SHE KISSED HER BACK.
How will she ever hold back what she really felt inside?
She pulled her body against hers.
She lightly swept her tongue between her lips, pressing her own lips to hers.
She slowly slid her right hand up her body while the other hand cradled her face.
She passionately kissed her, and sucked her lips,gently. And she slipped her tongue past her lips, caressing her tongue with hers.
A shallow hum escaped from within her.
And Toni's response made her body craved for her.
And then, there was a sudden knock on the door.
Habol ang hiningang naghiwalay ang dalawa.
Nang bumukas ang pinto,pareho silang hindi makatingin sa bumungad.
Namumula pa ang mga mukha dahil sa katatapos lamang na maalab na halikan.
"Alex anak,dumating na ang Daddy mo. Isama mo si Toni sa bahay."
Tiningnan sila ng ginang isa isa.
Napakunot noo ito, pagkaraay ngumiti ng nakakaloko.
"Wrong timing yata ako. Sorry. Pero mamaya na yan, umuwi muna kayo Alex."
Isinara nitong muli ang pinto.
Natatawang niyakap ni Alex ang namumulang si Toni.
Wrong timing nga ang ina..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
MASAYANG nagkukwentuhan si Toni at si Mr. de Guzman sa terrace ng bahay.
Natutuwa namang pinagmamasdan ni Alex ang mga ito.
Lalo na kapag naririnig niya ang tawa ng dalaga.
Mula sa kinatatayuan sa sala, nasisilip niya ang mga ito.
"Masaya ka kapag siya ang kasama mo anak." biglang sabi ng ina sa kaniyang tabi.
Ngumiti siya.
"Sobrang saya Mom." sagot niya.
"Habang maaga, kausapin mo si Nicole. Maiintindihan naman niya seguro kung magpaliwanag ka anak."
Tumango siya.
Segurado na siya ngayon.
Si Toni ang pipiliin niya.
Ipinagdarasal lamang niya na sana hindi ganun kalaki ang sakit na idudulot niya kay Nicole.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
MAGHAPON na nasa bahay ni Alex si Toni.
Sinusubukan nilang iwasan ang magkulong sa kuwarto at baka hindi na naman sila makapagpigil sa mga sarili.
Sinabi rin ni Toni na wala siyang sakit, walang sipon.
Nakahinga naman ng maluwag si Alex.
So sa maghapon, wala silang ginawa kundi kumain,manood ng tv. May time na magkuwentuhan silang apat sa sala.
Nang sumapit na ang gabi,don na rin naghapunan si Toni.
"Kailan ba uuwi ang mga magulang mo hija?" tanong ni Mr. de Guzman habang nasa dining table sila.
"Soon po Tito Alvin. Inaayos lang ni Dad ang pag resign niya sa trabaho." sagot niya.
"So anong plano nila?" tanong uli nito.
"Mag bubukas nalang si Daddy ng sarili niyang family clinic. Ako naman, maghahanap ako ng magandang place. Gusto ko pong magbukas ng restaurant."
"Wow,thats amazing hija. I'm sure matutulungan ka ni Alex pagdating diyan."
Ngumiti si Toni.
"I can't wait to see your Mom hija." excited na sabad ni Mrs.de Guzman.
Napaisip naman si Alex.
Paano pag dumating na ang mga magulang ni Toni. Matatanggap kaya ng mga ito ang relasyon nila?
Wala pa pala silang relasyon. Masyado yata siyang excited maging sila ng dalaga.
Kapag nakausap na niya si Nicole, pag uusapan nila ni Toni ang tungkol sa status nilang dalawa at kung ano ang mga dapat nilang gawin.
Tumunog ang door bell.
"Ako na Mom." ani Alex at tumayo agad.
Iniwan niya ang mga ito sa dining room at lumabas ng bahay.
Pagkabukas niya ng maliit na gate, natigilan siya ng makita ang hindi inaasahang bisita.
"Hi hon."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.