtaka sa sinagot ng babae.

'Kailan pa nagkaroon ng kaibigang babae ang kapatid?' natanong niya sa sarili.

Tinalikuran niya ito at lumangoy sa may hagdan ng pool. Umakyat siya at lumapit sa isang beach bed. Kinuha niya ang towel na laging nandoon para sa ganoong klaseng sitwasyon. Madalas kasi silang lumalangoy ni Dennis ng walang paalam kaya nag-iiwan na lang ng towel ang mga katulong.

"Who draw your family portrait?"

Muntik ng mapasigaw si Lorenzo ng magsalita ang babae. Hindi niya namalayan na lumapit na pala ito sa kanya. Napa-atras siya at agad na tinapis ang tuwalya sa kanyang baywang. Napatingin sa kanyang tiyan ang babae. Sa unang pagkakataon ay nakadama ng pagkailang ang binata. Why this woman makes him feel conscious?

"Why are you asking?" Nilampasan niya ang babae.

Mabilis naman na sumunod sa kanya si Ashley.

"Well, I will ask him or her to draw it again. Napakalayo ng mukha mo na nasa larawan."

Napahinto siya at napatingin sa babae. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. It's their family portrait. Iyon ang unang larawan nila na magkasamang buong pamilya. His father is not fan of photo or even a portrait.

"Are you out of yo---"

Naputol ang iba pang sasabihin niya ng sumigaw ang kapatid. Sabay silang napatingin dito. Malalaki ang hakbang na lumapit sa kanila ang kapatid. Hinawakan agad nito sa braso ang babae.

"What are you doing, Ash?" Inis na tanong ni Dennis.

"I just talking to your brother." Sagot ng babae.

"Ashley, please stop! My brother is not like the man you think."

Nagsalubong ang kilay niya sa narinig na sinabi ng kapatid. Gusto niya sanang tanungin ito kung anong ibig sabihin ng mga sinabi nito ng mabilis na hinila ng kapatid ang babae papasok ng bahay. Naiwan si Lorenzo na nagtataka. Did his brother finally interest with a woman?

Sino naman kaya ang maswerteng babaeng iyon? Mukhang nabihag nito ang kanyang kapatid. Tumaas ang sulok ng labi niya. Now, he wanted to know more about that woman.