LIHIM NA napangiti si Toni nang makitang at ease na si Alex sa kasama ni Trisha.
Nahalata agad niyang nagselos ito nang makita at maalala kung sino si Aaron.
Ngunit naging panatag ang isip nito nang malamang boyfriend ito ni Trisha.
Masaya silang nagkukwentuhan habang kumakain.
"Itong si Toni, sa amerika pumunta pero naging alien yata", bigla na lamang pag iiba ni Trisha sa usapan. "Akalain mo, walang facebook ,walang instagram, ni walang twitter. San ka ba talaga nagtago?"
Tipid siyang ngumiti para itago na hindi siya komportableng pag usapan ang tungkol sa buhay niya sa amerika.
"May whatsapp messenger ako", tanging sagot niya na lamang.
"At hindi namin alam ang number mo", ani Trisha.
"Baka naman may pinag awayan silang dalawa kaya biglang di na nagparamdam si Toni", mungkahi naman ni Aaron.
Nagkatinginan sila ng katabi.
"Yeah, we had a big fight that night", sagot ni Alex.
"About Bea", dugtong niya.
"Ahh that bitch? No wonder. Ano ba kasing nangyari?" tanong ni Trisha.
"Tinawagan ko si Alex sa phone niya, si Bea ang sumagot. I asked her bakit siya ang sumagot, sinagot niya ako na hindi ba daw obvious. Girlfriend daw siya ng may ari ng phone." paliwanag ni Toni.
"We are at the party ng mutual friend namin sa college. I left my phone nong nag banyo ako. Pagbalik ko, kausap ni Bea si Toni." dugtong ni Alex.
"So kaya kayo nag away?" tanong ni Trisha.
"Nagselos si Toni." komento ni Aaron.
Hindi naman nagdeny si Toni.
"I tried to explain it to her na it wasn't true but she keep on shouting at me over the phone." ani Alex.
"And i called her liar. Sorry for that." aniya sa katabi.
Hinawakan nito ang kamay niya sa ilalim ng mesa at marahang pinisil.
"So dahil sa away niyo,hindi mo na nagawang magparamdam sa amin?"
Alam ni Toni na may tampo parin sa kaniya si Trisha. Ganun din kaya si Alex?
Paano ba niya ipaliwanag sa mga ito ang totoong dahilan?
Hindi pa siya handa. Wala pa siyang lakas ng loob.
"Hay naku, lets forget about it nalang. Just tell us nalang what's going on between you two."
Bat ba ang kulit nitong kaibigan niya?
"Nothing." aniya.
"Hindi nga? Yang mga tinginang ganyan na super lagkit? Walang namamagitan sa inyo? Hindi ako maniniwala".
Sinaway naman ito ng katabing nobyo.
Pareho sila ni Alex na hindi alam ang isasagot.
Ngumiti pa si Trisha nang nakakaloko.
"Bumalik na ba ang TonLex loveteam na paborito ko noong high school?"
Muntik na masamid si Alex sa iniinom na tubig.
"Trish", saway niya sa kaibigan na tawa lamang ang iginanti.
Napapailing na lamang siya rito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
PAGkatapos nilang kumain, naghiwa hiwalay na silang magkapareha. Nagpaiwan pa sa mall sina Trisha at Aaron.
Sina Alex at Toni ay nauna nang umalis.
"Are you free sa sunday?" tanong ni Alex habang nasa byahe na sila pauwi.
"Yeah, i think so." sagot ng dalaga.
"Nicole wants to invite you and Trisha. Birthday niya."
Hindi agad sumagot si Toni.
Ano naman ang gagawin niya kapag makaharap na ang nobya nito?
Last night nang pinakita ni Trisha ang facebook account ni Alex, ang bumungad sa kaniya ay mga larawan ng dalawa.
At parang hinihiwa ang puso niya.
She's been hiding from the world for so long, and looking at her bestfriend with another girl, it hurts like hell.
Paano pa kaya kung kaharap na niya mismo ang dalawa na magkasama?
Paano niya kakayanin yun.
"Its alright kung ayaw mo. Ako na bahala magpaliwanag sa kania." ani Alex.
"Can i think about it first?"
Tumango ito.
Tumingin siya sa labas ng bintana.
Ngunit wala naman sa mga nadadaanan ang kanyang atensyon.
Napaisip siya kung tama bang andito siya, kasama si Alex.
Tama ba ang desisyon niyang umuwi ng Pilipinas?
She is in love with her bestfriend, does Alex felt the same?
She can't ask her that, sino ba siya para magtanong rito ng ganun? She was the one who hide from her. She was the one who let her go without saying anything,without explaining her side. And yet andito si Alex, tinanggap siya na para bang walang nangyari.
Did she really forgive her?
Naalala niya ang nangyari kaninang madaling araw.
Alex is the first person who could hold her and touch her intimately. Alex is the only person who could kiss her without feeling disgusted.
She isn't just a normal girl who grew up in a very open country.
She have a scar in which she have been hiding from Alex, from everyone except from her family.
Hinawakan niya ang suot na bracelet sa kaliwang kamay. It fits perfectly in her wrist.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
HINAYAAN ni Alex si Toni sa pananahimik nito.
Tila ang lalim ng iniisip nito na hindi man lang siya nagawang tingnan or kausapin man lang.
Apektado ba ito sa pagbanggit niya kay Nicole?
She shouldn't have done that.
Toni's silence is so deafening.
Kahit nang nakapasok na sila sa subdivision at huminto sa tapat ng bahay ng mga magulang, nanatili itong nakatingin sa labas.
No.
Hindi ito nakatingin sa labas.
She was so deep in her thought, she did not even hear her voice calling her name.
Kailangan niya pang dahan dahang hawakan ang braso nito bago ito nagbalik sa kasalukuyan.
Tila gulat pa ito nang mapansin kung nasan na sila.
"Ihahatid lang kita sa loob ng bahay niyo tapos uuwi na ako sa condo", aniya rito.
"No need. Its getting late na. Call me when you're home para alam kong safe ka."
Alex smiled.
Magawa parin nitong mag alala sa kniya kahit na may sarili itong bigat sa dibdib na dinadala.
Bumaba siya ng kotse at lumipat sa kabila at pinagbuksan ito ng pinto.
Hinatid niya ito hanggang gate.
"Good night." anito nang tumingin sa kaniya.
Niyakap niya ito, at nang kumalas,hinalikan niya ito sa noo.
"Good night." aniya.
Ang bigat sa dibdib nang wala na ito sa harapan niya at naisara na ang gate.
Nakatayo parin siya don.
Iniisip kung dapat bang umuwi siya at hayaan ang dalagang mapag isa muna.
She knows Toni is not okay.
Nagdesisyon siyang pumasok muna sa bahay ng mga magulang.
Nang pumasok siya, naabutan niya ang inang nanonood pa ng paborito nitong teleserye.
Humalik siya sa pisngi nito bago pagod na pagod na tumabi rito sa sofa.
"Something's wrong anak?" tanong agad nito.
"I don't know what to do Mom."
Pinatay ng ina ang tv at hinarap siya.
"Dahil andito na si Toni? At may girlfriend ka na?"
Tumango siya.
"Hindi ba dapat kausapin mo si Nicole?"
"I need to,yes. But i need time. Hindi ko puedeng sabihin sa kaniya na hindi ko na siya mahal kasi dumating na ang babaeng matagal ko nang minamahal. I'm such a loser Mom".
"Baka naman nacoconfuse kalang anak. Ang tagal nawala ni Toni sa buhay mo. Kagabi lang kayo muling nagkita. Hindi naman puedeng sabihin na nasa kaniya na agad lahat lahat ng pagmamahal mo.
Ilang buwan na rin kayong magkasintahan ni Nicole at magkaibigan muna kayo ng ilang taon bago naging kayo. Hindi ba unfair sa kania yun na bumalik lang si Toni, naguguluhan ka na ng ganito?" mahabang wika ng ina.
"Ibang iba kasi pag kasama ko si Toni Mom." aniya.
"Take your time anak. Huwag kang magmadali. May masasaktan ka sa kanilang dalawa anuman ang maging desisyon mo. Sinabi sa akin ni Toni na she will be staying here for good. Kaya kailangan mong timbangin ang sarili mo. Saka ka magdesisyon."
Tumango tango si Alex. Thankful at sa ina siya naglabas ng dinadala sa dibdib.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.