Chapter 71 - Chapter 69

Huh? Totoo ba ang nakikita ko anak? Bakit napakaraming Blood Gem Crystals naman ito?" Gulat na gulat na sambit ng ama ng batang si Li Xiaolong na si Li Qide. Masyadong napakaraming mga Blood Gem Crystals na nasa harapan nila. Sa dami nito ay halos malula siya at kinusot-kusot pa ng dalawang kamay niya ang mga pares ng mata nito at paulit-ulit nitong tiningnan ang nakalapag sa isang pahabang mesa nila. Makikita ang mangha sa tono ng boses ng pananalita nito.

Ito lamang ang nasabi ng lalaking si Li Qide matapos nitong makita ang inilahad ng kaniyang panganay na batang anak matapos nitong umuwi sa kanilang bahay na halos maggagabi na nang makauwi ito.

Akmang hahawakan ng lalaking si Li Qide ang mga nakikita niyang mga piraso ng Blood Gem Crystals ay mabilis niyang naramdaman ang kamay ng kaniyang asawang si Li Wenren.

PAAAHHHHHHH!!!!!!

"Aray ko naman asawa ko! Masyado kang mapanakit ha, hahawakan at susuriin ko pa ang mga Blood Gem Crystals na ito eh." Sambit muli ng lalaking si Li Qide ngunit nakatingin ito sa kaniyang sariling asawa na si Li Wenren habang hinihilot ang kamay nitong tinampal ng kaniyang sariling asawang si Li Wenren.

"Gusto mong pingutin ko yang tenga mo ha? Nang makakita ka lang ng pambihirang kayamanan ay tila umiba na ang ihip ng hangin sa paligid mo!" Sambit ng babaeng si Li Wenren na siyang ina ng batang si Li Xiaolong. Masyadong kumuslap ang mata ng kaniyang sariling asawang si Li Qide sa kayamanang ito na hindi niya nagustuhan.

Mabilis na lumipat ang tingin nito sa kaniyang sariling anak na panganay na si Li Xiaolong. Mariin niya itong hinarap at tiningnang mabuti bago ito magsalitang muli.

"At ikaw Xiao², saan mo ba nakita ang pambihirang bagay este pambihirang kayamanan itong dinala mo sa bahay na ito? Ninakaw mo ba ito mula sa ibang mga martial artists? Sinasabi ko sa'yo Xiao², ibalik mo ito bago ka pa hulihin ng sinumang kinuhaan mo ng pambihirang bagay na ito!" Sambit ng babaeng si Li Wenren an siyang ina ng batang si Li Xiaolong habang makikitaan ng pagtataka at pagkabahala sa tono ng boses nito. Masasabi niyang imposible namang nakital manag ito ng kaniyang anak sa tabi-tabi. Hindi naman siya mangmang dahil ang mga Blood Gem Crystals ay minimina sa ilalim ng lupa at hindi Basta-basta lamang na makikita sa kung saan-saang lokasyon lamang.

Napakamot na lamang si Li Xiaolong sa kaniyang narinig mula sa kaniyang sariling ina. Hindi niya alam kung ano ang irarason niya rito kaya mabilis siyang nag-isip ng solusyon patungkol sa kung paano niya maipapaliwanag ito sa kaniyang ama lalo na sa kaniyang sariling ina.

"Oo nga anak, tama ang iyong ina. Muntik na kong masilaw sa pambihirang kayamanang nasa harapan ko ng hindi ko lamang inaalala o tinatanong sa'yo kung saan ito nanggaling. Baka sabihin ng ina mo na kinokonsenti kitang bata ka." Sambit ng lalaking si Li Qide na siyang ama ng batang si Li Xiaolong.

Napanguso na lamang ang batang si Li Xiaolong sa naging turan ng kaniyang sariling ama na tila ba pinapalabas pa nito na hijdi siya nito kinakampihan at hindi ito nasilaw sa pambihirang kayamanang nakikita niya ng malapitan at abot-kamay na nito sa kaniyang kinauupuan.

Napanguso na lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong sa naging resulta ng kaniyang biglaang pagsabi sa kaniyang ina at ama na siyang kaniyang tumatayong ilaw at haligi ng kanilang tahanan. Mabuti na lamang at mahimbing na natutulog pa rin ang kaniyang sariling kapatid kundi ay maaabala ang kanilang masinsinang pag-uusap ng kaniyang sariling magulang.

Napahinga muna ng malalim ang batang si Li Xiaolong at bumuga ng hangin at nagwika.

"Hindi ko magagawang magnakaw ina at ama, may tiwala po ba kayo sa akin? Kung may lakas po kayong ipagtanggol ang mga sarili niyo ay maaari kong sabihin ang lahat ng mga bagay na ito." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong. Bakas sa boses nito ang pagiging matapat at makikita sa pares ng mata nito na hindi ito nagsisinungaling.

Tila natigilan naman ang mag-asawang si Li Qide at Li Wenren sa tinuran ng kanilang sariling panganay na anak na si Li Xiaolong. Kung titingnang maigi ay hindi naman sila nagdududa sa anak nila ngunit nais lamang nilang magsabi ng totoo ang panganay na anak nito.

"Hindi naman sa ganon anak, nais ko lang na magmula sa iyo mismo ang mga paliwanag na ito lalo na at kung paano mo nakuha ang mga bagay na ito.Bilang isang ina ay nagkulang ako sa pagbibigay ng magandang buhay sa inyo ng kapatid mo." Malumanay na sambit ng babaeng si Li Wenren habang pinagsisihan nitong sinabi ang mga bagay-bagay na ito lalo na sa kung paano nakuha ng kaniyang sariling panganay na anak na si Li Xiaolong ang mga pambihirang bagay (Blood Gem Crystals) na ito na siya lang. Tila nakonsensya siya at pinagsisihang gamitin ang mga bulgar na salitang iyon kanina. Bilang isang ina ay masakit sa kaniyang isiping nagkulang sila sa mga pangangailangan ng kanilang anak lalo na sa kaniyang sariling anak na si Li Xiaolong.

"Ah eh, pagpasensyahan mo na kami anak ha, nabigla lang kami sa mga bagay-bagay na ito lalo na at sa usaping pambihirang kayamanang materyal ay hindi namin maibigay sa iyo iyon. Tanging ang pagmamahal at pagkalinga lamang namin ang aming maibibigay. Ako na siyang tumatayong tatay mo ay hindi ko man lang naibigay sa iyo iyon kaya ganon lamang ang aming naging reaksyon." Malungkot na saad ng lalaking si Li Qide na siyang sariling ama ng batang lalaking si Li Xiaolong. Tila ba nahihiya siya sa kaniyang sariling panganay na anak na si Li Xiaolong dahil bilang ama ay nagkulang ito sa mga materyal na bagay na hindi niya maibigay-bigay. Yung tipong hindi niya kayang bilhin man lang ng sarili niya lamang.

"Wag niyo pong sisihin ang sarili niyo inay at itay. Ang makasama ko lamang kayo at masigurong ligtas kayo ay okay na sa akin yun. Isa pa ay para talaga sa inyo iyan at minina ko po iyan para sa inyo. Ipinapangako ko sa inyo ina na sa pagkakataong ito ay sasabihin ko na po lahat ng bagay na tinatago ko at ipapalasap ko sa inyo ang marangyang buhay." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang kakikitaan ng galak at saya sa kaniyang puso. Sinasabi niya ang lahat ng ito upang hindi naman mabigla ang kaniyang ama at ina sa mga susunod na mga kabanata ng kanilang buhay na tatahakin. Mahalaga sa kaniya ang kaniyang mga magulang kaya lahat ng mga bagay na tinatago niya ay gusto niyang sabihin sa mga ito kaysa magmula pa sa iba ang mga bagay na sana'y sa kaniya mismo manggaling hindi ba. Ayaw niyang magkaroon ng sama ng loob o hinanakit ang kaniyang sariling magulang sa kaniya.