"I told you to tell them th--," natigilan siya nang bumaba ako. "I'll call you later." She put her cellphone inside her pocket. I kissed her cheeks, she looks upset.
"Mom? Is everything okay? A-are you... okay?" I asked.
"Yes, I am. There's a little problem lang sa company but don't mind it." Uminom siya ng tubig at minasahe ang sintido. "I have to go, text me if there's anything wrong here. Take care." She kissed my cheeks and go.
Napabuntong hininga nalang ako at inilibot ang mata sa buong bahay. Ano namang gagawin ko ngayong araw? Nagawa ko na ang lahat, nag review na ako at gumawa ng ibang projects. Nagawa ko na din ang mga ipapasa kong documents. Wala akong magawa!
Napahiga nalang ako sa sofa. Narinig ko ang pag vibrate ng cellphone ko kaya naman tinignan ko ito. Napairap nalang ako kung sino 'to.
"Oh ano?" bungad ko.
[Wow Avery gan'yang bungad talaga? Wala man lang bang Good morning?]
"Kanina good ang morning ko ngayon hindi na," sarkastisko kong saad. Narinig ko naman ang pag tawa niya sa kabilang linya.
[Tapos ko na yung pinasasagutan mo, paano ba yan? Sasama ka sa'kin sa biyernes.]
Tinignan ko ang kalendaryo sa gilid, malapit na pala yung paskuhan. "Sasama ako kung tama."
[Sus! Ako pa! Tama 'to!] pag mamayabang niya. [Kunin mo na ngayon!]
"Ano ka sinu-swerte? Gusto mo ako pang kumuha?"
[Aba! Kanino ba 'to? Sa'yo diba? Sige na! Para gumanda umaga mo! Punta ka dito sa labas ng subdivision niyo.] Nanlaki ako sa sinabi niya, nandito siya? Pinatay ko ang tawag niya at dali daling nag palit ng damit. Lumabas ako ng bahay at tumungo sa labas pero napatigil lang sa sunod na pumasok sa isip ko. Paano kung pinag lalaruan niya lang ako? Paano kong hindi talaga siya nandito? Eh di mukha akong tangang nag hihintay sa kan'ya!
Nag babalak na sana akong umuwi pero napatigil ako nang marinig ko ang boses niya. "Avery!" Sinalubong niya ako, paano siya nakapasok?
"Teka? Paano ka nakapasok dito?" nag tataka kong tanong.
"Binigyan ko ng umagahan si Manong." Itinuro niya yung guwardiya. "Wala tuloy akong mapapakain sa'yo. Luto ko pa naman yon!" pag rereklamo niya. Anong sabi niya? Pinag luto niya ako? "Tara! Kain tayo sa labas!" pang aaya niya.
Umiling muna ako bago mag salita. "Walang tao sa bahay. Walang mag babantay."
"Eh di sige, d'yan nalang tayo kumain." Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at marahang hinila papuntang bahay. Nang makapasok kami sa bahay ay bigla siyang namangha sa disenyo nito. Nilibot niya pa ang mata niya. "Nasaan ang pamilya mo?" tanong niya nang makarating siya sa kitchen area.
"Si Kuya Rail nasa condo niya, sa laguna. Si Mommy at Daddy nasa trabaho nila kaya ako lang nandito."
"Laki laki ng bahay niyo walang tao," saad niya. Napangiti nalang ako ng mapait at hindi na siya pinansin. Dumako ang tingin ko sa cabinet at nag hanap ng kakainin namin.
Bakit ko ba hinayaang makapasok ang isang 'to sa bahay namin ayan tuloy nag sisimula nanamang mag ingay. "Ano bang gusto mong lutuin?" tanong niya.
"Ito." Itinuro ko ang Fluffyn' Tasty Box. "Ito nalang since umaga naman."
"Dali dali niyan! Ayan ipapakain mo sa napaka pogi mong bisita?"
Taas kilay ko siyang tinignan. "Bisita ka pala? Akala ko bwisita." Natawa naman siya sa sinabi ko, nakakainis talaga ang isang 'to! Hindi ko siya pinansin at kumuha nalang ng itlog at mangkok na gagamitin.
"Akala ko bi.." Napakunot ako sa sinabi niya, mahina 'yon pero rinig na rinig ko.
"Anong bi?" Lumapit ako sa kan'ya habang pumoporma ng mapaglarong ngiti ang labi niya. Seryoso parin akong naka tingin sa kan'ya at hinihintay ang sasabihin niya. "Mabibilaukan ka talaga kapag di mo inayos 'yang sagot mo," pag babanta ko.
"Bibi mo," kaswal niyang sagot. Naramdaman ko ang pag iinit ng pisnge ko. No! Not now!
The side of his lips rose up and formed a smirk.
"Kinilig ka 'no?" dugtong niya na may halong panunukso.
"H-huh? K-kilig? Anong k-kilig sinasabi mo? Ihampas ko kaya sa'yo 'to?" Kinuha ko ang whisk at itinaas. "Tumulong ka nga!" Agad akong tumalikod sa kan'ya dahil hindi ko na mapigilan ang mapangiti, nakakainis naman. Narinig ko naman ang mahinang pag tawa niya na nag pakabog ng malakas sa puso ko, bwiset!
Tahimik lang ako nag luluto habang siya...hindi ko alam ang ginagawa niya. Tumingin ako kung na saan siya, nasa sala siya. Tinapos ko ang niluluto ko at inihanda ang mesa. Nilagyan ko na din ng syrup ang pancake at nag timpla pa ako ng kape.
"Tara na, kakain na tayo," pag aaya ko.
"Ikaw ba 'to?" tanong niya. Hawak niya ang isang picture frame. Lumapit ako sa kan'ya at tinignan ito, picture ko ito no'ng elementary ako.
"Dami mong medal! Talino mo talaga 'no?" tanong niya pero hindi ko siya pinansin. "Saan ka nanalo niyan?" Turo niya sa isa ko pang picture.
"Sa poster making."
"Ayan drawing mo?" Tinuro niya ang hawak na illustration board ni Kuya Rail. Tumango naman ako, nagulat ako nang gumawa siya ng napakalakas na palakpak. Kinurot ko naman siya.
"Ingay mo!" inis kong saad. Napangiti naman siya sa sinabi ko. Inilapit niya ang mukha niya sa'kin, halos maduling na ako!
"Ganda mo!"
Nawala tuloy ang inis ko! I stiffened. I stared at him for a moment with my lips parted. Umiwas kaagad ako ng tingin nang maramdaman ang muling pag-iinit ng pisngi ko. Did he just call me.. pretty? Again?
"Nagugutom na ako," saad ko. Tumalikod na ako at mabilis na pumuntang kusina. Hindi na ako makatingin sa kan'ya sa ngayon! Nakakainis talaga siya! Bakit ba kase ang random ng mga sinabi niya.
Buong akala ko hindi na siya mag iingay pero mas lalo ata siyang umingay ngayon. Hindi ba siya nahihiya, matapos niyang bumanat! Trip niya ba ako?
"Next year mag iiba ka na ng course? Kaya mo bang pag sabayin?"
Tumango muna ako bago mag salita. "Oo, kailangan kase."
"Sus kaya mo yan! Ikaw pa, galing galing mo." Napangiti nalang ako at napailing. Natapos na kaming kumain at nag prisinta siyang mag hugas ng pinggan kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang pumayag. Nang matapos siya, umupo siya sa tabi ko dito sa sofa.
"Ito yung mga nasagutan ko, madam. Tignan mo kung tama." Inirapan ko lang siya at nag simulang basahin ang mga sinagutan niya. Hindi ako makapaniwala sa mga nabasa ko, paano niya nagawa 'to? "Ops! Huwag ka ng mamangha, ako lang 'to."
"Yabang mo naman Santos." sarkastisko kong saad. "Mukhang hindi ikaw gumawa nito ah!"
"Hoy Jimenez! Akong gumawa niyan! Ang hirap kaya! Hindi ko na nagawa yung mga gagawin ko dahil d'yan tapos sasabihin mong hindi ako gumawa? Aba hindi ako papayag niyan!" pag rereklamo niya, kahit kailan talaga nakakainis siya. "Wala man lang salamat."
Napatawa ako ng mahina at tumingin sa kan'ya, para siyang tanga. "Salamat, na-appreciate ko. Ikaw na ang the best Yvo," pag pupuri ko na may halong pagka-sarkastiskong tono.
Nag paalam akong pumuntang taas para ilagay ang mga papers na sasagutan niya. Pag katapos nito ay paaalisin ko na siya dito sa bahay dahil wala naman siyang gagawin dito at saka patanghali na din kailangan niya ng umalis. Nang makalabas ako, nanigas ang paa ko nang makita ang taong nasa sala ngayon.
"Mommy!" pag tawag ko. Tumingin siya sa'kin, seryoso ang mukha niya ngayon. Pagagalitan niya ba ako dahil nag dala ako ng lalake sa bahay namin ng wala siya? "Mommy! Paalis na po siya." Tumingin ako kay Yvo na ngayon ay inosenteng nakatingin sa akin. "Diba? Aalis ka na? Tara hatid na kita."
"Why don't you invite your friend for lunch, Ruth?"
"Mommy kas--."
"Are you free iho? Kailangan mo na bang umalis?" tanong niya kay Yvo. Tumingin naman ako kay Yvo at sinenyasan siyang tanggihan ang alok ng nanay ko. Imbis na tumanggi ay malugod pa niyang sinagot ang tanong ng nanay ko.
"Ah hindi po," nakangiti niyang saad.
"Good!" masayang tugon ng nanay ko. Napaawang nalang ang labi ko at hindi parin pumo-proseso sa utak ang mga nangyayari. Nang tumalikod ito ay agad kong kinurot si Yvo.
"Nakakainis ka!" mahinang saad ko. Napatawa naman siya kahit kailan nakakagigil talaga siya! Nag simula ng mag luto si Mommy, tinutulungan siya ngayon ni Yvo. Pinag masdan ko silang dalawa, nakita ko nalang ang sarili kong nakangiti. Inayos ko na ang mesa at nag lagay dito ng pinggan.
"You know what? You look familiar. Have we met before?" tanong ng nanay ko habang kumakain.
"Ah..kapatid po ako ni Doc Martin."
"Oh? Is that so? I see... So paano kayo nag kakilala ng anak ko?"
"Mom! We don't have to talk about that. It's a long story right, Yvo?"
"Ah opo, ang galing pong tumurok ng anak niyo." My eyes widened, I glared at him but he just gave me a playful smile. My lips curve into sarcastic smile and looked to my mom.
"Yes mom, magaling siyang mag tennis pati milktea ko napunta sa mukha ko," I fired back. Ngumiti naman siya at nag balak mag salita pero naudlot ito nang subuan ko siya ng kanin. Natigilan siya sa pag ngiti at unti unting namula ang mukha niya.
"How sweet," my mom. Agad kong inalis ang kutsara sa bibig niya at umaktong walang nangyare. Shit! Bakit ko ba kase ginawa 'yon! "Are you two together?"