Chapter 74 - Chapter 72

"Sorry naman asawa ko. Hindi ko lang aakalaing ang anak nating si Xiao² ay isa ng ganap na Xiantian Realm Expert. Kahit sinumang magulang ay magiging proud sa anak niyang tumapak na sa Xiantian Realm Expert sa murang edad pa lamang nito." Masayang sambit ng lalaking si Li Qide sa kaniyang sariling asawa na si Li Wenren habang mababakas na sobrang proud siya sa nakamit ng kaniyang anak. Hininaan niya na ang boses nito upang hindi na ganon kalakas ang kaniyang sinasabi kanina.

Napatahimik naman ang batang si Li Xiaolong habang ang kaniyang ina ay napasimangot naman ito sa tinuran ng kaniyang sariling asawang si Li Qide.

"Hoy Li Qide. Tama naman ang sinabi mo pero masyado mo namang ini-exaggerate ang sinasabi mo, Magtigil-tigil ka nga. Given na Xiantian Realm Expert na ang ating anak na si Xiao² ngunit hindi naman maaaring baliwalain na maraming problema ang kakaharapin ng ating anak lalo pa't hindi siya nakapasok sa Kaharian ng Sky Flame Kingdom o ng iba pang kaharian, do you think na magiging madali ang buhay ng ating anak sa kasalukuyan?" Tila pagalit na sambit ng babaeng si Li Wenren sa kaniyang sariling asawa na si Li Qide lalo pa't hindi maaaring baliwalain ang nakaambang problema na kakambal nito ang mga panganib na maaaring maging sanhi ng malaking problema nito.

Napayuko na lamang si Li Qide sa kaniyang tinuran at hindi nito matingnan ng diretso sa mata ang kaniyang sariling asawang si Li Wenren at ang kanilang sariling anak na si Li Xiaolong dahil sa inasal nito.

Nagkaroon ng nakakabinging katahimikan na siya namang nabasag nang magsalitang muli ang batang si Li Xiaolong.

"Huwag niyo ng problemahin iyon inay at huwag mong sisihin si itay. Masyado ngang komplekado ang sitwasyon ko. Ang hinihingi ko lang ay itago niyo muna ang aking sinabi sa iyo. Malaking problema po ito kapag nalaman ng marami. Ilan lamang ba ako sa mga batang henerasyon na ito na isang Xiantian Realm Expert? Siguradong maghihinala ang mga malalaking angkan at mga pwersa upang bisitahin at kumbinsihin akong sa kanila pumanig. Walang kataousang argumento at pagtanggi ang gagawin ko na baka magresulta pa ng malaking delubyo sa pamilya natin lalo na sa angkan ng Li Clan. Sinabi ko ito sa inyo ngayon dahil gusto kong sa akin mismo manggaling ang lahat at hindi sa ibang mga tao o nilalang na maaaring magsabi sa inyo. Mahalaga kayo sa akin at sana ay kayo rin ay ganoon rin sa akin. Mauna na po ako ina" Magalang na sambit ng batang si Li Xiaolong habang mababakas ang kaseryosohan sa paraan ng tono ng pananalita nito. Mabilis na ring pumasok sa loob ng maliit ng silid ang batang si Li Xiaolong dahil tapos na rin ang kaniyang dapat sabihin o ipaalam sa kaniyang mga magulang. Gusto niyang ilaan ang mga oras na ito para sa pag-iisip ng kaniyang mga magulang at maabsorb nila ang lahat ng mga bagay na ipinaalam niya sa mga ito.

Nang mawala sa paningin ng ina ng batang si Li Xiaolong na si Li Wenren ay makikita ang habag at lungkot sa pagmumukha nito.

Tiningnan niya ang kaniyang sariling asawa na si Li Qide sa kaniyang gilid. Malakas at mabilis na natampal niya ito ng wala sa oras.

PAKKKKKKKK!!!!!!

"Aray ko po! Ang sakit naman ng ginawa mo asawa ko!" Sambit ng lalaking si Li Qide habang makikitang tila nasaktan nga ito ng lubusan dahil sa ginawa ng kaniyang tila amasonang asawang si Li Wenren.

"Kulang pa yan Li Qide. Nanggigigil ako sa'yo. Paano mo nasabi ang bagay na iyon ha? Gusto mo bang mapalayo ang ating anak sa atin o hindi natin siya makita pa dahil sa sinasabi mo kanina lang. Kung ako yung anak mo ay baka binugbog na kita!" Tila galit na galit na sambit ng babaeng si Li Wenren habang nanlilisik ang mata nitong nakatingin sa kaniyang sariling asawang si Li Qide.

"Wala namang mali sa sinabi ko asawa ko. Nagsasabi ako ng totoo. Malaki ang potensyal ng anak natin upang maging malakas na Cultivator o martial arts expert sa hinaharap. Hindi mo ba yun naiisip?!" Sambit ng lalaking si Li Qide habang bakas pa ang kagalakan sa pares ng mga mata nito.

"Hoy Li Qide. Sabihin mong malaki ang posibilidad na maging malakas o napakalakas ng anak natin sa hinaharap ngunit sa kinakaharap nating suliranin ngayon maging ang pamumuhay nating masahol pa sa daga ay isinasaalang-alang mo ba ang kalagayan ko, ng kalagayan mk at ng Li Clan? Ano lang ba tayo sa mata ng ibang tao o mga nilalang? Kayang-kaya nilang kunin ang anak natin mapalihim man na pagkuha o lantarang pagkuha sa anak natin ay wala tayong magagawa. Naiisip mo ba yun? Isa pang rason at makakatikim ka ulit sakin!" Tila bakas sa mukha ng babaeng si Li Wenren ang magkahalong inis at galit na nararamdaman niya sa kaniyang asawang si Li Qide sa kasalukuyan. Ang mga sinasabi kasi nito ay tila napakababaw lamang. Mabuti sana kung mayaman sila at mayroong malakas na angkang kinakapitan sa kasalukuyan pero ang lahat ng ito ay wala dahil sa mata niya at ng ibang mga nilalang ay isa lamang sila sa mga maliliit na insektong maaaring mapaslang o mawasak ang buong angkan nito.

Kapag kasi nakarating ito sa tenga ng ibang mga nilalang at nabalitaan ito ng halos lahat ay wala silang magagawa kahit anong pagpipigil o paglaban ng mga ito sa mga gustong kuhanin ang kanilang sariling anak na si Li Xiaolong ay wala silang magagawa dahil wala silang katangian o lakas na makakapagpigil sa mga ito kung gumulo ang sitwasyon na siyang kinatatakutang mangyari ng babaeng si Li Wenren. Sino ba naman kasi ang hahayaang mangyari na mapahamak ang kaniyang sariling anak mula sa kamay ng mga masasama at halang ang kaluluwa ng mga nilalang na maaaring magbatid ng ibayong panganib sa kaniyang sariling anak hindi ba? Kaya ganon na lamang ang kaniyang naging reaksyon sa sinabi ng kaniyang sariling asawa.

Napayuko ns lamang ang lalaking si Li Qide dahil sa isnabi ng kaniyang sariling asawa. Inaamin niyang may punto ito sa kaniyang sinasabi at pilit pang inaabsorb ang lahat dahil baka nabugla lamang siya sa kaniyang nalamang rebelasyon mula sa kaniyang sariling anak.

...