Chapter 18 - Chapter 18

PUMASOK sa loob ng silid ang Tita Andrea ni Toni.

Ipinatong nito sa ibabaw ng bedside table ang dalang isang baso ng tubig at kinuha mula sa loob ng drawer ang bote ng gamot. Binuksan niya ito.

"Thank you Tita", pasalamat ng dalaga nang bumangon mula sa pagkakahiga at tinanggap ang dalawang tableta ng gamot at baso ng tubig.

Pagkatapos niyang uminom, kinuha rin nito mula sa kaniya ang baso.

Saka hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Hindi ka uminom ng gamot kagabi?" tanong nito.

Umiling siya.

"That was the first time po Tita na nakatulog ako ng mahimbing." aniya.

"And its a good thing pamangkin. Bakit hindi mo pakiusapan si Alex na samahan ka muna gabi gabi sa pagtulog?"

"Hindi naman puede yun Tita. May sariling mundo na si Alex."

"Hindi mo ba sasabihin sa kaniya ang totoo?"

"I'm not ready. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Baka mandiri siya sa akin."

At hindi na niya napigilan ang pag agos ng luha.

"Toni, it wasn't your fault. Hindi naman seguro ganung klase ng tao si Alex para mandiri siya sayo. "

Niyakap siya ng tiyahin.

"Tahan na. Everything will be fine. Kapag ready ka na, sabihin mo sa kaniya."

Kumalas si Toni.

"I'm in love with Alex Tita." pag amin niya.

"I know. The way you keep talking about her nang nasa ibang bansa ka pa,manhid lang ang hindi makakahalata. But my dear pamangkin, huwag mong kalimutan na may nobya na si Alex."

At mas lalo siyang nasasaktan.

"May other option ka pa diba? Uuwi tayo sa probinsya. Magpapatayo tayo ng reataurant tulad ng gusto mo. You can start a new life. Pag isipan mo munang mabuti ang magiging desisyon mo. Kapag ipinagpatuloy mo ang pagmamahal mo kay Alex habang may girlfriend na siya, ikaw lang din ang magdurusa. And i can't take it na ganito ka, nasasaktan."

Tumango tango ang dalaga. She's thankful andito ang napaka supportive niyang tiyahin.

Maya maya lang, nahiga na uli siya. Kinumutan siya ng tiyahin bago siya iniwan.

Bago pa siya tuluyang nakatulog, mukha ni Alex ang nakalarawan sa isip niya.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

KANINA pa siya ayaw dalawin ng antok.

Nakailang beses na siyang bumangon para maglakad lakad sa loob ng kwarto ,hoping na makatulong para mapagod at makatulog.

Malapit na mag ala una ng gabi.

No.

Umaga na.

Panay tingin niya sa hawak na phone.

Tatawagan ba niya si Toni?

No.

Ayaw niyang maisturbo ang tulog nito.

Ngunit pagkaraan ng ilang minuto,nakikita niya ang sariling dial ang numero nito.

Walang sumagot.

Tinawagan niya uli.

Wala paring sumasagot.

Nag aalala na siya.

Sa pang apat na tawag, wala paring sumasagot.

Wala ba sa tabi nito ang phone?

Tumawag uli siya.

"Hello?" boses lalaki.

Natigilan si Alex.

"Hello?" aniyang nag alinlangan.

Wrong number ba tinawagan niya?

"Sino to? " tanong ng boses lalaki ngunit malambing na ngayon.

"Tita Andrea?"

"Alex? Ikaw ba to?"

"Yes po tita."

"Akala ko kung sino na. Baby pa naman nakalagay screen."

Narinig niya ang pagtawa nito.

"Sorry kung naka isturbo ako Tita. Worried ako kay Toni

Hindi kasi siya sumasagot sa mga tawag ko." aniya.

"Tulog ang pamangkin ko Alex. Kapag umiinom siya ng gamot ba____."

"Gamot? May sakit si Toni tita?"

Now she's more worried than ever.

Narinig niyang umubo ang kausap.

"Sipon lang. Wag kang mag alala mahimbing ang tulog niya. Tawagan mo nalang siya bukas ng umaga."

"Sige po tita. Salamat po."

Nagpaalam na siya rito.

Hindi parin mawala sa kaniya ang mag alala sa dalaga.

Bukas na bukas ng umaga, pupuntahan niya agad ito.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

GULAT na gulat si Toni nang pagkababa sa kusina ,naabutang naghahanda ng mesa si Alex.

"What are you doing here?" tanong niya rito.

Lumingon ito at dali daling nilagay sa mesa ang bitbit na platong puno ng bagong pritong hotdog.

"Kamusta pakiramdam mo?" anito nang salatin ang noo niya.

Nagtataka siyang napatingin rito.

"May sipon ka raw sabi ni Tita Andrea. Kaya maaga akong pumarito para ipaghanda ka ng almusal."

Tamang tama namang pumasok sa kusina ang tiyahin at kasunod pa ang ina ni Alex.

"Muntik na ako madulas kagabi kaya sakyan mo nalang." bulong ng tiyahin bago ito naupo sa isang upuan.

Humalik siya sa pisngi ng ina ni Alex.

"Good morning Tita Mabel." aniya.

"Good morning hija. Ipinagluto kita ng mainit na sabaw. Baka nanibago ka sa klema rito sa Pilipinas."

Gusto niya tuloy matawa.

Pero nakakatouch naman ang pag aalala ng mga ito sa kaniya kahit sinipon lamang siya.

Hinila siya ni Alex sa isang upuan at pinagsilbihan.

Nahihiya siya sa ginagawa nito. Kaharap pa naman ang mommy nito.

Ngunit nang tumingin sa ina ni Alex, nakangiti itong pinagmamasdan ang anak.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Pagkatapos nilang mag almusal ng sabay, pinagpahinga ni Alex ang dalaga sa kwarto.

Gusto na niyang kurutin ito sa tagiliran sa pagiging over reacting nito sa simpleng sipon.

Ngunit natutuwa naman siya sa pag aalaga nito sa kaniya.

Kahit na panandalian lamang ito, susulitin na niya ang pagkakataong kasama ito.

Hindi rin ito pumasok sa trabaho.

Nang akyatin siya nito sa kwarto, naghahanda naman siya ng susuotin.

"Maliligo ka? I will help you."

Pinandilatan niya ito.

"Alex! Ang oa na ha." aniya rito.

"What?! Concern lang ako."

Inayos nito ang higaan niya.

"Concern? Or you just wanted to see me naked?"

"Both." agad agad na sagot nito.

Damn you Alex!

She never been so easy to open up before. But with Alex, lumalabas nalang minsan ang character na hindi niya alam meron siya.

Nagiging 'naughty' siya minsan.

She actually likes teasing her. If only she could openly just throw herself at Alex, ginawa na niya kanina pa.

Pumasok siya ng banyo at naligo.

Pagkatapos maligo, nagbihis at lumabas ng banyo, wala na sa silid si Alex.

Nang umupo siya sa harap ng dressing table, pumasok uli ito sa kwarto niya.

Kinuha nito mula sa kania ang hawak na hair dryer at ito ang gumawa.

After matuyo ang buhok,hinalikan siya nito sa  leeg nang hawiin ang buhok.

Napaigtad ang dalaga.

"Alex." tawag niya rito.

Nagkatinginan sila sa salamin.

Mga matang punong puno ng pagnanasa at pangungulila sa isa't isa.

"We need to stop doing this." aniya na punong puno ng emosyon ang boses.

She don't want them to stop,but they needed to.

"I know. Ang hirap lang pigilan." anito.

Humakbang ito palayo ngunit nakatingin parin sa kaniya sa salamin.

Saka ito malungkot na ngumiti.

"Ganito kalayo, okay na ba? Hayaan mo lang akong makasama ka."

Hindi na niya napigilan ang sarili.

Tumayo siya at tinawid ang distansyang nakapagitan sa kanila.

And she kissed her, kasabay nang pagpatak ng kanyang luha.

.

.

.

.

.

.

.

..

.

.

.

.