Chereads / Saving hope / Chapter 22 - Chapter 20

Chapter 22 - Chapter 20

"Do you want to eat something? I can order you." Umiling lang ako sa alok niya at muling pinagmasdan ang kabuuan ng coffee shop na pinuntahan namin. "Im sorry dito pa kita dinala, by the way how are you?" Tumingin ako sa kan'ya at ngumiti, kinumkubinsi ang sarili na mag mukhang maayos.

"Okay lang po ako Doc," sagot ko.

"Nilalagnat ka daw. Kamusta pakiramdam mo? May masakit ba saiyo? Nilalagnat ka pa ba?" sunod sunod niyang tanong. Kitang kita ko ang dahan dahang pag babago ng ekspresyon niya sa pag aalala.

"Sinat nalang po."

"Kung ganon dap---." Itinigil niya ang pag sasalita niya at itinikom ang bibig. He just gave me a weak smile and let out a small laugh. "About Migo.." Seryoso akong tumingin sa kan'ya nang banggitin niya ang pangalan ng kapatid niya, anong meron sa kapatid niya? " I think Migo was mad at me and now i want to say sorry to you." Ibinaba niya ang tingin niya at pinag laruan ang kutsara sa kamay niya. Nalilito akong tumingin sa kan'ya." I think i made a mistakes even though that wasn't my intention, i hope that i didn't hurt your feelings in any way. I am older than you, i should be more careful and thoughtful." I bit my lower lip when my heart ached inside. Bakit niya ba sinasabi lahat ng ito?

"Hindi ko po kayo maintindihan Doc." Iniangat niya ang ulo niya at diretshong tumingin sa akin.

"Migo told me that you're infatuated with me. I feel guilty because i lied to him, giving him a false fact too that give's you hope. I should've do's all things that make you fall. Don't worry! There's nothing wrong with you Ruth, im impressed actually, the way you act. I adore you. Sorry for being caring, please forgive me. Your Kuya Rail always reminds me too to take care of you when you're with me that's why im over protected and over caring to you. I didn't expect that you will fall to me. Im sorry for being dense, i should've careful."

"Doc Martin," i called his name.

"I hope the friendship of you two would not ruin because of me. Im really sorry."

Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa oras na ito. Maraming tanong sa isip ko na gusto kong masagot niya. Bakit niya sinabi? Anong karapatan niya para sabihin ang nararamdaman ko? Siya ba ako? Tumawa ako ng mahina kahit na sa loob loob ko ay sasabog na ako sa sari saring nararamdaman ko.

"You didn't do anything wrong Doc. It's all my fault, i fell for you alone and did all things just to be with you."

"Yeah and im so sorry about that."

"No... please don't say sorry. It's fine please don't apologize. Sa totoo lang dapat pa nga kitang pasalamatan." Nagulat siya sa sinabi ko pero matipid na ngiti nalang ang ibinigay ko sa kan'ya." Every time i see you... i feel energized, when im with you i learned to realize to value those things that im doing right now." Unti unting sumilay sa labi niya ang kan'yang ngiti. Masaya ako sa totoo lang. Sa palagi lagi niyang paggabay, pagtulong at pag ku-kwento sa akin ng mga bagay tungkol sa ginagawa ko ngayon ay natutuhan ko itong pahalagahan at dahil sa kan'ya ang lahat ng yun. Siya ang naging dahilan kung bakit ko ito pinapahalagahan.

"If you want to know Doc, i get love struck easily. I fall for someone else quickly so you don't have to worry. I don't want anything about you. Actually you're like a brother to me like Kuya Rail." Nakangiti lang ako sa bawat pag papakawala ko ng mga salita. Iniiwasan kong huwag mangilig ang boses ko at ang pangingilid ng luha ko para hindi siya mag alala. "We're fine Doc and if you're worried about us...about me and Migo you don't have to, we're fine," i added. Hindi kami maayos ng kapatid niya, 'yon ang gusto kong iparating sa kan'ya at kahit ano man ang mangyari hinding hindi na ako makikipag ayos pa.

"Are you good naman sa amin ng Tita Judy mo?" Agad akong tumango at ngumiti. Bumibigat nanaman ang pakiramdam ko.

"Well i forgot to say...congratulations!" masigla kong pag bati. Ngumiti lang siya at nag pasalamat. Ngumiti din ako ng pabalik at tumingin sa relo. "Well, actually i have to go. I will meet someone and i think im late." Pinakita ko pa sa kan'ya ang relo ko.

"Ganon ba? Sige tara na." Inalayan niya akong tumayo at pinag buksan pa ako ng pinto. Hindi talaga siya nag babago ng pakikitungo sa'kin kahit na nag kagusto ako sa kan'ya, ganon parin siya. "I'll give you a ride, is that okay to you?" Umiling ako at tinanggihan ang alok niya. Siguro sa araw na ito ay kailangan ko ng kalimutan ang nararamdaman ko, hindi siya kundi ang nararamdaman ko. Kahit papaano ay natulungan din ako ni Doc Martin kaya dapat hindi ko siya makalimutan.

Nag paalam na ako sa kan'ya at tumalikod. Ikinuyom ko ang kamao ko nang naramdaman ko ang pag patak ng luha sa pisngi ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at dali daling tinawagan ang number ni Yvo. Sumakay ako ng jeep para pumunta sa school niya.

[Hello avery? Kamusta? Bakit ka napataw--.] I cut him off.

"Pumunta ka dito sa main campus niyo."

[Huh?]

Pinatay ko ang linya at inis na umupo sa may garden. Sumasakit na ang ulo ko kaya naman pinilit kong maging kalmado. Naramdaman ko na may papalapit sa'kin kaya naman masama akong tumingin sa kan'ya. Tumayo ako at diretsho lang nakatingin sa kan'ya. Kitang kita ko kung paano napalitan ng pag aalala ang mukha niya.

"Avery."

"Bakit mo ginawa yun?"

"Huh?"

"Bakit mo ginawa yun?!" sigaw ko. Nagulat naman siya sa pag sigaw ko maging si Kio na ngayon ko lang nakita na nasa likod niya ay ganon din ang naging reaksyon. "Ako ba ikaw? Bakit mo sinabi kay Doc Martin na gusto ko siya? Anong karapatan mo para ipag tapat ang nararamdaman ko sa kan'ya."

"Avery hindi sa gan--." Hindi na niya natapos ng mag salita ulit ako.

He feels bad because he thinks he made a mistake so he kept apologizing to me. Did you know that?" Tuluyan ng tumulo ang luha ko sa harapan niya. "Do you know how horrible i felt as i watching him doing that?"

"Hindi ko naman inaasahan na masasabi ko yun."

"Pero kahit na! You shouldn't done anything! Why did you have to make me feel that im desperate? Who are you to tell him how i feel about him?" Pinunasan ko agad ang luha ko nang kuhain niya ang panyo niya na ibibigay niya sana sa'kin.

"Yvo bakit? Bakit tinulungan mo pa ako na mapalapit sa kan'ya kung sila ng tita ko? Bakit tutulungan mo pa akong umamin sa kan'ya? Balak mo ba akong gawing kabet?"sunod sunod na tanong ko.

"Avery huminahon ka, please. Kaya ko nagawa yun kase nawala ako sa sarili ko. May plano naman akong sabihin sa'yo ang lahat kaso marami humahadlang," seryoso niyang pag papaliwanag.

Napatawa nalang ako ng mapait sa sinabi niya. "Anong klaseng palusot yan? Tell me Yvo is this a joke to you?"

"Do you think im joking?"

"I don't know. I can't read your mind."

"Ayokong nakikita kang nasasaktan ayoko din nakikita kang umiiyak! Sa tingin mo joke sayo ang lahat ng 'to?" Ngayon tinaasan niya na ako ng boses. Napasabunot pa siya sa buhok niya. "Fine! Go ahead and think what ever you want!"

"Talaga! At simula ngayon ayoko ng makita ang pag mumukha mo pati na rin ang presensya mo!" sigaw ko. Natigilan siya saglit at sarkastiskong ngumisi.

"Kung yan ang gusto mo, sige." Napalitan ng lungkot ang mukha niya. Umalis siya at iniwan ako. Tumulo na ang luha ko at patuloy lang itong dumadaloy sa pisngi ko. Lumalakas ng lumalakas ang paghikbi ko.

Sa araw na ito ay hindi ko na ulit hihilingin pa ang presensya mo na kahit ikaw ang kasama ko sa tuwing nadudurog ay hindi na muling hahayaan na makasama ka lalo na sa ngayon ay isa ka na sa taong dumurog sa'kin.