Chapter 7 - Chapter 7

"So, anong pangalan ng loveteam niyo ni Alex?".

"Ha?".

"Sabi ko anong love team niyo ni Alex?".

"Ano bang pinagsasabi mo Trish",aniya sabay tawa.

"Alexton?"

Lalo pang natawa ang dalagita.

"Malapit na sa Alaxan",aniya.

"Tonex?".

Hinampas niya ito sa balikat.

"Ano ba Trish".

"Ano ba kasi maganda. Tonlex?"

"Gawin mo ng Tonsil, malapit na".

Seryoso paring nag-isip ang kaibigan. Nasa labas sila nakaupo habang hinihintay si Alex na matapos sa huling klase nito.

"Alam ko na, Tolex. Ano sa palagay mo?".

"Ang sagwa pakinggan Trish. Tumigil ka na nga kakahanap ng pangalan ng love team".

"AlTon nalang. Ayun medyo ok na, AlTon".

Napailing na lamang ang dalagita.

Tumunog na ang buzzer. Tumayo siya at hinila narin ang kaibigan.

Mayamaya lang ay dumating na si Alex.

"Ice cream?",tanong agad nito.

"Ay gusto ko yan",sagot din agad ni Trisha.

Inakbayan siya ng bestfriend at lumabas na ng school campus. May ice cream parlor sa katapat ng school kaya doon sila pumunta.

"Anong flavor ang sayo Trish",tanong ni Alex sa kaibigan.

"Vanilla".

Tumango si Alex at iniwan sila sa table nila.

"Alam mo Ton, bagay na bagay talaga kayo ni Alex. Sasagutin mo na ba siya?".

Pinandilatan ito ng dalagita.

"Ang sama sama mong mag-isip. Bestfriend ko siya okay? Hindi manliligaw".

"Talaga? Kaya pala iba yung titigan niyo sa isa't isa. Mag-bestfrriend lang kayo".

Kumindat pa ito.

"Tumigil ka nga. Nakakahiya kay Alex kapag marinig niya yang mga pinagsasabi mo".

Pagkalipas ng ilang minuto bumalik na si Alex dala ang order nilang ice cream.

"Here we go. Enjoy your ice cream ladies",anito.

Inilagay nito sa harapan niya ang cup ng strawberry ice cream na paborito niya.

"Alex, hindi ka ba nahihiya na naka-school uniform ka? Na naka-skirt ka?",tanong ni Trisha rito.

"Wala naman akong magagawa eh. Hintayin ko nalang na makapagtapos na sa high school".

"So magpapagupit ka na?".

Tumango si Alex.

"Wow, ang guwapo mo seguro kung gupit lalaki ka na. Sure ako na marami pa ang magkakagusto sayo".

Tumawa si Alex.

"Marami parin ang may ayaw sa mga katulad ko. Alam mo na, yung mga against sa LGBT".

"Oo nga,pero marami parin magkakagusto sa iyo".

Tahimik lamang habang nakikinig si Toni. Hindi na nga niya natanggap na may Bea na nakikipaglapit rito, paano pa kaya kung marami na.

Pagkatapos nila kumain ng ice cream, nagpaalam na si Trisha. Sumakay rin sila ng taxi papunta sa isang mall. Nagpaalam na sila sa parents nila na mamamasyal muna sila  sa mall bago uuwi.

Nagpalit sila ng damit pagdating sa mall bago nag-ikot.

Nag-ice skating  sila nang magsawa kakaikot sa mall.

Hindi man nila pinag-uusapan ang pag-alis niya ng bansa, alam nilang pareho na dapat nilang sulitin ang mga araw at linggo na magkasama pa sila.

Isang linggo na ring magkasama silang natutulog, pumapasok sa school, breakfast, lunch at dinner. Shower nalang yata ang hindi.

Ngayon palang namimiss na niya ang bestfriend niya. Kung kailan aalis siya, saka niya na-appreciate ang mga oras na magkasama sila.

Pagsapit ng eight ng gabi, umuwi na sila. Dumaan muna si Alex sa bahay nito saka pumunta sa kanila.

Sabay na silang nag goodnight sa mga magulang niya at naghanda na sa pagtulog.

Maya maya lang ay magkatabi na sila sa higaan.

"Mamimiss kita".

Napatingin si Toni rito. Humarap ito sa kaniya at humarap rin siya dito.

"Me too",sagot niya.

"Makakahanap ka kaya ng ibang bestfriend doon?",tanong nito.

Natahimik ang dalaga at nag-isip sandali.

"Seguro, pero wala paring makakapalit sa number 1 rank mo".

"Huwag mo akong kalimutan ha? Baka makalimutan mo na ako".

"Nagpapatawa ka ba? Siyempre hindi. Baka ikaw pa itong makalimutan na ako kapag nagkaroon ka na ng girlfriend".

Ito naman ang natahimik.

Tinitigan siya nito at napakunot noo ang dalagita dahil hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip nito.

"Mag-gi-girlfriend lang ako kapag dumating ang time na hindi na ako ang number one sa puso mo".

Yumakap ang dalagita rito.

"You will always be the number one", madamdaming sagot niya rito.

Yumakap rin ito sa kaniya, at nanatili silang nasa ganung posisyon hanggang sa pareho na silang nakatulog.

MAY naririnig siyang humihikbi.

Hindi niya alam kung nananaginip lamang siya.

Naramdaman niya ang paggalaw ng katabi at tila pag-iba nito ng posisyon sa pagkakahiga.

Ilang minuto ang lumipas at ngayon ay gising na ang kanyang diwa ngunit ayaw pang imulat ni Toni ang mga mata.

Hindi siya gumagalaw,pero gising n gising na siya.

Naramdaman niya uli ang paggalaw ni Alex sa tabi. Hindi na ito humihikbi.

Mayamaya lang naramdaman niya ang paghaplos ng kamay nito sa pisngi niya. Gusto niyang dumilat para makita ang mukha nito pero natatakot din siyang dumilat.

Baka maiyak din siya kapag makita ang malungkot nitong mukha.

Ito ang huling gabi na makakasama niya ito sa pagtulog.

Kinabukasan ng tanghali ang lipad nila paalis ng bansa.

Kaya alam niyang pareho silang nasasaktan sa ngayon.

"I will miss you Ton",bulong nito ngunit malinaw niyang narinig.

Gusto niya itong yakapin ngunit gusto niya ring bigyan ito ng pagkakataong ilabas muna kung anuman ang nasa loob nito.

"Sana,hindi mo ako makalimutan".

"Never", sagot niya sa isipan niya.

Gumalaw uli ang katabi.

Magdidilat na sana siya ng mga mata nang maramdamang bigla ang mga labi nito sa mga labi niya.

Hindi siya makagalaw.

Nakapikit parin siya.

Anong dapat niyang gawin?

Alex  kissed her.

Without her knowing she is not really sleeping.

Kung magigising siya, baka mahiya itong bigla.

Baka magsisi sa ginawang paghalik sa kaniya.

So she remain still ,without moving but she can hear her own heartbeat.

Will Alex kiss her again?

Would she dare?

At parang sagot sa tanong niya she felt her lips again,kissing her.

This time,hindi segundo.

Parang gusto nitong isave lahat ng minuto para halikan siya habang wala siyang kaalam alam.

Hindi lang nito alam na gising na gising siya.

She opened her mouth slightly,which startled Alex.

"Shit! Wrong move Toni".

Nagulat marahil si Alex kaya agad itong umayos sa pagkakahiga.

Seconds.

Silence.

Minutes.

Silence.

Gumalaw si Toni.

Kunwaring ipinatong ang kamay sa bandang tiyan ng katabi.

Nang di kumilos si Alex, yumakap siya rito ng mahigpit.

Yumakap rin ito sa kaniya.

Napangiti ng palihim si Toni.

She will cherish this moment forever.

Humalik sa noo niya si Alex.

"I love you",bulong nito.

And she will forever remember her confession for the rest of her life.