"Teka nga pala, bakit nandito ka na naman?" tanong ko sa kan'ya. Kapag may gan'tong pag kakataon talaga lagi siyang nandito! Kulang nalang talaga pag kamalan ko siyang stalker.
"Ah wala may sinamahan lang."
"Sino?"
"Wala."
"May sinamahan ka tapos wala? Sino nga?"
Bumuntong hininga siya bago mag salita." Si Razel." My mouth formed to 'o'. Luminga linga pa ako sa paligid dahil baka iniwan niyang mag isa yung ex niya para lang samahan ako. "Nakauwi na," masungit niyong saad. Saglit pa kaming tumahimik hanggang sa basagin ko ito.
"Sabi ni Kio siya daw dahilan kung bakit kayo bumagsak," dahan dahan pagka sabi sa mga binitawan kong mga salita. Tinignan niya ako ng seryoso kaya naman umiwas ako dahil hindi ko nakaya ng tignan siya sa mga mata. Ramdam ko ang pag tango niya.
"Ah oo pero si Kio.... ako ang dahilan kung bakit siya bumagsak." Tumingin ako sa kan'ya at ngayon siya naman ang nakaiwas ng tingin.
"Bakit kayo nag hiwalay?"
Ngumisi siya sa'kin at para bang hindi inaasahan ang pag tanong ko. "Bakit interesado ka na ba sa buhay ko?"
"Hindi."
"Bakit nag tatanong ka?"
"Masama ba?"
"Close ba tayo? Bakit ko sasabihin? I rolled my eyes and looked away. Gumaan kanina ang pakiramdam ko ngayon nagiging masama nanaman! Kahit kailan, bwiset siya!
"Okay...Okay." I heard him chuckled. "She felt out love. We've been together for almost 4 years and 5 months, our relationship is healthy pero sabi niya ayaw niya na daw sa'kin, sawa na siya. I begged...i begged her i gave her time to think about it but still.... she choose to leave me. Hindi ako pumasok noon walang paramdam, para bang pinapatay ng sakit. Nagising nalang ako na hindi na daw ako makaka graduate kaya si Kio? Nag pa drop out nalang kase gusto niya sabay kam. Hmmm sayang nga Suma Cum laude pa naman yun." Narinig ko ang pag buntong hininga niya dahil sa pang hihinayang. Sa kabila pala ng mga tawa at ngiti niya meron pala siyang tinatagong sakit. I felt guilty again sa lahat ng nagawa ko.
He genuinely smiled at me. "But look at me now, im growing without her." He chuckled. He looked away and watched the sun's goes down. "The sunset is beautiful isn't it?" he asked. My heart started to beat faster, ano ba 'tong nararamdaman ko? Mas lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang dahan dahan niyang ipikit ang mga mata niya nang masinagan ito ng kahel na kulay ng langit. "It means let it go, and i did it.... I let her go," he whispered. He opened his eyes and looked at me. My cheeks heat when he smiled at me!
Pag katapos ng pag uusap namin napag pasyahan naming pumunta sa isang mini store para bumili.
"Ohh." Inabot niya sa'kin ang tatlong ice cream na may iba't ibang flavor. "Baka naman mamaya higitin mo na naman ako, kainin mo lahat ng yan." Kumain lang kami ng tahimik at wala manlang sa'min ang nag sasalita.
Napabuntong hininga nalang ako nang maisip ko ang mga pangyayari kanina. Nag iisip ako kung paano ako mag papakita sa kanila. Nakonsensya na naman ako sa ginawa ko. Hindi ko alam kung paano sila haharapin kung man uuwi ako.
"Bakit gan'yan itsura mo? Hindi ba masarap?" Kumuha siya ng isang scoop sa kinakain ko at sinubo ito. "Hindi naman panget ang lasa ah! Kumain ka na...tignan mo isang ice cream palang naka kain mo! Yung akin nga ma-uubos na! Nagsasayang ka ng pera ko Avery!" pag rereklamo niya. Umirap ako at pinag patuloy na kainin ang kinakain ko. Narinig ko ang pag tunog ng kan'yang cellphone kaya naman hindi ko naiwasang tignan ito. Nanlaki ang mga mata ko nang si Doc Martin ito.
"Ikaw na sumagot, gagamit lang akong Rest Room." Hihigitin ko pa sana siya pero mas mabilis siyang lumabas. Isa siyang video call at hindi ko alam kung ano ang itsura ko ngayon. Inayos ko ang buhok ko at pinakalma ang sarili ko.
"Thank god... Migo our pare--." he stopped talking when he saw me. Hindi ko alam ang gagawin ko, wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko na para bang naputulan ako ng dila. His lips formed to smiled. Hindi mali.... iba ang iniisip niya...mali ang iniisip niya.
Mag sasalita na sana ako nang bigla kong nabitawan ang cellphone ni Migo nang bigla siyang mag salita sa likuran ko.
"Anong sab--- anak ng Avery! Bakit mo binitawan?!" Nag reklamo nanaman siya. Sinamaan ko siya ng tingin, kasalanan niya yan! Sa'kin niya ibibigay cellphone niya tapos mag rereklamo siya?! "Oh kuya! Bakit ka napatawag?"
"Nakakaistorbo ba ako sa inyo? Mamaya nalang kita tatawagan kung oo."
"Hoy hindi ah! Ano ba yun ha? Ngayon mo na sabihin."
"We have a small celebration lang naman tomorrow night. Just a reminder malay ko na busy ka." Sumulyap pa siya sa'kin. Gusto kong mag salita pero wala akong magawa kundi ang tumahimik. Alam ko sa pasulyap sulyap niyang yan may iniisip siyang iba! Baka pinag kakamalan niyang may namamagitan sa amin ni Migo!
"Sige uuwi ako."
Nakinig lang ako sa mga pinag uusapan nila at pinag patuloy ang pag kain ko.
"But you can invite someone." Muntik ko ng mabuga ang tubig na iniinom ko nang bigla akong tignan ni Doc Martin, ako bang tinutukoy niya? Kitang kita ko naman ang pag tawa niya, bakit ba kase sa'kin nakaharap yung cellphone! Kahit kailan talaga Migo bwiset ka! Nag pakawala ng malakas na tawa si Migo kaya naman pasimple kong inapakan ang paa niya.
"Sama ka ba?" tanong ni Migo. Nag lalakad kami pauwi. Hindi ko pa rin siya pinapansin dahil sa mga kahihiyan na sinabi niya kay Doc Martin. "Hoy ito naman huwag ka ng mainis." Inirapan ko lang siya at nag patuloy sa pag lalakad. Hindi ko na talaga alam kung paano pa ako mag papakita kay Doc Martin sa lahat ng ginawa niyang kalokohan! "Ayaw pa naman ng kuya ko sa mga mainisin sige ka baka maturn off siya sa'yo." Inis akong tumigil sa pag lalakad at tumingin sa kan'ya. Diretso lang akong nakatingin sa kaniya at pilit na ngumiti, tumawa nanaman siya. "Grabe avery kapag kay kuya talaga sobrang bilis mo." Umiling pa siya habang tumatawa.
Padabog akong nag patuloy sa pag lalakad. Patuloy parin siya sa pambi-bwiset at pang aasar niya sa'kin. Kahit na kurutin, higitin ko ang buhok niya o hampasin ay hindi parin siya tumitigil sa pag tawa!
"Oh tama na, tama na... Curious lang ha ano bang nagustuhan mo sa kuya ko?" pag tatanong niya. Napa-isip ako sa tanong niya. Bakit ko nga ba siya gusto?
"Hindi ko alam."
"Huh? Bakit hindi mo alam?"
"I don't have an answer for that, maybe it's the care? I saw how he checked his patients, siguro sa ganon kaya ko siya nagustuhan."
"Eh di dapat nag hanap ka nalang ng yaya, gusto mo pala ng mag aalaga sa'yo." Sinamaan ko lang siya ng tingin at pinag patuloy ang pag lalakad.
"Kuya mo? Anong type niya?"
"Ahh ewan."
"Bakit ewan? Kayong mag kasama sa bahay, diba?"
"Minsan lang naman at saka hindi ko naman dapat alamin ang lahat tungkol sa kan'ya." Bumuntong hininga nalang ako at napaisip. Pa'no kung gusto niya pala yung mga magagandang babae? Yung maalam mag desisiyon ng sarili. Paano na ako? "Pero gusto niya ng doctor," nakangiti niyang saad. Talaga? Gusto niya ng mag do-doctor? Dapat bang mag pursige ako sa pag do-doctor? Pero paano ang pag babalak ko na kumuha ng fine arts course? Hay naku! Migo naman, pinapagulo mo isip ko." Ako naman Avery! tanungin mo ko kung anong type ko dali!"
"Ayoko."
"Sige na Avery dali!"
"Ayoko nga."
"Sige na Avery." Tumigil ako kakalakad at tumingin sa kan'ya.
"Ayoko nga diba? At tsaka Avery ka ng Avery, Ruth nga kase name ko! R-U-T-H ruth." Inirapan ko siya at pinag patuloy ang pag lalakad.
"Ayoko ng Ruth, ang common, kaya Avery nalang! Para kapag may tumawag saiyo niyan malalaman mo agad na si Migo na gwapo yun at tsaka ang cute cute nung name na Avery noh! Ang ganda ganda pero hindi bagay saiyo, bakit kaya pinangalan ng mama mo yan sa'yo noh?"
"Ah talaga? Sa'yo din bagay yung yvo eh."
"Talaga? Dahil ba nakakagwapo?"
Tinaasan ko siya ng isang kilay, ang kapal niya talaga! "Kase parang bagay sa mga bobo yung name na Yvo." Natigilan pa siya sa sinabi ko at inisip ang sinabi ko. Muli nanaman siyang tumawa at inasar ako.
"Grabe ka ng mag isip Avery." Pamalakpak pa siya at manghang mangha sa sinabi ko. "Talino mo Avery, binigyan mo agad ng kahulugan yung pangalan ko." Patuloy lang siya sa pang aasar sa akin hanggang sa mahatid niya ako dito sa labas ng subdivision.
"Dito na ako, salamat sa pag hatid at sa mga ka-bwisitan grabe nadagdagan ang sama ng loob ko Yvo." I gave him a fake smile. Ngumiti naman siya sa'kin, nagagalak sa sinabi ko.
"Huwag kang mag alala Avery, sa sunod dadagdagan ko pa yan kapag nag kita tayo." Ngumiti pa siya sa'kin at hindi naiwasang mag pakawala ng napakalakas na tawa hanggang sa itigil niya ito nang bigla kong hinigit ang buhok niya. "Sige na, ingat ka!" He tapped my shoulder and gently pushed me. Tumalikod na ako at nag simulang mag lakad.
Mabigat ang mga paa ko habang lumalakad patungo sa bahay. Lumakas nanaman ang kabog ng dibdib ko at hindi alam kung anong gagawin. Nagulat ako nang biglang may humila sa palapulsuhan ko kaya naman tumama ang ulo ko sa dibdib niya. Amoy na amoy ko ang pabango niya kaya naman alam na alam ko kung sino na agad ito. Tumingin ako sa kan'ya at unti unti kong naramdaman ang pag init ng aking mga pisngi, alam kong hindi ito dahil sa init ng panahon kundi sa natural na nararamdam ko!
"May naiwan ka." He handed me a small paper bag. May kung anong kuryente ang naramdaman nang mahawakan ko ang kamay niya. Hindi parin pumo-proseso sa utak ko ang mga nangyayari. Hindi maawat ang pag patak ng mga pawis niya sa mga parte ng aking mukha. Nakatingala lang ako sa kaniya at hindi parin bumibitaw, halos mag ka dikit na ang aming mukha at hindi ko matanggal tanggal ang mga mata kong diretshong nakatingin sa mga mata niya. Alam kong malabo ang mata ko, pero ngayon nakikita ko na malinaw ang mga ito habang nakatingin sa kabuuan ng mukha niya. Nakatingin sa lang sa mukha ko hanggang sa dumako ang tingin niya sa labi ko.
Nagulat ako nang may sasakyang pumarada sa harapan namin kaya naman dali dali akong kumawala sa kan'ya. Bumaba siya nang sasakyan at nag pabalik balik ang tingin sa aming dalawa na parang hindi makapaniwala na mag kasama kami.
"Achilles."