Naramdaman niya ang isang nakakatakot na presensya sa kaniyang likod kung saan ay mabilis isyang pinag-aatake ng nasabing babaeng halimaw na Wild Wolf habang todo iwas naman ang batang si Li Xiaolong.
PHEW! PHEW! PHEW! PHEW! PHEW! PHEW! PHEW! PHEW! PHEW! PHEW! ...!
Sa kasamaang palad ay hindi man lang nakatama maski isa ang nasabing halimaw at puro hangin lamang ang natatamaan nito. Isa itong napakasamang senyales na hindi kayang tapatan ng nasabing babaeng halimaw na Wild Wolf ang bilis at liksi ng batang si Li Xiaolong.
Naramdaman ng batang si Li Xiaolong ang tila papatigil na sanang atake ng halimaw na siyang ikinangisi nito.
"Aalis at titigil ka na, not anymore!" Sambit ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang isipan habang mabilis itong lumapis sa pwesto ng halimaw at mabilis nitong sinuntok sa tiyan ang nasabing halimaw na Wild Wolf.
BANGGGGGGGGG!!!!!!
Tila nanlaki ang mata ng babaeng halimaw na Wild Wolf habang animo'y biglang naramdaman nito ang obayong sakit sa kaniyang tiyan mismo sa tinamaan ng batang si Li Xiaolong.
Tila lumipad naman paitaas ang katawan ng nasabing babaeng halimaw na Wild Wolf kung saan ay tila napatihaya ito sa ere habang nanlalabo ang pares ng mata nitong nanlalaki pa rin sa labis na sakit na nararamdaman nito na gumuhit mismo sa pares ng mata nito.
Ngunit hindi pa nakontento ang batang si Li Xiaolong sa ginawa nitong atake. Hindi rin nito mapigilang magbitaw ng salita.
"Kung ano ang ginagawa niyo ay siyang babalik sa inyo hahaha!!!!" Makahulugang sambit ng batang si Li Xiaolong at mabilis itong naglaho sa ere.
Mabilis namang lumitaw ang batang si Li Xiaolong sa kinaroroonan ng ibabaw ng nasabing Nakatihayang halimaw na Wild Wolves at mabilis niyang pinalasap rito ang isang Roundhouse Kick.
"PENGGGGGGGG!" Isang malakas na tunog sa pagtama ng atake ng batang si Li Xiaolong sa katawan ng nasabing babaeng halimaw na Wild Wolf habang makikita na ng tuluyan ang tila pagpiksi ng katawan nito at tila namimilipit na sa sakit ang nasabing halimaw kung saan ay wala itong nagawa kundi ang bumulusok pailalim ang buong katawan nito.
BAAAANNNNNNGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!
Sa pangyayaring ito ay mabilis na sumabog ang lupang pinagbagsakan ng nasabing babaeng halimaw na Wold Wolf habang mabilis itong nagresulta ng napakakapal na usok dulot ng nasabing malakas na impact ng pagsabog.
Tila ba palipat-lipat lamang ang tingin niya sa dalawang lugar na pinagbagsakan ng dalawang mag-asawang halimaw na iyon kung saan ay hindi nagtagal ay nahawi ang makapal na usok at bumungad sa kaniya ang unconscious na kalagayan ng mag-asawang halimaw na Wild Wolves.
"Nababagay pamang yan sa inyo. Pasalamat kayo at mabait ako at yan lang ang ginawa ko sa inyo hmmmp!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang nagpipigil ito ng kaniyang sariling inis o anumang emosyon rito. Masyado kasing brutal ang pamamaraaan nila at hindi naman siya masisisi kung gumanti siya.
Napakarami ng mga ito at nasa ambush state sila kung saan ay dalawa lamang sila ng nagsasalitang quoll na si Fai habang napakarami ang bilang ng Wild Wolves na ito. Alangan namang maging mabait sila sa mga ito at hayaang saktan lamang sila ng mga ito or worst is mapaslang. Malinis ang konsensya ng batang si Li Xiaolong na isa lamang itong Defensive Tactic o self-defense. Alangan naman kasing kapag inatake sila ay batuhin lamang nila ito ng tinapay, like hello... walang fairytale na nangyayari dito at nakakalungkot mang isipin ngunit masalimuot ang mabuhay sa mundo ng Cultivation World na ito. Ang malalakas lamang ang maghahari at patuloy na lalakas habang ang mahihina ay magiging mahina na lamang magpakailanman.
Ngunit mabilis namang na-divert ang atensyon ng batang si Li Xiaolong nang makarinig siya ng pamilyar na boses sa hindi kalayuan.
Puahhh!
Narinig niyang sumuka ng dugo ang nagsasalitang quoll na si Fai sa isang malapad na batuhan kung saan ito naroroon kanina upang makipaglaban.
Mabilis namang pinuntahan ito ng batang si Li Xiaolong ngunit kasabay rin nito ay nawalan ng malay nagsasalitang quoll na si Fai.
Tila nalungkot naman ang batang si Li Xiaolong habang nakikita nito ang maraming pasang natamo ng kaniyang sariling kaibigang quoll na si Fai. Ramdam niyang masakit ang mga parteng nasugatan o nagtamo ng mga pinsala nito at talagang nahimatay pa ito. Labis namang nag-alala ang batang si Li Xiaolong dahil sa pangyayaring ito. Hindi niya kasi lubos aakalaing aabot sa puntong ito kung saan ay napilitang makipaglaban ang dambuhalang nilalang este feeling malaking nilalang na nagsasalitang quoll na si Fai at matapang nitpng hinarap ang kaniyang sariling kalaban ngunit sa kasamaang palad ay marami pa pala itong dapat kaining Cultivation Resources bago pa nito maisipang labanan ang mga mababangis at napakadelikadong nilalang na ito katulad ng halimaw na Wild Wolves.
Hindi naman nagdalawang isip ang batang si Li Xiaolong at Mabilis na nilapitan nito ang nagsasalitang quoll na si Fai na nasa nakakalunos na kalagayan. Gamit ang enerhiyang taglay ay mabilis niyang ginamot ang mga malalang pinsalang natamo nito.
Hindi nagtagal ay mabilis ngang nagamot at naghilom ang mga pasa at mga sugat ng nasabing quoll na si Fai ngunit tila natutulog pa at walang sign na magigising ito anytime sa madaling panahon lamang.
Imbes na mag-aksaya pa ng oras ang batang si Li Xiaolong ay nagpatuloy lamang siya sa paglakad pauwi habang inilagay niya sa ibabaw ng kaniyang uluhan ang nasabing nagsasalitang quoll na si Fai. Nasa maayos na rin ang kalagayan nito at masasabing ligtas na ito sa kapahamakan.
"Napakapasaway mo talaga Fai. Ewan ko ba sa mga Wild Wolves na 'to, patulan ba naman ang kawawang pusang mukhang daga na to tsk!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang tila may inis pa rin sa tono ng pananalita nito sa mga halimaw na nang-ambush sa kanila at hinitay talaga sila sa masabing entrance ng kweba papunta sa Blood Gem Crystal Mine. Ngunit masasabi niyang may kasalanan din siya sa nangyari. Masyado niyang nakaligtaan ang oras at hinayaang ipagtanggol siya ng maliit na nilalang na nasa kaniyang uluhan ngunit nakaramdam naman ng kakaibang paghanga at emosyon ang batang si Li Xiaolong dahil kaya palang ibuwis ng munting nilalang na si Fai ang buhay nito upang protektahan siya nito. Masasabi niyang sa pangyayaring ito ay napatunayan niyang tunay niyang kaibigan ang nasabing nagsasalitang quoll na si Fai. Ipinapangako niyang poprotektahan niya rin ito kagaya ng pagprotekta nito sa kaniya.