Chereads / Saving hope / Chapter 17 - Chapter 15

Chapter 17 - Chapter 15

"Ruth!" My Tita Judy called my name. Why my day always getting chaotic? I quickly stood up and kissed her cheeks." So you two are?"

"We're buying foods tita. How about you? Why are you here?"

"Dr. Santos invited me to eat breakfast with him, so now we're here naman na dito nalang kami uupo. Pwede ba yun Martin?" Tumingin pa siya kay Doc Martin at nag hihintay ng isasagot nito.

"Kung hindi naman tayo nakaka abala sa kanila, bakit hindi? Nakakaabala ba kami sa inyo Ruth?" Tumingin siya sa akin ng may kasamang ngiti na alam kong may kahulugan. Kung pwede ko lang talagang isigaw sa kaniya na mali ang iniisip niya isisigaw ko talaga pero hindi eh!

"Oo kuya pwede kayo dito. Upo kayo Doc Judy!" masiglang alok ni Migo. Lumipat sa tabi ko si Migo kaya naman nasa harapan na namin silang dalawa. Nag hintay hintay pa kami saglit hanggang sa dumating ang pag kain. Busog pa ako kaya naman mahina kong siniko si Migo para kunin ang ulam na in-order niya sa'kin. Hindi siya nag dalawang isip na kunin ito at kulang nalang lahatin niya pa! Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Tita Jusy, siguro napansin niya ang inakto namin kaya naman sinenyasan ko siyang itigil na ang ginagawa niya.

"So Ruth? Are you coming with us tonight?" Doc Martin asked.

I shook my head and my lips curve into sad smile. Kung pwede lang para makasama ka Doc Martin kaso bawal dahil kinakailangan kong makausap ang Daddy ko mamayang gabi dahil sabi ng Mommy na yun lang daw ang bakante niyang oras. "Im sorry, i have to do something tonight."

"Is that so? I see." Tumango tango pa siya. Dumako ang tingin niya kay Migo na abala lang ang tingin sa pag kain niya. Nag usap silang dalawa pero hindi ko nalang ito pinansin. Natapos na kaming kumain kaya naman napag pasyahan naming umalis.

"Take care Ruth! Migo please take care of her okay? We have to go," my tita said. "Let's go ba---." Hindi ko na napakinggan ang kasunod na sinabi ni Tita nang bigla akong higitin ni Migo, nakakainis talaga siya kahit kailangan, bigla biglang nang hihigit!

"Tara na! Mahuhuli ka na sa klase mo." Mabilis siyang nag lakad kaya naman kailangan ko din bilisan. Hindi maka paniwalang na nasa main na kami agad. Tinignan niya naman ako ng mabuti.

Hinampas ko siya sa braso para matigil ang ginagawa niya." Hoy! Anong ginagawa mo? Bakit ka nang hihigit ha?"

"Mahuhuli ka na sa klase mo señora, take care nga diba sabi ng tita mo! Ay naku Avery ha."

"Take care mo mukha mo."

"Wow! Pero kapag kay Kuya? Sure na sure ang take care. Ayos ka din talaga Avery. Magaling...magaling."

"Hoy Yvo! Kanina pa ako naiinis saiyo ha." Kinurot ko siya sa tagiliran dahil kanina pa talaga ako naiinis sa kan'ya!

"A-aray! Isa ave-- isa tigil na kase!" Inirapan ko siya at tinigil ang ginagawa ko. Mahina ko siyang tinulak dahil kailangan ko ng umalis mala-late na ako sa klase.

"Umalis ka na mahuhuli ka sa klase mo, pasok na ako Yvo." Ngumiti ako sa kan'ya at kumaway ng patalikod.

Sinalubong ako nang mahigpit na yakap ni Kae nang makita niya ako siguro may alam din siya sa mga nangyayari kahapon kaya ganito ang bungad niya sa'kin. Sakto naman pumasok ang professor namin sa room kaya naman nag simula ang klase.

Gabi na nang makauwi ako dahil marami pa kaming ginawang projects. Inalis ko ang suot kong coat at mag babalak na sanang umakyat nang meron nahagip ang mga mata ko. Kumunot ang noo ko sa mga reseta na nag kalat sa mesa at sa mga pirasong papel na punit punit.

"Coronary hea----." Hindi ko na natapos ang pag basa nang bigla may nag salita sa likuran ko. 

"You're late." Kalmado niyang pag kakasabi. Kinuha niya ang mga papel sa likuran ko at itinapon sa basurahan.

"Gumawa po kase kami ng project," pag dadahilan ko. Mauuna na sana siyang umakyat pero agad ko siyang hinawakan sa palapulsuhan. Tumingin muna siya sa'kin bago sa kamay niya. Malamig ang kamay niya ngayon at wala akong maramdamang init. Nag simulang mangilid ang mga luha ko kaya naman dahan dahan kong binitawan ang kamay niya.

"I-Im s-sorry Dad." Nangingilig ang mga boses ko habang sinasabi ang mga salitang yon. I can't look at him...i just can't. I received a warm tight hug from. My tears started to fall. "Im so sorry."

"I want you to have a better future, im sorry for being one of your hindrance," yun lang ang sinabi niya. Umiyak lang ako ng umiyak sa mga bisig niya.

Naging maayos kami sa araw na yun, iniiwasan na mag kasakitan ulit. Natutuwa ako dahil nakaka akto na ako ng normal ngayon at walang problema ang dumadating. Hindi pa namin napag uusapan ang pag babalak ko na kumuha sa sunod na taon ng ibang kurso pero alam ko naman na papayagan na nila ako sa ngayon. Nag bago ang estado ng buhay ko, hindi na din ako umiiyak gabi gabi at hindi na nagiging labag sa kalooban ko ang mga ginagawa ko. Ang bawat araw na lumipas ay nagiging maayos pero nawawala ng panandalian kapag nag kikita kami ni Migo. Lagi niya kase akong bini-bwiset pero ayos lang naman dahil hindi pa rin siya tumitigil para tulungan ako kay Doc Martin. Nagiging malapit na kami sa isa't isa ni Doc Martin kaya naman mas lalo akong nahuhulog sa kan'ya.

Walang pasok kaya naman napag isipan kong ibahin ang dekorasyon ng aking kwarto. Kinulayan ko ito ng mga pastel colors para naman maayos tignan sa umaga. Kumunot ang noo ko nang may nakita akong maliit na paper bag. Hindi siya gaano kabigat kaya naman tinignan ko kung anong nasa loob nito. Mas lalong kumunot ang noo ko nang makita ang isang bagong salamin. Inisip ko kung sinong nag bigay sa'kin ng ganito pero wala naman dahil wala akong natatanggap. Kinuha ko ito at pumunta sa harap ng salamin para sukatin ito. Matagal tagal na din akong naka contact lense dahil nga hindi pa ako nakakabili ng bagong salamin. Siguro galing ito kay Kuya Rail. Narinig ko ang pag ring ng cellphone ko kaya naman sinagot ko ito nang hindi tinitignan ang contact name.

[Wow ambilis mong sagutin Avery ah.] Napairap nalang ako nang marinig ko nanaman ang boses niya.

"Oh ano kailangan mo?"

["Ah wala manlang good morning Yvo? As in strike to the point, Avery?"]

"Ano kailangan mo?" pag uulit ko.

[Uso.] Napakunot ako sa sinabi niya. Ano daw?

"Ano?"

[Usong mag balik ng jacket Avery parang gusto mo pang ibalik sa sunod na taon yan ah. Siguro inaamoy mo yan araw araw o tinatabi matulog noh?]

"Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo Yvo! Sige bukas ko ibibigay saiyo."

[Ngayon na!]

"Huwag mo kong istorbobin ihahampas ko sa mukha mo tong jacket mo!"

"[Ngayon na Avery!]

"Ano? Ayoko nga!"

[Sige na Avery! Ngayon na dahil...]

"Marami akong ginagawa huwag ngayon at saka bakit ba naman ngay--."

[ Dahil gusto kitang makita.]