Chapter 91 - Chapter 89

"Nakuha ko na ate ang pinupunto mo. Ngunit hindi pa rin maiaalis sa aking isipan ang mga bagay na maaaring magdulot ng hindi inaasahang pangyayari at trahedyang biglang babagsak sa angkan na ito sa hinaharap. Masyadong komplikado na ang lahat ng bagay na naririto." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang nakapaskil pa rin ang halo-halong emosyon sa mukha nito na lamang ang mga negatibong emosyon kaysa positibo.

"Hmmm... Meron ka bang hindi sinasabi sa kwento mo batang Xiaolong?! To think na masyadong plain yung kwento mo sa akin ay hindi ako maaaring magconclude lamang ng kung ano-anong mga bagay. Tama ba ko?!" Sambit ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong. Makikitang naningkit ang mga mata nitong pinagmamasdan ang batang lalaking si Li Xiaolong na ilang dipa lamang ang layo niya rito. Nawala ang matamis nitong ngiti at napalitan ng blangkong ekspresyon sa kaniyang magandang pagmumukha. Sa kaunting panahon lamang ay masasabi niyang may ugali ang batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong ng pagiging malihim o misteryoso. Hinuhuli niya ang maaaring pinupunto ng batang si Li Xiaolong lalo na sa mga sinasabi nito lalo na sa disagreement nito sa kaniyang sariling sinasabi.

Tila natahimik lamang bigla ang batang lalaking si Li Xiaolong at mistulang natuod ito sa kaniyang sariling kinatatayuan ilang dipa lamang ang kaniyang layo nito mula sa magandang babaeng mataman pa ring pinagmamasdan ang batang lalaking si Li Xiaolong.

"Sasabihin ko ba o hindi? Sa tingin ko ay hindi naman siya masamang nilalang at hindi naman niya maipagkakalat ang sikretong meron ako lalo na ang pangyayari noong nakaraang mga buwan lamang na nakalilipas." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang sariling isipan lamang habang tila makikitang nag-aalinlangan pa itong magdesisyon kung sasabihin ba niya o hindi ang mga bagay na alam niya.

Sa huli ay bagsak ang balikat ng batang lalaking si Li Xiaolong nang makapag-isip siya ng mabuti.

"Oo na, sasabihin ko na. Sa mga nagdaang mga buwan ay inatake ng misteryosong mga nilalang na hindi taga-rito sa lugar ng teritoryo ng Sky Flame Kingdom ang buong Green Valley na nagresulta ng pagkamatay ng halos lahat ng mga Clan Chief ng mga karatig-angkan namin." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang tila napakagat-labi pa ito. Masasabi niyang ayaw niyang ipagsabi ang bagay na ito dahil wala naman siyang maaaring pagsabihan nito.

Pagsabihan niya ang mga magulang niya sa insidenteng ito? Hindi maaari sapagkat baka magdesisyon ang mga itong magcultivate at magsanay ng maigi na magreresulta ng pagpilit nilang magbreakthrough which is a very dangerous act para sa kanilang pag-unlad.

"Hmmm... Mayroong involved na hindi taga-rito sa teritoryo ng Sky Flame Kingdom? Kung gayon ay nasa ibang kaharian pala ang mga ito nabibilang. Tsaka namatay ang mga Clan Chief? Ibig sabihin lamang nito ay malakas pala ang kalaban nila, hindi maipagkakaila iyon lalo na sa ekspresyon ng mukha mo." Sambit ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong na tila inaanalisa ang mga bagay-bagay na sinabi ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong.

"Oo ngunit wala akong ebidensyang pinanghahawakan na maaaring magturo kung sino ang totoong salarin at motibo ng mga nilalang sa likod ng mga ito. Masyado namang nakakatawa at istupido kung gagawa ako ng hakbang na ikakapahamak ko laban sa mismong kaharian ng Sky Flame Kingdom na hindi ko pa sukat alam ang totoong pwersang maaaring magawa ng mga ito." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikita ang kalituhan sa pagmumukha nito. Masasabing blangko pa rin at walang pag-usad ang kaniyang sariling imbestigasyon sa nasabing insidente.

"Naiintindihan ko ang iyong punto. Pero matanong ko nga batang Li Xiaolong. Buhay pa ba ang Clan Chief niyo ng angkan ng mga Li? Dahil kung hindi ay malamang sa malamang ay mas lalong hihina ang pwersang meron ang Li Clan dahil sa pagkamatay ng sariling pinuno o ugat nito." Makahulugang Sambit ng magandang babaeng nasa harapan ng batang si Li Xiaolong na sa anyong patanong. Makikitang tila maging ang magandang babaeng ito ay nagtataka sa maaaring naging pangyayari noon na tinutukoy ng batang si Li Xiaolong.

"Sa kabutihang palad ay ligtas ang Clan Chief. Hindi na sana ako sasali ngunit inatake ako ng kakaibang nilalang na iyon na mayroong pambihirang kakayahan." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang tila hindi ito mapakali sa kaniyang sinasabing ito. Tila bumalik sa kaniyang sariling isipan ang klarong detalye na iyon. Mababakas din rito ang konting pagnginig ng boses nito habang nagsasabi ito.

"Kung hindi ako nagkakamali sa iyong sinabi ay nilabanan mo ang nilalang na iyon na may pambihirang kakayahan? Like Seriously?!" Tila napasinghap naman ang magandang babaeng nasa harapan ng batang si Li Xiaolong nang makikita rito ang naglalakihang mga mata. Masasabing sa paraan ng pagkwento ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong ay mababakas niya rito ang labis na nadarama nito sa karanasan nito.

"Inaamin kong Oo. Isang insidenteng ito kung saan ay nakapatay ako ng hindi ko sinasadya. Inatake niya ako tapos pinrotektahan ko lang ang aking sarili laban rito." Kwento ng batang lalaking si Li Xiaolong habang mababakas na tila pumiyok pa ito sa huling pangungusap na sinambit nito. Tila ba bakas ang konsensya at pagsisisi sa ginawa nito.

Tila napalitan naman ng matinding awa at habag ang naramdaman ng magandang babaeng nagngangalang Li Xiaolong. Yung tipong hindi niya aakalaing sa edad nitong anim ay nakapatay na ito ng isang nilalang na maituturing na buhay at may sariling kaisipan. Hindi naman siya tanga upang sabihing isang hayop ito o nilalang na walang sariling pag-iisip bagkus ay kapwa nito kauring tao na may pambihirang abilidad.

"Kung ano mang bagay na dinadala mo bata ay sana ay malampasan mo iyan. Alam kong sa sarili kong naniniwala ako sa iyong sinasabi. Sa kwento mong ito ay masasabi kong nagdulot ito ng malaking trauma sa iyo at labis na pangamba sa maaaring konektado ito sa mismong sinasabi mong sigalot ng kahariang kinabibilangan ng teritoryo ng Li Clan, tama ba ako?!" Seryosong sambit ng magandang babaeng nasa harapan mismo ng batang lalaking si Li Xiaolong. Mayroong kung anong namumuong ideya sa kaisipan nito.