Chapter 84 - Chapter 82

Agad na nabura ang tumatawang at ang maaliwalas na mukha ng magandang babaeng nakalutang sa ere. Yung tipong nawala bigla ang masayang awra nito at napalitan ng animo'y seryosong pagmumukha.

"Huh?! Hindi ko maintindihan ang iyong sinasabi batang paslit. Ano'ng klase iyang pinagsasabi mo? Sa pagkakaalala ko ay masayang pagkakataon ito para sa akin. Paanong?!" Nalilitong saad ng magandang babaeng nakalutang sa ere na hindi pa rin alam kung ano ang pagkakakilanlan nito.

"Masayang pagkakataon?! Nasa Era of the Warrior Year E04ZB na tayo ngayon. Anong sinasabi mong Tang Empire ka diyan.

"Huh? E04ZB? Eh sa pagkakaalam ko ay nasa E02ZB pala ako. Ibig sabihin ay dalawang bilyon taon akong natulog?" Halos gulat na gulat na sambit ng magandang dalagang babaeng nakalutang sa ere. Yung tipong bumakas ang lungkot sa tono ng pananalita nito.

Nabigla ang batang lalaking si Li Xiaolong sa pinagsasabi ng magandang babaeng nakalutang sa ere na hindi pa alam ang pagkakakilanlan.

Ine-expect ng magandang babaeng nakalutang sa ere na makiki-simpatiya sa kaniya ang batang lalaking nasa kaniyang harapan ngunit ang sumunod na pangyayari ang bigla na lamang nangyari.

"Hahahahahahahahahaha... Nakakatawa ka. Dalawang bilyon? Nagpapatawa ka ba, sinong niloko mo hahaha..." Humahagalpak sa tawa ang batang si Li Xiaolong sa kaniyang narinig mula sa magandang babaeng nakalutang sa ere

Walang pagbabago sa mukha ng magandang babaeng nakalutang pa rin sa ere habang nakatingin sa batang lalaking si Li Xiaolong. Yung tipong walang katiting na pagkatawa sa sinabi nito bagkus ay puno ng kaseryosohan.

"Do you think nakakatawa ang nangyari sa akin ha?! Dalawang bilyon akong natulog tapos ganyan pa ang reaksyon mo?!" Pagmamaktol ng magandang babae habang unti-unti itong tumapak sa lupa.

Tila natigil naman ang batang lalaking si Li Xiaolong at mabilis na nagwika.

"Ahemmm.... Pasensya ka na Binibini, masyado namang nakakatawa ang iyong sinasabi sa totoo lang. Do you think paniniwalaan ka ng sinuman kung sasabihin mong natulog ka sa loob ng dalawang bilyong taon?! Edi sorry." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang napakamot pa ito sa kaniyang batok. Natural lamang sa kaniya na tumawa. Hindi pa kailanman siya nakarinig ng tao o mga nilalang na kayang matulog ng dalawang bilyong taon. Sino ba naman kasi ang maniniwala hindi ba. Sa edad niyong anim ay wala pa siyang nakikilalang ganito ang klase ng pagtulog. Grabe naman kasing pagtulog ito, dalawang bilyon talaga?! May ganon?!

Tila nakonsensya naman ang magandang babaeng nasa lupa na ngayon na dalawang metro lamang ang layo nito mula sa batang lalaking si Li Xiaolong.

"Hmmm... May punto ka nga bata. Masyadong exaggerated ang dalawang bilyong taon ngunit naging posible iyon sa lugar na ito. Nakakamanghang isipin ngunit wala akong kakayahan sa kung ano kapambihira ang lugar na ito." Pagtatapat ng magandang babae. Hindi naman siya threatened sa isang Xiantian Realm Expert na katulad ng batang lalaking nasa kaniyang harapan ilang metro lamang ang agwat sa kaniyang kinaroroonan.

"Huh? Ang lugar na ito? Napakaboring naman dito. Napakaliit naman ng lugar na ito at walang pwedeng kainin dito ng ilang milyonh taon o bilyong taon. NgYong gising ka na baka mamamatay ka dito ng dilat ang mata mo" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita ang labis na pagtataka.

"Napakaliit? Sigurado ka ba sa sinasabi mo baka magsisi ka sa sinasabi mo. At paano naman ako magugutom eh wala naman akong sariling katawan hahaha..." Sambit ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong habang natatawa pa ito sa huli.

"Hahaha... So malaki pala ang lugar na ito. Nakakamangha palang hindi ka nagugutom dito dahil wala kang sariling katawan hahaha..." Natatawang sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang natatawa ito.

Maya-maya pa ay napatigil siya sa pagkakatawa ng mapagtanto nito ang kaniyang sinasabi sa huli na siyang sinabi kanina ng magandang babaeng nasa harapan niya ngayon.

"Teka lang--- tama ba ang narinig kong wala kang katawan?! So ibig sabihin nito ay isa kang multo?! WAHHHHHH!!!!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang mabilis itong kumaripas ng takbo palayo sa magandang babaeng nasa harapan niya.

Yung tipong mukha siyang tanga at nabighani sa ganda ng magandang babaeng nasa kaniyang harapan at nakikipag-usap pala siya sa multong ito ay isang nakakatakot na pangyayari sa buhay njya. Yung akala niyang mapapadpad lamang siya rito ay isa ng napakalaking bangungot meron pa palang mas malala at ito ay ang harapang makausap ang isang kaluluwa.

"Tss... Hoy batang bubwit hindi ako multo noh. Anong sinasabi mong multo. In the first place ay hindi ako tao at never akong namatay, bubwit na to haha!" Malakas na sambit ng magandang babaeng hindi pa alam ang pagkakakilanlan nito sa papalayong batang lalaking si Li Xiaolong. Natawa na lamang ito ng pagak sa huling pangungusap nito lalo pa't hindi niya aakalaing napakaliksi pala ng batang lalaking tao na iyon. Literal na kumaripas ito ng takbo.

"Bleehhhh! Ako pa lolokohin mo, mukha ba kong uto-uto ha?! Isa kang multong nagising mula sa pagkakatulog!" Matigas na turan ng batang si Li Xiaolong na pilit na lumalayo ang distansya nito sa babaeng nakalutang sa ere kanina. Kaya pala nakalutang ito ag dahil in the first place ay multo talaga ito.

"Hay nakong bata ka. Napakaignorante mo talaga. Kung multo ako edi sana kinain na kita o hinigop ko na yang kaluluwa mo. Natakot ka pa sakin eh multo ka rin naman loob ng lugar na ito." Sambit ng magandang babaeng hindi pa rin alam ang pagkakakilanlan nito.

Natatawa siyang isipin kung gaano ka-ignorante ang batang lalaking paslit na ito. Natakot pa siya sa multo eh ang literal na multo rito ay siya rin.

Napatigil naman ang batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang paglayo pa sana.

"Ano'ng sabi mo? Ako ay isang multo? Nagpapatawa ka ba huh?!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang hindi pa rjn siya naniniwala rito.

"Sige nga, kung di ka multo edi tingnan mong maigi ang paa mo nang maniwala ka sa akin hehe..." Malakas na pagkakasabi habang nakatinging asong sambit ng magandang babaeng hindi pa rin ang pagkakakilanlan nito.

"Hindi ako naniniwala sa'yong multo ka. Ako multo? Mukha ba kong patay na? Eh komple---- AHHHHHHHHH!!!!!!!!!" Confident na sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang tinatanaw ang direksyon ng magandang babaeng inaakala niyang multo. Nang tingnan nito ang kaniyang sariling paa ay doon nga siya nagulat at nahintatakutan. Hindi lang pala ang tila hindi niya nakikita pati pala ang bandang tuhod niya ay wala siyang makita. Kaya nagsusumigaw siya sa labis na pagkagulat sa pangyayaring ito.

Kung sino pala ang dapat katakutan ay siya pa yung tumatakas. Nanlalaki ang pares ng mata ng batang lalaking si Li Xiaolong dahil sa pangyayaring ito. Kung sino ang mukhang multo sa kaniya ay siya pala. Ngunit ramdam niya namang kompleto ang kaniyang buong katawan, paanong nangyari ito?! Litong-lito siya...