Chapter 51 - Chapter 50

Chapter 50:Athena's new family

SUNUD-sunod na nag-sulputan ang mga kaibigan ko, tapos lalabas na kaagad. Tila sinisilip lamang nila ang asawa ko. Napailing na lamang ako.

"Baby, maghihintay na naman ba kami ng bukas? Ubos na ang bukas namin pero maghihintay pa rin kami sa 'yo. Maghihintay pa rin ako sa 'yo. Wake up, soon, Art..." mahinang bulong ko malapit sa kanyang tainga at hinawakan nang mahigpit ang kanyang kamay.

Napangiti ako nang humigpit din ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Ayos na ako, kontento na ako kahit 'yong kamay niya lang ang gumagalaw. Kahit ganito lang ay mararamdaman kong buhay siya at patuloy na lumalaban.

***

"Athena, maging masaya ka sa bago mong pamilya. Simula ngayon ay sasama ka na sa kanya," sabi ng isang madre na nangangalaga sa mga batang wala ng mga magulang.

Tumingin sa akin si Athena at hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo ngayon sa isip niya.

But later on, ngumiti rin siya sa akin at yumakap.

"Ikaw na po bago ko papa?" inosenteng tanong niya sa akin at tinanguan siya.

"Puwede mo akong tawaging, daddy."

"D-Daddy... May mama rin po ba ako?"

"Yeah, makikita mo siya ngayon."

Isang linggo lang ang process ng adaptions paper ni Athena at naging legal parents niya kami ni Art. Pero hindi rin naman namin tinanggal ang surname ng parents niya. Ayoko namang tanggalan ng karapatan ang tunay na magulang ni Athena.

Nakadugtong pa rin ito.

Nag-desisyon akong ampunin si Athena dahil unang kita ko pa lang sa kanya ay pinaalala na niya sa akin ang asawa ko.

And I know, Art accepted this adorable child. Parang mini-version niya lang at kung hindi ko lang kilala ang asawa ko at si Athena ay baka pagkakamalan ko pa silang mag-ina.

Pagkatapos no'n ay nagpaalam na kami sa punong madre at pumunta na kami sa hospital.

***

"Who is she?" salubong na tanong sa akin ni Crimson nang makapasok kami sa loob ng private room ni Art.

Nandito na naman lahat ang mga kaibigan ko, well, except Cervin. Maybe he's with his wife, not Shin.

Isa pa, hindi 'yon basta-basta makakapunta rito kung narito ang mag-kambal at si Hillarus.

Dahil hindi makakaalis ang kaibigan ko kung walang pasa sa mukha o putok ng labi.

Cervin is now on my foot, nga lang tapos na ang paghihirap ko sa kamay ng mga ito.

"Don't look at her like that," mariing sambit ko kay Crimson. Natakot kasi si Athena kaya nagtago ito sa binti ko. Mahigpit din ang pagkakahawak nito sa akin.

"Mukha ka kasing momo, kaya natakot ang bata," natatawang komento ni Jai sa kanya kaya naman ay binato niya lang ito ng popcorn na kinakain nila.

"Hi, baby girl. What's your name?" malambing na tanong naman ni Kierson pero mas sumiksik lang sa akin si Athena.

Nakakapagtaka. Malapit ang loob ni Athena sa mga estranghero.

Natawa sina Taki, Hiro at Hillarus. Si Crimson na poker face lang. Habang si Drimson ay busy sa phone niya pero nakaupo ito sa gilid ng kama ng asawa ko.

"Mukha ka ring momo," Dra.Even commented.

Siya naman ang lumapit kay Athena at hindi ito natakot na ikinatuwa naman ni Dra.Even.

"Girls power," malawak ang ngiti na sabi nito.

"Ano'ng pangalan mo munting binibini?"

"A-Athena po..." sagot ni Athena at napapalakpak pa ang doctor.

"Parang Arthea lang!"

"Athena, huwag kang matakot sa mga momo na 'yan. Mabait na momo naman sila," natatawang sabi ni Dra.Even.

Napasimangot ang mga kaibigan ko.

"Guwapong momo rin," Hiro said pero binara lang siya nito.

"Panget na momo nga lang. Athena, ako si Evenna. Puwede mo akong tawaging tita Even," nakangiting pagpapakilala niya.

Tinuro naman niya si Crimson na kung kanina ay salubong ang mga kilay ay ngayon nakangiti na. "Siya si tito Crimson."

"Hi, Athena," Crimson greeted Athena at napangiti na ang bata.

"Tito Crimton?" patanong na bigkas nito sa pangalan ni Crimson.

"Aw, cute. Hayon, kambal niya 'yon, si tito Drimson. Hey, ginoong Drimsom! Say hi to Athena," Dra.Even said.

"Hi, Athena," nakangiti namang bati nito.

"Tito Drimton," pag-uulit ni Athena.

Napatawa na lang ako.

"Siya naman si tito Kierson, si tito Taki, tito Jaickel, tito Hillarus."

"Tito Kierton, tito Taki, tito Daikel, a-at tito Hiyarut?"

Mas natawa na nga sila sa pangalan ni Hillarus. Si Taki lang ang naibigkas niya ng tama.

"She's my daughter, now guys," I said at mukhang nagulat sila.

"She looks like Art, right?" I added at si Drimson ang sumang-ayon sa akin.

"Indeed. Innocent and adorable."

"And I'm tito Cervin," biglang singit naman ni Cervin.

"Tito Terbin?"

Mabilis ding lumabas si Cervin lalo na nang tumayo ang tatlo at hinabol na naman nila ang kawawa kong kaibigan. I just ignore them. Sakit ulo lang ang dala nilang apat. Parang aso't pusang naghahabulan.

***

"Tino (sino) po tiya? (siya)" Athena asked me, innocently.

"She's your mommy, mommy Arthea."

"M-Mommy Althea? Bakit po tiya tuyog? (siya, tuloy)."

"Magigising din siya, soon."

Hinawakan naman ni Athena ang kamay ni Art at namilog 'yong mga mata niya.

"Gumagayaw (gumagalaw) po kamay niya," namamanghang sambit nito. I patted her head.

"Kausapin mo lang ang mommy Art mo, Athena. Gisingin mo siya," sabi ko.

"Giting na po kayo mommy Alt..."

Kahit ano pa ang gawin ni Athena, ang paulit-ulit na pagyugyog niya sa balikat nito at pagsundot-sundot sa pisngi ay wala pa ring senyales na magigising na siya.

Lumipas pa ang tatlong buwan at mahimbing pa rin ang tulog niya. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa.

Alam ko naman na magigising din naman siya. Kung hindi man lang ngayon ay alam kong malapit na.

I wait for her, still. I waited for her to wake up, a year ago. And I didn't give up.

Mahal na mahal ko siya at hindi ako magsasawang hintayin siya.

Ganito naman ang nagmamahal. Handa kang maghintay ng ilang taon para lamang sa taong mahal mo.

Maghihintay ka kahit walang kasiguraduhan na kung may hinihintay ka pa nga ba.

Pero kung patuloy ka pa ring maghihintay at magtitiyaga, ay alam kong may surpresa ang may kapal.

***

'Yong isang taong tulog lang si Art ay naging two years na. Dalawang taon siyang tulog. Masyadong mahimbing ang pagkakatulog niya at tila ayaw na niyang magising pa.

But I don't want to accept that. Magigising din naman siya. Alam ko, alam ko, eh. May tiwala ako sa kanya.

"Malaki naman na ang improvements ng pasyente ko, pero siguro nag-aadjust lang ang brain niya at ang katawan niya sa mga gamot na iniinom. Hindi lang natin masasabi kung naka-recover na siya sa SCA hangga't wala pa siyang physical therapy," pagpapaliwanag ni Hiro.

Kasalukuyan kaming nag-memeeting tungkol sa kalagayan ni Art.

"But, Dr.Hiro. Masyado ng mahaba ang panahon na tulog pa rin ang pasyente," ani Dr.Jai.

"Naging normal naman ulit ang kondisyon niya. 'Yong heartbeat niya at blood pressure. And I think good news na 'yon sa atin. Hindi na rin humihinto ang tibok ng puso niya," Dra.Even explain.

"Dr.Cervin's medicine is a big help for her body and especially to her heart. Na-contain nito ang puso niya at normal na ulit ang pagtibok nito," si Taki naman ang nagsalita.

"Maaari rin na pagod lang ang brain niya? Hindi ba't ito rin ang dahilan kung kaya't unti-unti siya nitong kinakain ng kahinaan? Siguro bumabalik lang sa normal," ani Jai.

Nasa loob pa lang kami ng laboratory nang tumunog ang alarm na connection sa private room ni Art.

Nagkatinginan kami at tila iisa lang 'yong tibok ng puso namin.

"Kuwentuhan ko po kayo, maganda po ito," dinig kong sambit ng batang babae.

Kanina pa siya nag-iingay o madaling salita. Madalas kong naririnig ang boses niya at wala ring bukas ang pagdadaldal niya.

Nakakatuwa, isa pa bulol na bulol ang pagsasalita niya. Kahit naiingayan ako sa kanya ay may kung ano rin sa akin, sa puso ko na pakinggan ang boses ng batang babae.

Maliban sa paiba-ibang boses ang naririnig ko ay itong boses naman ito ang bago kong narinig.

Nakakasawa rin ang mga 'yon at puno ng kalokohan kahit hindi ko nakikita.

Mabigat ang katawan ko at hindi ko ito maigalaw. Pero maayos naman ang paghinga ko at wala naman akong dinaramdam na sakit.

Mabigat din ang talukap ng mga mata ko. Tanging ang mga kamay ko lang naman ang nagagawa kong igalaw.

Humigpit ang pagkakahawak sa aking kamay. Maliit ito kumpara sa mga kamay na naging pamilyar na sa akin.

"May itang (isang) Diyota (Diyosa) ang umibig ta (sa) itang mortal," pagku-kuwento nito sa akin at kumunot ang aking noo.

Sa mga nakalipas na araw ay puro kalokohan din naman ang mga kinu-kuwento niya sa akin.

Ayon 'yong mga butiki na nagmahal sa I sang daga, o umibig sa aso o lahat ng hay*p sa mundo ay kanyang nai-kuwento na.

Bago ang diyosa ngayon.

"Mahal nila rin po ang ita't-ita, (isa't-isa) ang kato (kaso) hindi po tumulpot (sumulpot) ta katal (kasal) nila ang lalaki. Tabihin niyo po kung bakit hindi tiya pumunta?" Ako marahil ang tinatanong niya pero huwag kayo. Siya lang naman ang sasagot sa sariling tanong.

"Bakit?" See? Haha, nakakatawa talaga ang batang ito. Sino kaya ang mga magulang nito? Napaka-suwerte nila dahil napaka-adorableĀ ng bulol-bulol na bata. Haha.

Gumaan 'yong talukap ng mga mata ko at dahan-dahan kong naimulat ang mga mata ko. Mabilis akong pumikit dahil nakakasilaw ang ilaw nito. Pero nag-adjust naman ako.

"Kati po hindi naman po tayaga diyota ang babae! Ita po tiyang magkukulam. Kaya nalaman ng lalaki, kaya niya iniwan ang pekeng diyota!" natatawa niyang sambit at namangha ako nang tuluyan ko na siyang makita.

Nakaupo siya sa gilid ko at nakasampa sa kama. Ang cute-cute ng headband niya at pink na pink ang suot.

Tawang-tawa lang siya at tumingin sa akin.

"Natawa po ba kayo? 'Di ba nakakatawa 'yon?" Patuloy pa rin siya sa pagtatawa niya at nahahawa ako.

Pero kaagad na huminto siya at namimilog 'yong mga matang tiningan ulit ako.

"AHHH!" Napapikit ako nang bigla siyang sumigaw.

Maliit lang naman ang boses niya pero ang sakit sa tainga.

"Athena? What's the matter, baby?" Pumasok naman ang lalaking pamilyar sa akin.

"M-Mommy..." nauutal nitong sabi at tinuro ako.

Mabilis naman akong tiningnan ng lalaki.

"Eh? Bakit ka naman sumisigaw? Si Art lang 'yan...Art?! Holy sh*t! You are finally awake!" natatarantang sabi nito at may kung ano'ng pinindot.

Lumapit sa akin ang bata at hinaplos ang pisngi ko na kaagad ko namang hinuli ang maliit niyang kamay.

"Ang ganda po niyo kapag giting. Huwag na po kayong matuyog," ani nito at napangiti ako.

Ilang saglit pa ay may mga kalalakihan na ang pumasok sa loob ng silid.

Hindi ko mawari kung bakit nagmamadali sila.

"W-What...what's wrong, Hillarus?"

"Art?!"

"Arthea?!"

Tiningnan ko...ang tumawag sa akin. Napangiti ako nang makita ko ang lalaking may luha na sa kanyang mga mata.

Para itong nauupos na kandila and any moment matutunaw na siya.

"M-My baby...Art. You're awake, b-baby..." He caress my cheek.

"She...s-she."

"Baby..."

"L-Lervin..." bigkas ko sa pangalan niya.

"Oh, G-God...my baby..."

***

#GS1:SIBG