Chereads / Cousinhood Series 4: My Lost Husband / Chapter 5 - CHAPTER FOUR

Chapter 5 - CHAPTER FOUR

ASHLEY IS waiting at her cousin Alex. Susunduin siya nito para kumain sa labas kasama ang pinsan nilang si Cole. Malapit na ang semestral break at pupunta na naman si Cole sa US para sa therapy session nito. Kapag nasa US ito ay si Tita Ivy ang tumitingin sa kompanya pero si Cole parin ang nagdedesisyon. Of course, maliban pa sa pinagkakatiwalaang sekretarya ng pinsan na si Mr. Night Prado. Ito ang sekretarya ng ama ni Cole at siyang pinakamatandang empleyado ng Redwave.

Kinuha ni Ashley ang phone niya at pinadalhan ng mensahe ang pinsan. Naiinis na siya sa paghihintay dito. Hindi pa naman niya dala ang kanyang kotse dahil may usapan na talaga sila. Nang walang makuhang reply sa pinsan ay tinawagan na niya ang isa pangpinsan. Nagpapasalamat siya at agad itong sumagot.

"Where are you, Cole?" tanong niya dito.

"Nasa opisina pa. Bakit?"

"Pick me up. Hindi sinasagot ni Alex ang tawag at text ko. Na-iinis na ako sa isang iyon."

"Alex has an emergency meeting. Sinabi niya sa akin na hindi ka niya masusundo. Hindi mo ba natanggap ang pinadala niyang mensahe?"

Napasimangot siya. "Wala akong natanggap. Nasa kanya ang bag at isa kong cellphone."

"Bakit nasa kanya?" Narinig niya mula sa kabilang linya na tinawag nito ang sekretarya.

"Nagkita kami noong isang araw at pinag-usapan namin ang expansion ng Cassa Pilar. Something happen that I didn't get my bag to him." Kwento niya. "Oh! Don't bother, Cole. I called my driver to pick me up. Just tell me where are we going to meet up and I come."

Nakadama siya ng inis sa pinsan. Alex should text her other number. Alam naman nito na naiwan niya ang phone dito pero ang pasaway niyang pinsan talagang hindi ginawa. Ma-iintindihan naman niya kung bakit hind siya nito masusundo dahil sa trabaho pero ang paghintayin siya ang hindi niya mapapalampas.

"I will pick you up. Mas malapit ang opisina ko kaysa sa mansyon niyo. Just give me ten minutes."

"Are you sure? Hindi ka ba busy ngayon?" Naalala niyang kapag ganitong aalis ito ng bansa ay abala ito sa pag-aayos ng ilang bagay.

"Everything is alright. Maayos ko na ang trabaho ko bago ako lilipad ng U.S. Just wait for me and I will pick you up."

"Okay. If you say so." Nakadama siya ng kasiyahan.

Bihira siyang sunduin ng pinsan sa paaralan. Sa lahat ng pinsan niya ay si Cole ang pinaka-abala. Ito kasi talaga ang CEO ng Redwave habang si Alex naman ay Vice-President ng Kingstate. Pagkatapos ng tawag ay naglakad si Ashley papunta sa entrance ng school at umupo sa isang bench doon. She will wait for Cole there. Tatawag naman ito kapag nasa gate na. Hindi kasi pwedeng pumasok ang kotse ng pinsan dahil hindi naman ito estudyante doon, hindi kagaya ni Alex na estudyante din doon. Ibang building lang ang course nito kaya hindi nagtatagpo ang landas nila.

Kinuha niya ang stretch pad at lapis niya. Sisimulan na niyang gumawaw ng project niya sa isang subject. Designer ang kurso niya at iyon ang pangarap talaga niya. She wants to make a beautiful dress. Bata palang siya ay mahilig na siya sa fashion. Marahil ay dahil sa kanyang ina na dating modelo. Nasa kolehiyo ang ina ng maging isang model pero nahinto para pamahalaan ang negosyo ng pamilya. Kaya nga suportado ng kanyang ina ang pangarap niya.

She was focus on what she doing went she heard a familiar name. Nagtaas siya ng tingin at hinanap ang taong tinawag ng isang babae. Nagsalubong ang kilay niya ng makita itong nasa labas ng gate. Tumingin siya sa babaeng tumawag kay Lorenzo. Mukhang estudyante ito.

"Kanina ka pa ba?" tanong ng babae at agad na inilagay ang braso sa braso ng binata.

Tumaas ang kilay niya ng niyakap ng babae si Lorenzo at binigyan ng halik sa pisngi. Pinagmasdan niya ang babae. She looks like a graduating student. Itinabi niya ang hawak at itinuon ang tingin sa dalawa na mukhang magkasintahan. Nasisigurado ni Ashley na ibang babae ang ngayon ay kayakap ni Lorenzo.

"Yes!" Malambing na sagot ng lalaki. Gumanti ito sa pagkakayakap ng babae.

"I'm sorry. Marami kasi akong kailangan tapusin ngayong malapit na naman ang semestral break. Maraming project na kailangan ipasa. I'm graduating student and I need to priorities my grades."

Napangiwi siya ng marinig ang sinabi ng babae. Why she sounds like a frog to her? Iyon na ba ang pinakamalambing na boses ng babae? Bakit hindi naman siya kinilig sa boses nito? Nasusuka pa nga siya dahil napaka-cliché nito.

"It's okay. I understand. I have been there so I know what you feel. Do you want me to help you with your project?"

Lalong napangiwi si Ashley ng marinig ang sinabi ni Lorenzo. Pinatulan nito ang ginawa ng babae. Hindi ba ito nandidiri sa pagkakasabi ng babae. Gusto niyang masuka sa kalandian at lambingan ng dalawang tao. She is not used of PDA and she is not fan of that kind of thing. Kahit ang mga pinsan niya ay hindi ganoon sa kasintahan ng mga ito. Tumaas ang sulok ng labi ni Ashley. She is thinking of something again.

Inayos niya ang gamit at tumayo. Parang isang modelong naglakad papalapit sa dalawang tao ngunit ng malapit na siya sa gate ay naglakad ang mga ito papunta sa kotseng nakaparada. Isang magarang kotse ang nakita niya. Napataas ang kilay niya dahil talagang ganoon ang galawan ng mga lalaking nais makakuha ng babaeng mabibiktima. Hindi nagpatalo si Ashley. Lumapit pa rin siya sa mga ito.

Inaalalayan ni Lorenzo ang babae na makasakay ng kotse nito. Tumayo naman siya di kalayuan sa mga ito para mapansin siya nito. At hind inga siya nagkamali dahil ng isinara ng lalaki ang kotse at humarap sa kinatatayuan niya ay nagtagpo ang kanilang mga mata. She gives him her sweetest smile. Pinagkrus niya ang dalawang braso sa harap nito. Akala niya ay lalapit ang lalaki sa kanya pero umiwas lang ito ng tingin at umikot para sumakay.

Nanlaki ang mga mata ni Ashley sa nasaksihan. Did just Lorenzo ignore her? Nakita naman siya nito dahil nagtagpo ang kanilang mga mata pero umiwas lang ng tingin ang lalaki na parang hindi siya kilala. Tigalgal pa rin si Ashley na sinundan ng tingin si Lorenzo na palayo ang kotse sa kanya.

Napapadyak sa inis ang dalaga. 'Humanda ka sa akin, Lorenzo.'

Humabol at dikit ang labi na sinamaan niya ng tingin ang kotse ng lalaki. Kahit na malayo na ang mga ito ay hindi niya pa rin tinigilan. Siya? Si Ashley Cortez, hindi pinansin ng isang tulad ni Lorenzo Madrigal? Sino ito para gawin iyon sa kanya?

'I make you pay for what you did today, Lorenzo Madrigal."

Naglakad na pabalik ng school si Ashley pero malapit na sana siya sa gate ng may tumawag sa kanya. Napahinto at napalingon siya. Nakatayo sa labas ng kotse nito ang pinsang si Cole. Itinaas nito ang kamay at kinawayan siya. Huminga siya ng malalim at naglakad palapit dito.

"You are finally here," aniya.

"I'm sorry. Did I make you wait?" Hindi niya alam kung naglalambing ba ang pinsan. Wala kasing emosyon ang boses nito.

"Nope. Mas pinaghintay ako ng isa natin pinsan. Wag na wag siyang magpapakita sa akin dahil sasakalin ko talaga siya." She rolls her eyes.

Ngumiti lang si Cole. "Come on."

Inilalayan siya ng pinsan na makapasok sa loob ng kotse. Nang makapasok siya ay agad niyang napansin ang isang matandang lalaki sa front seat. Napangiti siya dito at bahagyang inilapit ang sarili.

"Hi, Tito Night. How's the office and being secretary of my favorite cousin?" Umupo siya sa gitna ng back seat.

Sa passenger seat kasi umupo ang pinsan. Para kay Cole ay hindi na naiiba sa pamilya si Tito Night na siyang pinagkakatiwalaang empleyado ng pamilya Saavadra. Napaka-loyal nito at balita ay ang anak nitong lalaki na si Knight ang papalit dito kapag nagtapos na sa pag-aaral.

"Hello, Seniorita Ashley. I'm doing good. And Sir Cole is just like Sir Carl. They are good leaders and listeners." Komento ni Tito Night.

Napangiti siya sa sinabi ng matanda. Napatingin siya sa pinsan na sinusuot ang seatbelt nito. Nawala na ang negatives vibes sa katawan niya dahil sa nakita ang pinsan. She loves being with her cousin. She feels like her truly self. Hindi niya kailangan magpanggap na mataray o malamig na tao.

"You should give Tito Night a rise. He always complements you." Tinapik niya ang balikat ng pinsan.

Napa-iling lang si Cole. Pina-usad na ni Tito Night ang kotse kaya umupo na din siya ng maayos. Sumandal siya at tumingin sa labas ng kotse. Naghari ang katahimikan sa loob ng kotse. Ganoon naman lagi kapag si Cole ang kasama niya. Tahimik kasing tao ito. Nagsasalita lang ito kapag kina-usap nila. Wala din naman siya masabi sa pinsan kaya hinayaan niya na lang ang katahimikan sa pagitan nila.

Hindi nagtagal ay narating nila ang isang Korean restaurant. Iyon ang paborito nilang magpipinsan dahil may privately room kung saan sila lang ang magkakasama. Ganoon sila mag-bonding magpinsan. Kaya nga wala silang kaibigan. Well, si Alex lang yata ang maraming kaibigan sa kanila. He has this cycle of friend that she knew.

Sumama sa loob si Tito Night. Kaya ng buksan ang kwarto ay nagulat pa siya ng makita ang ilang tao na nandoon. Napatingin tuloy siya sa pinsan.

"Akala ko ba ay tayo lang?" pabulong niyang tanong.

"I don't have time to bond with them. Kaya pinag-usapan namin ni Alex na isama sila sa dinner na ito. Okay lang naman sa iyo?"

Ngumiti siya sa pinsan. "I don't mind. Mga kakilala din naman natin sila."

Ang mga taong nandoon ay mga kakilala at malapit na din naman sa pinsan niya kaya ayos lang talaga sa kanya. Knight, Tito Night's son, at Jacob Sanchez. Dalawang taong malapit kay Cole ang nandoon. Lumapit sila sa mga ito. Isang malakas na sundok sa braso ang ginawa niya ng makalapit siya kay Alex na nandoon na rin. Napatingin sa kanila ang lahat.

"You ditch me. I hate you!" sigaw niya sa pinsan.

"I'm sorry, Ashley. Marami akong pinuntahang meeting ngayong araw na nakalimuntan kong nasa akin pala ang bag mo." Paliwanag ni Alex.

Itinaas niya ang kamay. "Talk to the hand, Alex." Iniarapan niya ang pinsan at naglakad na sa isang upuan.

Nakita niyang ngumiti si Kuya Jacob at tinapik ang balikat ng pinsan niya. Inirapan lang niya ang tanging naging kaibigan ni Cole mula ng umuwi ito galing State. Jacob is part of the security team ni Tita Ivy. Malapit ito sa pamilya Saavadra.

Inalalayan siya ni Knight na maka-upo bago ito umupo sa katabi niyang upuan. Iniikot ni Ashley ang mga mata sa mesang iyon. She is surround with people she likes. Mga taong importante sa buhay niya. Napatingin siya kay Knight. Inaayos nito ang table napkin. Bahagya siyang lumapit dito.

"Hi, Knighty. How's your studies?" tanong niya dito.

Nagtaas ng tingin ang binata at ngumiti sa kanya. "Hello, Ash. My studies are all fine. Sigurado na ang pagtatapos ko sa susunod na taon. Ikaw? Kamusta naman pag-aaral mo?"

"I'm doing great. Marami lang project nakailangan tapusin. Sayang talaga at hindi tayo parehas ng eskwelahan. Bakit kasi tinanggihan mo ang alok na scholar ship ni Tita na para sa school namin?" Napasimangot siya dito.

Ngumiti sa kanya ang lalaki. Humarap ito ng maayos sa kanya. "Alam mong kailangan kong laging nakadikit kay Cole. Mabuti nga at parehas na school siya pinapasok ni Tita Ivy. Dahil kung hindi ay lilipat ako ng ibang paaralan. I don't like your school anyway. Masyadong malayo sa bahay namin."

"Tita can give you a car. Wala kang alalahanin sa byahe at layo."

"Ash, it's better that way. Mas makakapag-aral ka ng mabuti. I don't want my crush linger around me." Pabirong sabi ni Knight.

Pinanlisikan niya ng mga mata ang binata. "Crush me pero may nobya ka naman."

Tumawa ng mahina si Knight. "Who told you that? Wala akong nobya?"

Natigilan siya sa sinabi nito. Tumingin siya kay Tito Night. "Tito Night told me that you have girlfriend."

Napatingin sa kanila ang lahat ng tinuro niya ang matanda. Tumigil din si Tito Night sa pagkain at nagtatakang tumingin sa kanila ng anak nito. Isang mahinang tawa ang ginawa ni Knight.

"Dad is just messing up with you. I don't have a girlfriend. Mas gusto ko pa mag-aral kaysa makipag-date sa kahit kaninong babae. At saka, loyal ako sa iyo." Hinawakan nito ang baba niya.

Napasimangot siya at tinabig ang kamay nito. "Hindi ako naniniwala."

"Knight, tigilan mo iyang si Ashley. Alam mo naman na lalaki lang ang ulo niyang kapag ginaganyan mo," wika ni Alex.

Sinamaan niya ng tingin ang pinsan. Anong sinasabi nito? Wala naman masamang humanga sa kanya ang isang tulad ni Knight. At saka, hinahangaan din naman niya ang lalaki. Tangging si Knight lang ang lalaking binigyan niya ng atensyon. They exchanging conversation about crushing. At nagiging inside joke na nila sa isa't-isa ang paghangang sinasabi.

"Ashley, wag na wag mong isama sa kalukuhan mo si Knight." Paalala ni Cole sa kanya.

Tumawa lang si Knight sa sinabi ni Cole. "Don't worry, Cole. Alam ko ang boundary ko pagdating sa pakikipagkulitan dito kay Ashley."

Inilapag ni Cole ang hawak nitong chopstick at humarap sa kanila ni Knight. "I don't mind if you two starts dating. Mas gusto ko nga si Knight para sa iyo, Ash kaysa doon kay Dennis Madrigal na iyon. At least, si Knight ay kilala na ng pamilya at maasahan na namin."

"Wait! Bakit nasali sa usapan na ito si Dennis?" Reklamo niya sa pinsan.

"Cole, huli ka na sa balita. Ashley is interested with the CEO od Madrid. Siya ang type ni Ashley at hindi si Dennis Madrigal."

Binigyan niya ng pagbabantang tingin si Alex. Nagulat siya dahil sa ginawa nitong pagsabi ng tungkol kay Lorenzo. Napatingin siya kay Knight. Nagtatanong ang mga mata nitong tumingin sa kanya. Umiling siya dito.

"CEO ng Madrid? Are you talking about Lorenzo Madrigal?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Jacob.

Tumungo si Alex. "Gumawa pa nga iyan ng eksena noong nakaraang araw. Kaya niya naiwan sa akin ang bag at phone niya. She even gives her ri---"

"Shout up!" Inis na sigaw niya sa pinsan.

Wala itong karapatan na magkwento ng tungkol sa nangyari ng araw na iyon. Hindi sa harap ng mga taong importante sa pamilya niya. Hindi na niya nagawang tumingin kay Knight. Alam niyang nagtatanong ang mga mata nito. Hindi niya kayang salubongin ang mga mat anito.

"Ms. Ashley, I think you need to stay away from him. Hindi Maganda ang reputation ni Lorenzo. He is a playboy and he will hurt you." Nagsalita na din si Jacob.

"Tama po si Jacob, Seniorita Ashley. Minsan ko na pong nakita ang Lorenzo na iyon. Hindi siya nakakabuti sa inyo," sabi naman ni Tito Night.

Huminga siya ng malalim. "He is not my type. At lalong wala akong balak makipagrelasyon sa isang tulad niya. I just want to mess up with him that day. Nothing more, nothing less. At kagaya ng lagi kong sinasabi sa inyo. Hindi pa pinapanganak ang lalaking mamahalin ko. I won't fall to a man like Lorenzo. Kaya wag na natin siyang pag-usapan dahil nasisira lang ang panglasa ko. Hindi ko malunok ang ugali ng isang tulad niya."

Hindi na nagsalita ang mga kasama. Bumalik na lang ang mga ito sa pagkain. Napatingin siya kay Knight. Ngumiti ito at tinapik ang kanyang braso. Nakahinga ng maluwag si Ashley ng hindi na siya kinulat ng mga ito. Nagsimula na din siyang kumain.

Totoo naman ang sinabi niya. Hindi niya type si Lorenzo. She doesn't feel anything to that man. Hindi isang tulad nito ang pag-uukulan niya ng atensyo. Naiinis lang talaga siya sa ginawa nito kanina. Wala pang tumantanggi sa isang tulad niya at hindi isang tulad ni Lorenzo ang sisira noon.

'I take my revenge and I stay away from him,' aniya sa isipan.

Mag-iisip siya ng plano para makapaghigante sa lalaking iyon. He pays big time for what he did earlier and what happen today.

"STAY AWAY FROM HER." Iyon ang narinig ni Lorenzo ng pumasok sa kanyang opisina ang kapatid na si Dennis.

Nagsalubong ang kilay niya. Tumayo siya at nilapitan ang kapatid. "What are you doing here, Dennis? And who are talking about?"

"Ashley Cortez. Stay away from her. Alam mo kung gaano nakakatakot ang pamilya na meron siya. Kapag nalaman ni Alex at Cole ang ginagawa mong paglapit sa pinsan nila ay mapapahamak ang kompanya. Nag-iisang pinsang babae nila si Ashley. They going to do everything to protect her." Seryusong sabi ni Dennis.

Huminga siya ng malalim. "I'm staying away from her. Pero siya ang lumalapit at bigla na lang nagpapakita sa harap ko. Bakit hindi siya ang pagsabihan mo? Kaibigan mo naman siya?"

Nakadama siya ng inis sa kapatid. Siya pa talaga ang sinabihan nito. Hindi siya interesado sa isang tulad ni Ashley. Aaminin niya noong una ay nagkaroon siya ng interest sa babae pero ng malaman niya ang totong pagkatao nito ay nagbago ang isip niya. Kilala niya ang mga Cortez at alam niya kung gaano karumi lumaban ang mga ito pagdating sa negosyo. Walang nais kumabangga sa mga ito.

"Are you saying that Ashley did this?" Itinaas ni Dennis ang phone nito.

Napatingin siya doon at nanlalaki ang mga mata niya ng makita ang larawan. Iyon ang araw na nakipaghiwalay sa kanya si Kalestra ng dahil kay Ashley. Nakatingin sa kanya ang babae sa isang malambing na tingin. Mukha itong in-love sa kanya. Napatikhim siya.

"It's just a misunderstanding. Hindi ko nga alam kung bakit nagpanggap siya na asawa ko sa harap ni Kalestre. She ruins my date that day." Itinuro niya ang litrato.

Hindi nagsalita si Dennis. Ibinaba lang nito ang phone nito. "Kuya, kapatid kita at kaibigan ko naman si Ashley. Kapag nakarating kay Dad ang tungkol sa relasyon ko kay Ash ay siguradong magagalit siya pero hindi ko bibitawan ang pagkakaibigan namin ni Ash. Mataray at malamig ngang tao si Ashley pero may kabutihan sa puso niya. She is different. I don't want you to get involve with her because she is innocent. Kung anuman ang pinapakita sa iyo ni Ashley ngayon ay hindi siya ganoong tao. Nakiki-usap ako sa iyo. Stay away from Ashley. Wag na wag mo siyang isama sa mga babaeng pinaglaruan mo."

Pagkatapos sabihin iyon ni Dennis ay lumabas na ang pinsan at naiwan siyang na-iinis pa rin. Bakit kasalanan niya pa ang nangyari? Bakit siya pa ang may mali sa pagkikita nila ng dalaga?

'I didn't do any wrong with her. Siya pa nga ang may ginawang masama sa akin.' Napahawak sa sintido niya si Lorenzo.

Sumasakit ang ulo niya dahil sa babaeng iyon. He needs to stay away from her. Kahit hindi naman sabihin ni Dennis ay talagang lalayuan niya ang babae. Wala itong mabuting idudulot sa kanya.