"Steak gusto mo?"
Kinagat ko ang pang ibaba kong labi bago mag salita. "Ahh oo sal---." Nag angat ako ng tingin at nakitang hindi siya nakatingin sa akin, nakatingin siya sa kapatid niya!
"Yes anak?" my mom. " What oo? You need something?" Napaawang nalang ang labi ko, bakit nila narinig yun? Ganon na ba kalakas boses ko? Narinig ko naman ang mahinang pag tawa niya kaya naman napairap nalang ako sa inis. Kumain ulit ako at hindi na pinakinggan ang pinag uusapan nila.
"Tapos ka na sa project mo? May presentation ka na? Nakapag review ka na?" Sunod sunod na tanong sa akin ni Kae. Nasapo ko nalang ang noo ko dahil wala pa akong project na nagagawa! Bakit ba kailangan mag sabay sabay ang deadline ng mga 'to! Minamalas yata ako!
Sasagot na sana ako sa mga tanong niya nang marinig ko ang pag ring ng cellphone ko kaya naman kinuha ko ito at sinenyasan siya. "Saglit lang Kae."
'Don't forget to go to your Tita's program. Be professional.'
-Daddy.
Napabuntong hininga nalang ako, simula nung umuwi kami sa bahay nang mamanhikan sila naging iba nanaman siya. Kino-kontrol niya nanaman ako. Muli pa akong nag pakawala ng malalim na hininga at tumingin kay Kae na ngayon ay abala sa pag re-review. Nang mag angat siya ng tingin ay biglang napalitan ng pag aalala ang mukha niya.
"Ayos ka lang? May nangyare ba?" Umiling lang ako sa kaniya at tipid na ngumiti. Gustong gusto kong mag sabi sa kaniya ng mga problema ko, gustong gusto kong sabihin na pagod na pagod na ako pero isasantabi ko nalang. Na isip ko na mas importanteng masanay nalang at maging responsable sa sarili mental break down. Dapat masanay nalang na ako mismo ang magpapatahan sa sarili ko, lilibangin at pakakalmahin kasi hindi sa lahat ng oras may matatawagan ako para samahan akong harapin ang lahat. Dapat alam ko kung paano pakalmahin sarili ko kasi i know all of us are dealing with our own anxieties at alam kong ganon din siya kaya ayos na din ang ganito, ayos lang maging dependent.... pero hanggang kailan kaya ako maghahanap ng atensyon galing sa iba? Paano ko haharapin ang lahat kapag hindi ko na nakayanan?
"Five minutes nalang, review lang ako." Tumango siya sa akin at pinag patuloy ang pag babasa niya. Binuklat ko naman ang makapal na libro na nasa harapan ko at nag simulang mag type, kailangan kong matapos ang presentation project ko.
Pinilit kong tanggalin ang mga sagabal sa isip ko kasama na din dun si Yvo. Bwiset siya! Bakit ko siya iisipin? Matapos niya akong pahiyain sa harap ng magulang niya at magulang ko!
Dinali dali ko nalang ang ginawa ko at nakakatuwa naman dahil sakto itong natapos nang tawagin kami ni Achilles. Pansin ko na hindi na kami nag kikita kita pero hindi nalang namin siya tinatanong dahil alam ko na may importante siyang mga bagay na dapat gawin na hindi dapat namin pang himasokan.
"Is this all?" mataray na tanong ng professor ko. " I thought you're in high but you look so down. Mag do-doktor ka ba talaga?" she sarcastic asked. I smiled at her and grab my stuff's in her table. No, hindi po ako mag do-doctor. Ayoko po'ng mag doctor, ayoko po. Gustong gusto kong sabihin yan pero ano nalang sasabihin ko kapag tinanong nila kung bakit ko kinuha ang kursong ayaw kong kunin? Sasabihin ko bang dahil sa pamilya ko? Dahil sa tatay ko? Paano kapag sinabi nila na wala ba akong utak kaya sinunod ko ang gustong kurso ng tatay ko? Sasabog na ang utak ko sa kakaisip. Bakit nangyare sa'kin ito? Bakit hinayaan kong mangyare sa'kin ito?
"I'll be good next time Prof, i-i'll do better." Yun nalang ang tanging lumabas sa bibig ko. Napapagod na ako at parang buong araw ay nakalutang lang ako.
"Ruth." Bumalik lang ako sa katinuan nang tawagin ako ni Tita Judy.
"Po!" sigaw ko.
"Shushhh." Sabay sabay na suway sa akin ng mga tao dito sa Neonatal Intensive Care Unit kung saan nandito ang mga sanggol na may komplikasyon.
"Hey! Stop! Lower your voice please," she whispered. "I bring you here because i want you to relax, see your self in the mirror? You look so upset."
Ibinaba ko ang tingin ko. "Im sorry Tita." I heard she sighed.
"They need to live." Nag angat ako ng tingin sa sinabi niya.
"Huh?"
"The born babies here needs to live, you know they have to. They are precious, maybe this is their first battle in life," she said without looking at me. "Kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon, huwag na huwag susuko. Dapat maging matatag lang at harapin ang bukas." Napatingin ako sa kan'ya at ngayon gumuhit sa mukha niya ang saya kasama ang matamis niyang ngiti. Aaminin ko, natatamaan ako sa sinabi niya at tama siya kailangan kong maging matatag at harapin ang lahat. "At kailangan pa nilang maranasan yun! Ang maging matatag, diba Emma?" Napatingin ako sa batang babae na katabi niya, siguro mga seven years old lang siya at kung ilalarawan ko siya may pagka mahaba ang buhok niya, payat at sabi sa akin ni tita IPF patients daw siya.
"Opo doctora," nakangiti niyang tugon kay Tita.
"Right! So it's getting late na baby kailangan mo ng matulog," si tita.
"Pero gusto ko pa pong makipag laro," malungkot niyang sabi. Tumingin siya sa akin kaya naman nagulat ako nang yakapin niya ako. " Pwede po ba?"
"Huh? Bakit ako tinatanong mo?"
"Kase po malungkot kayo, gusto ko po kayo kalaro! Para po masaya! Pwede po ba?" Tumingin ako kay Tita Judy na ngayon ay nakangiti. Sinenyasan niya akong tumango para pumayag sa gusto nung bata. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango. "Tara po sa room ko ate." Hinigit niya ako papunta sa room niya, masayahin siyang bata at halos lahat ng mga tao dito sa hospital kilala niya!
"Ito po ate doll ko! Bigay po sa'kin ng kuya ko! Ito po ate.... Ayan pa po ate.... Ito maganda ate." Madami siyang binibigay sa'kin na mga gamit kaya napatawa nalang ako. "Ayan! Tumawa ka na rin po ate!"
"Halika nga dito." Nilahad ko ang kamay ko at marahan siyang niyakap. "Kailangan mo ng mag pahinga hmm." Hinawakan ko ang mag kabila niyang pisngi at pinisil.
"Balik ka ate!" nakangiti niyang saad nang pumasok sa loob yung nurse na tinawag niyang mama.
Napabuntong hininga nalang ako pag kapasok ko ng bahay. Pangalawang tuntong ko palang ng hagdanan ay rinig na rinig ko na agad ang sigawan nila kaya naman dali dali akong pumunta sa kwarto nila.
"For God sake Ryan! Stop controling her life. You're too selfish! Anak mo siya!" i heard my mom shouted.
"Alice please," my dad.
"No! Look how desperate you are. Don't let her suffer. You're so selfish! Rail can save you!"
"You don't under---."
"Save you from what?" i asked. Anong pinag uusapan nila? Save from what? Nakita ko ang mga gulat sa mga mata nila. Dahan dahan namang lumapit sa akin si Daddy at binigyan ako ng tipid na ngiti.
"Go and study." Pinag saraduhan niya ako ng pinto pero pilit ko naman binuksan ito. Nakita ko na makalat ang kwarto nila, puno ng mga papel. "Ruth!"
"Dad, anong nangyayare? Mommy? Anong nangyayare?"
"Go back and study, kailangan mong maging Doctor."
"Ryan! Look ho---." He slammed the door, my heart almost jumped out from my chest!
Tuliro akong pumasok ng kwarto, nililibang ang isip. Ano ba itong mga nangyayari? Bakit kailangan mangyari ito?
"Stupida! Makakapatay ka ng pasyente Jimenez!" Bumalik ako sa katinuan nang agawin sa akin ng Doktora na nag ha-handle sa amin ang isang cutting tools. Kumabog ang dibdib ko nang makitang puno na ng dugo ang aking kamay. Tumingin ako sa katawang binili namin at nakitang iba't iba ang cutting style na ang ginawa ko dito. "Ano ba?! Nag sasayang ka ng pera! Ang hirap makakuha ng katawan."
"Im sorry po." Yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko.
"I want you to leave!" sigaw niya sa'kin.
"Po?"
"Isa dalawa tatlo! Umalis ka sa harapan ko!" sigaw ulit niya. Ibinaba ko ang tingin ko dahil parang lahat ng tao sa kwartong ito ay nakatingin sa akin. Hawak ko ang hininga ko nang makalabas ako. Kumawala ang luha sa mata ko, anong nangyayare ba sa akin?
Sumasakit ang dibdib ko at parang sasabog na ako. Hinayaan ko lang tumulo ang luha ko hanggang sa mag simula itong humikbi ng malakas. Nag simulang mag lakad ang mga paa ko. Hindi ko na alam kung saan ako papunta. Kung sa bahay? Magulo dahil lagi silang nag aaway. Lumakad lang ako ng lumakad hanggang sa maisip ko....
Kung mawala nalang kaya ako sa mundo?