Chapter 87 - Chapter 85

Pabor?! May isa lang naman akong pabor na gustong malaman. Lahat ng mga nalalaman ko ay siguradong magiging kapaki-pakinabang sa iyo. So, Totoo ba na nasa Year E04ZB na tayo ngayon?!" Sambit ng magandang babaeng tila bakas ang labis na kalituhan sa kaniyang pagmumukha. Yung tipong hindi siya yung nararapat na nasa taong ito. Makikitang malumanay na ang tono ng pananalita nito.

"Aba Oo naman. Hayaan mo at ipapasyal kita sa mga lugar namin sa Li Clan." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita ang saya sa mukha nito.

Namangha at mavabakas ang saya sa mukha ng magandang babaeng nang bigla namang may naalala ito at gumuhit naman ang lungkot sa mukha nito.

"Isa akong tagapangalaga ng lugar na ito. Nag-eexist ako sa mundong ito pero sa labas? Hindi dahil wala akong kakayahang makalabas o maging isang nilalang sa pambihirang lugar na ito. Kung wala ang espesyal na lugar na ito ay wala rin ako.

Bahagya namang nalungkot ang batang si Li Xiaolong. Makikitang tila napakalungkot naman ito sa part ng magandang babaeng narirrito.

"Huh?! Ganon ba, pano yan? Wala akong maaaring maging ebidensya na totoo ang aking sinasabi. Baka sabihin niyo po na niloloko ko kayo." Magalang na sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong. Makikitang ayaw niyang inisin pa ang magandang babaeng nasa harapan niya.

"Hahaha... Hindi naman siguro ganon kahina ang lugar na ito at wala silang mga Soul Scrolls at mga inscriptions patungkol sa apat na kaharian at ng siansabi mong lungsod ng Dou City hindi ba?" Sambit ng magandang babaeng habang pagak pa itong napatawa.

"Ah eh meron kaso lang ay napakamahal ng mga ganong klaseng mga bagay lalo na ang mga inscriptions. Ewan ko ba, limitado lang kasi ang mga low level inscriptionist dito at wala akong kilalang mga nilalang na mataas ang antas sa inscriptions. " Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang tila napangiwi pa ito sa kaniyang sinasabi. Ang totoo niyan ay close to none nga ang maaaring sabihin niya sa mga Inscriptionist kahit low level lamang. Kung may mga libro sigurong nagawa ay malamang ay mahihirapan siyang maghanap. Isa pa ay ano nga ba ang Inscriptionist sa apat na kaharian at sa Dou City? Karamihan ay low level Inscriptionist lamang at hindi nagkakaroon ng progress buong buhay nila kaya ang iba ay takot na tahakin ang daan ng pagkatuto sa pag-Inscript ng mga letra gamit ang kanilang enerhiya. Ang pag-Inscript kasi ay hindi lamang simpleng bagay kundi nangangailangan ito ng ibayong pag-iingat at pagkatuto kung paano mo iba-balance out ang essence energy mo at kung paano mo icocombine ito sa iyong sariling puso't isipan. This kind of profession can be said to remold or reforge your own soul into a strong one.

"Hahaha... Sabagay, sa iyong pagsasalita ay alam kong mahihirapan kang makahanap. Kahit ang mga Cultivation Manuals siguro ay mahihirapan kang makahanap, ano pa kaya ang mga soul scrolls at mga libro." Sambit ng magandang babae habang makikitang tila alam niyang mahihirapan ang batang lalaking ito ns nagngangalang Li Xiaolong.

Napakamot na lamang ang batang si Li Xiaolong sa kaniyang batok lalo pa't siguro ay makikita sa kaniyang pagmumukha na mahihirapan siyang makakuha ng kahit na isang piraso ng inscription books. Siguradong mahihirapan siya.

"Kalimutan mo na lamang iyon bata. Naniniwala naman ako sayo. Ang totoo niyang ay sampong taon na kong nagising at nagkaroon ng kamalayan rito. Maging ang pagkakaroon ko ng ganitong anyo na hindi naman totoo ay masasabi kong matagal na nga masyado ang aking pamamalagi rito. Kailangan kong alamin ang kalagayan at nangyari sa Tang Empire." Seryosong sambit ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong. Makikitang labis na pag-aalala ang makikita sa mukha nito. Tika ba mayroon siyang hindi alam sa nakalipas na halos dalawang bilyong taong pagkakatulog mula sa mga panahong nakalipas na.

"Kung ganon ay interasado ka sa kalagayan ng Tang Empire?!" Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang tila hinuhulaan nito ang nais iparating ng magandang babaeng walang pangalan sa kaniyang harapan.

Tila nagulat naman ang magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong. Yung tipong mababakas ang saya at halo-halong mga emosyon na biglang gumuhit sa mukha nito.

"O-OO, Hindi ko makakalimutan ang pinagmulan ng pambihirang bagay na ito. Hindi ko alam ngunit mayroong kung ano sa puso kong dapat kong alamin ang mga bagay na pinagmulan nito. Kung paano ako naririto at nagkaroon ng buhay." Tila mababakas ang pagkislap ng mata ng magandang babaeng nasa harapan ng batang si Li Xiaolong. Ramdam ng batang si Li Xiaolong ang determinasyong nagmumula sa tono ng pananalita ng magandang babaeng walang pangalam pa hanggang ngayon.

"Kung ganun ay maaaring magtulungan tayo. Hindi naman ako tumatanggap ng libre at walang libre sa mundong ito. Kung tumanggap ako ng libre at walang pagsisikap o paghihirap ay ako rin ang babalikan ng Great Karma. Ayoko namang maparusahan sa aking kapalaluan." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa magandang babaeng nasa kaniyang harapan na ilang dipa lamang ang layo nito sa kaniya.

"Hahaha... Mabuti naman at mayroon kang paninindigan bata. Tiyak sa pagiging mature at practical mong pag-iisip o mindset ay siguradong hindi magtatagal ay mararating mo rin ang mha hinahangad mong bagay sa mundong ito lalo na ang maging malakas na eksperto sa hinarap." Seryosont sambit ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong. Makikitang hindi ito naiinis ay bagkus ay humanga siya sa ganitong klaseng pag-iisip na meron ang batang lalaking si Li Xiaolong. Bihira lamang kasing makakita ng ganitong klaseng mag-isip na batang martial artists.

"Siyempre, namulat ako sa mahirap na pamumuhay na salat sa materyal na bagay ngunit magkagayon man ay mayroon akong mapagkalingang pamilya na binusog ako sa pagmamahal." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang bakas ang pagmamalaki nito sa kaniyang sariling pamilya. Masasabing kahit kapos sila sa pangangailangan ay hindi naman soya tinuruan ng kaniyang mga magulang na magnakaw ng mga bagay na hindi kaniya at iba pang mga illegal na gawain. Prinsipyo at dignidad nila ay pinahahalagahan nila dahil ito lang ang meron sila na hindi matutumbasan ng anumang bagay sa mundong ito.

....