Chapter 53:Happy ending, begin
THREE months later...
"OKAY, one step..."
"Argh! I'm t-tired," nakangusong sabi ko at inilingan ko si Lervin na inaabangan na akong makalapit sa line na lalakarin ko.
Two hours din ang tinagal-tagal namin sa physical therapy ko. Three months na akong nag-undergo ng physical therapy at malaki na nga ang improvements. 'Yong paglalakad ko lang ang hindi pa masyadong okay.
Para nga akong na-stroke at paralisado talaga ang mga paa ko. Mabigat at mahirap ihakbang.
Si Dra.Even ang doctor ko sa physical therapy ko. Kahit na neurologist doctor siya pero siya pa rin ang kinuha ng seloso kong asawa.
Nag-aral din naman si Dra.Even as a therapist.
"She's tired, okay. Break na muna tayo," ani Dra.Even at lumawak 'yong ngiti ko.
Mabilis na inalalayan na ako ng asawa ko at pinaupo na ako sa bench. Saka niya pinunasan ang pawis ko sa leeg at noo.
"Are you feeling better? Nahirapan ka ba sa therapy mo, baby?" malambing niyang tanong sa akin at nginitian ko siya.
"Sa tingin mo?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.
Napa-pout pa siya. Akala mo naman cute siya. Pero totoo naman.
"Baby, the last time I check we're fine. Before ka natulog ng two years ay ayos pa naman tayo, ah? Tama na ang cold treatment mo sa akin, baby..." paawang sabi niya at tinulak ko pa siya kaya napaupo na siya sa floor ng hospital.
"Baka nakakalimutan mong may atraso ka pa sa akin?" masungit na sabi ko at hinawakan naman niya ang kamay ko at pinaghahalikan ito.
"I did that for Shin. Ayokong pangunahan ang desisyon niya. Saka kung hindi ko siya nakita noong araw na 'yon ay baka hindi ko rin alam kung saan na siya pupunta. Isa pa, quits na naman kayo ni Cervin. Kasi nilihim ko rin 'yon sa kanya. Kahit kitang-kita ko sa kaibigan ko na nasasaktan na siya at mukha na siyang mamamatay," mahabang sambit niya pero inilingan ko lang siya.
"Baby...Art..."
"Paano naman ang ginawa mo sa akin four years ago?" akala ko magmamakaawa na naman siya pero nakita kong yumugyog na naman ang balikat niya.
Senyales na umiiyak na naman siya. Well, hindi na 'yan bago sa akin. Sa tuwing pinapaalala ko sa kanya ang ginawa niya sa akin noon ay siya lang din ang nasasaktan at umiiyak.
Ako? Naka-move on naman na ako pero may scar na sa puso ko. Mahirap naman kasi kalimutan ang mga masasakit na alaalang 'yon.
Magiging aral pa 'yon, sa 'yo. Hay.
"I'm so sorry, Art. Sorry..." Tsk. Iyakin. Nakakatuwa siyang panoorin. Umiiyak na parang bata.
"Tumayo ka na nga riyan. Sasabihin pa nilang inaaway kita," sabi ko at umismid.
Umupo na siya sa tabi ko at naglalambing na niyakap ako.
"Pinapaalala mo sa akin tapos mag-e-enjoy kang tingnan akong umiiyak. M-Masakit, Art. Sobrang sakit ang maalalang sinaktan kita. Kaya buong buhay ko na 'yon pagsisihan, eh."
Naantig naman daw ang puso ko kaya sa huli naging marupok din ako. Pinatawad ko naman siya. Kasi alam ko na hindi niya ako binitawan. Hindi siya sumuko para sa akin. Nag-eemo lang ako.
"Sorry na, Lervin babe. Natutuwa lang kasi akong makita kang umiiyak," natatawang sabi ko and he groaned.
"Ang cute mo kasing umiyak, eh," ani ko at sinubsob na lang din ang mukha niya sa leeg ko.
"Amoy pawis pa ako, babe, eh."
"Okay, love birds. Hindi pa ba kayo pupunta kina Dr.Cervin? Ngayon ang operations ni Ms.Shin," singit ni Dra.Even.
Oh, nakalimutan kong nandiyan pa pala siya. Tinulak ko na si Lervin na mukhang hindi nahihiya sa ginagawa niya.
"Oo nga po pala."
"Okay, I'll go ahead na. Isa ako sa mga doctor ni Ms.Shin," pagpapaalam niya sa akin at naglakad na siya palayo sa amin.
Nagkasalubong sila ni Dr.Hiro at kaagad na umakbay kay Dra.Even. Oh, well. Nalaman ko lang kay Lervin na mag-jowa na pala 'yong dalawang 'yon.
"Tara na sa private room ko, babe. Magpapalit na ako, gusto kong makita si Shin bago siya operahan," sabi ko at tumango naman siya.
Tinuro ko sa kanya ang dalawang saklay ko. Hindi na ako gumagamit ng wheelchair dahil puwede naman ang saklay ang gagamitin ko.
"I'll carry you, baby. Baka mahuli tayo," aniya at tinanguan ko na lang siya bago niya ako buhatin.
***
"Kaya mo naman, 'di ba? Hindi ka naman siguro susuko, 'di ba?" malungkot kong tanong kay Shin.
Nakahiga na siya sa stretcher at naghihintay lang kami ng oras sa operasyon niya.
Ang laki ng pinayat ng kaibigan ko at kitang-kita sa face niya na nahihirapan na siya.
Seven months na naman ang baby niya kaya nag-desisyon na ang doctor niyang i-deliver ang bata, I mean ilabas.
Hinawakan ko ang nanghihina niyang kamay at tumulo na ang mga luha ko nang makita siyang tipid na ngumiti.
"Hindi na kita kaibigan kung susuko ka. Kaya lumaban ka. H-Hindi lang 'to para sa amin. Para sa baby mo, S-Shin."
"H-Huwag ka n-na ngang umiyak. A-Ang panget mo p-pa naman," nahihirapang sabi niya at hinagod naman ng asawa ko ang likuran ko.
"She will be fine, baby. Katulad mo ay malakas din siya," pag-aalo sa akin ni Lervin.
Ganito pala ang pakiramdam ni Shin noong ako naman ang nahihirapan at nag-aagaw buhay.
Masakit pala talaga mawalan ng kaibigan. Lalo pa na nag-iisa lang si Shin. Hindi ko lang siya basta-bastang kaibigan. I treated her like my real sister.
"W-Where's C-Cervin?" tanong niya at inilingan ko siya.
"Nasa Japan, may honeymoon," sabi ko kahit biro lang 'yon.
"Hey, that's not true!" biglang singit ni Cervin.
"Don't believe her, honey. Are you okay, now?" tanong ni Cervin sa kaibigan ko at naglalambing na kay Shin.
Inilayo na ako ni Lervin at sinuntok ko pa si Cervin sa braso niya pero hindi naman niya ininda.
Ako pa yata ang nasaktan. B*wisit na matigas na brasong 'yan.
"Hindi masakit, Mrs.de Cervantes," tawa niya sa akin at simaan ko siya nang tingin.
Hinaplos naman ng asawa ko ang kamay kong kumikirot na.
"Don't be marupok, Shin," pagpapaalala ko kay Shin at mahinang tumawa pa siya.
"Matulog ka rin ng two years, Shin," habol ko pa at malutong na nagmumura ang doctor na bebe ni Shin.
"Hey, don't cursed my wife!" sigaw ni Lervin sa kaibigan.
"Honey, huwag mong tularan si Art. Huwag kang matulog, ha?"
Natawa na ako sa sinabi niya. Takot din pala.
"I'm tired..." Napahinto ako sa sinabi ni Shin. Dalawang kataga lang 'yon pero malaki ang impact sa amin.
"You can rest, honey. But don't give up fighting, alright?"
Bakit nga ba naging g*go rin si Cervin? Mukhang mahal na mahal naman niya ang kaibigan ko pero bakit niya nagawang saktan ito?
Iyong life ni Shin ay napaka-komplikado. Sabihin na nating mas malubha ang sakit ko noon kasi wala itong lunas sa una. Pero si Shin, puwede siyang operahan at gumaling lang siya.
Pero may baby sa tummy niya at puwede nilang ikapahamak mag-ina. Lalo pa na isa lang daw ang maaaring makaligtas.
Pero naniniwala ako sa Diyos. Makaka-survive si Shin at alam kong kaya niya.
Isa pang komplikado, may asawa't anak si Cervin. At sino kaya ang pipiliin niya? Ang mag-ina niyang legal family niya o ang isa pa niyang mag-ina na pamilya niya rin pero hindi naman na legal?
Parang natulad na yata si Shin sa binabasa naming nobela na unwanted family. Si Reolla Moon. Hay, naku.
"Cervix..." mahinang sambit ni Shin.
Nalukot 'yong face ng bebe niya.
"Who's Cervix?" Cervin asked my friend.
"G-Gusto kong Cervix a-ang ipangalan m-mo sa a-anak ko," nauutal pang sabi ni Shin. Halatang nahihirapan na siya, eh. Pero nagsasalita pa rin.
"Huwag ka na munang magsalita, Shin," saway ni Crim.
Nandito rin ang iba naming kaibigan. Hindi naman nila kami tinalikuran at palagi silang nandiyan.
"Anak natin. A-Anak natin, honey. Anak ko rin ang batang dinadala mo," aniya. Pumiyok pa ang boses ni Cervin.
Ako na naman ang naluluha. Oh, good God. Huwag niyo pong pababayaan ang kaibigan ko.
"Cervix, alam kong lalaki ang anak natin," nakangiti na niyang sabi at hinalikan pa ni Cervin ang kamay niya.
"Alright, Cervix. M-Makikita at mahahawakan mo pa ang anak natin. Huwag ka lang bumitaw," pagpapaalala pa niya.
Dumating ang takdang oras at pinasok na ang stretcher na kinalalagyan ni Shin.
Abot-abot ang kaba naming lahat na naiwan sa labas. Hindi kasama si Cervin dahil baka mahimatay raw siya at hindi makayanan ang operations ni Shin.
Kabado kaming lahat at panay rin ang pagdadasal ko para sa kaibigan ko.
"She will be fine, right?" I asked my husband and he nooded.
"Yup, she's strong like you. Hindi siya bibitaw katulad mo. Dahil maraming nagmamahal sa kanya ang naghihintay. Magdasal na lang tayo, baby..."
Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. Nakakatakot talaga. Nakaka-kaba.
Tatlong oras ang nakalipas bago natapos ang operasyon.
Lumabas na ang mga doctor at unang nakita namin si Dra.Even na nasa kanyang bisig ang bagong sanggol.
Sabay-sabay pa kaming tumayo at lumapit. Si Cervin na umiiyak na nang makita niya ang bagong baby niya.
"It's a boy, congratulations, Dr.Vesalius."
"Oh, G-God. My baby... Welcome to the world, Cervix. My son..."
And what happened to Shin after her operations?
Is not mine to tell. Kina Cervin at Shin naman ang susunod na aabangan. Ang napaka-komplikadong kuwento nila.
Bahala na ang tadhana ang magsusulat sa kuwentong pag-ibig nila. At sa akin na lang din kung naka-survive na si Shin o hindi? Pero basta masaya na ako. Masaya na akong malaman ang nangyari kay Shin.
Alam niyo ang masakit na kasabihan? "Kung sino pa ang may malubhang sakit na walang lunas ay siya pa ang makakaligtas. Pero 'yong mag malubhang sakit din na maaaring operahan at may gamot ay sila pa ang susuko at mababawian ng pag-asa. Pag-asang mabuhay."
Naisip ko, hindi naman unfair si God. Sadyang ganito lang ang buhay na ibinigay niya sa atin.
Pagsubok, maraming pagsubok. Nasa kamay mo nakaguhit ang tadhana mo. Nasa kamay mo rin kung paano ka makakaligtas sa sakit at kung paano mo maso-solve ang problema niyo.
I am happy for you, Shin. Kung nasaan ka man ngayon ay huwag mong kalimutan na may Diyos.
May Diyos tayong maawain at siya na ang bahala sa 'yo.
Sa ngayon kami na muna ni Lervin babe ko.
#GS1:SIBG