Chapter 6 - Chapter 6

Napatingin sa ina si Alex pagkapasok niya ng bahay. Kararating niya lang galing eskwela, at ito ang madadatnan niya; ang matalim na tingin ng ina.

"Whats going on with you and that Bea?",tanong ng ina na mas nagpagulat sa kaniya.

Bakit bigla itong nagkaroon ng interest na malaman ang tungkol sa kanila ni Bea? Gayong wala naman itong sinasabi noong una.

"Nothing Ma, why?".

Naupo siya sa kaharap nito sa sofa.

"Are you forgetting something Alex?".

Napakunot noo siya.

'About what Ma? Ano bang reason nang tila pagkainis niyo sa akin, or kanino man yan".

"What happened to you and Toni? Ipinagpalit mo na siya kay Bea?".

Natahimik siyang bigla. Whole day niyang di nakita si Toni ngayong araw na ito. She wanted to apologize sa nakita nito kahapon ng umaga; ang makita siya at si Bea na magkasama sa kwarto niya. Alam niyang nasaktan na naman niya ang kaibigan. Kitang kita iyon sa reaksiyon nito kahapon, at sa kung paano siya nito pinagsarhan ng bintana. And today, hindi ito nagpakita sa kaniya. Hindi niya alam paano nito nagawang magtago para hindi niya makita.

"Hindi naman sa ipinagpalit Ma. Wala namang ganun eh. Hindi ko lang maitaboy si Bea kapag unexpectedly daramarating siya",aniya pagkakuwan.

"Do you like Bea?"

Nag-isip muna siya bago sumagot.

"Crush",aniya.

"Hindi ba't si Toni ang crush mo noon pa?".

Nanlalaki ang mga mata ni Alex. At ang inang kanina lang ay galit, bigla itong napahagalpak ng tawa.

"Oh Alex, oh my goodness ",anito at tumawa uli.

"Ma,how did you know?",maang niyang tanong.

"Siyempre alam ko. Tanggap ko noon pa na ganyan ka na talaga. Hindi ko man in-allow na putulan ang buhok mo, tanggap na tanggap kita anak. At tanggap na tanggap ko rin na si Toni ang first crush mo. Hindi ko akalain na mawawala pala ang pagtingin mo sa kaniya".

Sunod sunod siyang umiling.

"Hindi naman nawala eh. Tinuruan ko lang ang sarili ko na huwag umasa. Nakikita ko kasi na bestfriend lang ang tingin sa akin ni Toni. Lagi niyang pinapamukha sa akin iyon. Kaya, i tried to look for someone else".

Tumayo ang ina at tinabihan siya. Hinawakan nito ang kamay niya.

"Kung ganun man anak, kung bestfriend lang ang turing sayo ni Toni, hindi mo parin dapat siya sinasaktan. Value that friendship anak. Someday, hindi natin alam, she will learn to see the different side of your feelings for her. She might not accept it, but she will surely appreciate you",mahabang payo ng ina.

Tumango siya ng dahan dahan.

"At kailangan mong makausap si Toni. Im sure may importante siyang sasabihin sa'yo na hindi niya nasabi sayo kahapon dahil sa may iba kang kasama".

"Kakausapin kaya niya ako Ma?",tanong niya.

"Try mo lang anak. There's a hot casserole of chicken adobo in the kitchen. Dalhin mo sa kanila, so you have an excuse na pumunta doon and then kausapin mo siya. Okay?".

Tumango siya at niyakap ang ina.

"Thanks Ma, for everything".

.

.

.

.

.

.

Abala sa paggawa ng assignment si Toni nang may kumatok sa pinto.

"It's open Mom",aniya na nasa binabasang libro parin nakatingin.

Bumukas ang pintuan at narinig niya ang pagpasok ng ina. Nakatalikod siya mula sa pintuan at hindi rin siya lumingon dito. Nagulat nalang siya nang magsalita ang inakalang mommy niya.

"I'm sorry".

Tumayo siya mula sa upuan at dahan dahan itong hinarap.

"Alex",aniya.

"Can you forgive me Toni?",tanong nito sa malungkot na boses.

"Alex _____".

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla siya nitong yakapin.

"Sorry kung nasaktan na naman kita. Hindi kp sinasadya. Hindi ko lang magawang itaboy si Bea. Siya ang nakikipaglapit sa akin. Hindi kita ipinagpalit Toni, at hinding hindi ipagpapalit kahit kanino".

Natunaw naman agad ang puso ng dalagita, at nawala ring bigla ang hinanakit niya rito. Hindi nga talaga niya kayang magtampo rito ng matagal.

"It's okay Alex, you are forgiven",aniya.

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kaniya.

"Really? Hindi ka na galit sa akin?".

"Hindi ko magawang magalit sayo ng matagal. See, ganyan ka kalapit sa puso ko".

Natawa siya ng bigla siya nitong yakapin uli.

"Thank you Toni, thank you so much. Can i sleep here tonight?".

"What?! Alex no way".

Itinulak niya ito.

Lalo siyang natawa sa puppy dog eyes nito.

"Please,please, please Toni. Please?".

"Okay, okay. Just promise walang agawan ng kumot".

Ngumiti ito at tumango.

Naupo ito sa kama niya at naupo rin siya sa tabi nito.

"May gusto ka raw sabihin sa akin?",tanong nito.

Natahimik ang dalagita. Paano niya sisimulan ang gustong sabihin rito.

Napansin ni Alex ang pag-alinlangan niya kaya hinawakan nito ang kamay niya.

"Bad news ba yan?",tanong nito. Tumango siya.

"Okay, kung bad news yan, gaano kalaki? Ilng percent?".

"90%?",sagot niya.

"Ganun kalaki? Weeew".

Tumahimik din ito.

Ilang minuto silang nasa ganoong posisyon, magkatabi habang hawak nito ang kamay niya. Mayamaya ay nagsalita uli si Alex.

"Ready na akong makinig. Ready ka na bang sabihin sa akin?".

Tumango siya. Humugot ng malalim na hangin at nagsalita.

"Sa California na kami maninirahan",aniya.

Katahimikan.

Tumingin si Toni rito habang ito ay nakatingin rin sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito dahil sa blangkong mukha nito. Basta nakatitig lamang ito sa kaniya na parang wala sa sarili. Pinisil niya ang pisngi nito, ngunit wala siyang nakuhang reaksyon.

"Alex?",tawag niya rito at kumurap ito.

"Kailan?",tanong nito.

"Next month".

"Can we spend the nights together until sa pag- alis niyo?".

Napakunot noo siya.

"Gusto kong sulitin ang mga araw at gabi na nandito ka pa. Hindi ko kasi alam kung kailan tayo muling magkikita. Kaya we will be together twenty-four-seven. Okay lang ba sayo?".

Tumulo ang luha ng dalagita. Ngayon pa nga lang dinudurog na ang puso niya, paano pa kaya kung magkalayo na sila.

Pinahid nito ang luha niya.

"Okay",aniya rito.

They hugged each other, and later that night, they slept in each others arms.

.

.

.