Chapter 78 - Chapter 76

Kahit masakit man isipin ay tuluyan na ngang lumisan at nilisan ng nagsasalitang quoll na si Fai ang nasabing teritoryo ng Li Clan.

Mabilis na bumalik ang batang si Li Xiaolong sa kanilang munting tahanan habang bagsak ang balikat nitong tinahak ang daan pauwi.

...

Parang naging normal pa rin ang takbo ng buhay at pamumuhay ng mga mamamayan o miyembro ng Li Clan kung saan ay makikitang maging ang pamilya ng batang lalaking si Li Xiaolong ay ganoon pa rin.

Hindi namamalayan ng batang si Li Xiaolong na limang araw muli ang lumipas habang patuloy pa rin itong nagcu-cultivate kasama palagi ang kaniyang amang si Li Qide at ang ina nitong si Li Wenren...

"Itay, pwede niyo po ba akong turuan kung paano itago ang aking sariling Cultivation Level?" Sambit ng Batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang tila gustong-gusto nitong malaman kung paano.

Agad namang napatingin ang babaeng si Li Wenren sa kaniyang anak dahil sa tinuran nito.

"Oo nga Li Qide, turuan mo ang anak mo nang sa gayon ay maitago niya ang kaniyang sariling Cultivation. Pansin kong medyo lumalabas paminsan-minsan ang energy fluctuations sa kaniyang sariling katawan." Sambit ng babaeng si Li Wenren na ina ng batang si Li Xiaolong sa kanjyang asawang si Li Qide.

"O siya, siya, ano pa ba ang magagawa ko eh sumang-ayon na rin ang iyong ina. Ipapasa ko na ang orihinal na scroll na pinakainiingatan ng pamilya natin Xiao² at sana ay pakaingatan mo ring wag itong mawala mula sa iyo. Kaunti lamang ang nalaman at natutunan namin ng iyong ina rito kaya useless rin kung hindi namin ito ipapasa sa iyo hehe..." Seroyong sambit ng lalaking si Li Qide na siyang ama ng batang si Li Xiaolong habang sinasabi nito na may kasama pang paalala sa anak nitong si Li Xiaolong.

Walang alinlangang napatango na lamang ang batang si Li Xiaolong sa sinabi ng kaniyang sariling amang si Li Qide. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi nito lalo pa't hindi niya pa naman hawak ang nasabing scroll.

"Opo itay, ipinapangako kong pakaiingatan ko ito laban sa gustong kumuha nito." Seryosong sambit naman ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang ama habang nakaharap o nakatingin siya rito.

Mabilis namang nagsagawa ng hand technique ang ama niyang si Li Qide habang mabilis nitong inobserbahan ang pangyayaring ito.

Mula sa ulo noo ng kaniyang sariling ama ay mabilis na nakita ng batang si Li Xiaolong ang paglabas ng nasabing isang scroll. Makikitang hindi nito mapigilang mamangha sa kaniyang nasaksihan.

Isang umiilaw na kulay kayumangging scroll ang lumabas sa noo ng kaniyang sariling amanh si Li Qide at mabilis itong lumitaw sa ere.

Tila ba inoobserbahan itong maigi ng batang si Li Xiaolong. Dahil sa tila namamangha siya rito ay mabilis siyang nagwika sa kaniyang amang si Li Qide.

"Ama, akong klaseng scroll ito? Bakit parang pakiramdam ko ay hindi ito normal na scroll lamang." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang tinitingnan niya pa rin ito ng maigi.

"Hahahaha... Isa lamang ito sa naging pamana ng iyong lolo sa akin anak. Naging family heirloom na natin ito. Aware ka naman siguro na nabuo lamang ang Li Clan noon dahil sa iba't-ibang mga miyembro ang sumapi rito. Matagal na tayong maririto at masasabi kong ang family heirloom na ito ay sinabi niyang nakuha lamang ito ng kanunu-nunuan natin sa isang Ancient Ruins. Pinasa-pasa na ito mula sa iba't-ibang henerasyon sa atin ngunit hanggang ngayon ay halos wala pa ring nakakatuklas nito. Siguro ay may mali rito o kaya ay isa itong sirang scroll kaya maging ako ay hindi matuklasan ang hiwaga ng scroll na ito. Ang tanging natuklasan lamang nila mula rito ay mayroong Cultivation technique rito na makakapagtago ng iyong Cultivation Level at ginagawang pawang normal o ordinaryong nilalang ka lamang. Ngunit mayroon kang kontrol rito kung hanggang saan lamang ang iyong Cultivation Level o hindi. Yun lamang ang alam ko, liban dito ay wala na." Sambit ng kaniyang sariling amang si Qide habang makikitang tila medyo dismayado ito sa nasabing scroll na ito.

"Hahaha... Gusto ko lang naman malaman itay Kung maaari mo kong turuan kung paano itago ang aking sariling Cultivation Level. Hindi ko hinihingi na ibigay niyo sa akin." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang tila may lungkot sa tono ng pananalita nito.

Napansin naman ito ng lalaking si Li Qide nang sinabi ito ng kaniyang sariling anak.

"Ano ka ba anak ko. Hindi ko kailangan ito o ng iyong ina dahil wala na rin naman itong silbi sa amin lalo pa't hindi namin natuklasan ang hiwagang nakabalot rito. Mas mabuting ipasa ko ito kaysa itapon na lamang kung ayaw mong tanggapin." Sambit ng lalaking si Li Qide na sitang ama ng batang si Li Xiaolong.

Hindi nakatakas sa pandinig ng batang si Li Xiaolong ang sinabi ng kaniyang sariling amang si Li Qide.

Abilis siyang pumikit at mabilis nitong in-absorb sa pamamgitan ng kaniyang noo katulad sa kung oaano ito ilabas ng kaniyang sariling ama. Isa pa ay mayroon siyang isang librong pinag-aaralan at hindi na siya ganoon ka-ignorante sa bagay na ito.

"Oo na itay, tinangap at tinago ko na kaysa itapon niyo pa to kung saan-saan. Regardless kung sira man ito o hindi, iingatan ko po ito kasi isa ito sa pamana ng ninuno niyo o natin. Sisiguraduhin kong kapag may matuklasan ako ay sasabihin ko kaagad sa inyo itoy at inay." Masayang sambit ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang itay at sa kaniyang inay na tahimik lamang na nakikinig sa kanilang usapan mag-ama.

"Wag mong problemahin iyon anak. Ang importante ay mapasa namin ito sa iyo. Kung may matuklasan ka man o wala ay wala na kaming pakialam roon. Ipasa mo na lamang ito sa susunod na bibigyan o tangapangalaga nito." Malumanay na sambit ng kaniyang sariling inang si Li Wenren habang nakatingin ito sa sariling anak nitong si Li Xiaolong.

"Oo ma, tutuparin ko ang iyong sinabi kung dumating man ang araw na iyon." Seryosong sambit ng batang si Li Xiaolong hanang makikita ang labis na kasiyahan sa sinabi ng kaniyang sariling inang si Li Wenren.

"Mabuti yun anak. Kung makapamilya ka balang araw ay ipapamana mo iyon sa marami mong asawa at mga------!'" Nakangising sambit ng lalaking si Li Qide sa kaniyang sariling anak na si Li Xiaolong ngunit agad na naputol ang sasabihin niya ng bigla niyang naramdaman ang paghila ng kaliwang tenga nito.

"Aray, masakit... Wag mo namang hilahin ang tenga ko asawa ko!" Sambit ng lalaking si Li Qide habang dumadaing ito sa sakit mula sa kaniyang tengang hila-hila pa rin ng kaniyang sariling asawang si Li Wenren.

"Tigil-tigilan mo ako diyan Li Qide, kung ano-ano na yang pinagsasabi mo sa anak natin. Wag mong turuan ng kabulastugan mo!" Sambit ng babaeng si Li Wenren habang makikitang tila hindi ito sang-ayon sa sinasabi ng kaniyang sariling asawang si Li Qide.

"At ikaw Xiao², wag kang makinig sa ama mo baka gawin mo ang sinasabi niya. Bata ka pa at tuparin mo ang pangarap mo hindi yung gagaya ka sa amin ng ama mong ganito lamang ang buhay na kayang ibigay sa inyo ng kapatid mo." Sambit ng babaeng si Li Wenren na ina ng batang si Li Xiaolong. Mabilis nitong nabitawan ang tenga ng asawa niya.

"Opo inay, wag niyo na pong isipin iyon. Pinapangako kong iaahon ko kayo sa kahirapan ng buhay na ito at magiging malakas na indibiduwal tayo nina itay at ng kapatid ko hehe..." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang may ngiti sa kaniyang mga labi.

"Mabuti naman anak kong gayon. Ayokong maapi ka o makaranas ng pang-aabuso. Tuparin mo ang pangarap mo para sa sarili. Okay lang kami ng iyong itay. Ang inaalala lamang namin ay ikaw." Malumanay na sambit ni Li Wenren habang nakstingin sa kabiyang sariling anak.

"Opo Inay..." Sambit ng batang si Li Xiaolong sa sinabi ng kaniyang ina. Hindi na kailangang sabihin ito ng kaniyang ina dahil alam niyang mahirap talaga ang buhay at pamumuhay nila rito.

Magkagayon man ang nangyari sa araw na ito ay naging maganda naman ang takbo ng araw na ito sa pamilya ng batang si Li Xiaolong.

...