Halos matumba ako nang tumayo ako. Nakalimutan ko nga pa lang mag palit ng damit kagabi! Ramdam ko na basa ang suot ko ngayon kasabay pa nito ang init ng aking katawan. Mahuhuli na ako sa klase kaya naman dali dali akong pumasok ng banyo para maligo. Inayos ko ang buhok ko at tumingin sa salamin. Magang maga na ang mga mata ko at ang putla ko na rin. Mabigat parin ang pakiramdam hindi dahil sa nilalagnat ako kundi sa nasaksihan ko.
Huli na akong pumasok kaya naman wala akong nagawa kundi ang mag recite ng lahat ng tinuro sa namin kahapon. Nang matapos ako ay nag patuloy ulit sila sa pag ka-klase. Wala akong maintindihan sa itinuturo kaya walang pumapasok sa utak ko pero mabuti nalang at madaling natapos ito. Agad na pumunta sa unahan ko si Kae at Achilles, kitang kita ang pag aalala sa mukha nila. Inilagay ni Achilles ang likod ng kan'yang palad sa aking leeg at kasunod naman sa noo.
Napailing muna siya bago mag salita. "May lagnat ka, bakit pumasok ka pa?" Hindi ko siya sinagot at ibinaba ko nalang ang tingin ko. "Uminom ka na ba ng gamot?" tanong niya. Umiling ako kaya naman narinig ko ang pag buntong hininga niya. "Iuuwi na muna kita, Kae ikaw na bahala. "Tumingin ako sa kan'ya at umiling.
"Ayos lang ako! Wala kayong dapat ikabahala," pag kukumbinsi ko.
"Hindi ka ayos Ruth, tignan mo sarili mo! Sobrang putla mo! Kailangan mong mag pahinga," saad naman ni Kae. Umiling ako at ngumiti para naman makumbinsi ko silang ayos lang ako pero sa huli hinayaan nalang nila ako. Natapos ang klase ng wala akong natutunan, natagpuan ko nalang ang sarili kong kumakain sa cafeteria. Kumabog ang dibdib ko nang meron akong narinig na pamilyar na boses, hindi ako nag kakamaling si Kio 'yon. If there's Kio, there's Yvo!
Agad kong kinuha lahat ng gamit ko at walang pasabing umalis. Ayokong makita ang pag mumukha niya! Ang boses niya na nakakarindi sa tainga ay ayaw ko rin marinig! O kahit ang presensya niya. Hindi ko alam ang gagawin ko o masasabi ko kapag nakita ko siya!
Natigilan naman ako sa pag lalakad nang may humatak sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya, anong ginagawa niya dito? Tumingin ako sa paligid at napag tanto kong nasa gilid ako ng kalsada.
"Hindi mo ata napansing green light," saad niya. Tumingin ako sa paligid, ibig ba niyang sabihin na tatawid ako kahit umaandar ang mga sasakyan? Tumingin ako sa ka'nya, unti unting sumilay sa kan'yang labi ang kan'yang ngiti. Ang ngiting dahilan kung bakit ako nahulog sa kan'ya at patuloy na nahuhulog. Nangilid ang luha ko at dahan dahan itong pumatak sa pisnge ko kaya naman napalitan ang mukha niya ng pag aalala. Kinagat ko nalang ang pang ibabang labi ko nang kumuha siya ng panyo para punasan ang mga ito pero umiwas ako ng tingin. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kan'ya. Alam kong nakakabastos ang gagawin ko kaya naman marahan kong tinanggal ang pag ka-kahawak niya sa aking palapulsuhan pero hindi niya parin ito binibitawan. Tumingin ako sa itaas at nakitang red light na kaya naman buong pwersa ko siyang tinulak. Nahagip ng mga mata ko sa malayo si Yvo. Nababalot ang mukha niya ng pag aalala, dali dali siyang tumakbo para pumunta kung nasaan kami kaya naman agad akong tumakbo para hindi niya ako maabutan. Mabuti nalang na saktong pag punta ko sa kabilang kalsada ay ang pag andar ng mga sasakyan. Nag lakad ako ng mabilis at hindi na lumingon pabalik dahil hindi ko talaga siya kayang tignan, dahil sa kan'ya mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko at mas lalo lang nadudurog ang puso ko.
He saved me from hope and now I see myself hoping endlessly again.
Pagod na pagod akong umupo sa sofa nang makauwi ako. Walang tao dito sa bahay kundi ako lang kaya naman ako lang ang mag iintindi sa sarili ko at wala ng iba. Ipinikit ko nalang ang mata ko at pinakawala ang mga luha na kanina pa gustong bumagsak. Umiyak lang ako ng umiyak para mabawasan ang bigat na nararamdam ko pero kahit umiyak ata ako ng dugo ay hindi parin ito mababawasan. Nasasaktan ako ng sobra, akala ko pa naman huli na yung sakit na ibinigay ng pamilya ko pero ngayon nakikita ko nanaman ang sarili kong nasasaktan at umiiyak.
Gumising ako sa pag ri-ring ng cellphone ko. Tinignan ko muna ito at nakitang tumatawag si Yvo. Nang mawala ito, bumungad sa'kin ang mga text messages na kanina ko pa hindi nababasa.
' I have a urgent meeting, please take care of yourself. Take medicine.'
- Achi
'Hoy babae ka! Wala ka manlang pasabing aalis. Mag pagaling ka ha! Ie-excuse kita.'
-Kae
Napairap nalang ako sa dami ng missed call ni Yvo. Tumawa ako ng mapait sa mga messages niya, gan'to na ba talaga kapag guilty?
'May sakit ka? Puntahan kita d'yan? Mag dadala akong pag kain at gamot.'
'Avery sagutin mo tawag ko.'
'Okay ka lang ba? Saan masakit?'
'Avery nag aalala na ako. Punta na ba ako d'yan?'
Marami pa siyang message pero pinatay ko nalang ang cellphone ko at iniwan sa sala. Mas lalo atang sumama ang pakiramdam ko ngayon kaya naman kahit ayaw kong kumain ay napilitan akong mag luto dahil baka lumala ang sakit ko at baka mas lalo lang akong mahirapan. Hinang hina akong pumasok ng kwarto at tumingin muna sa salamin bago humiga. Nakita ko nanaman ang sarili kong mahina. Umiyak nanaman ako at nang mapagod ay napag pasyahan ko nalang na matulog.
Ilang araw na akong hindi pumapasok, hindi dahil hindi parin maayos ang pakiramdam ko kundi ayaw ko lang siyang makita. Nasa loob lang ako ng bahay at nililibang ang sarili ko. Narinig ko ang pag doorbell kaya naman agad akong bumaba para tignan kung sino ito.
"Wala ka bang pasok an---?" I cut her off by hugging her. I hugged my mom tightly. I felt that she hug's me too and it really gives me warmth. I looked at her and smiled." You don't have class?"
"Hindi ako pumasok."
"Ow why? Are you okay?" I bit my lower lip and convince myself not to cry. Wala akong maramdaman kundi sakit lang.
Natagpuan ko nalang ang sarili kong nakaupo sa kitchen high chair. Pinag mamasdan ang ginagawa ng nanay ko kaya naman nababawasan ang sama ng loob ko. Napangiti nalang ako habang pinag luluto niya ako.
"How are you?" she asked.
"Im fine mom."
She looked at me and gave the adobo dish in front of me."You look so upset anak. Please don't stress yourself. Here take this medicine." She gave me a capsule. She's about to leave but i stopped her.
"Mom." Tumingin siya sa'kin at nag aabang ng sasabihin ko. "Can you give me some advices?"
"Okay, what was that??" Umupo siya sa harapan ko.
"Kase....," hindi ko matapos tapos ang sasabihin ko dahil ngayon lang naman ako hihingi ng advice sa kan'ya. "My friend is."
"Your friend is?"
"She got her first crush then she has a plan to confess her feelings to the boy she like but she found out that..."
"That the boy is inlove with someone else?" she said so i nooded. "And so?"
"What will my friend gonna do?"
"Hmm, in that case anak she have to learn to love herself muna. Unahin niya muna ang sarili niya. If nasaktan siya then cry and cry, the feelings of her will fade soon, they say first love never dies, right? Oh silly! First love dies but the memories won't. Trust the process lang anak, pasayahin niya ang buhay niya. Let love find her! "she said while looking at me. "You know anak they say that we fall inlove with three in our lifetimes pero swerte nung iba kung yung tatlong yun nakamit nila sa isang tao. The first, of course the first crush! Ang tao daw na 'yon ang unang sakit natin kunyare nireject tayo o kaya naman kapag may gusto siyang iba or ano pang dahilan. It's like a puppy love yung madali kang maattach like he's the one that we think would last forever, but it won't but don't forget to thank the first love kase siya ang mag gagabay sa'tin patungo sa pangalawang mamahalin natin. The second, we feel the intense love. The love that will turn our world upside down. The one that comes with the highest of high's and the lowest of lows. The one that will cause us so much pain because it will teach us what us want and what us don't want. The last..." She smiled at me and squeeze my hand. "The unconditional, the one will stay and the one who'll feel you love, adored, safe and secured, the one who will feel us home." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, ngayon ko lang nalaman ang mga bagay na 'yon. "Kaya sabihin mo sa kaibigan mo na baka naman malakas manalangin yung para sa kan'ya kaya hindi niya nakatuluyan ang taong gusto niya," dagdag pa niya. "Ikaw anak? May nagugustuhan ka na ba?"
"Po?"
"Wala ba kayong balak bigyan ako ng apo ni Kuya Rail mo?" pag tanong niya na may kasamang tawa. Tumunog naman ang doorbell kaya naman siya na ang pumunta para tignan kung sino ang nandun. Nakatulala parin ako sa kawalan, siguro nga kailangan ko munang mahalin ang sarili ko bago ko mahalin ang iba. Malakas manalangin yung para sa'kin? May ganon ba? Siguro malakas talagang manalangin siya kaya hindi hinayaan ng Diyos na mag tapat ako ng nararamdaman ko kay Doc Martin.
Halos mabuga ko ang kinakain ko nang bigla sumulpot si Doc Martin sa harapan ko, anong ginagawa niya dito? Lumingon ako sa likod at naroon si Kuya Rail. Teka panaginip ba 'to? Kung oo gusto ko nalang magising!
Ngumiti siya sa'kin bago umupo sa harapan ko. "Pwede ba tayong mag usap?"