Chapter 3 - Chapter 2

"Kaninong bahay to?" tanong ni Nicole nang tanggapin ang kumot at unan na ipapagamit nito sa kaniya.

Nakaligo na rin siya at nakapagbihis.

"Sa mga amo ko." sagot ni Skylar.

"You work here?"

Tumango ito.

"Maaga gumigising ang mga trabahador, kaya pagpasensyahan mo na kung maiisturbo ang tulog mo mamayang madaling araw." anito nang humakbang na palabas ng kwartong pinagamit sa kaniya.

"Mahina ang signal rito, kaya mahihirapan kang kumontak sa family mo. Pero wag kang mag alala, bukas ng tanghali ihahatid kita sa City. Sa ngayon, pagpasensyahan mo na ang higaan kung medyo matigas. Yan na kasi nakasanayan ng mga nakatira rito."

Tango lamang ang tangi niyang naisagot nang iwan na siya nito.

Napatingin siya sa kabuuan ng silid. Gawa sa kahoy ang dingding, at isang stand fan lamang ang nakatayo sa isang sulok, malapit sa higaan.

Nakakabit pa ang mosquito net sa buong kama.

Wala siyang choice kundi pagtyagaan kung anuman ang nakahanda para sa kaniya.

Wala siya sa lugar para magreklamo.

She should be thankful ,may bahay siyang matutulugan ngayong gabi sa halip na sa loob ng kotse matutulog.

Napatingin siya sa naka charge na phone sa ibabaw ng mesa.

Lumapit siya at binuksan ito.

Nadismaya siya nang makitang walang signal. Kaya binaba niya uli ito at nagpasyang matutulog nalang.

Akala niya mahihirapan siyang dalawin ng antok. Ngunit mayamaya lang ay tulog na siya.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

KUMATOK ng marahan si Skylar sa pintuan.

Nang walang sumagot, dahan dahan niyang pinihit ang door knob at itinulak ang pinto.

Nang makita niyang mahimbing ng natutulog ang dalaga, pinatay niya ang ilaw na iniwan nitong nakabukas.

Saka muling isinara ang pinto.

Sinalubong siya ng isang may edad ng babae.

"Kinsa man to?(Sino yun?)" tanong nito agad sa kaniya.

"Kaila naku sa Manila.(Kilala kong taga Manila.)" sagot niya.

"Kaguapa ba ui. Mura mag artista.(Ang ganda naman,parang artista.)"

"Guapo man sad ko.(Guwapo din naman ako.)" biro niya.

"Ay tinuod jud,guapo kau.(Ay totoo talaga yan,ang guwapo mo nga.)"

Nagpaalam na rin siya rito na matutulog na siya.

Kailangan pa niyang gumising ng maaga kinabukasan.

Ihahanda niya pa ang sarili sa muli nilang paghaharap ni Nicole bukas.

Nang nasa sariling silid na siya, kinuha niya mula sa ilalim ng unan ang larawang matagal na niyang iniingatan.

Larawang kanyang karamay sa lungkot at pangungulila.

"I miss you Nikki." aniya sa larawan ni Nicole nong sila ay nasa college pa lamang.