Chapter 4 - Chapter 3

NAGISING si Nicole sa lakas ng tilaok ng mga manok.

"Ang ingay!" sigaw niya nang magtakip ng unan sa mukha.

Saka niya naalala kung nasaan siya.

Madilim ang paligid.

At antok na antok pa siya.

Sinubukan niyang pumikit uli.

Sunod niyang narinig ay mga kaluskos, pagbubukas ng bintana, may bumababa sa hagdan.

"Arrrgghhh."

Gusto na talaga niyang mainis. Baka kanina pa siya nagsisigaw kung sariling bahay niya lamang ito.

Nanatili siyang nakahiga,habang mulat ang mga mata.

Mas naging maingay na sa labas ng bahay.

Hinintay niyang magliwanag bago bumangon.

Suot ang maiksing short at sando, lumabas siya ng kwarto para hanapin ang banyo.

Tamang tama namang paglabas niya ng kwarto, nakatayo sa labas ng pintuan ang taong sana hindi pa niya masisilayan ngayong umagang ito.

"Morning." matipid na bati nito.

"Morning." ganti rin niya.

Iniabot nito ang isang tuwalya at bagong sipilyo.

"May sabon sa mukha sa loob, puede mong gamitin. Pagkatapos mo, nasa labas lang ako. Sabay sabay kami rito nag aalmusal."

Tumango siya.

Tinuro nito ang banyo.

Pagpasok niya sa loob, agad agad siyang naghilamos ng mukha at nagsipilyo. Parang iisang tao lang ang gumagamit ng banyong ito dahil sa iisang toothbrush lang ang nakita niya sa lagayan.

Tiningnan niya ang lagayan ng shampoo,hair conditioner, body wash, lahat panlalaki.

Kay Sky?

Lumabas siya ng banyo pagkatapos iwan ang tuwalyang ginamit sa mukha.

Sinuklay suklay niya ng mga daliri ang mahabang buhok dahil wala siyang makitang hairbrush sa loob.

Buti nalang at straight na straight ang buhok niya,hindi siya nagmumukhang aswang ngayon.

Dumaan siya sa sala, na mga gamit ay puro gawa sa kahoy. Isang simpleng television lang ang nakita niya.

Lumabas siya.

Gulat na gulat siya nang makitang ang daming tao sa labas at halos napahinto ng makita siya.

Ngayon niya napansin na napapaligiran ang bahay ng palayan.

"Sky!"

Narinig niyang may sigaw.

Mula sa isang kubo,lumabas si Sky.

Nilapitan siya nito, hinawakan ang kanyang kamay at hinila papasok sa loob ng kubo.

"Uyab nimo na Sky?" narinig niyang sigaw.

"Ano daw?" tanong niya rito.

"Kumain kana raw." sagot nito.

Bat pakiramdam niya nagsisinungaling ito.

Pumasok sila sa loob ng kubo. Nagulat siya nang makitang may mga tao sa loob at malawak ang loob. Hindi yata to kubo.

May mga mesa at upuan. Tila isang restaurant ang nasa loob.

Pinaupo siya ni Sky sa isang mesa. Nay naka timpla ng kape para sa kaniya at mainit na pandesal.

"Okey na ba sayo yan? Hindi ako nakabili ng sliced bread at palaman." anito ng  maupo sa harap niya.

"Okey na to. Thank you."

Ramdam na ramdam niya ang mga titig ng mga nandon sa kaniya.

"Ngayon lang sila nakakita ng bisita ko." ani Sky.

Dinampot niya ang tasa ng kape at humigop.

Nescafe three in one, okey na sa kaniya yun kesa magreklamo pa siya. Wala siya sa lugar para magreklamo.

"Pinalagyan ko na ng gasolina ang sasakyan mo. Ihahatid kita mamaya para makabalik ka na sa city."

Ganun ba kagusto nitong mawala agad siya sa paningin nito?

Lihim na nasaktan ang dalaga, pero ngumiti siya rito.

"That's good news." aniya.

"Sky." tawag ng isang may edad ng lalaki sa kaharap.

Tumingin rito si Sky at tumayo agad.

"Kuya Randy".

Lumapit ito sa kanila, mga mata ay nakatuon kay Nicole.

Tumayo rin siya bilang paggalang at humarap sa bagong dating.

"Si Nicole Kuya, kakilala naku taga Maynila."

Ngayon alam na niyang pinakilala na siya nito.

"Nik,si Kuya Randy. Care taker ng bahay."

Nag abot ng kamay ang dalaga rito.

"Magandang umaga po. Nikki po." aniya.

Lumapad ang ngiti nito.

"Kuya Randy na tawag mo sa akin." anito.

Ngumiti ang dalaga.

"Ngayon lang may dumating na bisita dito si Sky. Kaya gulat ako ng marinig ko mula sa asawa ko. Nakilala mo na siya kagabi,si Ate Tere mo."

Tumango ang dalaga.

Siya namang pagdating ng tinutukoy nito.

Ngumiti agad ito sa dalaga.

"Sky,ngano seksi man kau na siya'g sanina. Nalibat na mga mata sa mga lalaki sige'g tan aw sa iyang mga paa.(Sky,bakit ang sexy naman ng suot niyang damit. Naduling na kakatingin ang mga lalaki sa mga legs niya.)

Wala siyang maintindihan sa mga sinabi niya kaya napatingin siya kay Sky.

Tiningnan nito ang suot niya, saka niya narealize na bakatungkol  sa suot niya ang mga sinabi ng babae.

"Magpalit ka ng damit." seryosong sabi nito.

Napataas kilay siya rito.

"Can you just send me back to the city?" inis niyang turan.

"Mamaya pagkatapos mo magpalit."

"Wala akong dalang bestida."

Bago pa sila tuluyang mag away,inawat sila ng babae.

"Nagbibiro lang ako. Sky naman, napaka seryoso mo."

Hinarap siya nito.

"Nagselos lang siya." anito at hindi niya mapigilang hindi matawa.

Si Sky naman ang napakunot noo sa kaniya.

"Anong oras tayo aalis?" tanong niya rito ng tumigil sa pagtawa.

"Mayamaya." masungit na sagot nito.

Naupo siyang muli at inubos ang kape.

Pagkaubos, tumayo uli.

"Let's go." aniya rito.

Nagpasalamat siya sa mag asawa.

Ngumiti at kumaway sa mga taong naghahanda para sa mga trabaho ng mga ito.

Pumasok siya sa loob ng bahay, nagtungo sa silid na tinulugan.

Tinanggal niya ang phone sa pagkakacharge.

May signal.

May 100 messages and 89 missed calls.

Mag da dial na sana siya ng numero nang magring ang phone.

"Hello Alex." sagot niya.

"Everyone is going crazy now Nikki. Where the hell have you been?"

"Relax Alex. I'm fine. Nawala ako kagabi, but i got helped. Nagpalipas lang ako ng gabi dito but im on my way na. Please tell me i wasn't reported missing yet."

"Wala pang 24 hours Nik."

Natawa siya.

Narinig niya mula sa kabilang linya ang boses ni Toni.

"Is that Nikki? Is she okey? Where is she now?"

Napataas kilay na naman ang dalaga.

She needs to meet them as soon as possible para isang beses nalang siya mag explain.

Lalo siyang napailing nang marinig niya ang sagot ni Alex rito.

"Oh God Alex. Can we just talk later? And can you tell sa kanilang lahat i am okay and i will be there soon. See you."

Hindi na niya hinintay na sumagot pa ito.

Pinatay na niya ang tawag.

Paglingon niya,napahawak siya sa dibdib sa gulat nang makita si Sky na nakatayo sa pintuan.

Seryoso ang mukhang nakatitig sa kaniya.

"Sino si Alex?"tanong nito sa boses na nasasaktan.