SHE WAS SILENT all the way from where they left her car at the side of the concrete road.
She was soaking wet under the jacket the driver asked her to put on.
Her jeans, wet from the rain made her uncomfortable.
Nicole thought that the correct attitude for her was to sit staring straight ahead, hands in her lap.
Iniiwasan niyang tumingin sa katabi.
Hindi parin siya makapaniwala.
Masyado bang napakaliit ng mundo para pagtagpuin sila ng ganito?
"Kumusta ka na?"
Nagulat pa siya sa biglang pagtanong nito.
"I was fine before this." aniyang tinuro pa ang sarili.
"Ibig kong sabihin, kumusta ka na." ulit nito.
Tumingin siya sa labas ng bintana kahit na kadiliman ang nakikita.
"I'm fine. Ako ang nag take over as C.E.O sa music company ni Daddy. Ikaw, kumusta ka na?" tanong rin niya.
Tumingin siya rito nang hindi ito sumagot.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay.
Inalis nito ang suot na seat belt, saka tumingin sa kaniya.
"Masaya. May mga taong tumanggap sa kung ano ako. Hindi ako hinusgahan. "
Natahimik si Nicole.
Her words,it brings back painful memories.
Bumaba ng sasakyan si Skylar.
Nanatili siyang nakaupo sa drivers seat. Tahimik.
Pinagbuksan siya nito ng pinto.
Nang hindi parin siya gumagalaw, bigla itong lumapit sa kaniya at nagulat ang dalaga.
Nasa loob ng sasakyan ang kalahati ng katawan nito.
Mga mukha nila'y halos magkalapit na.
Biglang huminto sa paghinga ang dalaga.
Tinitigan ni Sky ang kanyang mukha. Mula sa mga mata, sa ilong at sa kaniyang mga labi.
"Dito, kahit hindi ako ipinaglalaban, ramdam ko ang pagtanggap at respeto nila sa pagkatao ko. Bagay na di maibigay ng mga taong malapit sa puso ko. Lalo na ikaw ,Nikki."
Her words,it hurts.
Magsasalita sana siya ng agad itong umiwas.
Pagtingin niya, naglalakad na ito papunta sa likod ng sasakyan.
Natanggal na pala nito ang seat belt niya.
Bumaba siya at pinagmasdan ito habang ibinaba ang dala niyang maleta at handbag.
May bahagi ng sarili niya ang gusto itong yakapin.
Gusto niyang sabihing namimiss niya ito ng sobra sobra.
Pero para ano pa?
Para lang masaktan uli tulad ng nangyari noon?
Kailangan niyang pigilan ang sarili.
She's not the one who didn't fight for them.
Skylar was the one who cheated on her.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.