🌷🌷🌷
"PINEAPPLE JUICE for a beautiful lady." Ibinaba ni Alex ang isang baso sa mesa na malapit sa beach bed na kinahihigaan niya.
Tumingin siya sa pinsan at ngumiti. "Thanks."
"Don't mention it." Umupo sa katabi niyang beach bed ang pinsan. May hawak din itong baso na fruit shake.
"Where's Cole?" Iniikot niya ang tingin sa paligid.
"Bumalik siya ng hotel room. Nandito din pala ang best friend niya." May ininguso ang pinsan.
Tumingin siya sa itinuro nito. May nakita siyang isang babae na nakatayo di kalayuan sa kanila kasama ang isang lalaki. Kung tama ang pagkaka-alala niya ay si Maria Clara Alonzo ang babae at ang kasama nitong lalaki ay si Kurt Adam Lopez. Walang nakaka-alam sa mga dating kaklase ng pinsan na bumalik na ito ng bansa. Na dalawang taon lang naman ito sa U.S. Cole been hiding to Clara ever since. Kahit sila ay iyon din ang gustong gawin ng pinsan dahil isa si Clara sa mga naging dahilan ng pagkakasakit nito.
"Hays! Si Cole na naman ang mag-aadjust para sa kanya." Inalis niya ang tingin sa dalawang taong hindi niya gusto at uminum na lang ng pineapple juice niya.
Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Alex. "Akala ko talaga ay magiging masaya si Cole sa bakasyon natin na ito. Kaya nga pinilit ko siyang manatili kahit isang linggo lang dito sa Pilipinas at ipagpaliban muna niya ang pagpunta ng America. Iyon din pala ay hindi."
Hind siya nagsalita. Muli lang siyang napatingin sa dalawang tao. Mamaya pa ay may pumasok sa kanyang isipan. Inilapag niya ang hawak na juice sa mesa. Tumayo siya at inayos ang sarong na nakatali sa kanyang baywang. Two-piece swim suit na kulay brown ang suot niya. Pansin na pansin ang hugis ng kanyang katawan. Iyong maliit na abs niya ay pansin na pansin din. Kahit na nasa kolehiyo pa lang ay talagang nasa ayos na ang hubog ng kanyang katawan.
Inalis niya ang pagkakatali ng kanyang buhok. Hinayaan niyang tangayin ng hangin ang mahaba at brown. Tumingin siya sa pinsan.
"I play with the waves," aniya.
Salubong ang kilay na tumingin sa kanya si Alex. Hindi ito nagsalita at hinayaan lang siya. Naglakad na siya papunta sa dagat. She walks like a runway model. Nasisigurado niyang nakatingin sa kanya ang lahat ng kalalakihan. Binaliwala niya iyon at pinunto ang taong nais niyang makapansin sa kanya. Nang malapit na siya sa mga ito ay sabay na tumingin sa kanya ang mga ito. Nang umiwas ng tingin ang babae ay pinakatitigan niya ang lalaki.
Isang mapang-akit na ngiti ang ibinigay niya. Lalong hindi maalis ng lalaki ang tingin sa kanya. She flips her hair and come closer to the man. Nang dumaan siya sa harap nito ay isang mapang-akit na tingin ang ginawa niya. She wanted him to know that she is interested to him. Ashley feels so satisfied when she touch the hands of the man. Tingnan natin kung anong susunod na gagawin ng isang Kurt Adam Lopez. Nilampasan niya ang dalawa na parang hindi nagkadikit ang katawan nilang dalawa ng lalaki.
Nakatatlong hakbang palang ang layo niya sa kay Clara at Kurt ng may humawak sa kamay niya. Sisinghalan na sana niya ang pangahas ng makita na si Lorenzo ang nakahawak sa kamay niya. Binuhusan ni Lorenzo ang kamay niya ng mineral water na hawak.
"Ano ba?" singhal niya dito ng maramdaman ang tubig sa kamay niya.
"No one should flirt with my wife." Malakas ang boses na sabi nito. Tumingin pa ito sa direksyon ni Clara at Kurt.
Nanlaki ang mga mata niya. Anong sabi nito? Wife. Tinawag siya nitong asawa? Nababaliw na ba ang lalaking ito. Napahakbang pa-atras si Ashley ng inilapit ni Lorenzo ang katawan sa kanya pero mabilis na hinawakan nito ang magkabilang braso niya. Pigil ang hininga na tumingin ang dalaga sa binata na ngayon ay sobrang lapit sa kanya.
"I can't let you flirt with other man especially if they already taken, Ashley Cortez." Pagkatapos nitong sabihin iyon ay inilayo agad nito ang sarili sa kanya.
Nakaramdam ng paghihinayang si Ashley pero naghari pa rin ang inis niya sa lalaki. Sinamaan niya ito ng tingin. Nasisiguro niyang sinadya ni Lorenzo iyon para hindi matuloy ang plano niya kay Kurt. He is trying to ruin her plans.
"Enjoy your vacation, wife." Hinawakan nito ang baba niya bago siya nilampasan.
Galit niyang sinundan ito ng tingin. Hindi man lang siya napagsalita ng masama sa lalaki. Tumingin siya sa deriksyon na kinatatayuan kanina ni Clara at Kurt. Wala na doon ang magkasintahan. Napapadyak siya sa sobrang inis. Nais niyang makita kung paano iwan ni Kurt si Clara para makipagkilala sa kanya pero ang walang hiyang si Lorenzo, sinira ang plano niya.
Galit niyang tinitigan ang lalaki. Talagang sinira nito ang plano niya.
Pero saglit lang, anong ginagawa ng isang tulad nito sa lugar na iyon? Pangasinan is very far from Maynila. Wala ba itong trabaho ngayon. At saka, sa lahat ba naman ng taong pwede niyang makita ngayong bakasyon niya ay ito pa talaga.
Galit na bumalik siya sa tabi ng pinsan na nakatingin lang sa kanya. Blangko ang mukha at mga mata nito. Inis na umupo siya sa beach bed.
"What?" Singhal niya sa pinsan ng hindi nito inaalis ang tingin sa kanya.
"Ibinalik lang niya ang ginawa mo sa kanya noong pinahiya mo siya sa coffee shop, Ash. Wag kang ma-inis sa ginawa niya dahil hindi din naman maganda ang plano mo kay Clara at Kurt. Ilang beses ng sinabi sa atin ni Cole na wag na wag pakiki-alaman si Clara." Hindi na maitago ni Alex ang disappointment sa boses nito.
"I just want to know if that Kurt is really loyal to Clara. At saka, gus---"
"Don't give me that crap, Ash. Kilala kita." Tumayo si Alex at iniwan siya doon.
Sinundan niya ng tingin ang pinsan na papasok na ngayon sa restaurant ng hotel na tinutuluyan nila. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. Minsan lang magalit at magseryuso si Alex. Nakakatakot ito kapag nagpakita na ito ng ganoong ugali. Hinayaan lang niya ang pinsan at muling ibinalik ang tingin sa dalampasigan.
'Kasalanan talaga ito ng Lorenzo na iyon. Ano ba kasing ginagawa niya sa lugar na ito?' tanong niya sa isipan.
Inikot niya ang paningin. Hinahanap niya ang lalaking dahilan ng kamalasan niya ng araw na iyon ngunit hindi na niya makita ang lalaki. Kinuha niya ang phone na nakapatong sa mesa. Hinanap niya ang number ng best friend niya na workaholic.
"What's up? Kamusta bakasyon?" Masiglang tanong ni Dennis.
"I saw your brother here. Anong ginagawa niya dito?" Agad niyang tanong dito. Hindi niya din itinago ang inis.
"Si Kuya Lorenzo nandiyan?" Gulat na tanong ni Dennis sa kabilang linya.
"Yes! And he ruins my plan." Pagmamaktol niya dito.
"I don't know he's there. Ang alam ko ay may titingnan siyang area sa Pampanga para gawing bodega." Sagot ni Dennis.
"So, that's mean he lied to you." Tumawa siya. "He is really a jerk. Kapag hindi talaga ako nagkanobyo, humanda sa akin iyang kuya mo."
Hindi nagsalita si Dennis sa kabilang linya. Isang malalim lang na paghinga ang narinig niya mula dito.
"Dennis, I'm no---"
"Ash, please stay away from my brother. He is not a good guy. Natatakot ako na baka saktan ka lang niya. You are innocent. I don't want him to ruin you," anito pagkalipas ng ilang segundong pananahimik.
Natigilan siya sa sinabi nito. She never expects those words from other man especially from Dennis. Ilang buwan na ba niyang kakilala si Dennis at agad nilang nakagaanan ang isa't-isa. Ngunit si Dennis kasi ang tipo ng lalaki na hindi nagsasalita ng tungkol sa nararamdaman nito.
"It's that really you, Dennis?" Pabiro niyang tanong.
Hindi nagsalita ang kaibigan pero alam niyang nakangiti ito ng mga sandaling iyon. Kaya tumikhim siya at nagseryuso. Nawala na ang inis na nadarama niya sa Kuya nitong sarap tirisin.
"Dennis, thank you for your care but I can't take care of myself. I'm Ashley Cortez, remember? Hindi ako ma-iisahan ng Kuya mong piling gwapo. Hindi isang tulad niya ang paglalaruan ang isang tulad ko."
"I know, you are not an ordinary woman but I just want you to be careful. Kilala ko ang Kuya Lorenzo ko. I know him to well."
Ngumiti siya kahit na alam niyang hindi iyon makikita ng kaibigan. Bigla siyang may na-isip. "Then he meets the person who can fight him. Nakahanap siya ng katapat sa isang tulad ko."
"Ash, hindi ko yata gusto niyong si---"
"Don't worry, Dennis. I make you proud. Bye, friend." Pinatayan na niya ng tawag ang kaibigan at iniikot ang paningin sa lugar.
She is looking for a particular man. Sisiguraduhin niyang tatatak sa isipan nito ang na-isip niyang kalukuhan. Ipapakilala niya dito kung sino ba talaga si Ashley Cortez. No one can mess up with Cortez and get away with it. Nang hindi makita ang lalaki ay tumayo siya at naglakad-lakad. Determinado siyang mahanap ang lalaki at pagbayarin ito sa ginawa kanina. Hindi naman siya nabigo dahil nakita niya sa isang restaurant ang lalaki. Huminto siya at pinakatitigan ang binata.
Napakaganda ng ngiti nito sa babaeng kasama. Napatingin naman siya sa babae. Tumaas ang kilay niya ng makilala kung sino ang ka-usap nitong babae. Tina Vanie Yap, isang baguhang artista. Kilala niya ito dahil minsan na niyang nakasama sa isang fashion show na ginanap sa school nila. Isa ito sa kinuhang model ng kaklase niya. Tumaas ang kilay niya ng tumawa na parang isang mahinhing Pilipina ang babae.
'What a plastic? Hindi naman siya ganyan tumawa noong una ko siyang nakilala. Ganyang klaseng babae ang gusto ng isang Lorenzo Madrigal. No taste at all,' aniya sa isipan.
Umayos siya ng tindig at naglakad palapit sa dalawang tao. Nang tuluyang makalapit ay umupo sa hita ng binata. Nanlalaki ang mga matang tumingin sa kanya si Lorenzo. Alam niya din na napatingin sa kanila ang ibang taong nandoon sa restaurant na iyon. Ngumiti siya ng matamis sa binata.
'Revenge time, Mr. Madrigal,' aniya sa isipan at hinawakan ang mukha nito.
"Nandito ka lang pala, hubby. I been looking for you." Pinalupot niya ang dalawang braso sa leeg nito.
"What are you doing?" matigas na tanong ni Lorenzo sa kanya. Nagbabanta din ang mga tingin nito,
Ngunit di niya pinansin ang binata. Walang kinakatakutan ang isang tulad niya. Nang balak siyang itulak ni Lorenzo ay mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa leeg nito. She even moves her body closer. Ngayon ay magkadikit na ang dibdib niya sa dibdib nito. Her bare skin touches her bare skin. Nararamdaman niya ang init na nagmumula sa katawan nito dahil pareho silang damit pag-itaas. Well, she is wearing her bikini. Napansin niya ang paglunok ng binata. She finds her revenge successful but she is not yet satisfied with her scene.
"I love you, hubby. You are mine and no one can have you. Keep that in mind." Sinulyapan niya ang babaeng kalandian kanina.
Sinigurado niyang narinig nito ang sinabi niya. Sinamaan niya ito ng tingin para ipakitang nagseselos siya. Nakasulat sa mukha ng babae ang pagkagulat. Muli niyang ibinalik ang tingin sa binatang naging rebulto na dahil hindi gumagalaw. Alam niya kung ano ang kahinaan ng isang lalaki. And Lorenzo is not an exception to that.
"Your reaction is so fascinating, Hubby." Pagkatapos sabihin iyon ay kinintilan niya ng mabilis na halik ang labi ng lalaki sabay tayo.
Napansin niya ang mga matang nakatingin sa kanila. Tumayo siya ng tuwid sa harap ni Lorenzo. Nakatulala pa rin ito sa kina-uupuan. Mukha itong isang babae sa reaksyon nito. She makes him off-guard and it satisfy her finally. Yumuko siya at inilapit ang labi sa tainga nito.
"I wait at our room." Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa binata bago tinalikuran ito.
Tinaasan niya ng kilay ang babae bago ito nilampasan. She wears her eye glasses before walking away in that scene. She feels so confident after what she did. Natutuwa ang puso niya sa ginawang eksena. Nakaganti sa sa binata. Akala ba nito ay basta na lang niya palalampasin ang ginawa nito.
Bumalik si Ashley sa hotel room niya. Magpapadala na lang siya ng mensahe kay Alex. Lalabas na lang siya mamaya para sumabay kumain ng hapunan dito. Siguro naman ay lalabas na noon si Cole o di kaya ay mag-book na lang sila ng isang private room. Gusto niyang mag-enjoy naman ang pinsan. Pipihitin na sana niya ang door knob ng biglang may humawak sa kanyang balikat at sapilitan siyang pinaharap. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Lorenzo.
"What are you doing here?" gulat niyang tanong.
"You said, you are waiting at our room. So, I follow you here." Isinandal siya sa pinto ng binata.
Tinulak niya ang binata. "Wow! Why? Alam mong sinabi ko lang iyon para makaganti sa ginawa mo kanina sa beach. Don't tell me you didn't get that." Pinagkrus niya ang dalawang braso sa dibdib.
Tumaas lang ang isang sulok ng labi ni Lorenzo. "I know but I don't accept defeat. Let's continue what you started, Ms. Cortez."
Bago pa niya matanong ang ibig nitong sabihin ay hinawakan ni Lorenzo ang magkabilang pisngi niya at sinakop ang kanyang labi. Nanlaki ang mga mata ni Ashley. Hindi siya makapaniwala na hinahalikan siya ng binata. Isang marahas na halik ang iginawad nito sa kanya. Pilit na pinapasok ni Lorenzo ang dila nito sa loob ng bibig niya pero magkalapat ang labi niya. Pilit naman niyang tinutulak ang binata.
She doesn't like his kiss. It's not right to kiss her that way. Ngunit kahit anong gawin niya ay napakalakas ng binata. Lalo siyang nahirapan ng hawakan nito ang dalawang kamay niya at ilagay sa itaas ng kanyang ulo. Nagpumiglas si Ashley. She can't let this man do that to her. Sinubukan niyang sipain ang binata pero naging maagap sa pag-ipit ng kanyang dalawang paa ang binata. Ginamit nito ang katawan para mapaghiwalay ang hita niya at mapagitnaan iyon.
Kinagat ni Lorenzo ang ilalim ng kanyang labi para makapasok ang dila nito. Nagtagumpay naman ang binata.
"Ohhh!" tanging ungol ng pagtutol lang ang nagawa niya.
'Stop!' Sigaw ng isipan niya. This man is trying to punish her. Ito ang na-isip nitong ganti sa ginawa niyang eksena kanina.
Dahil sa tuluyan ng nakapasok ang dila ng lalaki ay lalong nawalan ng pagkakataon si Ashley na makawala sa binata. Mas naging malalim pa ang pagkakahalik nito sa kanya. He is devouring her lower lips and Ashley is very sure that it will swallow later. Saka lang siya pinakawalan ng binata ng ma-uubusan na sila ng hangin.
"Bastard!" singhal niya sa lalaki.
Isang ngising-aso lang ang iginante nito. Pinakawalan nito ang dalawang kamay niya at umatras ng bahagya. Sasampalin na sana niya ito ng mabilis nitong nahuling muli ang kamay niya.
"Don't try my patients at you, Ms. Cortez. I want you to know that I'm not scared of your name. You can't take a revenge at me especially if you're the first one who did wrong." Malakas na binitiwan ni Lorenzo ang kamay.
Lalo lang nadagdagan ang inis niya sa binata. Napakuyom siya. Nagtaas-baba ang dibdib niya. Binigyan niya ng masamang tingin ang binata. Hindi pinansin ng binata ang ginawa niya. Tinalikuran lang siya nito. Sinundan niya ang binata ng tingin.
'I can't accept this.' Sigaw ng kanyang isipan.
May ilang hakbang na ang layo ng lalaki ng lumingon ito sa kanya. "By the way, if you really what a hubby like me. Just tell me. I let you have me for one month."
Nanlaki ang mga mata at bumuka ang labi ni Ashley sa narinig. What did he say? Anong gusto nitong palabasin sa sinabi? Sinasabi ba nito na gusto niyang maging asawa ang binata. The nerve of that man.
Napapadyak sa sobrang inis si Ashley. The nerve!
NAPAHAWAK si Lorenzo sa kanyang labi. Kakapasok lang niya sa loob ng elevator kung saan kakatapos lang niyang bigyan ng leksyon si Ashley Cortez. Tumaas ang isang sulok ng labi niya ng maalala ang mukha ng babae.
Pagkatapos siya nitong ipahiya ulit sa babaeng ka-date ay basta na lang itong aalis na parang wala lang dito ang ginawang eksena. He hates that woman. He hates her gouts. Dalawang beses na siya nitong pinahiya sa ibang tao. Mabuti na lang at hindi nag-walk out ang date niya. His date the rising actress Tina Vina Yap. Kilala naman siya ng babae at alam nitong wala siyang asawa. Sinabi niyang baliw si Ashley sa kanya kaya gumagawa ng eksena sa tuwing makikita siyang may kasamang ibang tao, lalaki man o babae. Tina accepts his explanation. Nagpaalam lang siya saglit na may pupuntahan kaya nasundan niya si Ashley.
'Serve her right.'
He feels so satisfy and powerful after what he did. Sana ay maging aral kay Ashley ang ginawa niya at tigilan na siya nito. Ayaw niyang maging bahagi si Ashley ng buhay at lalong hindi sa isang tulad nito siya mahuhulog. Wala siyang interest sa kahit anong seryusong relasyon.
Inalis ni Lorenzo ang pagkakahawak sa kamay ng bumukas ang elevator at pumasok ang isang lalaki na kulay puti ang damit at punit na pantalon. Pinasadahan niya ito ng tingin. Pamilyar sa kanya ang lalaki ngunit hindi niya maalala kung saan. Tumayo ito sa gilid habang ang dalawang kamay ay sa bulsa ng pantalon. Pinagmasdan niya ang lalaki sa salamin ng elevator. He knows that he saw somewhere this man beside him.
Nang hindi niya maalala kung saan nakita ang lalaki ay inalis niya ang tingin pero agad din bumalik ng humarap ito. Nagtatatakang tumingin siya sa mga mata nito. Wala siyang nababasang emosyon sa mukha at mata ng lalaki. Lalong nadagdagan ang pagtataka niya ng tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. Inalis nito ang isang kamay sa bulsa ng pantalon. At bago pa niya mapagtanto ang gagawin ng mabilis siyang sinuntok nito sa sikmura.
Napahawak siya sa nasaktang bahagi ng katawan. Napayuko pa siya. Hinawakan ng lalaki ang balikat niya at pinatayo siya ng maayos. Ang kaninang walang emosyong mga mata ay napalitan ng panlilisik. The man is like a psych. Nanindig ang balahibo niya ng isang ngiti ang sumilay sa labi nito.
"You shouldn't touch her like that," anito.
"W-what do you mean?" Tanong niya.
"What I mean? You don't remember what you did to my cousin earlier?" Muli siyang sinuntok ng lalaki sa sikmura.
Napamura siya sa isipan. Hindi niya alam kung anong sinasabi nito. Who's this man? At sinong pinsan. Hinila ulit siya ng lalaki para ma-ipantay ang mukha niya sa mukha nito.
"Ashley Cortez. Stay away from my cousin, Madrigal. Wala akong paki-alam kung sino ka. Wala kang karapatan na bastusin ng ganoon ang pinsan ko. Keep in your mind that you can't touch her. Kung gusto mo pang manatiling nakatayo ang kompanya ng pamilya niyo ay tigilan mo ang pinsan ko." Patulak siyang binitiwan ng lalaki.
Doon lang naalala ni Lorenzo kung sino ang lalaking kaharap niya. Lincoln Aries Saavadra. Ito ang may-ari ng Redwave Group of Companies. Ito ang pinakamayaman sa magpipinsang Cortez. Kaya naman pala pamilyar ito. Bihira lang makita sa kahit ang pahayagan ang lalaki dahil hindi ito nagpapa-unlak ng kahit anong interview. Kung may larawan man na lumabas sa publiko ay puro nakaw na litrato.
Kung ganoon ay nakita nito ang ginawa niya sa pinsan. Inabangan talaga nito na makasakay ng elevator.
"Know your place, Madrigal." Pagkatapos sabihin iyon ay lumabas na ito ng elevator.
Napatingala siya at napapikit ng mariin ng sumara ang elevator. Totoo nga ang sinabi ng kapatid, nakakatakot kabanggain ang mga Cortez. Wala ngang sinasanto ang mga ito. They can easily ruin him and all he has. Kailangan nga talaga niyang layuan ang babae. Ashley Cortez won't do anything good to him.